You are on page 1of 19

PORTFOLIO

IN
FILIPINO

JAYMARK D BANAAG MAM: FLOJO

G-12 ABM-B
Isang Talumpati tungkol sa Wikang Filipino?

‘’Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng pamahalaan . Kailangan magkaroon ang pilipina ng
sariling wika isang wikang nakabatay sa mga katutubong. Nagmula ang karamihan ng mga sulirarino
pagkukulang ng kasalukuyang nararanasan dito sa kawalan n gating wikang pambansa. Angpagnanais
gayahin ang lahat ang lahat ng kilos banyaga kahit hindi alam kung ito ay mabuti o masama ay dahil sa
isang kahinaan-ang kakulangan ng isang tunay na pambansa kamalayan Hindi maaaring magkaroon ng
pambansang kamalayang kung saan walang wikang ginagamit ng lahat Nauunawaan kolamang kung
gaano kahirap ang kahulugan ng wikang pambansa noong naging pangulo ang aking ama Siya, siya ang
pangulo ng pilipinas, ang kumakatawan sa bayang Pilipinas at sa mga Pilipino Ngunit kapag kamiy
naglalakbay sa mga lalawigan at kinakausap ang ating mga kapwa mamamayan kailangan pa naming ng
tagapagsalin upang magkaintindihan Nakakahiya hindi ba? Parang asongnamumuno sa samahan ng mga
pusa sang ayon ako sa patuloy na pagtuturo ng Ingles sa mga paaralan at itataguyod ko rin ang
pagpapatuloy ng Kastila Subalit dumating na ang panahon upang magkaroon tayo ng isang wikang
pambansa Ang suliranin ay gusto ng mga Ilokano na ilokano ang wikang pambansa ang suliraning ay
gusto ng mga Bisaya Ako ay Tagalog Halata ba? Pero kung sasabihin ng mga dalubhasa sa ibat-ibang
wikang Pilipino na Mangyan ang katutubongwika pinakamainam gamitin Mangyan ang tatangkilikin ko
higit sa ibang wika Tagalog ang ginagamit naming sa pamilya Pero handa akong mag-aral ng ilokano
Bisaya o anumamang ibang katutubong wika para lamang magkaroon tayo ng wikang ginagamit ng lahat

by: Nikki Matilano


KALIKASAN noon at ngayon
Madalas itinuturo sa paaralan ang kahalagahan ng likas na yaman natin ngunit ano
nga ba ang kalikasan noon at ngayon

Kung ikukumpara natin ang kalikasan noon at ngayon mapapansin natin ang ilang
pagbabago na naganap sa ating kapaligiran Noon ang kalikasan natin ay sagana sa
mga likas na yaman maraming puno sariwang hangin magandang kapaligiran tanawin
at malinis na dagat at ilog Pero ngayontayo ay namumuhay sa isang kalikasan na
animo’y bangungot na kikitil sa sanlibutan at walang buhay na kapaligiran Pansinin
ninyo ang dating ilog dibat napakarumi na nito? Ang mga mapang abusing tao ay
ginagawang tapunan ng mga basura an gating ilog! Yan ang kasalukuyang kalikasan na
ginagalawan natin ngayon

Ano ba ang nararapat nating gawin upang kalikasan natiy maibalik sa dati nitong
ganda? pagsunod sa batas na dapat nating sundin ang sinuman upang kalikasan nati’y
maibalik sa dati nitong anyo at ganda!

Pahalagahan natin ang kalikasan at pahalagahan ang bawat natitirang likas na yaman n
gating bansa! dahil ditto ang labis na pang aabuso sa ating kalikasan ang siyang
magiging sanhi ng pagka wasak at pagka wala ng mga likas na yaman Iligtas natin ang
ating kalikasan ingatan natin ito dahil ito ang magiging susi ng pag asenso ng ating
bansa.

Pero paano tayo makakatulong sa ating kalikasan kahit sa maliit na paraan lang?
Maraming paraan bukod sa pag tatanim ng puno pagbabasa tungkol sa kalikasan at
ang walng kamatayang Reduce Reuse Recycle. Magbibigay ako ng mga paraan para
sa ikakabuti ng ating inang bayan.

