You are on page 1of 10

PAGSULAT NG MEMORUNDOM, agenda

at katitikang pulong

PETSA: Decembre 8, 2021


SA: Mga Healthcare Provider, Mga Negosyo, Paaralan, Pasilidad, at
Lahat ng mga Residente
MULA SA: Opisyal ng Pangkalusugan, MD, MPH Deputy Health
Officer
PAKSA: Nai -update na Patnubay ng Pagbubukod para sa COVID-19
Ina-update ng Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan ng
County ng Catarman N. Samaar ang gabay nito para sa pagbubukod
ng mga indibidwal na may COVID-19 upang maging katulad sa
patnubay mula sa Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan ng
Manila at sa Mga Sentro ng Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit (CDC).
Ginagamit ang pagbubukod upang paghiwalayin ang mga taong
nakakahawa sa COVID-19 mula sa mga taong hindi nahawaan.
Nalalapat ang na-update na patnubay ng pagbubukod na ito sa lahat
ng mga taong nasuri na may COVID-19, kabilang ang kabuuang
publiko, mga estudyante, mahalagang manggagawa, tagapagbigay ng
healthcare, at mga indibidwal na nakatira o nagtatrabaho sa mga
congregate na setting (hal. mga kulungan, shelters, mga pasilidad ng
long-term care, at mga dormitoryo).
Pagsulat ng LAKBAY SANAYSAY
"Baguio: Pagbabalik tanaw sa nakaraan"

Lakbay Sanaysay ni: Andrew Barcelona

Pebrero 16, 2019

Ang lungsod ng Baguio ay isa sa mga sikat na lugar dito sa Pilipinas


na dinarayo ng maraming tao dahil sa natatangi nitong kagandahan na
sinasalamin ang iba’t ibang kultura na meron dito. Ang Baguio ay
tinaguriang “Summer Capital” ng ating bansa dahil sa manitong
klima, at “City of Pines” naman dahil sa mga punong nakapalibot sa
lugar na ito.
Kung galing sa Metro Manila, maaring bumili ng tiket at sumakay ng
bus papuntang Baguio, tulad ng ginawa ng aking pamilya nung kami
ay nagbakasyon doon sa loob ng ilang araw. Bumiyahe kami ng ala
una ng umaga at nakarating sa aming destinasyon ng alas-syete.
Kadalasan ang biyahe papuntang Baguio ay tumatagal ng apat
hanggang anim na oras depende sa ruta o uri ng transportasyong
gagamitin.
Narito ang ilan sa mga lugar na aming binisita sa Baguio:
“Mines View Park”
Pag pasok dito ay sasalubong sa iyo ang daanan na punong puno ng
mga tanim ng iba’t ibang uri ng bulaklak at pati mga gulay na
nakalagay sa magkabilang gilid. Mayroon din ditong mga kabayo at
dalawang malaking aso na patok na patok sa mga turista dahil sa mga
makukulay na kasuotan nito. Kung nais ninyong magsuot ng
pananamit ng mga katutubo, mayroon din dito ngunit may bayad dahil
ito ay nirerentahan. Kilala ang lugar na ito dahil maaari mong makita
ang naggagandahang tanawin at iyon ang malawak na mga
bulubunduking nakapalibot sa lugar na ito.
“Botanical Garden”
Puno dito ng iba’t ibang huri ng halaman at mayroon ding mga
estatwa ng mga katutubo nila sa nasabing lugar. May seksyon din dito
kung saan maaari kayong makapamili ng sari saring souvenirs na
pwedeng ipasalubong sa mga kaibigan o pamilya.
“Burnham Park”
Ito ang aking pinakapaborito sa lahat ng aming pinuntahan dahil dito
makikita ang lawa na mayroong mga makukulay na bangka at
maaaring rentahan sa halagang dalawang daang piso. Sa aking
opinion, mas magandang puntahan ang lugar na ito kapag gabi
sapagkat tahimik at mapayapa ang paligid nito kumpara pag umaga.
Mayroong mga nagtitinda ng “Strawberry taho” (isa sa mga sikat na
inumin dito sa Baguio) at sa halagang bente pesos ay matitikman mo
na ito.
“Diplomat Hotel”
Tinatawag din itong “The Dominican Hill Retreat house” dahil
sinasabing tinirhan ito ng mga madre noong mga nakaraang taon
ngunit sa kasamaang palad ay sinakop ng mga hapon at nagkaroon ng
bayolenteng kasaysayan. Naging kilala ang lugar na ito dahil sa mga
kwentong kumakalat na ito daw ay pinamumugaran ng mga multo
kung saan maraming beses nang nagpakita sa iilang mga tao na
nakapunta sa lugar na ito.
“The Night Market”
Kung nais ninyong makahanap ng mga damit o sapatos na mura at
kakasya sa inyong dala na pera, ito ang tamang bilihan para sainyo.
Kaya ito tinawag na “Night Market” dahil base nga sa pangalan nito,
tuwing gabi lang ito inilalagay. Nasa tapat ito ng “Burnham park” at
sa pag sapit ng dilim, dumarami ang mga nagtitinda dito upang
magtayo ng mga stall o booth na dinarayo ng mga turista dahil sa
murang mga damit, sapatos o kahit mga souvenirs. Mayroon din na
mga street foods na binebenta rito, na sa dami ng pagpipilian ay tiyak
na mabubusog ka kahit sa tingin pa lang.
Kung mayroon kayong lugar na nais bisitahin, ang lungsod ng Baguio
ang mairerekomenda ko. Base sa aking personal na karanasan,
binabalik ka ng lugar na ito sa nakaraan. Kakaiba ang lugar na
ginagalawan mo dahil sa kalmado at mapayapa nitong atmosphere na
isang malaking tulong kung nais mong makapag pahinga at makapag
nilay sa mga bagay bagay. Mayaman ang lugar na ito sa iba’t ibang
bagay tulad ng pagp-preserba ng kultura, sining, at mga lugar na
nagtataglay ng natatanging ganda na tila ba ay nagk-kwento sa mga
taong nakakasalubong nito tungkol sa magandang kasaysayang taglay
ng lugar na ito.
PAGSULAT NG PANUKALNG
PROYEKTO
PANUKALA SA PAGPAPATAYO NG
STREETLIGHT SA BRGY. MALVAR

