You are on page 1of 4

Ang Tesktong Multimodal

 Mga Layunin
1. Magkaroon ng masusing ebalwasyon sa mga tekstong multimodal upang mapahusay ang kasanayan sa
pakikinig, pagbabasa at/o panonood.

2. Maipahayag ang mga idea sa pamamagitan ng mga presentasyong pasalita, audio-visual at/o web-based para
sa iba't ibang target na audience sa lokal at global na setting sa pamamagitan ng angkop na rehistro.

3. Magkaroon ng kamalayan sa awdyens at konteksto sa presentasyon ng mga ideya sa pagpapahayag.

 Pangunahing Paksa
Ebalwasyon sa mga Mensahe at/o Mga Imahen

 Ano ang ibig sabihin ng paglikha ng tekstong multimodal?


 Ang Paglikha ay binigyang-kahulugan na ‘pagbuo at/o produksyon ng pasalita, pasulat o nakaprint o nasa
anyong digital na pinagsama-sama upang matugunan ang iba't ibang pangangailangan sa iba't ibang disiplina.

 Ang Multimodal ay binigyang-depinisyon na estilong paggamit ng ‘dalawa o mahigit pang moda ng


komunikasyon’ halimbawa ay mga imahen, kilos musika, pasalita at/o pasulat na wika.

 Ano ang tekstong multimodal?


Bagama't ang pag-usbong ng literasiyang multimodal ay mahigpit na iniugnay sa pag-usbong ng komunikasyong digital
dulot ng teknolohiya, hindi nangangahulugang pareho lamang ang digital at multimodal

 Ang tekstong Multimodal ay maaaring papel – gaya ng mga aklat, komiks, posters.

 Ang tekstong Multimodal ay maaaring digital – mula sa slide presentations, e-books, blogs, e-posters, web
pages at social media, tungo sa animation, pelikula at video games.

 Ang tekstong Multimodal ay maaaring live (aktuwal) – isang pagtatanghal, pagpapamalas o pangyayari.

 Ang tekstong Multimodal ay maaaring transmedia – kung saan ang kuwento ay isinasalaysay gamit ang
‘multiple delivery channels’ na maaaring kombinasyon ng iba't ibang paraan sa paggamit ng midyum gaya
halimbawa ng aklat, komiks, magasin, pelikula, mga serye ng web at video game kung saan ang lahat ng ito ay
bahagi ng kabuoang kuwento.

 Nagagawa ng Transmedia na mas linangin ang kuwento sa bawat midyum na ginagamit gaya halimbawa ng
pagbabalik-tanaw, bago ang mismong kuwento (prequel), karagdagang mga ‘episodo’o higit pang pagpapaibayo
sa mga tauhan at banghay. (Jenkins, 2011).

 Ang mabisang komposisyong multimodal ay nangangailangan ng bagong pag-aangat ng disenyo ng mga


kasanayan at kaalaman upang magawa ng mga mag-aaral na makabuo ng matalinong pagpapasiya sa loob at
labas ng iba't ibang paraan ng moda ng pakikipagkomunikasyon upang mabisang makabuo ng tamang
pagpapakahulugan.

 Tungkol sa website (http://creatingmultimodaltext.com/)

 Nagbibigay ito ng link sa tekstong multimodal bilang halimbawa ng mga ginawa ng mag-aaral at gabay sa
pagbubuo.

 Kasama rito ang tekstong multimedia na nakaprint.


 Mayroon din itong digital na tekstong multimodal kasama ang slide presentation, animation, book trailers atbp.

 Paano gumagana ang website?

Praktikal

 Proseso ng produksyon

 Mga hanguang midya

 Karampatang-ari at pamumudmod

Pedagohiya

 Moda at sistema ng pagpapakahulugan

 Pedagohiya

 Literasiyang biswal

 Pagbasa ng mga Tekstong Multimodal

Mahalagang Ideya

Hindi na bago ang paggamit ng tekstong Multimodal. Ang bago na lamang ay ang midyum na pinaggagamitan nito at
siyempre ang taong gumagamit nito.

Komunikasyon sa Iba't Ibang Layunin


 Mga Layunin
1. Natatalakay ang apat na uri ng diskurso sa komunikasyon.

2. Nakapagbibigay ng mga tiyak na halimbawa sa bawat terminong tinatalakay.

 Apat na Uri ng Diskurso


1. Paglalahad

2. Pagsasalaysay

3. Paglalarawan

4. Pangangatwiran

Paglalahad= Pagpapaliwanag=Ekspositori
Sa pinakasimple at pinakatiyak na pagpapakahulugan, pagpapaliwanag ang ibig sabihin ng paglalahad. Tekstong
eskpositori ang iba pang tawag dito ng ilang manunulat.

Obhetibo = Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, walang kasinungalingan

Mga Uri ng Paglalahad


 Depinisyon

 Enumerasyon

 Kronolohikal

 Sekwensyal
 Prosedyural

 Paghahambing

 Pagkokontrast

 Sanhi at Bunga

 Problema at Solusyon

 Panunuri

Pagninilay

 Bakit mahalaga ang pagpapaliwanag sa buhay ng tao?

Pagsasalaysay=Pagkukuwento=Naratibo
Ang paghahabi sa mga episodo o serye ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula umpisa hanggang
wakas ay tinatawag na pagsasalaysay.

Iba’t Ibang Anyo ng Akdang Nagsasalaysay


1. Alamat

2. Pabula

3. Epiko

4. Parabula

5. Mito

6. Kuwentong-bayan

7. Anekdota

8.Maikling Kuwento

9. Dula

10. Nobela

Pagninilay

 Ano-ano ang katangian ng isang magaling na tagapagsalaysay?

Paglalarawan=Pagbibigay-deskripsyon=Deskriptibo
Anyo ng pagpapahayag na nagbibigay at nagpapakita ng anyo, hugis, kulay, at katangiang nagpapapatingkad sa
bagay, pook, tao, hayop, damdamin,at pangyayari. Maaaring ang inilalantad ay panlabas o panloob na katangian na
maaaring kapareho o kaibahan ng inilalarawan sa iba pang mga bagay.

Lahat ng pagpapahayag na nagbibigay ng isang malinaw,tiyak,detalyadong katangian ng mga bagay-bagay.

 Mga Sangkap ng Paglalarawan


1. Paksa

2. Detalye

3. Pananaw
4. Organisasyon

5. Aytem ng Mabisang Pagpapahayag

 Dalawang Uri ng Paglalarawan


1. Karaniwan

2. Masining

Pangangatwiran= Argumentatibo
Ang sining at agham ng paglalatag, pagtitimbang at paghahanay ng mga kaisipan upang mapaniwala at
mahikayat ang kabilang kampo sa isang proposisyong pinagtatalunan.

 Bilang AGHAM

Kailangan itong umayon sa isang siyentipikong pamamaraan. May mga hakbang at proseso itong
isinasakatuparan upang magkaroon ng kaayusan. Sangkot dito ang paggamit ng lohikong kaisipan upang maging kapani-
paniwala ang binibitawang mga argumento.

 Bilang SINING

Pangunahing kasangkapan ang limang pandama ng tao upang mapaniwala at mahikayat ang katunggaling
posisyon. Kasama rito ang pagkuha ng atensyon, kawilihan o interes ng mga tagapakinig at lalo na ng pasiya ng mga
tagahatol.

Proposisyon ang tawag sa paksang pinagtatalunan sa isang pangangatwiran.

Mahalagang Ideya

Nakaangkla dapat ang paraan ng iyong pakikipagkomunikasyon depende sa iyong layunin.

You might also like