Sumakay ng bisikleta lalo na kung malapit lang naman ang pupuntahan o para
makaiwas sa pollusyon Bonus na ditto ang pagkakaroon ng malusog na
pangangatawan o diba? Malusog kana naktulong kappa sa kalikasan .

kumanta ng awiting tungkol sa kalikasan at bayan ‘’ Wala kabang na papansin sa iyong


mga kapaligiran kay dumi nan g hangin pati na ang mga ilog natin’’ kanta ito ng ating at
isa na siguro sa pinasikat na kanta tungkol sa kapaligiran naniniwala ko na sa
pamamagitan ng pagkanta maipaparating natin ang mensahe na dapat nating alagaan
ang kalikasan para sa ating inang bayan
Maki isa tayo sa pagtuturo tungkol sa kapaligiran, may trabaho ka man o wala.
propesyonal o hindi matanda at bata pwede mag turo sa kapwa niya sa simpleng pag
babawal sa mga walang disiplinang dudura at nagtatapon ng basura kahit saan tulong
narin iyon maki bahagi sa mga seminar o sumali sa mga gawaing pagsulat at pagguhit
gaya ng pagawa ng poster at sanysay. Maari dintayong sumali sa mga organisasyong
nagaalaga n gating inang kalikasan.

Hindi ko inaalam ang petsa sa araw-araw kung hindi naman kinakailangan kung
mapapansin niyo nga aking mahal nna guro ang mga papel ko ay mga walang petsa
dahil di ko namn talaga ito inaalam pero bukod sa aking kaarawan at ilang
mahahalagang petsa, ito ang petsang hindi ko makakalimutan. September 26 2009 isa
ako sa mga biktima ng Ondoy at nasalanta ang maraming tao sa ating inang bayan.

Doon ako nalinawagan na kapag kalikasan na ang gumanti malupit ito at delikado
masama pa maari pa natn itong ikamatay Bawat isa sa atin ay may tungkulin na dapat
gawin sa ating bayan kahit anong maitutulong mo maliit man o malakiay maituturing mo
ng pinaka magandang nagawa mo sa buong buhay mo Hindi ako makakalikasan pero
isa ako sa alagad n gating inang kalikasan.
Larawang sanaysay: ‘’PAGKAGAT NG DILIM’’
ni: Ian Marco

Lungkot, takot, gulo at kawalng pag-asa. Mga ala-alang walang tigil na bumabangungot
sa tuwing maririnig ang ‘Yolanda Tatlong taon na ang nakakalipas bago ako dalawin ng
bisitang di namin inimbita ang araw na sa isang iglap ay tuluyan ng nawala ang mga
minamahal ko sa buhay Nobyembre 7, 2013-sa pagkagat ng dilim, bumuhos ang ulan
hanggang umapaw ang baha. Sinabayan ng kulog at kidlat ang lakas ng hangin habang
tinatangay nito ang mga punot bubong ng mga dinadaan. Lumipas na ang bagyot
muling sumikat ang araw. Subalit nanatili parin ang gulot takot sa lugar.Kitang kita ang
mga tao Bagamat nawalan nan g pag-asa ang mga tao, nakuha parin nila maging
matatag at bumangon sa kabila ng sakit at pagdurusa na nararamdaman nila sa bagyo
patunay ng katatagan ng mga pilpino Diman naging maliwanag ang Pasko sa amin, ang
importante naman ay nananatili kaming buhay. Nakukuha parin naming maging
matatag sa kabila ng katok ni kamatayan at sapat na rason iyon upang maging
maligaya sa madilim na pasko.
(BIONOTE)
BAGUIO TRIP

Bilang isang kabataan, nais


kong pumunta sa iba’t ibang
lugar na may iba’t ibang
tanawin. Lalong lalo na ang
mga lugar na talaga namang
tinatangkilik ng mga turista,
mapadayuhan man na galing
ibang bansa o yung mga taong
doon na mismo sa lugar na yon
lumaki at nagkaisip. Hindi ko
ginagawa ito upang
magbakasyon lamang at
magmuni – muni kundi para
malaman ko kung saan at paano
nga ba ganoon ang tawag sa
lugar na iyon.

At bakit nga ba ito tinatangkilik


at dinadayo ng mga turista.
Masayamg gawin ito pag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay lalong lalo na
ang PAMILYA. Dahil ang pamilya ay isang pinakamahalaga at magandang regalo sa
atin ng Panginoong Hesukristo, ang pamilya ang siyang masasandalan mo sa oras na
ikaw ay may problema.

