You are on page 1of 7

KABANATA 5

MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON

Mga Paksa:
A. Forum, Lektyur, Seminar at Worksyap
B. Simposyum at Kumperensya
C. Roundtable at Small Group Discussion
D. Pulong at Asembliya
E. Programa sa Telebisyon at Radyo
F. Video Conferencing
G. Komunikasyon sa Social Media

DALOY NG KAALAMAN

Mga Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon


Sinasabi na hindi mabubuhay ang isang indibidwal kung hindi ganap ang kanyang
pakikisalamuha sa iba. Nangangahulugan lamang na ang kapwa mismo ang siyang
magiging daan upang mapaunlad hindi lamang ang katauhan ng isang tao kundi pati na
rin ng bansang kanyang kinabibilangan.
Sa aklat ni Roberto Ampil (2014), “ang komunikasyon ay binigyang-kahulugan
bilang pinagsamang pagkaunawa ng mensahe, at malaking bahagi ng pagtatagumpay nito
ay ang pagkakaroon ng komon na “wika” ng mga kasapi sa komunikasyon at ang
kanilang kahusayan sa paggamit nito.” Ayon naman kay Stewart Tubbs (2010), “ang
komunikasyon ay ‘bahaginan ng karanasan’ sa pagitan ng isa o higit pang mga tao.”

A. FORUM, LEKTYUR, SEMINAR AT WORKSYAP


Forum
 Ito ay isang pagtitipon na bukas para sa publiko upang magkaroon ng talastasan o
diskusyon kung saan ang pananaw o opinyon ng mga tao ay maaaring maibahagi.
 Ito ay karaniwang hinggil sa isang isyu na kailangang bigyan ng mga opinyon
upang masolusyunan.
Lektyur

 Ang Lektyur ay isang uri ng pagsasalita na


nagmula sa salitang latin na “lectura” na ang
ibig sabihin ay “pagbabasa”.

 Ito ay naglalayon na makapagturo o


makapagtanghal at makapagpabatid ng isang
ideya sa tao.
Seminar

 Ang seminar ay isang programa na may partikular na outline at pormat na


sinusunod sa isang aktibidad.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO NEUST-CAS


 Ang pagtuturo o talakayan ay nakaayon sa itinalagang speaker o tagapagsalita.

 Maraming mga seminar ang idinaraos sa labas ng akademya upang bigyang-


kaalaman ang mga propesyonal at mga manggagawa.

Worksyap

 Ito ay gawaing pagsasanay sa isang tiyak na kasanayan na isinasagawa matapos


ang isang seminar o kaya’y sa pagitan ng bawat pagtalakay.

B. SIMPOSYUM AT KUMPERENSYA
Ang simposyum at kumperensya ay halos
magkasingkahulugan na parehong tungkol sa
pagpupulong. Ang dalawa ay pagpupulong ng mga
taong may iisa o pare-parehong interesado sa paksang
tatalakayin ngunit mayroon din silang pagkakaiba.
Ang simposyum ay tila isang maliit na
bersyon ng kumperensya. Tinatalakay rin dito ang
isang partikular na isyu o usapin. Karaniwan ay mga eksperto sa isyu ang nagsasama-
sama at nagtatalakay ng kanilang mga ideya sa simposyum.
Ang kumperensya ay isang pormal na pagpupulong na inorganisa ng mga
miyembro ng isang organisasyon, grupo o mga tao upang talakayin ang isang paksa na
ang mga miyembro ay may pangkaraniwang interes.
Ang mga kumperensya ay mas matagal na panahon dahil ang isang kumpletong
pag-aaral ng paksa na pinag-uusapan ay dapat gawin kung saan ang mga kalahok ay
dapat magbigay ng kanilang opinyon.

