You are on page 1of 8

Kahirapan: Hamon sa Bawat Pilipino

ni Manny Villar

Hindi nakapagtataka na ang bawat administrasyon ay nagsisikap na


pagandahin ang larawan ng bansa sa kabila ng matiitinding suliranin, pero kung
minsan ay tila nakakainsulto dahil sa kalabisan.

Isang halimbawa ang ginawang pag-aabgo sa paraan ng pagtaya sa lawak ng


kahirapan.
Isa sa mga binago ay ang pinakamababang komposisyon ng pagkain ng mga
nasa Metro Manila upang ang isang pamilya ay hindi na mabilang na dukha.
Sa dating panukat, ang food threshold sa almusal ay tortang kamais, sinangag,
kape para sa matatanda at gatas para sa bata.
Sa bagong panukat, ang dapat ihain sa almusal ay priting itlog, kape na may
gatas at kanin. Wala na ang gatas para sa mga bata. Maramin ring nawala sa bagong
panukat para sa tanghalian, meryenda at hapunan.
Dahil sa mga pagbabagong ito, bumaba ang katumbas na suutansiya mula sa
kinakain ng mga Pilipino para hindi mabilang na dukha.
Ibinaba rin ang poverty income threshold o ang halagang dapat kitain ng isang
pamilyang may limang miyembro para hindi mabilang na mahirap, mula sa dating 7,
953.00 hanngang 7, 017.00.
Dahil sa pagbabagong ito, ang bilang ng mahihirap na pamilya ay bumaba mula
sa 4.9 milyon hanggang 3.9 milyon, at ang bilang ng mamamayang dukha ay bumaba
sa isang milyon- mula sa 2.4 milyon hanggang 23.1 milyon.
Sa aking pananaw, hindi malulutas ng anumang pagbabago sa panukat ang
kahirapan. Kahit ang 2.3 milyong lugmok sa kahirapan ay napakalaking bilang pa rin.
Tinatalakay ko ang paksang ito hindi para tuligsain ang pamahalaan kundi para
ipakita na ang kahirapan ay isang hamon na dapat harapin ng lahat ng mga Pilipino.

Ang unang hakbang para malutas ang kahirapan ay ang pagtanggap na ito ay
suliranin ng bansa. Sa isang maysakit, walang magagawa ang sinumang mangagamot
hangga’t hindi tinatanggap ng isang pasyente na siya ay may sakit.

Sa halip na pagandahin ang larawan ng kahirapan sa pamamagitang ng


pagmamanipula sa mga panukat ay dapat pagtuunan ng pasin ng pamahalaan ang mga
proyektong makakalikha ng hanapbuhay , na magtataas ng antas ng pamumuhay ng
bawat pamilyang Pilipino at sa bandang huli ay tunay na magpapababa sa bilang ng
mahihirap.

Antas: Grade 10
Bilang ng mga salita: 357
Kinuha noong Nobyembre 8, 2014 mula sa
(http://www.balita.net.ph/2012/01/18/kahirapan-hamon-sa-bawat-pilipino)

Mga Tanong:
1.Ano ang paksa ng binasang lathalain? (Pagsuri)
a. kahirapan
b. droga
c. polusyon
2. Ano ang bagong batayang panukat ang dapat ihain sa almusal sa hapag kainan?
(Paghinuha)
a. pritong itlog at kape na may gatas
b. pritong itlog, kape na may gatas at kanin
c. tortang kamatis, sinigang, kape para sa matatanda at gatas para sa bata.

3. Sa aking pananaw, hindi malulutas ang anumang pagbabago sa panukat ng


kahirapan. Ang keywords na sa aking pananaw ay nagpapahayag ng (Paghinuha)
a. opinyon
b. posibilidad
c. hinuha

4. Ang mabubuong kaisipan pagkatapos mabasa ang teksto ay (Pagsuri)


a. Ang kahirapan ay di -dapat ipagwawalang-bahala.
b. Ang kahirapan ang ugat ng paglaganap ng iba’t ibang krimen sa bansa.
c. Ang kahirapan ay isang hamon na dapat harapin ng lahat ng mga Pilipino.

