You are on page 1of 2

JESSA MAE B.

GALANIDA
BEED-3B

Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa pagpapayabong ng kaalaman sa paksang


tinalakay.

1. Ano ang pangunahing layunin sa pagbuo ng katitikan ng Pulong?

Sagot: Ang katitikang ng pagpupulong ay isang dokumentasyon ng mga naging kaganapan sa


isinagawang pormal na pagpupulong ng isang ogranisasyon, grupo, o pangkat. Mahala ito
sapagkat dito isinusulat ang naging daloy ng pagpupulong, ang bilang ng mga miyembrong
dumalo, ang naging mahahalagang usapan sa pagitan ng mga miyembro, ang mga adyenda, ang
mga napag-usapan-higit lalo na ang mga naging resulta ng botohan kung mayroon man. Ito ay
kadalasang isinusulat at inihahanda ng kalihim ng isang organisasyon at inaaprubahan ng mga
taong nasasangkot dito tulad ng pangulo at iba pang opisyales ng organisasyon kung
kinakailangan. Ang pangunahing layunin nito ay maging pormal na pag-uulat ng mga naging
kaganapan sa pormal na pagpupulong.

2. Ano ang pangunahing layunin sa pagbuo ng Agenda sa pagpupulong?

Sagot:
1. Nagsisilbi itong opisyal na tala hinggil sa napagpasyahan sa pulong
2. Naidodokumento nito ang mga kapasyahan at responsibilidad ng bawatmiyembro ng pulong.
3. Nagsisilbi itong paalala sa mga miyembro kung ano ang mga inasasahanggawain na nakaatang
sa kanila, gayundin ang mga takdang petsa na inaasahannilang matapos ang gawain
4. Nababatid din kung sinu-sino ang aktibo at hindi aktibong dumadalo sa pulong.
5. Tumatayo bilang dokumentong batayan para sa susunod na pulong.

3. Sa paanong paraan nagiging valid o katanggap-tanggap ang katitikan ng pulong?

Sagot: Nagiging valid ito kung may nilalaman na paksa, petsa, oras, pook na pagdarausan, mga
taong dumalo at hindi dumalo, at oras ng pagsisimula at pagtatapos. At saka ito ay pormal ibig
sabihin mayroon itong lagda.

4. Ano-ano ang mga layuning inaasahang matamo sa pulong?

Sagot:
1. Bigyan ng ideya Ang mga kalahok sa mga paksang tatalakayin at sa mga usaping
nangangailangan ng atensyon.
2. Nakasaad dito Ang mga aksyon at rekomendasyong inaasahang pag usapan sa pulong.
3. Nagkaroon ng sapat na panahon Ang bawat Isa na paghandaan Ang talakayan at mga
desisyong mangyayari sa pulong.
4. Mabigyan ng pokus Ang pagpupulong.

5. Bakit kailangan magsulat muna ng adyenda bago ang pagpupulong?

Sagot: Para malaman ang paksa o pag-uusapan sa pagpupulong na gaganapin at upang maging
organisado ang takbo nito ay ang mga rason kung bakit mahalaga ang paggamit ng adyenda.

6. Sinu-sino kaya sa palagay mo ang mga kalahok sa pagpupulong?

Sagot: Mga nakakataas na tao. Halimbawa sa paaralan maaring prinmcipal at mga guro.
7. Nakasaad ba sa adgenda na ang lahat ng kalahok ay magbigay ng kanyang opinyon sa
usapin?

Sagot: Hindi

You might also like