You are on page 1of 2

Renzo M.

Castañeda October 23, 2020

BSHM-2D Mrs,Apanay

’’ANG KULTURA AT AKO”

Ang pilipino ay mayaman sa kultura. Maraming mga bagay ang talagang

pinapahalagahan ng mga Pilipino hindi lamang sa kultura kundi sa mga

tradisyon na taon-taong ating ipinagdiriwang. Kilala ang mga Pilipino sa

pagiging relihiyoso. Madalas na iugnay ang pagiging relihiyoso sa pagiging

ispiritwal ngunit sa panahon natin ngayon, tinitingnan na rin ang kaibahan ng

dalawa. Sa aking kalaaman, matagal nang binigyang-diin ng ating mga

ninuno na bago pa man masakop ng iba’t ibang relihiyon ang Pilipinas,

mayroon na tayong mga ritwal na maaaring iugnay sa relihiyon. Nilayon ng

pag-aaral na itong malaman ang mga paniniwala at pagpapakahulugan ng

mga Pilipino tungkol sa ispiritwalidad at relihiyon. Ako bilang isang katoliko

(Roman Catholic) hamak na pinaniniwalaan namin ang mga santo o ibat

ibang santo sa aming nililigiran. May mga pag aaral sa iba’t ibang larangan

ang ginawan ng panayam para lubusang maintindihan ang mga paniniwala at

pagpapakahulugan ng mga Pilipino tungkol sa ispiritwalidad at relihiyon.

Nilinang ako nga aking mga magulang upang makita o malaman ang takbo

ng buhay, isinilang ako upang matuto at makatulong sa mga taong aking

minamahal at pinagkakatiwalaan. Sinubok ako sa mga gawain na talagang

nagpatuto at nagturo sa akin ng tamang pamamaraan, andiyan ang aking

mga magulang o lola na naggabay sakin ng tama at maling gawain. Iba ang

paniniwala ng aking lola, matuto sa mga gawain at talagang malaking bagay


ang pagpatuto ko sa ngayon. Natuto akong makipag kapwa tao, at higit sa

lahat may takot sa Diyos. Isa lamang yan sa mga nilinang sa akin ng mga

magulang ko. Pinapakita na ang ispiritwalidad ng mga Pilipino ay nakaugnay

sa mga paniniwala sa relihiyon. Makikita na isang penomenolohikal o

personal na karanasan ang ispiritwalidad at tumutukoy ito sa kaugnayan ng

ating sarili sa isang mas mataas sa atin at sa ibang tao. Maraming mga

karunungan ang talagang itunuro sa akin nga mga magulang ko, isa dyan ang

pagsimba tuwing Linggo, at magbigay ng pasasalamat at magpatawad sa

mga nagawang kasalanan. Sa kaugnayan ng ispiritwalidad at relihiyon, hindi

maaaring maihiwalay ang ispiritwalidad sa relihiyon. Sa gayon, upang

lubusang maunawaan ang ispiritwalidad ng mga Pilipino, nararapat na

pagtuunan ng pansin ang mga paniniwala at karanasan sa relihiyon.

Malaki ang naging impluwensya ng aking mga magulang sa takbo ng

aking buhay sa ngayon. Natuto ako sa mga mahahalagang gawain upang

mabuhay, magsikap at magtiyaga sa kung anong meron. Sa araw araw kong

gawain, mula pagkagising, nagkaroon ako ng sapat na gawain na talagang

araw araw kong isinasagawa.Kumilos sa bahay, matuto sa gawaing

pangsarili, magbigay ng sapat na pag unawa sa mga nasasakupan. Dito rin

nilinaw ang aking kalaaman sa mga mahahalagang bagay sa aking buhay,

Malaki ang pasasalamat ko sa aking mga magulang. Ang kultura, tradisyon at

ibang ibang gawain masasaabi na isa na mahalaga upang malinang at matuto

ang aking tao o tayo bilang isang kapwa mag aaral sa ngayon na nagsisikap

upang makatapos at makatulong balang. At balang araw Ako at aking Kultura,

ay siya namang maihahandog ko sa mga taong kailangan nating linangin.

You might also like