10. Sa palagay mo, may pag-asa pa kayang makakaahon sa kahirapan ang ating
bansa?
a. Oo, kung gagawa ng hakbang ang ating gobyerno sa pagbibigay ng
magandang
trabaho.
b. Oo, kung paiiralin ang kasipagan ng bawat mamamayan.
c. Oo, kung may sipag at tiyaga at sa buhay.
d. Lahat ng mga nabanggit.

B. Alamat ng Mina ng Ginto

Noong unang panahon, may isang lugar sa Baguio na kung tawagin ay


Suyuk.Naninirahan dito ang mga Igorot at isa na dito si Kunto.Bata pa lamang si
Kunto ay nakitaan na ng kakaibang lakas at tapang. Kaya”t ito ay napiling tagapamuno
ng Suyuk.Ang mga naninirahan sa Suyuk ay namumuhay ng tahimik at taon-taon ay
nagdaraos ng cañao bilang pasasalamat sa mga anito.Kung magdaos sila ng cañao ay
nagpapatay sila ng baboy at iniaalay sa bathala.

Isang araw ay nagpunta si Kunto sa kagubatan upang mamana. Di pa sya


nakakalayo ay may nakita siyang isang uwak at nakatayo ito mismo sa patutunguhan
nya.Lumakad si Kunto papalapit sa ibon ngunit ito ay hindi gumagalaw.Nang malapit
na si Kunto ay bigla syang napatigil sapagkat ito ay tumango sa kanya ng tatlong
beses.

Bagamat matapang ay nakaramdam din si Kunto ng takot. Hindi na tumuloy si


Kunto sa pamamana at isinangguni na lang nito sa mga nakakatanda ang nakita nyang
uwak at ang ikinilos nito.“Marahil ang ibong iyon ay ang ating bathala at ipinapaalala
na dapat tayong magdiwang ng cañao” saad ng matanda.“Kung ganoon ay magdiwang
na tayo ng cañao” saad naman ng isa.Nang ang lahat ay nakahanda na ay humuli sila
ng isang baboy na iaalay sa bathala.Inilagay nila ito sa altar na ginawa nila sa taas ng
kabundukan.Ngunit anong himala ng biglang ang baboy ay nag anyong tao.

Nagulat ang lahat ng magsalita ito.“Wag kayong matakot, dahil kayo”y


mabubuti ay gagantimpalaan ko kayo basta”t sundin nyo lamang ang aking sasabihin.
Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay sa aking tabi. Pagkatapos ay takluban
ninyo ako ng malaking palayok. Ipagpatuloy nyo ang cañao at pagkalipas ng tatlong
araw ay bumalik kayo dito” saad ng misteryosong matanda.Ginawa naman ng mga
taga nayon ang bilin ng matanda.Saad pa ng matanda ay makakakita ang mga taga
nayon ng isang puno na di pa nila nakikita. Ang bunga, dahon at sanga daw nito ay
maari nilang kuhanin ngunit wag lamang gagalawin ang katawan.Pagkalipas ng tatlong
araw ay bumalik ang mga taga nayon. Totoo ang sinabi ng matanda sapagkat naroon
ang maliit na puno sa ilalim ng palayok na itinaklob ng mga taga nayon.Pumitas si
Kunto ng isang gintong dahon at maya maya lamang ay napalitan agad ito ng
panibagong dahon. Natuwa ang lahat at isa isa silang kumuha.