C. ROUNDTABLE AT SMALL GROUP DISCUSSION


Ang roundtable discussion ay tinatawag
ding small group discussion kung saan
nagkakaroon ng malayang talakayan ang maliit na
grupo. Ang grupong ito ay binubuo ng 10 tao.
Walang tagapagsalita (speaker) sa roundtable
discussion, ngunit pinangungunahan ng facilitator
upang maging maayos ang pagpapahayag ng ideya
ng bawat isa hinggil sa ispesipikong paksa at isyu.

D. PULONG AT ASEMBLIYA
Pulong

 Ito ay ang regular na pagsasagawa ng isang


usapan na binubuo ng mga opisyal o kasapi
ng isang grupo o organisasyon.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO NEUST-CAS


 Isinasagawa ang isang pagpupulong upang mapag-usapan ang ilang mga isyung
kinakaharap ng organisasyon o di naman kaya’y upang pag-usapan ang mga
napapanahong plano na maaaring makatulong sa pag-unlad ng organisasyon.
Asembliya

 Ay isang malakihang pulong ng grupo ng mga tao para sa iba’t ibang dahilan.
Nilalahukan ito ng mga miyembro ng isang organisasyon o mga stakeholder nito
upang talakayin ang pinakamahahalagang isyung kinakaharap ng buong sistema
ng isang organisasyon.

 Karaniwan naman itong isinasagawa minsan sa anim na buwan o isang taon.

Apat na Elemento ng isang organisadong Pulong:


 Pagpaplano (Planning)
 Paghahanda (Arranging)
 Pagpoproseso (Processing)
 Pagtatala (Recording)

E. PROGRAMA SA TELEBISYON AT RADYO


Ang Telebisyon at Radyo ay ang mga uri ng midya o daluyan ng impormasyon na
nagpapakita ng mga gumagalaw na larawan at mga tunog na naglalakbay sa ere gamit
ang mga kagamitang makatutulong upang maabot at maging konektado sa mga ito.
Ang Telebisyon ay isa sa pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa
dami ng populasyon o taong naaabot nito. Isa sa mabuting naging epekto ng paglaganap
ng cable satellite connection ay upang maabot o marating ang malalayong pulo dito sa
loob at labas ng bansa.
Ang Wikang Filipino ang pangunahing midyum na ginagamit sa bawat
programang lokal sa telebisyon man o sa radyo. Ang mga halimbawa ng mga programang
pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino ay ang mga teleserye, balita,
pangtanghaling palabas at mga lokal na programang pantelebisyon.
May mga istasyon naman ng radyo sa mga probinsya na gumagamit ng rehiyunal
na wika, ngunit kapag sila ay nagsasagawa ng isang panayam o sila ay may
kinakapanayam ay karaniwang sa wikang Filipino sila nakikipag-usap. Mayroong mga
programang pantelebisyon at panradyo na nakatutulong upang maipamalas at mapataas
ang antas ng kaalaman at kamalayan ng mga Pilipino. Ito ay ang mga dokumentaryo, mga
balita, pampalakasan at maging mga kritikal na palabas na tumatalakay sa mga isyung
panlipunang naglalarawan ng tunay na nagaganap sa bansa.
Ilan sa mga sumusunod ay ang mga halimbawa ng mga programa sa telebisyon at
radyo:
 DZMM
 Failon Ngayon
 i-Witness
 Reporter’s Notebook

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO NEUST-CAS


 Front Row
 Investigative Documentaries
 Reel time
Ang mga programang ito ay nakatutulong upang maipahatid ang pangyayaring
nagaganap na kung minsan ay hindi naaabot ng mga mata ng lipunan. Ito ang
nagsisilbing pinto na nagbubukas at nagpapakita ng ilang mga pangyayaring tunay na
nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng ating lipunan.