Mula kay Simon Peter Osiraos


Barangay Gen. Malvar
Catarman N. Samar
Ika-20 ng Mayo 2020
Haba ng panahong gugugulin 2 buwan

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Ang Barangay Malvar ay mayaman sa mga palay at
gulay kaya pamumuhay ng mga tao ditto ay masagana
Bagamat sa likod ng kasaganaan ng lugar ay may isang
suliraning gumigimbal sa kapayapaan at ito ay madilim na
kalsada kayat ang mga tao doon ay nababahala kapag
nagagabe sa oag uwi dahil sa kadahilanang madadatnan sila
ng dilim kasi walang streetlight nakakaapekto ito sa ibang tao
lalo na yung mga malalayo ang trabahu at ginagabi sapag uwi.

II. Layunin
Makapagpatayo ng mga streetlight sa bawat purok ng
barangay Malvar upang h9indi na mabahala ang mga
nagtatrabahu sa malayo na gabehin sapag uwi

III. Plano na daapat gawin sa pagpapatayo ng streetlight


1.Magkalap ng mga material na gagamitin sa pagpapatayo ng
streetlight
2.Pagpulong ng mga opisyales sa pagpili ng mga taong
gagawa ng streetlight
3.Maghanap ng mga organisasyong posibleng makatulong o
magbigay ng pera na donasyon sa pagpapagawa ng streetlight
4.Maglabas ng badyet na gagamitin sa naturang proyekto
5.Pagpapatayo ng treetlight sa ilalim ng pamamahala ng mga
konseho ng Barangay

IV.Badyet
Mga gastusin

1.Halaga ng mga materyales na Halaga


gagamitin sa pagpapatayo ng streetlight Php 100,000
2.Ibabayad sa magtatrabaha sa
pagpapatayo ng streetlight Php 50,000
.Kabuuang halagaa Php 150,00

V.Pakinabang
Ang pagpapatayo ng mga streetlight ay Malaki ang pakinabang
sa pagbibigay ng liwanag ng barangay Malvar.
REPLEKTIBONG SANAYSAY
‘May hihigit pa ba sa isang katulad mo, Inang mapagmahal na
totoo.Lahat ng buti ay naroon sa puso, buhay man ay handang ialay
mo.Walang inang matitiis ang isang anak, ika’y dakila at higit ka sa
lahat.”

