GRADE-10 SHAKESPEAR KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK MA’AM:Estrelita B. Santiago
Kaugalian, Paniniwala at Pamumuhay
ng mga tao sa aming Barangay
Barangay Payapa Ilaya , Lemery,Batangas. Lugar na pinagmulan ng
aming lahi . Na kung saan dito ako namulat ang nakagisnan ang mundo simula’t nang ako ay isinilang sa mundong ibabaw . At dahil ngayon ay tinatalakay sa aming aralin sa Pilipino ay nais kong ipaalam at ipabatid sa inyo ang mga natuklasan kong mga kaugalian, paniniwala at pamumuhay ng mga residente sa aming Barangay. Dumako tayo sa paniniwal. Isa na rito ay ang mga pamahiin. Na kung saan wala naman talagang basehan kung ito man ay totoo o hindi. Ngunit ang mga tao dito sa aming lugar ay patuloy na sinusunod at ginagawa ang mga pamahiing kanilang natuklasan bagkos ang dahilan nilay wala namang masama kung gagawin man ito o hindi . Marahil isang paraan ng pagrespeto at paggalang sa mga taong nagpayo sa kanila. Isa sa halimbawa ng pamahiin ay “ Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon dahil ito ay simbolo ng kamalasan” Kaugalian . At dahil dito sa lugar na ito ako namulat, ang mga kaugalian ng mga tao dito sa amin ay kinaugalian ko na rin . Ang pagmamano at paggamit ng po at opo . Isa lamang ang mga ito sa mga kaugaliang aking natutunan sa kanila . Pagpatak ng petsa ng kaarawan ng Patron ng aming lugat , ang mga tao ay hindi nag aatubiling dumalo at makisaya sa pagdiriwang nito . Pagdating naman sa usaping pamumuhay ng nga tao rito . Ay masasabi kong napakasimple lamang . Patuloy pa rin ang mga residente sa pagsasaka sa kabila ng patuloy na pagtakbo ng makabagong teknolohiya sa panahong ito . wala na akong iba pang masasabo sa pamumuhay ng mga tao dito . Sapagkat napaka payaka at simple lamang .
Sampung halimbawa ng kultura ng isang
barangay na ginagawa ng mga mamayan pagmamahalan,respito,dignidad,korapsyon,pag ingat sa likas na yaman,pamamahagi ng mga bagay na kinakailangan ng mga tao,pagbibigay sa mga gawain,pakikilahok sa gawaing baranggay,pag suporta sa gawaing pampolitika,at higit sa lahat pagbibigay galang sa may kapal