You are on page 1of 2

Paghahanda ng Sariling Artikulong Pampananaliksik (pang-Journal)

Mga miyembro:ng pangkat sa pananaliksik

1. Daso, Benneth D.
2. Sto. Domingo, Hershey
3. Villojan, Airon John
4. Mirabueno, Ofelia C.
Tentatibong nilimitahang Paksa: Pagdami ng Pang-aabuso sa tahanan

Tentatibong Pamagat ng Artikulo: Karahasan sa Tahanan sa Kasagsagan ng Pandemya

A. Ano ang nagtulak sa inyo upang naising pag-aralan ang paksang ito?
Hindi mawari sa aming kaisipan kung ano ang pinagkaka-abalahan ng mga tao sa loob ng
tahanan ngayong may pandemya tayong kinakaharap. Sa panahon ngayong ang pag pirmi
sa loob ng tahanan at pinakaligtas upang makaiwas sa covid-19. Sa kabilang banda,
maraming tao ang nababahala sapagkat dito madalas nangyayari ang karahasan kaya
tinuturing nila itong hindi ligtas na lugar. Gusto namin aralin upang malaman namin kung
paano malilimitahan at masugpo ang ganitong isyu. Ito ang dahilan kung bakit gusto namin
pag-aralan ang paksa patungkol sa pang-aabuso sa tahanan sa kasagsagan ng pandemya.

B. Ano-anong suliranin/katanungan ang hangad ninyong matugunan sa gagawing


pananaliksik? Magbigay ng 3. (Maaaring magsimula sa ANO-ANO, BAKIT, PAANO,
GAANO)

1. Ano ang mga nararanasan ng mga biktima na naaabuso sa loob ng tahanan lalo
na ngayong may pandemya?

2. Bakit maraming biktima ang natatakot magsumbong at maglakas loob na


ipagtanggol ang kanilang sarili sa mapang-abusong kapamilya o kasama sa loob
ng tahanan?

3. Ano ang mga kadahilanan kung bakit nangyayari ang pang-aabuso sa loob ng
tahanan?

C. May nabasa na ba kayong mga artikulo, babasahin, o pag-aaral na may ganito ring paksa o di
kaya naman ay kaugnay nito? Ibigay ang pamagat, may-akda,at taon ng pagkakasulat.

1. Pamagat: Karahasan sa Pamilya sa panahon ng COVID-19

May-akda: Government of Alberta

Taon ng pagkakasulat/pagkalimbag: 2020

2. Pamagat: Into the Darkest Corner

May-akda: Elizabeth Haynes

Taon ng pagkakasulat/pagkalimbag: Agosto 27, 2013

3. Pamagat: Karahasan sa tahanan at pamilya

May-akda: 1800 Respect National Assault, Domestic Family Violence Counselling Services

Taon ng pagkakasulat/pagkalimbag: 2012


D. Ano-anong teorya (1-3) ang sa palagay ninyo ay angkop gamitin sa inyong gagawing
pananaliksik? Ipaliwanag kung paano ito nauugnay/angkop sa inyong paksa.

1. Nangyayari ang pang-aabuso sa loob ng tahanan sa mga kadahilanang maaaring may


hindi pagkakaintindihan kaya humahantong ito sa iba’t- ibang klaseng karahasan na
nararanasan ng biktima sa tahanan.

2. Maaaring ang biktima ay nakararanas ng pang-aabusong emosyonal (pgbibitaw ng


masasakit at hindi kaaya-ayang salita), pisikal (katulad ng pagbugbug o pagsuntok sa
katawan) at sekswal (pamimilit na gawin ang sekswal na aktibidad) ang biktima sa loob
ng tahanan

3. Natatakot magsumbong, lumaban at ipagtanggol ng biktima ang kanyang sarili sa


posibleng kadahilalan kagaya ng pananakot at pagbabanta ng may sala sa biktima.
Maaaring ang biktima din ay gustong nalamang itikom ang bibig upang madiskrimina at
lumala ang isyung kanyang kinakaharap sa loob ng tahanan.

E. Ano namang metodolohiya at disenyo ang binabalak ninyong gamitin? Bakit ? Paano ninyo ito
balak gawin?

1. Metodolohiya: Kuwalitatibo

2. Paano isasagawa? (Saan, Sino, Kailan)

Sa kadahilanang may kinakaharap tayong pandemya ngayon. Napagdesisyunan namin na magsasagawa


nalamang ng interbyu sa pamamagitan ng social media (messenger, google meet, skype, at iba pa) ng sa gayon
ay makakuha kami ng datos base sa opinyon, pananaw at perspektibo ng mga kalahok.

Handa naming isagawa ang panayam sa darating na ikalawang linggo ng Mayo (Mayo 10, 2021) sa oras
na 10:30 am ng umaga hanggang 12:00 pm ng hapon.

You might also like