You are on page 1of 2

Mabangis na Lungsod

I Panimula

Si Adong ay isa lamang sa daang mga bata na naninirahan sa Quiapo at ang tanging hanao buhay lamang
ay ang mamalimos sa mga tao. At kadalasan na ang perang nililikom nya ay kinukuha lamang ng isang
mamang may ngalan na Bruno. Iyon lamang ang tanging nyang kayang gawin gustuhin man nyang hindi
ito sunduin.

II Pagsusuring pangnilalaman

a. Paksa

Patungkol ang kwento sa isang bata na namamalimos sa mga tao na ay ngalan ay Adong at tanging sa
simbahan lamang ang nagiging tahanan ng bata sa magulong buhay ng Quiapo.

b. Simbolismong ginamit sa Akda

Barya - ito ang nagsisilbing bumubuhay sa kanya upang siya ay makaahon sa iang araw. Titiisin nya ang
lahat ng pandidiri at pagsuklam ng mga mata para lamang makahingi at may makain sya.

c. Uri ng Akda

Isang maikling kwento

d. Kulturang masasalamin sa Akda

Ito ay mahahalintulad mo sa buhay na meron ang mga tao sa syudad. Karamihan sa kanila ang
namumuhay sa kalsada at tanging pagmamalimos lamang ang kanilang hanap buhay. Kadalasan na sila
ay nasa tapat ng simbahan upang doon maghintay. Karaniwan sa kanila ay meron may hawak sa kanila na
masasamang tao at iyon ang kumokontrol sa kanila.

III Pagsusuring pangkaisipan

a. Pahiwatig

Ito ay nagpapahiwatig sa ating lahat na tayo ay maging masikap upang ang mga tulad ng mga ganitong
kuwento ay ating matulungan. Tulungan sila sa kanilang paghihirap at imulat din sa kanila na hindi
lamang sa Quiapo at pagmamalimos ang pwedeng maging buhay nila. Lalong lalo na sa mga kabataan
dahil maraming bagay pa ang nariyan kesa sayangin ang buhay nila sa lugar na hindi naman sila
nabibilang.

b. Implikasyon sa buhay
Maging masipag sa buhay upang magkaroon at tuparin ang ninanais na pangarap. Magsikap at maging
matiyaga sa lahat ng bagay dahil maraming tao ang hindi nabibigyan ng magandang buhay kaya kung
maari ay huwag itong sayangin.

You might also like