F. VIDEO CONFERENCING
Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng The
International Review of Research in Open and
Distributed Learning o IRRODL (2019), ang video
conferencing ay isang instrumento na ginagamit sa
malawakang pakikipagkomunikasyon. Ang video
conferencing ay tumutukoy sa isang paraan ng
komunikasyon sa pagitan ng mga kalahok na nasa
magkalayong lugar. Itinutuloy ito ng teknolohiya ng
video kaya nagkakakitaan ang mga kalahok sa
pamamagitan ng isang screen.
May mga bersyon din na posibleng magamit ng mga estudyante upang
magsagawa ng video conference. Mas kilala ito sa tawag na video call. Kasama sa mga
aplikasyong magagamit ay ang facetime, skype at messenger video call. Ayon sa pag-
aaral na “A Scoping Review of Video Conferencing Systems in Higher Education:
Learning Paradigms, Opportunities and Challenges” (2019), mayroong tatlong uri ng
video conferencing: ang una ay ang DVC o Desktop Video Conferencing, ang
pangalawa ay ang IVC na Interactive Video Conferencing at ang ikatlo ay ang WVC o
Web Video Conferencing.

G. KOMUNIKASYON SA SOCIAL MEDIA

Ang plataporma ng social media ang isa sa pinakamalawak at mabilis na paraan


ng komunikasyon sa kasalukuyan. Ayon sa pag-aaral ni Lamdag Vol.7 no.1, (2016), sa
panahon ngayon ang Social Media ay naging bahagi na ng pang araw-araw na buhay ng
milyon milyong Pilipino.
Ayon rin kay Osterreider (2013), ang social
media ay mayroong malaking ginagampanan
sa ating buhay. Halos ang ating pang araw-
araw na pamumuhay ay hindi lumilipas ng
hindi natin ginagamit ang isa o higit pang
social media platforms tulad ng twitter,
Instagram, youtube at iba pa.
Sa katunayan nahihigitan na nito ang
tradisyonal na mass media tulad ng radyo,
telebisyon at print sa dami ng gumagamit nito.
Sa katunayan ang ating bansa ang tinaguriang

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO NEUST-CAS


“Social Media Capital of the World”. Ang pangunahing anyo nito ay ang Facebook,
Instagram at Twitter.
Dapat na nagagabayan ang mga social media user ng mga etikal at legal na
konsiderasyon sa paggamit sapagkat nagiging daan din kasi ito upang makapanira,
makapanakit at makapang abuso.

***

PAGSIBOL NG KARUNUNGAN

GAWAIN 1
Pangalan:________________________ Petsa:____________________
Kurso at pangkat:__________________

Panuto: Pumili ng isang paksa/isyu sa kasalukuyan na maaaring talakayin sa seminar. Magbigay


ng mga layunin kung bakit mo ito isasagawa. Magbigay ng ilang mga mahahalagang detalye sa
paksang/isyung napili. Sundin ang balangkas na nasa ibaba.

PAKSA/ISYU: ________________________________________________________________
MGA LAYUNIN:
1.________________________________________________________________

2.________________________________________________________________

3. ________________________________________________________________

DETALYE NG PAKSA/ISYU:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Pagpupuntos sa Gawain:

Pamantayan Puntos
Makabuluhan ang paksang inilahad 20
Wasto ang mga layunin na inilahad 10
Malinaw at maayos ang mga detalye hinggil sa 20
paksa

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO NEUST-CAS


Maayos ang baybay ng mga salita 10
Kabuoan 60
GAWAIN 2
PANGKATANG GAWAIN

Panuto:
 Pangkatin ang klase sa lima.
 Pagkatapos ay magsagawa ng dalawa hanggang tatlong minutong video advocacy na
may kinalaman sa pagsugpo sa COVID-19. Ilagay ang mahahalagang detalye na
kinakailangang makita sa bidyo.

Pagpupuntos sa Gawain:

PAMANTAYAN PUNTOS

Nilalaman 20

Kahusayan sa paggawa/pag-eedit 20

Orihinalidad 20

Nasunod ang bilang ng minutong 20


kinakailangan sa paggawa
Kooperasyon ng bawat miyembro 20

Kabuuang puntos: 100

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO NEUST-CAS


KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO NEUST-CAS

You might also like