Isa sa napuntahan ko kasama ang aking pamilya ay ang lugar na Baguio. Ang Baguio ay isa sa
mga sikat na lugar dito sa Pilipinas lalong lalo na sa North Luzon, kilala ito bilang Summer
Capital of the Philippines hindi dahil mainit dito ngunit dahil napakalamig dito lalong lalo na
kapag bumagsak ang temperatura dito kapag sumasapit na ang kapaskuhan. Talaga namang
dinadayo ito ng maramimg tao dahil para sa kanila dito masarap ipagdiwang
ang KAPASKUHAN kasama ang iyong mga mahal sa buhay.
POSISYONG PAPEL Paggamit ng Droga
Ang posisyong papel na ito ay tungkol sa mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na
gamot. Ang gamot ay sinadya sa mundo na gawin upang makapagbigay-lunas sa sakit. Ito ay
medisina upang madaling mawala ang sakit ngunit sa kabila nito ay nakapagbibigay sakit kapag
inabuso. May gamot na bawal tulad ng ginagamit ng mga kabataan ngayon. Karamihan sa
kanila ay nalulong sa bisyo lalo na sa paggamit ng ganitong klaseng droga. Ang ganitong
sitwasyon ang pinakapangunahing problema ng lipunan dahil marami na ang masamang
pangyayari na nagaganap sa lipunan dulot nga ng paggamit nito. Dumarami na rin ang bilang
ng mga napapatay na kriminal bunsod ng paglaban ni Duterte sa ilegal na droga. Walang
dufang ramdam na ng mamamayan ang mga pagbabagobg hatid nito. Pero habang tumatagal,
unti-unting nauungkat ang maraming isyung kaugnay na maruming kalakaran ng ipinagbabawal
na gamot sa ating lipunan.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement, tinatayang 92% ng mga barangay sa Metro Manila
ang apektado ng droga. Kaya naman hindi kataka-takang maraming pamilyang Pilipino ang
sangkot sa paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Umabot rin sa halos 196 na
politiko at 283 na mga empleyado ng gobyerno ang naaresto dahil sa paglabag sa
Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (PDEA, 2016). Ayon rin sa balita, mahigit 300 na
katao na diumano ang napatay sa 'gyera kontra-droga' ng administrasyon. Karamihan nito ay
ang mga napaslang, mga durugurista o nagtutulak ng droga na antas-kalye. Araw-araw laman
ng mga balita ang mga pagpatay, pagsuko o paghuli sa adik ng ilegal na droga kaya naman
hindi nakapagatataka na popular na popular ang kampanyang kontra-droga ito ni Duterte.

