You are on page 1of 4

BIONOTE NI JERRY BALACANAO

Noong Ika-1 ng Marso, taong 2004, Isinilang ang matiyaga at masipag na lalake na si
Jerry Balacanao. Nakatira si Jerry Balacanao sa Zone 1, Marcelo St. Abolo, Amulung,
Cagayan. Ang kaniyang magulang ay sina Jerry Balacanao Sr. at si Marisol Balacanao.
Taong 2026, nakapagtapos at ginantimpalaan siyang “Magna Cum Laude” sa kursong
“Bachelor of Science in Nursing” sa Medical Colleges of Northern Philippines (MCNP). Nang
makapagtapos, nais niya agad makahanap ng trabaho upang makatulong at masuklihan ang
mga magulang.
Nagsimula siyang magtrabaho bilang isang “emergency nurse” sa Dr. Ronald P.
Guzman Medical Center sa Enrile Boulevard, Carig, Tuguegarao. Sa ganitong paraan,
nakakaambag din siya sa gastusin sa kanilang bahay at nakakatulong sa magulang. Ang
nagbigay inspirasyon at pagnanais sakaniya upang makapagtapos sa kolehiyo ay ang
kaniyang mga magulang, upang makatulong at maiangat ang estado sa buhay.
Natupad na ni Jerry ang kaniyang pangarap na makapag-lingkod at makapag-ambag
sa larangan ng medesina dahil sa nais na mapahusay at mapabuti ang pang-agham na
pangangailangan ng mga mamamayan, lalong-lalo na sa mga bata.
Pinagpapatuloy ni Jerry ang pag-aaral para sa kaniyang “medical degree” upang
maging doktor sa siruhano at kasalukuyan siyang naghahanap ng trabaho upang mayroon
siyang mapagkuhanan ng kaniyang gastusin sa matrikula matapos siyang umalis sa Dr.
Ronald P. Guzman Medical Center sa Enrile Boulevard, Carig, Tuguegarao. Minimithi niyang
makabalik ulit sa pagmemedesina at maranasan niyang makapag-lingkod at makapag-ambag
sa pampublikong hospital.

LAKBAY SANAYSAY
Jerry Balacanao

Dancing Fountain sa Baguio Botanical Garden sa Baguio

Mines View Park sa Baguio Strawberry Farm sa Baguio

PAGLALAKBAY PAPUNTANG BAGUIO

Bilang isang tinedyer, nais kong galugarin ang iba't ibang mga lugar at makita ang mga bagong
pasyalan. Lumaki akong iniisip na ang mga lugar na talagang kinagigiliwan ng mga turista, maging
mga imigrante mula sa ibang mga bansa o mga tao sa lugar. Hindi ko ito ginagawa para lang
magbakasyon at magpuni-muni ngunit upang malaman ang pangalan ng lugar at makapagsaliksik ng
bagong kaalam mula sa lugar na iyon. Ang turismo ay isang mahalagang industriya sa lungsod, at nais
ng mga tao na bisitahin ang lungsod upang tangkilikin ang magandang tanawin at bisitahin ang
maraming mga tanawin. Nakatutuwang gawin ito kasama ang mga miyembro ng pamilya dahil ang
pamilya ay mahalaga at regalong mula sa Diyos. Ang isang lugar na binisita ko kasama ang aking
pamilya ay sa Baguio, isang lungsod sa Pilipinas.
Ang Baguio ay isa sa mga tanyag na lugar sa Pilipinas, lalo na sa Hilagang Luzon, dahil ang
lungsod ay kilala sa kung gaano ito lamig kapag taglamig. Maraming mga tao ang talagang bumisita
dito dahil sa palagay nila masarap magpasalamat para sa mga pagpapala sa taon sa mga mahal sa
buhay. Nagpunta kami sa isang mahabang, mahabang paglalakbay upang ipagdiwang ang bagong
taon, na nagsusuot ng mga damit mula sa Pampanga hanggang sa makarating kami sa Baguio.
Pumunta kami sa isang restawran upang ipagdiwang ang kaarawan ng aking pamangkin. Nagpunta
kami roon sa restawran na yun dahil doon nais ng aking pamangkin na ipagdiwang ang kanyang
ikapitong kaarawan. Nasasabik kaming pumunta sa Baguio sapagkat yun ang kauna unahang
pumunta kami roon.

