Professional Documents
Culture Documents
PANGKOMUNIKASYON
Likas na nagkakaunawaan ang mga tao dahil sa wikang ginagamit sa kanilang lugar. Inilaraan ang
sitwasyong pangkomunikasyon na wikang palaging ginagamit upang madaling magkaintindihan ang mga
taong may iisang kultura.
Ayon kay Dale (1969) Ang Komunikasyon ay may malaking gampanin sa lipunan sa pamamagitan ng
pagbabahagi ng ideya at damdamin sa estado ng pagkakaunawaan ng lipunan. Ang paghahatid at
pagbabahagi ng impormasyon, saloobin, ideya at karanasan ay maituturing na komunikasyon.
FORUM – Ito ay isang pagtitipon o asembliya na bukas para sa publiko upang magkaroon ng talastasan o
diskusyon kung saan ang pananaw o opinyon ng mga tao tungkol sa isang isyu ay maaaring maibahagi.
LAYUNIN, PAGPAPLANO AT PANGANGASIWA Malinaw na talakayin ang layunin kung bakit kailangan
isagawa ang forum. Ano ang nais makamit sa gagawing forum Ilahad ang mahahalagang mensahe at
makatotohanang datos na nais ikintal sa isipan ng mga takapakinig. Maging maingat sa pagtatakda ng
oras sa pagpaplano at siguraduhing nasusunod ang mga gawain sa itinakdang oras dahil maaari itong
magdulot ng malaking epekto sa isasagawang forum. Pag-isipang mabuti ang magiging daloy sa
isasagawang forum at isulat ang nakatakdang oras para dito.
Maghanap ng maaaring maging sponsor sa gagawing forum. Maaaring makipagtulungan sa ibang mga
organisasyon na may kinalaman sa isasagawang forum. Magtala ng mga taong mangangasiwa at
mangunguna sa pagsasagawa ng iba’t ibang mga gawaing forum.
TAGAPAKINIG Alamin kung sino ang nais na maging tagapakinig Pagpapalaganap ng impormasyon sa
gaganaping forum Maging malikhain sa pagpukaw ng atensyon sa maaaring maging tagapakinig sa
gagawing forum Gumaw ang flyers o leaflets na maaaring ipamahagi upang ipakalat ang mahahalagang
impormasyon tungkol sa gagawing forum. Maaari din magbigay ng patalastas sa mga pahayagan o
magasin, sa mga istasyon ng radyo, sa telebisyon o kilalang social networking sites upang mas mapadali
at mapabilis ang pagpapakalat ng datos.
Maaaring magbigay ng feedback forms matapos ang forum upang malaman kung ano ang naging
pagkukulang at dapat pang ayusin sa naganap na forum
Ang seminar batay sa dami ng mga taong dadalo o sa organisasyon na nais magsagawa nito, kaya inuri
ang seminar sa apat na kategorya.
URI NG SEMINAR MINI-SEMINAR- Karaniwang maliit ang bilang ng dumadalo at simple lamang. Ang
konseptong tatalakayin. Maaaring ang paksang tatalakayin ng pangkat ng mga mag-aaral ay naituro na o
ituturo pa lang.
NATIONAL SEMINAR – Inoorganisa ito ng mga asosasyon na may kinalaman sa akademya o kaya naman
ay samahan ng mga propesyonal o organisasyon at isinasagawa sa antas na pambansa. Karaniwang
inaanyayahan ang isang dalubhasa na maaaring magbahagi ng kanyang pagtalakay
MGA KOMITE NG SEMINAR Para maisagawa nang maayos at organisado ang isang seminar
nangangailangan ito ng mga tao na kikilos at mangunguna upang maisakatuparan. Nagpatalaga ng mga
tao na may kaniya-kaniyang tungkuling gagampanan. Ilan sa mga ito ay ang tagapangulo, kalihim,
tagapangulo sa usaping teknikal , tagapagsalita at tagapakinig. · TAGAPANGULO – Tagapanguna sa
pagsasawa at pagdedesisyon sa isang seminar.
· KALIHIM – Kaagapay ng tagapangulo sa pagbalangkas ng seminar. · TAGAPANGULO SA USAPING
TEKNIKAL – Tagapangasiwa sa teknikal na mga gawain sa isang seminar. · TAGAPAGSALITA – Tagapaglahad
ng mga impormasyong na may kinalaman sa paksa. · TAGAPAKINIG – Mga inaasahang dadalo sa
isasagawang seminar.