Nagsimula sa mga linyang iyan ang napakagandang kanta ni Carol


Banawa napinamagatang Awit kay Inay—isang kantang marami ang
pinaluha at minulat sa mgapagkakamaling kanilang nagawa sa
kanilang ina. Sa kantang ito, napagtanto ko na sabuong buhay ko, ang
sarili ko at ang mga kamaliang nagawa ng aking ina lamang angaking
nakikita at pinipiling makita. Hindi ko isinasapuso ang lahat ng
kanyang sakripisyosa araw-araw niyang pag-aaruga sa akin sa akin na
walang ginawa kundi angmagreklamo sa mga bagay-bagay at
balewalain ang lahat ng kanyang ginawa matustusan lamang ang
aking pangangailangan mula noon, magpahanggang ngayon
.Labing pitong taon na ang nakararaan, ngunit walang sawa pa rin
akong nakikinig sa kantang aking inay dahil naalalaa ko ang mga
naging sakripisyo ng aking nanay
Kung mayroon mang relasyon sa mundo na panghabangbuhay, ito ay
ang relasyon natin sa ating mga ina.
Kahit ano pa man ang kinahinatnan ng ating buhay, nakasama man
natin sila nang matagal o napunta tayo sa ibang pamilya, hindi
maiaalis na ang ating buhay ay pinagbigkis ng tadhana simula pa
lamang ng unang araw natin sa daigdig.
Walang kapares ang sayang dulot ng pagiging ina. Para sa maraming
kababaihan, ito ay katuparan ng kanilang mga pangarap at ang
pagkakaroon ng kabuluhan ng kanilang pananatili sa daigdig.
Ang pagbibigay ng buhay sa isa o ilan pang mga supling ay ang
misyong ibinigay sa kanilang ng Diyos upang mapanatili ang masaya
at mahabang lahi ng isang pamilya.
Para naman sa mga anak, isang napakasayang karanasan ang maaruga
ng taong nagsilang sa iyo. Mula sa mga una ng buhay mo—unang
araw ng pagsasalita, unang araw ng paglalakad, unang araw sa
eskwela, at iba pa—ay isang karanasang walang katumbas na halaga.
Ganito yata talaga ang epekto ng isang samahang pinagbuklod ng
tadhana. Ang isang uri ng samahan na anuman ang pagdaanang
pagsubok ay mananatiling isang bigkis na hindi mapaghihiwalay ng
sinuman.
Isang uri ng relasyon na regalo ng Maykapal sa lahat ng taong
marunong umibig at kayang magbigay ng tunay na pagmamahal.
POSISYONG PAPEL
FACE TO FACE CLASSES SA PANAHON NG
PANDEMYA

Sa paglaganap ng pandemya sa ating bansa, marami ang


naapektuhan at nagbago lalo na sa sector ng edukasyon. Hindi
maaring lumabas kung kaya’t sinuspinde angklase sa buong
bansa. Kinakailangan ng bawat isa na patuloy matuto at mag -
aral kaya naman pinatupad aang online classes sa ating bansa.
Mahirap ang ang naging simula dahil sa kawalan ng
kagamitan at kakulangan ng kaalaman sa mga makabagong
teknolohiya. Maraami ang hindi makasabay dahil sa bagal ng
internet at signal sa ating bansa na nakakahadlang upang
maunawaang Mabuti ng mga mag-aaral ang mga tinuturo.

Dahil nga sa mga suliraning kinakaharap sa online classes,


minungkahi ang pagpapatupad ng face to face classes sa
panahon ng pandemya. Ayon din sa bagong panukala ng
Cimission on Higher Edukasyon (CHED),Pinayagan na ang
limitadong face to face classes sa 24 na kolehiyo at unibersidad
sa ating bansa. Ngunit, magiging epektibo ba ito lalong lalo na
sa pagsugpo at pagtigil ng patuloy na dumaraming kaso ng
covid-19 ? Hindi , lalo lamang itong kakalat dahil sa dalasang
paglabas ng mga mag-aaral.

Batay sa tala ng Department of Health (DOH) noong ika-26 ng


marso 2021, mayroong 9,838 na bagong kaso ng covid. Ito ang
pinakamataas na naitalang positibong kaso sa loob lamang ng
isang araw. Sa kasalukuyan, maraming bilang na ang naitila na
ng positibo sa covid-19 ngunit bumababa na ito ngayon sa
tulong ng mga vaccine, Sa kasalukuyan nga ngaun pinayagan
naa ang mga piling iskwelahan na mag face to face classes,
ngunit kinakailangan na mag pabakuna upang maiwasan ang
mahawa at sumunod sa protocols na pinapatupad ng health
organization.

Wala paring kongkretong sulosyon ang ating bansa ukol


ditto.Wala pang gamut, may mga bakuna na ngunit limitado
lamang ang bilang nito. Marami din sng hindi nsg papabakuna
dahil sa takot na ito ang maging dahilaan ng kanilang pag
kamatay daahil sa mga nababalitaan nila na may namamataay
ng ddahil lang daw sa bakuna.

Mahalaga na matututo kahit mahirap ang online classes. Totoo


ang mga ito ngunit mas mahalaga ang ating kalusugan upang
matupad at magawa natin ang ating mga hangarin sa buhay .
Kailangan lang natin maging masunurin at magkaisa para
mawala na ang problema na ito.

You might also like