Isa sa mga pinuntahan namin sa Baguio ay ang Burnham Park, kung saan kami ay gumala ng
ilang sandali. Sa lugar na ito, makakakita ka ng isang Dancing Fountain at isang ilog kung saan maaari
kang magbangka at maglakad-lakad. Isa sa mga lugar na binisita namin ay ang Botanical Garden, dito
sa lugar na ito ay may mga matatandang Igorot kung saan maaari kang kumuha ng litrato kasama
sila. Makikita rito na hindi sila nahiya sa kung saan sila nanggaling, kahit na ganoon ang kanilang
pananamit. At nagpunta rin kami sa Mines View, napakalayo ng aming nilakbay ngunit kahit malayo
at maraming tao roon ay humanga kami sa ganda ng tanawin. Ang huling pinuntahan namin sa
Baguio ay ang Strawberry Farm. Iyon ang huling araw na nandoon kami. Ang mga strawberry na
tinatawag na "Preyas" (isang uri ng strawberry) ay maaaring tikman dito. Habang nasa Baguio,
marami akong natutunan tungkol sa lugar, at ito rin ang dahilan kung bakit nasisiyahan ang mga
turista.

REALISASYON: Ang napagtanto ko sa paglalakbay na ito ay hindi mo dapat kalimutan ang mga
lugar na dapat mong ipagmalaki bilang isang mamamayan ng Pilipinas, sapagkat pinatutunayan ng
mga lugar na ito na ang ating bansa ay may likas na yaman. At huwag kalimutan ang pamilya mo
dahil sila ang magiging kapareha mo sa lahat ng iyong problema, kahit na may hindi
pagkakaintindihan, hinding hindi ka nila iiwan at kakalimutan, ngunit mamahalin ka pa rin dahil
ganun ang pamilya. At higit sa lahat pasasalamatan natin ang Panginoon sa mga natanggap nating
biyaya mula sa kanya sa pang araw-araw.
PULONG

PETSA: Ika-20 ng ENERO, 2022


PARA SA: MGA EMPLEYADO NG LABORATORYO
RE: BUWANANG PAGPUPULONG
MULA KAY: DR. JERRY JR. E. BALACANAO

Direktor
Lahat ng Empleyado ng Laboratoryo ay inaanyayahan dumalo sa pagpupulong ng ating
Barangay Abolo, Health Care Center sa lungsod ng Amulung patungkol sa inilabas na bagong
memorandum na gaganapin sa Enero 20, ika-7 ng umaga sa Barangay Hall ng Caggay.

AGENDA
1. Pagsisimula Pag-usapan ang nangyari at linawin kung sino ang nagkakalat ng maling impormasyon
sa ating laboratoryo.

2. Pag-apruba ng agenda

3. Pagsasangguni sa nakatataas sa lupon ukol sa ginawang pagpupulong

4. Pagtatalakay ng mga dapat ipatupad patungkol bagong Memorandum.

5. Pagbibigay ng mga kaisipan tungkol sa kung paano malulutas ang kumakalat na isyu.

6. Pag-usapan kung ano ang maaari mong gawin sa mga taong nagpapakalat ng hindi tiyak na mga
kuwento o balita.

7. Pagsasangguni sa nakatataas sa lupon ukol sa ginawang pagpupulong.

8. Pagbibigay ng kasagutan sa mga tanong ng mga Empleyado

9. Pagpapaalala ng Petsa ng susunod na buwanang pulong: ika-3 ng Pebrero 2022.

10. Pangwakas na pananalita

Maraming Salamat sa inyong kooperasyon!

Inihanda ni:

Jerry Jr. E. Balacanao M.D.

You might also like