Sa loob ng napakaiksing panahon ay yumaman ang mga taga Suyuk. Ngunit


hindi nawala ang inggitan.Nang tumagal ay namalayan na lamang nila na ang puno ay
napakataas na at di na maabot ang mga dahon at bunga.“Kay taas na ng puno at di na
natin maabot ang dahon at bunga, mabuti pa ay putulin na natin ito” saad ng isa.
Tinaga ng tinaga ng mga taga nayon ang puno at ito naman ay nabuwal.Nayanig ang
lupa at nakarinig ang mga taga nayon ng isang tinig.“Kayo ay nabigyan ng gantimpala
ng kabutihan ngunit sa halip na mag-ibigan ay inggit at pag-iimbot ang naghari sa
inyong mga puso” saad ng misteryosong tinig.At pagkatapos marinig ang tinig ay
nilamon ng lupa ang mga taga nayon.

Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio. Makakakuha ka


lamang nito sa paghukay ng lupa.

Anats: Grade 10
Bilang ng mga salita: 527

Mga Tanong:

6. Saan naganap ang mga pangyayari sa akdang nabasa?(Literal)


a. Butuan
b. Suyok,Baguio
c.Albay

7. Ano ang tawag sa mga ipinagdiriwang ng mga Igorot? (Pagsuri)


a. Caňao
b. Ati-atihan
c. Sinulog

8. Ang baboy na inialay sa altar ng mga Igorot ay napalitan ng_______(Paghinuha)


a.matandand babae
b. pagkatanda-tandang lalaki
c. nag anyong tao
6.Gantimpalang ibinigay ng matanda sa mga taga-Suyuk kapalit ng kanilang
kabutihan.
a. baboy
b. dyamante
c. punong ginto

10.Ang mensaheng nais iparating ng akda ay___(Paghinuha)


a. Huwag masilaw sa kayamanan
b. Tumupad sa pangako
c. Huwag maging sakim
d. Lahat ng nabanggit

C. Alibughang Anak

May isang amang may dalawang anak. Kinuha ng bunsong anak ang mana nito at
kanyang ginugol sa mga makamundong gawain.
Dumating ang panahong naubos ang lahat ng kayamanang minana niya at lubos
siyang naghirap at nagdalita at namuhay nang masahol pa sa katayuan ng mga alipin
sa kanilang tahanan.
Dahil sa mga hirap at sakit na kanyang naranasan, napagtanto niya ang
kanyang masasamang ginawa. Nagpasiya siyang bumalik sa kanyang ama,
nagpakumbaba at humingi ng tawad.
Dahil sa labis na pagmamahal ng ama sa anak, buong puso niya itong tinanggap,
at hindi lang ito, ipinagdiwang pa ang kanyang pagbabalik na ikinasama naman ng loob
ng panganay na na kapatid dahil ni minsan ay hindi niya naranasang ipinaghanda ng
piging ng kanyang ama.
Subalit siya ay inalong kanyang ama at ipinaliwanag na siya ay lagi niyang
kapiling at ang lahat ng ari-arian niya ay para sa kanyasubalit ang bunsong anak na
umalis ay itinuring nang patay ngunit muling nabuhay, Nawala, ngunit muling
nasumpungan.

Antas: Grade 10
Bilang ng mga salita: 163
Hinango sa Magandang Balita, Lukas 15:11-32

Mga Tanong:

11. Ano ang hiningi ng bunsong anak sa kanyang ama? (Literal)


a. mana
b. promotion
c. bakasyon

12. Ano ang nangyari sa bunsong anak pagkatapos niyang lustayin ang kanyang
kayaman? ( Pagsuri)
a. nasiraan ng bait
b. nakulong
c. naghirap at nagdalita

13. Bakit masama ang loob nag panganay na kapatid sa kanyang ama? (Paghinuha)
a. dahil nagselos ito sa bunsong kapatid
b. dahil binigyan ng promotion ang bunsong kapatid
c. dahil palagi siyang inuutusan kaysa bunsong kapatid
14. Paano tinanggap ng ama ang kanyang bunsong anak? (Paghinuha)
a. pinarusahan ito at ginawang katulong
b. pinahiya siya sa harap ng maraming tao
c. ipinagdiwang ito at nagkaroon ng piging

