You are on page 1of 3

FILIPINO

MODULE.4

Paksa: PAGPUPULONG

Ang PAGPUPULONG ay pagtitipon ng dalawa o higit pang indibidwal upang pag- usapan ang isang komon
na layunin para sa pangkalahatang kapakanan ng organisasyon o grupong kinabibilangan nila.
Ipinatatawag ang ganitong pagtitipon kung may sapat na dami ng mga paksa o isyung dapat pag-usapan.

PARA MAGING MABISA ANG PULONG, DAPAT NA MATUPAD ANG SUMUSUNOD NA KONDISYON:

1. Ang pagpapatawag ng pulong ay may awtoridad para gawin ito.


2. Ang pabatid ng pulong ay nakuha ng mga inaasahang kalahok.
3. Ang quorum ay naabot.
4. Ang alituntunin o regulasyon ay nasunod nang maayos.

HAKBANG SA PAGSASAGAWA NG PULONG

1. Pagbubukas ng Pulong (Opening the Meeting)


2. Paumanhin (Apologies)
3. Adapsyon sa katitikan ng nakaraang pulong
4. Paglilinaw mula sa katitikan ng nakaraang pulong
5. Pagtalakay ng mga liham
6. Pagtalakay sa mga ulat
7. Pagtalakay sa agenda
8. Pagtalakay sa paksang di-nakasulat sa agenda
9. Pagtatapos ng pulong

Ayon kay Dillague (2000), tinawag na “minutes of the meeting” sa Ingles ang katitikan ng pulong. Ito ay
pagtatala ng mahahalagang pinagpulungan ng mga kinatawan o mga kasapi ng kahit anumang
organisasyon o mga sanggunian.

Ito ay mahalagang dokumento sa isang pagpupulong. Isinulat dito ang tinalakay sa pagpupulong na bahagi
ng pinag-uusapan. Nakasulat din kung sino-sino ang dumalo, anong oras nagsimula at nagwakas gayundin
ang lugar na ginanapan ng pulong.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG KATITIKAN:

1. Kailan ang pagpupulong?


2. Sino-sino ang mga dumalo?
3. Sino-sino ang mga hindi nakadalo?
4. Ano-ano ang mga paksang tinalakay?
5. Ano ang mga napagpasyahan?
6. Ano ang mga napagkasunduan?
7. Kanino nakatalaga ang mga tungkuling dapat matapos at kailan ito dapat maisagawa?
8. Mayroon bang kasunod na kaugnay na pulong? Kung mayroon, kailan, saan, at bakit kailangan?

MODULE. 5

PAKSA: AKADEMIKONG SULATIN (LAKBAY SANAYSAY)

Ang AKADEMIKONG SULATIN ay isang intelektuwal na pagsulat. Ito ay nakatutulong para mapataas ang
kaalaman sa iba't ibang larangan. Magagamit din ito para sa makabuluhang pagsasalaysay may kinalaman
sa kultura, karanasan, reaksyon, at opinyon ng manunulat.

Ang LAKBAY- SANAYSAY ay hindi lamang tungkol sa isang lugar o paglalakbay. Ito rin ay maaaring tungkol
sa nasisilayan at nadiskubre ng manunulat tungkol sa pamumuhay ng mga tao sa isang pook o pamayanan.
Naglalahad ito ng mga totoong pangyayari, tao, lugar at ideya. Naglalarawan ito ng totoong karanasan sa
buhay ng isang tao.

Layunin ng sulating ito na sinagin muli ang pinanggalingan at ang kinalakhang lugar. Binigyang-halaga rin
ng sulating ito ang pagtanto at pagsuri ng iba’t ibangtradisyon at kulturang nakagawian sa isang lugar.
HAKBANG SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

1. MANANALIKSIK

Bilang mananaliksik, bago pumunta sa destinasyon magsaliksik ka muna tungkol sa lugar na pupuntahan.
Alamin mo ang kanilang kultura, paraang pamumuhay pati na rin ang kanilang paraan ng pagkakaiba ng
pananampalataya. Dito mo matutunan ang dahilan ng paraan ng kanilang pamumuhay.

2. MAGING KAKAIBA

Bilang isang manunulat, dapat mong maakit ang iyong mambabasa. Huwag lamang ipahayag ang iyong
mga pinuntahan o nakita. Sabihin mo ang lahat ng iyong nararamdaman noong ika’y naglalakbay. Gawing
masining ang pagkakasulat para maramdaman ng iyong mambabasa na sila’y nandoon sa lugar na kasama
ka. Lalong mainam kung gumamit ng tayutay.

3. MAG-ISIP NA PARANG MANUNULAT

Tandaan na ika’y may pakay sa iyong mambabasa. Kinakailangan na iparamdam mo sa kanila na kasali sila
sa iyong paglalakbay. Ang isang manunulat ay nang-aakit sa kaniyang mga mambabasa

MODULE. 6

PAKSA: PANUKALANG PROYEKTO

Ang PANUKALANG PROYEKTO ay isang sulatin na naglalaman ng mga pangangailangan ng mamamayan.


Batay rito, maaari mo nang mailahad ang layunin ng iyong panukala mula sa pangangailangan ng
pamayanan. Nakasaad din dito kung bakit mo ipinapalagay na ito ay mahalagang pangangailangan. Ang
bahaging ito ay dapat na maikli lamang ngunit malinaw at tuwiran ang punto. Nakapaloob dito ang
paglalarawan ng pamayanan at ang panukalang proyektong iyong ibinigay.

Layunin ng PANUKALANG PROYEKTO ang mabigyang-solusyon ang mga problemang kinakaharap ng


pamayanan at makuha ang suporta ng lokal na pamahalaan o alinmang ahensiya ng pamahalaan na siyang
makatutulong upang makamit ang iyong layunin.
Ang sumusuod na gabay sa pagbuo ng panukalang proyekto ay isang mahalagang gabay upang mabuo
nang mahusay ito.

You might also like