You are on page 1of 2

De Vera, Francis Dave C.

1ST Year – OM1A


NSTP1 – CWTS Guro: Gng. Jackielyn Ilustre

Natatagong Komunidad sa Binondo


Nobyembre 13, 2019, Pumunta kami sa isang komunidad sa binondo, hindi man siya
gaanong nalalayo sa kabihasnan ngunit para sa akin ay ito ay isang tagong komunidad sa
kadahilanang ngayon ko lang nalaman na mayroon palang ganitong komunidad sa binondo. Ang
pagkakakilala ko sa binondo ay lugar ito ng mga Intsik at lugar ito ng mga negosyante kaya
nagulat ako ng malaman ko na may ganitong komunidad ang binondo. Sa aking pag-punta sa
komunidad na ito at sa bawat pag mamasid ng aking mga mata, napansin ko na hindi ganoon
kaganda ang estado ng pamumuhay ng mga naninirahan dito, hindi ganun kayaman at
namumuhay sa isang simpleng paraan. Mapapansin mo sa kanila na kahit na ang dami nilang
hirap na pinagdaanan ay tuloy parin ang buhay at nananatili silang masaya sa kabila ng
kahirapan. Napansin ko din na kahit hindi kami kilala sa lugar na iyon ay maluwag nila kaming
tinanggap at sila ay nagging masaya sa aming pag-bisita. Mapapansin mo sa kanilang lugar na
madaming tao ang naninirahan doon sa kabila ng pagiging maliit ng lugar, mapapansin mo ang
mga bahay na luma na at tila ito ay gawa sa mga simpleng materyales kagaya ng plywood, yero
at iba pa. Sa aking paglalakad sa lugar na iyon ay mapapansin mo na ang pangunahing
pangkabuhayan ng mga tao doon ay pagtitinda sa pamamagitan ng isang maliit na tindahan at
pagbebenta ng mga ulam at pagkain. Madami ding nakatambay sa labas ng kanilang mga bahay
at sa ganitong lugar ay hindi ito maiiwasan.
Maganda ang naging pakikitungo ng mga tao sa amin sa barangay na iyon, hinayaan nila
kaming makipagusap sa kanila na para bang kami ay nagkekwentuhan lamang, ipaparamdam
nila sa iyo ang pagiging kumportable habang kinakausap ninyo sila. Naging maayos din ang
bawat pagsasarbey na aming ginawa sa lugar na iyon at ang mga tao sa lugar na iyon ay
pumayag naman magpa-interbyu sa amin ngunit hindi sa pamamagitan ng isang bidyo ngunit sa
pamamagitan ng pagtatala ng kanilang mga sinasabi gamit ang telepono. Ayon sa kanila, ang
pinakamalalang problema na gusto nilang malutas ay ang problema sa droga dahil maaaring
maraming nakatira sa lugar na iyon na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot na nagkakaroon
ng malaking epekto sa komunidad. Ayon din sa kanila ay madami ding kabataan sa lugar na iyon
na hindi makapag-aral dahil sa pinansyal na problema.
Sa aking pagbisita sa lugar na iyon ay madami akong bagay na napagtanto, aking
napagtanto na ako ay isang kabataan na may pribilehiyo na makapag-aral kaya kailangan ko na
mag-aral ng Mabuti dahil napakadaming kabataan ang gusto mag-aral ngunit hindi makapag-aral
dahil kapos sa kanilang pangangailangan. Napagtanto ko din na hindi dapat sayangin ang pera sa
walang kabuluhang bagay at gamitin ito sa mga bagay na talagang mahalaga at magdudulot ng
kabutihan sa iyo. Napagtanto ko din na dapat magpasalamat ako sa aking mga magulang dahil
madami silang sakripisyo na ginawa upang kami ay makapag-aral. Nagsilbing paraan ang
pagbisita sa komunidad na ito upang ako ay matuto at maintidihan ang kalagayan ng mga tao sa
lugar na iyon. Kung mayroon mang pagkakataon na ako ay makabalik sa lugar na iyon, sana sa
aking pagbalik ay makakita ako ng magandang pagbabago sa lugar na iyon at Makita ko na lahat
ng kabataan sa lugar na iyon ay nakakapag-aral na.

You might also like