You are on page 1of 2

FILIPINO SA PILING LARANG

Gawain 1
1. Bakit isinasagawa ang pagpuulong?
Sa pamamagitan ng pagpupulong, maaari tayong makakuha ng impormasyon, makapag
bigay impormasyon, at makahingi ng mga payo at suhestiyon. Isinasagawa ang pagpupulong
upang mapag-usapan ang mga isyu o paksa sa loob ng isang organisasyon. Ang pulong ay
isinasagawa upang matugunan ang layunin nito. Halimbawa ng layunnin ng pagpupulong ay
pagpaplano para sa organisasyon, pagbibigay impormasyon, pagkonsulta o paghingi ng mga
suhestiyon, paglutas ng problema o isyu, at pagtatasa.
2. Ano ang memorandum? Saan at kalian ito ginagamit?
Ayon kay Sudprasert (2014), ang memorandum ay tumutukoy sa isang kasulatan o
paalala tungkol sa mahahalagang impormasyon, mensahe, at tungkulin sa gagawing pagpupulong
at ditto nakalagay ang layunin o pakay ng darating na pulong. Sa pamamagitan nito, mapapabilis
ang daloy pagpupulong dahil nakasaad dito ang mga mahahalagang impormasyon na tatalakayin
at kung aano ang dapat asahan ng mga dadalo. Ang memorandum ay ginagamit bago maisagawa
ang pagpupulong. Ito ay nagsisilbing paalala para sa darating na miting.
3. Paano naiiba ang adyenda sa memorandum?
Ang memorandum ay tumutukoy sa kasulatang nagbibigay kaalaman tungkol sa pulong.
Nakasaad dito and mahalagang impormasyon, layunin, at pakay ng gagawing pagpupulong. Ang
layunin ng pulong ay ang pagbabahagi ng desisyon ng organisasyon sa mga dadalo, kaya hindi
na kinakailangan ang opinion o suhestiyon nila. Habang ang agenda naman ay kasulatan na
nagtatakda ng mga kinakailangan talakayin na mga paksa sa pagpupulong. Ang agenda ay
tumutukoy sa balangkas ng pagkasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin, kung kaya ay
nagsisilbi din itong talaan ng paksa na tatalakayin sa pagpupulong. Nakasaad din ditto ang mga
inaasahan rekomendasyon na inaasahang tatalakayin sa pagpupulong.
4. Ano-ano ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng katitikan ng pulong?
Sa pagsulat ng katitikan ng pulong, kinakailangan ang pagkakaroon ng mga
kasasngkapan n amaaaring magamit sa pagtatala ng katitikan. Kinakailangan din bumase o
gamitin ang agenda upang mapabilis ang pagtatala ng mapag-uusapan. Habang isinasagawa ang
pulong, dapat ipaikot ang listahan ng mga taong kdumalo sa pagpupulong at anyayahan silang
lagdaan ito. Ang mga kinakailangan lamang itala ay mga mahahalagang ideya o puntos, mga
suhestiyon, kung sino ang nagbanggit nito at kung sino-sino ang mga sumnag-ayon ditto. Dapat
din itala ang mosyon na pagbobotohan. Kinakailangan din na maitala ang oras ng pagsisimula at
pagtatapos ng pulong.
Gawain 2. PAGSULAT NG MEMORANDUM

San Isidro College


Impalambong, Malaybalay City
Region X

MEMORANDUM

Para sa: Mga Miyembro ng Social Sciences and Humanities Society/ Physics Society
Mula kay: Kwinne Mabelle S, Alcoser, Pinuno ng Social Sciences and Humanities Society/
Physics Society
Petsa: 13 Oktobre 2021
Paksa: Pagdiwang ng UN Week/ Science Week

Ang UN Week/ Science Week ay paparating na, kung kaya ngayong Miyerkules, Oktobre
13, 2021 kayo ay pinakikiusapang dumalo sa pagpupulong sa pagtatalakay kung paano
ipagdidiwang ang UN Week/ Science week sa bagong normal.

MARAMING SALAMAT!

You might also like