Bagaman alam na alam ng mga tao ang mga panganib, patuloy pa rin sila sa pag-abuso
nito, at gayong pag-abuso ay patuloy na sumisira ng buhay. Oo, karamihan sa atin ay alam na
ang paggamit ng droga ay isang paraan upang makaahon sa kahirapan, nakababawas ng
suliranin o di kaya'y panghanapbuhay ng iba. Pero alam din natin na ang paggamit nito ay
makatutong magnakaw, magsinungaling, maging agresibo o walang takot na gumawa ng
masama hanggang sa mawalan ng katinuan o mabaliw ang tao. Maraming posibleng epekto
nito. Kahit na mabuti o masama, magdudulot pa rin ito ng epekto dahil sa ating aksyon.
Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggilsa
Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at
UnibersidadPANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO
SA KOLEHIYO: HUWAGPATAYIN ANG PAMBANSANG
KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO, MGA GURONG
FILIPINO, KABATAANG PILIPINO AT MAMAMAYANG
PILIPINO
Posisyong Papel na nauukol sa CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013
Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad
ng Pilipinas(PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino (SADAFIL),
Samahan ng mga BatangEdukador ng Wikang Filipino at mga Sining sa
Pilipinas, PUP Sentro sa MalikhaingPagsulat, at PUP Ugnayan ng Talino at
Kagalingan
Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon
(CHED)nang alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas nilang Memorandum Order Blg. 20
na maypetsang hunyo 28 serye 2013. Bagaman sinasabi ng komisyong nabanggit na maaaring
maituro saIngles o Filipino ang mga asignaturang binalangakas nila, bilang halimbawa ay ang
PurposiveCommunication
na nakapaloob sa nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid namin na pag-aagaw-agawan pa
ito ng napakaraming guro sa Filipino at Ingles sa mga kolehiyo at unibersidad,at magdudulot pa
ito ng hindi pagkakaunawaan, pagtatalo at ang masaklap pa pa'y aangkininlamang ito ng mga
Departamento ng Ingles sa mga unibersidad at kolehiyong mabuway angFilipino dahil halata
namang nakakiling ang
Purposive Communication
sa Ingles. Sa hakbang naito, tila unti-unting nilulusaw ang mga natatag na
Kagawaran/Departamento ng Filipino sa mgakolehiyo at unibersidad sa Pilipinas. Higit pa rito,
maraming mga guro sa Filipino, partikular nasa PUP ang mawawalan ng trabaho at
mababawasan ng kita. Hindi pumapayag ang Kagawaran ngFilipinolohiya ng PUP na
mangyari ang mga bagay na ito. Sapagkat malinaw na isinasaad sa 1987Konstitusyon ng
Pilipinas Artikulo XIV, itinakda ang Filipino bilang wikang pambansa ngPilipinas. Kung
susuriing mabuti ang CHED Memorandum, malinaw na lihis sa hangarin atkonteksto ng
Pangkalahatang Edukasyon ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino dahilnakasaad sa pahina
apat (4) ng memorandum ang ganito:
"General education enables the Filipinoto find and locate her/himself in the
community and the world, take pride in and hopefully asserther/his identity and
sense of community and nationhood amid the forces of globalization. As
lifebecomes more complex, the necessity of appreciating the gifts of nature and
addressing social problems in the general education program increasingly
become more pressing."
Hindi ba't angasignaturang Filipino ang pangunahing tiyak na tutugon sa hangarin at
kontekstong isinasaad?Sapagkat ang mga asignaturang Filipino ay nakatuon sa pagtuklas at
inobatibong pag-aaral hinggilsa kalinangang Pilipino (wika, kultura at kabihasnan), nasa
Filipino ang identidad ng mamamayansa bansang Pilipinas, nasa Filipino ang diwang
makabansa na makatutugon sa mga kahingiangpanlipunan at makatutulong sa
pangangailangan ng mamamayang Pilipino, at makapag-aambag

ng kalinangan at karunungan sa daigdig. Hindi ito simpleng maibibigay lamang ng


mgaasignaturang tila pira-pirasong kinopya sa dayuhang kaisipan na pilit binibigyan ng
malakingpuwang na kung tutuusi'y hindi naman makatuwiran.
Sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong
Unibersidad ngPilipinas (PUP) na tinaguriang "largest state university in the
country" na binubuo nghumigit kumulang 70, 000 na mga mag-aaral na
nagmula sa iba't ibang panig ng bansakatuwang ang iba pang mga
organisasyon ay matatag na naninindigan na panatilihin angFilipino bilang
asignatura sa Kurikulum ng Pangkalahatang Edukasyon sa kolehiyo.
Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino
sakurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging
pundasyonnito. hindi ba't paurong na hakbang ng Pilipinas nang alisin ang asignaturang
Filipino ng technicalpanel ng pangkalahatang edukasyon ng CHED na binuo lamang ng iilang
mga tao na at walangmalinaw na konsultasyong isinagawa. Samantalang sa maraming
unibersidad sa labas ng atingbansa ay pinatatatag ang disiplinang Filipino gaya sa
University of Hawaii at University of Michigan sa U.S.A, Osaka University at
Tokyo University sa Japan, St. Petersburg University atUniversity of Moscow sa
Russia.
Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng Kagawaran ngFilipinolohiya
nito ay patuloy na nagsusulong ng kalinangang pangwika, pangliteratura,pangkultura at
pansining sa pamamagitan ng mga pananaliksik at pagdarao ng mga kumperensiyaat talakayan
sa Wikang Filipino sa iba't ibang larangan. Taong 2013 nang hirangin ng CHED angPUP
Kagawaran ng Filipinolohiya bilang
Sentro ng Pagpapahusay ng Programang Filipino,
bagopa ito, natamo na nito mula sa
Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in thePhilippines
(ACCUP)
ang pinakamataas na akreditasyon (Antas 3) at kasalukuyang nakasalang
sainternasyonalisasyon ang programang AB Filipinolohiya na inihahain nito. Ginawaran na rin
itong Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng
Gawad Sagisag Quezon sa Pagpapaunlad ng WikangFilipino.
Bukod pa rito, ang mga batikang manunulat sa Filipino at dekalibreng guro sa Filipinosa bansa
ay kabilang sa Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP. Ngunit, ang lakas at pagsisikap ngmga
Departamento/Kagawaran ng Filipino gaya ng sa PUP ay mawawalan ng kabuluhan kung
sabagong kurikulum na binalangkas ng CHED para sa kolehiyo ay tinanggalan ng kongkreto
atmalinaw na puwang ang disiplinang Filipino. Manghihina at malulusaw ang Wikang Filipino
kunghindi tuloy-tuloy ang paglinang nito hanggang sa kolehiyo. Sa ganitong punto, muli't muli
namingigigiit ang karapatan ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa na nakasaad sa
Kontitusyon ngPilipinas.Pangunahing gawain ng PUP Kagawaran ng Filipinolohiya ay ang
pagpapaunlad atpagpapaigting ng puwersa para huwag isantabi at tuluyang mapanatili ang
Filipino sa kolehiyo.Bilang hakbang, magsasagawa ito ng Pambansang Talakayan Ukol sa mga
Pananaliksik Pangwika,

