Professional Documents
Culture Documents
Sa papel na ito ay nais kong talakayin ang aking ipinagmamalaking kultura sa aking
bayan- ang bayan ng Sinait.
Kung maglalakbay ka patungong hilaga, ang bayan ng Sinait ang pinakahuling bayang
iyong madaraan sa lalawigan ng Ilocos Sur. Kilala ang bayang ito sa bansag na “The Garlic
Center of the North” dahil sa malaking produksyon ng bawang na itinuturing na One Town
One Product (OTOP) ng Sinaitenians. Sa 44 na barangay na bumubuo sa bayang ito,
mababanaag ang iba’t ibang gawi at kultura na tunay na pagkakakilanlan ng bawat
Sinaitenian. Ang mga sumusunod ay mga kulturang aking ipinagmamalaki sa aming bayan:
a) Ayug
Isa sa maraming pagkakakilanlan naming mga taga-Sinait ay ang aming ‘ayug’ o
punto. Sa pamamagitan nito ay agad-agad nakikilala ang aming etnisidad dahil sa
paraan ng aming pagbigkas at pakikipag-ugnayan. Kailanman ay hindi ko ito ikahihiya
dahil ito na ang aking kinalakihan. Noong ako ay nag-aral sa Vigan ay agad napansin
ng aking mga kamag-aral na ako ay taga- Sinait dahil nga sa aking punto. Sa kanilang
mga non-verbal cues, alam kong sila ay nangungutya dahil sa aking punto. Ngunit
hindi ko pa rin ito binago. Nang lumaon at pinakanakatutuwa ay naimpluwensiyahan
ko ng aking punto ang aking mga kamag-aral. Halos kaming mga magbabarkada noon
ay tunog—Sinait kahit pa ako lang ang tunay na taga-Sinait.
Sinasalamin ng kulturang ito ang tunay na pagkakaisa ng mga taga-Sinait. Dito rin
ipinakikita ang uganayan ng bawat Sinaitenians upang matugunan ang mga
pangangailangan. Sa madaling sabi, kailangang may ugnayan ang lahat upang
mabuhay na tunay na makikita pa rin sa amin. Hindi malayong ang ugnayan sa amin
ay matatawag na closed network dahil halos kami ay magkakakilala sa aming mga
lugar. Ngunit kung kabuuang bayan ng Sinait ay open network dahil wala namang
koneksiyon ang bawat isa sa amin. Ang usaping ito ay hindi naman gaanong
mahalaga, ang mainam ay nagtutulungan ang bawat isa upang mapaunlad ang
pamumuhay ng bawat indibiduwal, ng pamilya, ng komunidad at ng buong bayan na
aking ipinagmamalaki.
e) Kailala
Hindi ko alam kung may katumbas sa Filipino ang terminolohiyang ito ng mga
Ilokano. Mas malalim pa ito sa salitang “sayang” dahil kaakibat ng salitang ito ang
pagpapahalaga lalong-lalo na sa pagkain. Ito ang isa sa nais kong ipagmalaki sa
aming lugar gayundin sa buong lahi ng mga Ilokano. Batay sa naging pag-aaral ni
Galeon (2020) natuklasan niya na sa kasaysayan ng paggawa ng chichacorn ay dahil
sa ‘panangilala’ ng isang maglalako ng binatog (pinakuluang mais) na hindi niya
naitinda ay kanya itong prinito upang hindi masayang.
Tunay na maipagmamalaki ang ganitong kultura na kung ngayon pa lamang ay
may kamalayan na ang mga kabataan, paniguradong mas pahahalagahan ng bawat
isa ang mga bagay-bagay na mayroon sila.
Mga Sanggunian:
Galeon, K. (2020) A documentary film for Ilocano Cultural Preservation. African Journal of
Hospitality, Tourism and Leisure, GCBSS Special Edition (2019) ISSN: 2223-814X
©2020. Retrieved from https//:www.ajhtl.com on October 3, 2020
Reolalas, S.R. (2018). The Endangered Ilokano Terms. International Journal of Scientific &
Engineering Research Volume 9, Issue 12, December- 2018 ISSN 2229-5518. Retrieved
from www.ijesrgorg on October 3, 2020.
Nuñez, J. (2019). The benefits of Fiesta in the Philippines. University of The Philippines.
Retrieved from: hhttps://www.researchgate.net/publication/335685006 on October 3,
2020