Professional Documents
Culture Documents
Lejarso
Baitang : 12
Pangkat: Humanities and Social Science
Petsa na Ipinasa: Nobyembre 29, 2019
Ipinasa kay: Bb. Maricho V. Artatis
REPLEKTIBONG SANAYSAY
Goyo ang Batang Heneral
Naaalala ko pa noong nanood kami ng aking mga kaklase ng Heneral Luna tatlong
taon na ang nakalilipas. Napagpasiyahan naming manood dahil may diskuwento ang mga
mag-aaral. Mababaw man ang dahilan, naiparating naman sa amin ng pelikula ang mga
kaganapan sa ating kasaysayan na may kinalaman sa pagkamatay ni Heneral Luna. Sa
dulo ng Heneral Luna pagkatapos ng credits ay may pasilip sa isang panibagong pelikula:
ang Goyo: Ang Batang Heneral.
Ngayon, hindi na mababaw ang mga dahilan ko para manood ng Goyo. Sa mga
behind the scenes ng produksiyon ng Heneral Luna, nakita ko kung gaano kahirap at
kung gaano sinisikap ng mga film maker na maging tugma sa kasaysayan ang mga
tagpuan gamit ang computer graphics. Nais ko ring suportahan ang mga pelikulang
makabuluhan na nakapagmumulat sa mga manonood.
Binasag ng pelikulang ito ang imahe ko kay Heneral del Pilar. Ang mga teksto
noong elementarya ay sinasabing siya ang pinakabatang heneral na nagpakita ng
kabayanihan sa Pasong Tirad. Naisip ko, kung sa edad niyang iyon ay naging heneral na
siya ay ibig sabihin magaling siya sa pakikidigma. Sinabi ng pelikulang ito na mali ako.
Naging heneral si Goyo dahil sa kaniyang mga koneksiyon, lalo na kay Aguinaldo. Hindi
ko sinasabing naging heneral lang siya dahil doon, ngunit sa tingin ko ay hindi magiging
ganoon kabilis ang pag-akyat niya sa ranggo sa militar kung wala ang kaniyang mga
koneksiyon. Kitang-kita dito ang ugali ng mga Pilipino ng pakikisama. Minsan mabuti ito,
minsan ay hindi. Nasabi kong hindi dahil sa mga nangyari sa Heneral Luna at Goyo; hindi
nakisama si Luna sa kagustuhan ng gabinete at ibang heneral kaya siya ay ipinapatay
kahit na isa siyang magaling na heneral at si Goyo naman ay parang asong sunod nang
sunod kay Aguinaldo, kaya siya ay napaboran kahit na mas may magaling sa kanya.
Isa rin sa nagustuhan ko sa pelikulang ito ang pagpapakita na ang mga bayani ay
mga tao lamang. Sanay tayong mga Pilipino na tinitingala ang mga bayaning lumaban sa
digmaan. Magagaling, makabayan, at perpekto ang tingin natin sa kanila. Subalit, ang
katotohanan ay katulad natin sila; may mga ambisyon, kasakiman, at pagkamakasarili.
Sa pananaw ko, hindi dapat nakatuon lamang ang atensyon sa mga tinaguriang mga
bayani. Ang mga hindi kilalang mga sundalong mga namatay sa laban ang nagpagalaw
sa rebolusyon. Sila ang nagbuwis ng buhay para sundin ang mga pinunong ating
binibigyang pugay sa kasalukuyan, kahit na ang mga taktika ay mahihina at ang
pagsunod sa mga ito ay parang pagpapatiwakal na.
LAKBAY SANAYSAY
Baguio “Summer Capital of the Philippines”
Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar na may iba’t ibang
tanawin. Lalong lalo na ang mga lugar na talaga namang tinatangkilik ng mga turista,
mapadayuhan man na galing ibang bansa o yung mga taong doon na mismo sa lugar na
yon lumaki at nagkaisip. Hindi ko ginagawa ito upang magbakasyon lamang at magmuni
– muni kundi para malaman ko kung saan at paano nga ba ganoon ang tawag sa lugar
na iyon.
At bakit nga ba ito tinatangkilik at dinadayo ng mga turista. Masayamg gawin ito
pag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay lalong lalo na ang PAMILYA. Dahil ang
pamilya ay isang pinakamahalaga at magandang regalo sa atin ng Panginoong
Hesukristo, ang pamilya ang siyang masasandalan mo sa oras na ikaw ay may problema.
Isa sa napuntahan ko kasama ang aking pamilya ay ang lugar na Baguio. Ang
Baguio ay isa sa mga sikat na lugar dito sa Pilipinas lalong lalo na sa North Luzon, kilala
ito bilang Summer Capital of the Philippines hindi dahil mainit dito ngunit dahil
napakalamig dito lalong lalo na kapag bumagsak ang temperatura dito kapag sumasapit
na ang kapaskuhan. Talaga namang dinadayo ito ng maramimg tao dahil para sa kanila
dito masarap ipagdiwang ang KAPASKUHAN kasama ang iyong mga mahal sa buhay.
Ngunit hindi namin ito pinuntahan noong panahon ng kapaskuhan bagkus noong
unang araw ng Enero taong 2015. Dahil pagkatapos naming ipagdiwang ang BAGONG
TAON ay nagsimula na kaming gumayak mula Pampanga hanggang sa makarating kami
sa Baguio. Pumunta kami doon dahil doon nais ng aking pinsan na ipagdiwang ang
kanyang ikapitong kaarawan. At dahil FIRST TIME naming magpipinsan na pumunta
doon kung kaya’t mas lalo kaming naexcite na makarating na doon.
Isa sa mga pinuntahan namin sa Baguio ay ang Burnham Park na kung saan dito
kamI gumala ng ilang oras, dito sa lugar na ito ay matatagpuan ang isang Dancing
Fountain at isang parang ilog na kung saan pwede kang mamangka at maglibot – libot.
Isa rin sa mga napuntahan namin ay ang Botanical Garden, dito sa lugar na ito ay may
mga matatandang Igorot na kung saan pwede ka sa kanilang magpakuha ng litrato na
kasama sila. Dito mo makikita na hindi nila kinakahiya kung saan sila nagmula kahit na
ganoon ang kanilang pananamit. At nagpunta rin kami sa Mines View , ngunit kahit
malayo at maraming tao doon at WORTH IT naman dahil maganda at talaga namang
nakakarelax at mapapahanga ka sa ganda ng view na iyong nakikita.
At ang huli naming pinuntahan sa Baguio, at ang huling araw na rin namin doon
ay ang Strawberry Farm. Dito mo matitikman ang masasarap na strawberry na tinatawag
din na Preyas. Sa loob ng tatlong araw namin sa Baguio ay marami akong nalaman sa
lugar na iyonat dito ko rin nalaman kung bakit nga ito tinatangkilik ng mga turista.
REALISASYON :
Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang
sasakyan para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mga personal na
obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian bagkus ay isang sisidlan na siyang
nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan
din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang pagkakakilanlan. Sa maikling
salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura, sining at
pagkabansa ng isang bayan.
Ang wikang Filipino, na siyang pambansang wika sa Pilipinas ay ang wikang ginagamit
sa lahat ng sulok ng bansa. Ito ang nagsisilbing sinturon upang maitali ang mga
mamamayan upang maging isa sila sa kanilang mga diwa, pangarap at kalsadang
tinutugpa. Mahirap na isipin kung walang sariling wika na magiging daan upang
magkabuklod-buklod ang mga hiwa-hiwalay na isla ng Pilipinas. Maaaring magdulot ito
ng mga kaguluhan at hindi pagkakaunawaan.