Pangkultura at Pansining sa Wikang Filipino na may temang


"Mga Mananaliksik Bilang Pagtutolsa Pag-aalis ng Asignaturang Filipino sa
Kolehiyo at ang Magiging Kalagayan ng mga Guro saFilipino sa Hamon ng
Programang K-12"
kasabay ng Pagdiriwang ng Buwan ng WikangPambansa sa Agosto 28-30, 2014 sa suporta ng
Pambansang Komisyon para sa Kultura at mgaSining (NCCA) na kasasangkutan ng mga guro,
mga mag-aaral, at mga mamamayang nagsusulongng Filipino.Kikilos at kikilos ang PUP
upang ipagtanggol ang Wikang Filipino. Maghahain ito ng mgamungkahing asignaturang
Filipino sa pakikipag-ugnayan na rin ng iba't ibang mga unibersidad atkolehiyo na maaaring
tumugon sa mga inalis na asignaturang Filipino sa Kolehiyo.
Kung hindi pa magbabago ang ihip ng hangin, at hindi pa rin matitiyak ng
CHEDang malinaw na puwang ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng
kolehiyo hanggang saAgosto, tiyak na gagawa ng malaking hakbang ang
pinakamalaking pang-estadongunibersidad sa bansa sa pangunguna ng
Kagawaran ng Filipinolohiya nito para manatili angasignaturang Filipino sa
kurikulum ng kolehiyo.
Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiralat
ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga Filipino. Mga Pilipino ang
kusangtumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito
angidentidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya
kungihihiwalay sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng Wikang
Filipino,tinanggal natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo, iyon
angidentidad mo!Pinagtibay ngayong Hunyo 19, 2014.Sanggunian:
https://www.facebook.com/notes/kirt-john-segui/posisyong-papel-ng-kagawaran-ng-
filipinolohiya-ng-pup-hinggil-sa-pagtatanggal-ng/727134210658842
Replektibong Sanaysay

Para sa isang estudyante napakahirap na mag-aral ng iba’t ibang paksa sa isang


semestre ngunit kahit na ganoon alam ko na pursigido ang bawat estudyante na
matutunan ang itinuturo sa kanila ng kanilang mga guro dahil alam nila
na makakatulong ito para sa kanilang kinabukasan.

Ang Pagsulat ay isang uri ng sining, dito natin makikita kung ano nga ba ang
nais ipahatid at ipasabi ng isang may-akda sa ibang tao. Napakalaking tulong ng
pagsulat lalo na sa pang-akademiko dahil ito ang magiging tulay mo para mapatunayan
na tama ang iyong sinasabi at mapanindigan mo ang iyong sinusulat.

Katulad na lang halimbawa ng Bionote, isa itong uri ng akademikong sulatin na


kung saan makikita natin ang mga karangalan na natanggap ng isang tao sa buong
buhay niya. At pati na rin ang Memorandum, dito sa sulatin na toh natutunan ko na
ginagamit ito upang malaman ng isang tao kung ano nga ba ang pwedeng talakayin at
mangyari sa isang pagpupulong na magaganap. Ang akademikong sulatin ay may iba’t
ibang katangian batay na rin sa uri ng sulatin na iyong ginagawa at ang madalas na
nagagamit sa akademikong sulatin ay ang Obhetibo, Pormal,
Maliwanag at Orginasado, May paninindigan at Pananagutan .

