You are on page 1of 2

JESSA MAE B.

GALANIDA
BEED-3B

Panuto: Basahin ang lakbay-sanaysay na may pamagat na “Baguio Trip”. Pagkatapos, suriin ang
nasabing sulatin, ipaliwanag kung ano ang iyong natuklasan sa lugar na ito at paano ito
nakaapekto sa iyong sarili? Ilagay at isulat ang iyong sagot sa isang papel.

BAGUIO TRIP

Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar na may iba’t ibang tanawin.
Lalong lalo na ang mga lugar na talaga namang tinatangkilik ng mga turista, mapadayuhan man
na galing ibang bansa o yung mga taong doon na mismo sa lugar na yon lumaki at nagkaisip.
Hindi ko ginagawa ito upang magbakasyon lamang at magmuni – muni kundi para malaman ko
kung saan at paano nga ba ganoon ang tawag sa lugar na iyon.

At bakit nga ba ito tinatangkilik at dinadayo ng mga turista. Masayamg gawin ito pag kasama
mo ang mga mahal mo sa buhay lalong lalo na ang PAMILYA. Dahil ang pamilya ay isang
pinakamahalaga at magandang regalo sa atin ng Panginoong Hesukristo, ang pamilya ang siyang
masasandalan mo sa oras na ikaw ay may problema.

Isa sa napuntahan ko kasama ang aking pamilya ay ang lugar na Baguio. Ang Baguio ay isa sa
mga sikat na lugar dito sa Pilipinas lalong lalo na sa North Luzon, kilala ito bilang Summer
Capital of the Philippines hindi dahil mainit dito ngunit dahil napakalamig dito lalong lalo na
kapag bumagsak ang temperatura dito kapag sumasapit na ang kapaskuhan. Talaga namang
dinadayo ito ng maramimg tao dahil para sa kanila dito masarap ipagdiwang ang
KAPASKUHAN kasama ang iyong mga mahal sa buhay.

Ngunit hindi namin ito pinuntahan noong panahon ng kapaskuhan bagkus noong unang araw ng
Enero taong 2015. Dahil pagkatapos naming ipagdiwang ang BAGONG TAON ay nagsimula na
kaming gumayak mula Pampanga hanggang sa makarating kami sa Baguio. Pumunta kami doon
dahil doon nais ng aking pinsan na ipagdiwang ang kanyang ikapitong kaarawan. At dahil FIRST
TIME naming magpipinsan na pumunta doon kung kaya’t mas lalo kaming naexcite na
makarating na doon.

Isa sa mga pinuntahan namin sa Baguio ay ang Burnham Park na kung saan dito kamI gumala
ng ilang oras, dito sa lugar na ito ay matatagpuan ang isang Dancing Fountain at isang parang
ilog na kung saan pwede kang mamangka at maglibot – libot. Isa rin sa mga napuntahan namin
ay ang Botanical Garden, dito sa lugar na ito ay may mga matatandang Igorot na kung saan
pwede ka sa kanilang magpakuha ng litrato na kasama sila. Dito mo makikita na hindi nila
kinakahiya kung saan sila nagmula kahit na ganoon ang kanilang pananamit. At nagpunta rin
kami sa Mines View , ngunit kahit malayo at maraming tao doon at WORTH IT naman dahil
maganda at talaga namang nakakarelax at mapapahanga ka sa ganda ng view na iyong nakikita.
At ang huli naming pinuntahan sa Baguio, at ang huling araw na rin namin doon ay ang
Strawberry Farm. Dito mo matitikman ang masasarap na strawberry na tinatawag din na
Preyas. Sa loob ng tatlong araw namin sa Baguio ay marami akong nalaman sa lugar na iyonat
dito ko rin nalaman kung bakit nga ito tinatangkilik ng mga turista.

Pangalan ng Lugar: Baguio

Ano-ano ang iyong natuklasan? Ang bagyo pala ay likas na mayaman pagdating sa
magagandang tanawin tulad ng Burnham Park na kung saan may dancing fountain t isang
parang ilog na kung saan pwede kang mamangka at maglibot – libot. Botanical Garden, dito sa
lugar na ito ay may mga matatandang Igorot na kung saan pwede ka sa kanilang magpakuha ng
litrato na kasama sila. Dito mo makikita na hindi nila kinakahiya kung saan sila nagmula kahit
na ganoon ang kanilang pananamit. Mines View isa sa mga tanyag na magandang tanawin
sapagkat maganda ang view na kung saan maganda ang view at perpekto ito kung gusto mong
magrelax. At ang huli ay ang Srawberry Farm dito matitikman ang masasarap na strawberry na
tinatawag din na Preyas.

Paano ito nakaapekto sa iyong sarili? Nakaapekto ito dahil maganda ang pagkakakwento ng
tagasalaysay na kung saan ibinahagi niya kung gaano kaganda ang mga tanwin sa Baguio. At
higit sa lahat maganda ang klima dahil malamig. Katulad ko gusto kung pumunta sa Korea dahil
gusto kung maranasan ang winter pero nang nalaman ko kung gaano kalamig ang baguio dito na
lang ako pupunta balang araw para mas tipid sa pera at higit sa lahat maganda ang tanawin.

You might also like