Isa sa mga nagustuhan ko sa akademikong sulatin ay ang Posisyong Papel , dahil


dito makikita natin na kailangan ay puro tama ang iyong sinasabi na kailangang
tanggapin ng nakararami at higit sa lahat ay mabigyang katarungan ang mga opinyon
mo sa ibang tao.Ang Akademikong Sulatin ay isang uri ng sulatin na kung saan
naglalaman ito ng mahahalagang impormasyon mapa-personal man o pang-akademiko
ito.

Ang Pictorial Essay naman ay isang uri ng sulatin na kung saan dito makikita no
ang maraming mga larawan kaysa sa mga salita. Para sa akin malaki ang naitutulong ng
pictorial essay sa atin dahil sa pamamagitan nito maaari kang makagawa ng isang paksa
na kung saan pwede mo itong idepende sa nangyayari sa tunay na buhay. At kahit
marami ang larawan sa sulatin na ito ay may malaking tulong ito upang ipabatid sa
nakararami ang gusto mong sabihin at iparating ang larawan na iyong ginamit ang
siyang magiging tulay o sagot sa tanong na naiisip ng nagbabasa ng iyong paksang
sinulat.

Ang Lakbay Sanaysay naman ay isang uri ng sulatin upang maitala ng isang tao
ang kanyang mga naranasan sa paglalakbay. Dito ay may kailangang sundin na hakbang
upang hindi ka magkamali at mahirapan sa iyong gagawin na sulatin, sa sulatin na ito ay
may pinakaimportante ka dapat na malaman at ito ay kung ano nga ba ang
naging REALISASYON mo sa iyong paglalakbay.
Ngunit kahit ano mang uri ito ng pagsulat ang pinakaimportante ay
ang natutunan mo sa bawat sulatin na iyong ginagawa, kahit puro pagmamahal lang o
puro pang akademiko ang nakasulat diyan ang mahalaga ay ang nilalaman nito at ang
gusto mong sabihin sa ibang tao. Ang pagsulat ay nakakatulong sa lahat ng aspeto at sa
lahat ng tao dahil ito ang nagiging daan mo para malaman mo ang iba pang
impormasyon na dapat mong malaman. Kaya huwag nating baliwalain ang pagsulat
dahil may malaking tulong ito sa ating lahat.
Replektibong Sanaysay Patungkol Sa Isang
Natatanging Karanasan Bilang Mag-aaral
“Ang Pag-ibig ng Edukasyon”
Sa panulat ni: Dian Joe Jurilla Mantiles

Tunay ngang ang edukasyon sa buhay ng bawat isa ay kapara ng


isang walang katapusang paglalakbay sa mundong sinasaklawan ng
aspektong ‘pagbabago’. Ito ang pinaka-makapangyarihang sandata na kahit
sinuman ay walang kakayahang baguhin at angkinin sapagkat ito ay
permanenteng nakaukit na sa diwa at kamalayang pantao ng isang
nabubuhay. Sa bawat umaga ng ating buhay, tayo ay binabasbasan ng Poong
Lumikha ng kalayaan upang makaanib at makasabay sa kung ano mang
kakatwa ang sumasaklaw sa ating lipunang kinabibilangan. Hindi man lingid
sa ating kamalayan subalit buhat nang tayo ay nasa sinapupunan pa lamang
ay batid na natin ang espiritu ng ‘pagkatuto’. Maging sa kauna-unahang
pagsambit natin ng salitang “mama” hanggang sa tayo ay unti-unting
nabihasa sa ating “abakada” tayo ay nabibilang na pundasyon ng edukasyon.
Karaniwang pamantayan sa edukasyon na kung ang tao ay nasa gulang tatlo
na ay maari na itong magsimulang pumasok sa isang paaralan. Sa makatuwid,
mahabang panahon ang iginugugol ng isang tao para sa kanyang edukasyon.

Sa aking labindalawang taon na pananatili sa loob ng paaralan, masasabi


kong ako ay parang nasa isang paraiso. Bagamat hindi sa lahat ng
pagkakataon ay masaya ako, maraming pagkakataon naman sa aking buhay
ang nagpapaunawa sa akin na ang edukasyon ay patuloy na umaangkla sa
aking pagkatao at maging sa aking kalapit na hinaharap. Ito rin ay patuloy na
nag-iiwan ng hindi mga matatawarang implikasyon ng pagbabago sa aking
pagkatao na siyang dahilan kung bakit ganito ako katatag ngayon. Bukod sa
mga karaniwang talakayin, prinsipyo at pang-akademikong layunin na siyang
ipinapabatid ng edukasyon, ito rin ang nagsilbing balangkas upang mabuksan
ko pa ang lagusan sa kabilang ibayo. Mula dito ay binigyan din ako ng
pagkakataon upang makakilala ng iba’t ibang deskripsyon ng aking kapwa
tao at mga karanasang aking daldalhin habambuhay. Ito ay ang aking
karanasan noong ako ay nasa ika-4 na baitang. Ang karanasan na marahil
para sa akin ay mapanglaw at natatangi lamang.
Isa akong walang kwentang mag-aaral. Oo, tama ang nababasa mo. Wala
akong ibang inisip noon kundi ang makawala sa paaralan na kapara ng isang
bartolina sa akin ay nagbibigay lamang ng pasakit at matinding paghihirap.
Ang tanging namumutawi na lamang sa aking isipan noon ay ang pagpasok
buhat sa kagustuhan ng aking mga magulang. Naaalala ko pa noon na sa
tuwing darating ang katapusan ng Marso ay wala akong ibang ginawa kung
hindi ay panoorin na lamang ang aking mga kaklaseng maglakad sa harapan
ng entablado kasama ng kanilang mga magulang upang tanggapin ang
kanilang mga parangal. Gustuhin ko mang itago ang aking nararamdaman,
subalit ito ay pilit na kumakawala at ako ay tila isang ibon na sa piitan ay
nananahanan. Hindi man hayag sa aking mga magulang ang kanilang
pangingimbulo subalit nararamdaman ko ito. Pinipilit ko itong labanan
subalit wala akong magawa. Napakalakas ng enerhiyang ito at siya ring
enerhiya ang unti-unting sumisipsip sa aking pag-asang makapagbagong
buhay. “Bakit kahit na anong gawin ko ay wala pa ring nangyayari?” ito ang
katanungan na patuloy na sumisilab sa aking mura at gahasang isipan.

Sinusubukan ko ang lahat ng aking makakaya. Sinubukan kong magsipag at


umayon sa kung ano ang pamantayan sa aming klase. Lahat ng ito ay hindi
naging madali sa akin. Sapagkat noo’y wala pa akong kabatiran patungkol sa
mahalagang papel ng edukasyon sa aking magiging kinabukasan. Wala pa
akong alam sa edukasyon maliban sa ito ay “mahirap at walang kwenta”.
Nagdaan ang maikling panahon at dito ay nakilala ko si Ginang Adora
Madayag. Ang aming guro sa asignaturang Filipino. Siya ay may edad na sa
panahong iyon subalit napakalakas ng kanyang impresyong iniwan sa akin.
Hindi ko maipaliwanag subalit dahil sa kanyang mga pangaral ay tila unti-
unting nagbago ang pagtingin ko sa aking sarili na noo’y walang pakialam sa
halaga ng edukasyon. Sa kanya ko rin natutuhan na hindi lamang pala
akademikong kaalaman ang batid na ipamalita ng mga talakayin sa paaralan
bagkus ay naglalayon din itong bigyan ang lahat ng pagkakataong makabuo
ng pagkakaibigan at pamilya sa lahat ng aspektong sinasaklawan nito. Hindi
lang dapat kaalaman ang ating panghawakan mula sa ating mga guro
nararapat ding maunawaan natin ang tunay na karunungan mula dito. Sa
markang “90” ako nagsimulang yumabong at nagpatuloy sa pagkamit ng
aking mga adhikain sa paaralan. Hanggang ngayon sa kasalukuyan, patuloy
pa rin akong naglalakbay papalapit sa aking mga pangarap sa buhay.
Ang karanasang ito ang nagturo sa akin kung paano umunlad hindi lamang sa
aking mga markang nais matamo subalit nakaanib na rin dito ang mga
prinsipyo at impresyong hindi na maiaalis sa aking puso’t isipan sa
kalagitnaan ng aking paglalakbay sa mundong ibabaw. Nawa’y lubusan
nating mabatid na sa ibayo ng mga pamantayang sumasaklaw sa kultura ng
edukasyon, ang layon nitong magbigay ng magaganda at makabuluhang
karanasan ang magsisilbing proteksyon at sandata natin sa pakikidigma sa
ating mga sarili at sa kung ano mang pagbabagong nakaukit na sa ating
panahon.

You might also like