15. Anong uri ng ama ang ama sa akdang binasa? (Literal)


a. mapanghusga
b. maawain at mapagpatawad
c. sakim

D. Ang Bataan Nuclear Power Plant

Ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) ay isang plantang nukleyar sa Morong
Bataan. Itinayo ito sa ilalim ng panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos,
ngunit sa kasamaang palad, hindi ito nagamit at napakinabangan.
Noong Hulyo 1973, inanunsyo ni Pangulong Marcos ang pagtatayo ng isang
plantang nukleyar sa Bataan sa ilalim ng kaniyang programang nukleyar na nagsimula
noong 1958. Ang programa ay bilang tugon sa krisis sa langis sa Gitnang Silangan at
solusyon sa pangangailangan sa enerhiya ng bansa.
Sinimulan ang konstruksyon ng planta noong 1976 ngunit pinatigil noong 1979
dahil diumano, nakitaan ito ng mga eksperto mula sa Estados Unidos ng
napakaraming depekto. Naging suliraninng ilan sa mga naging alkalde ang lokasyon ng
planta na malapit sa fault line at bundok Pinatubo, isa sa mga aktibong bulkan sa
Pilipinas. Nang malapit nang matapos ang BNPP noong 1984, umabot sa $2.3 bilyon
ang naging gastos sa konstruksyon nito. Ang halagang ito ay inutang lamang ng
Pilipinas sa World Bank. Ang BNPP ay idinisenyo upang lumikha ng 621 megawatts ng
elektrisidad, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi ito napagana kahit isang
minute.
Nang mapaalis sa puwesto si Pangulong Marcos noong 1986, nagpasya ang
pumalit sa kaniyang si Pangulong Corazon Aquino na huwag nang patakbuhin ang
planta dahil sa takot na magaya ito sa Chernobyl Disaster sa Russia. Gayundin,
maraming residente ng Bataan at mga organisasyon ang nagpakita ng matinding
pagtutol dito. Kalaunan ay kinasuhan ng goberno ng Pilipinas ang Westinghouse, ang
kontraktor ng planta, dahil sa overpricing at panunuhol, ngunit hindi rin ito nilitis ng
goberno ng Estados Unidos.
Hanggang sa kasalukuyan ay binabayaran pa rin ng Pilipinas, mula sa buwis ng
mga mamamayan nito, ang napakalaking utang ng bansa dahil sa BNPP. Bukod sa isyu
ng overpricing at kurapsiyon ng mga kroni ni Marcos, nakapanlumong hindi
napakinabangan ng mga mamamayan ang proyektong ito.

Antas: Grade 10
Bilang ng mga salita: 307
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik
Mga Tanong:

16. Anong uri ng planta ang itinayo sa Morong, Bataan? (Literal)


a. Bataan Nuclear Power Plant (BNPP)
b. National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)
c. Manila Water System (MWS)

17. Kinasuhan ng goberno ng Pilipinas ang Westinghouse ang kontraktor ng planta


dahil____? (Paghinuha)
a. may depekto ang ito
b. overpricing at panunuhol
c. walang lisensya sa pagpapatayo nito.

18. Kailan inanunsyo ni Pangulong Marcos ang pagpapatayo ng Nuclear Plant?


a. Hulyo 1975
b. hulyo 1978
c. Hulyo 1973

19. Anu-ano ang mga dahilan kung bakit hindi napakinabangan ang Bataan Nuclear
Power Plant? (Pagsuri)
a. may depekto
b. ipinatigil ito
c. lahat ng nabanggit

20. Bakit nagpasiya si Pangulong Corazon Aquino na huwag nang patakbuhin ang
planta maging sa panahon ng kaniyang administrasyon?
a. takot na magaya ito sa Chernobyl Disaster sa Russia.
b. dahil galit siya sa mga Marcos
c. dahil hindi ito kanyang proyekto
ANSWER KEY: Grade 10

A.

A. B. C. D.

1. a 6. b 11. a 16. a
2. c 7. A 12. d 17. b
3. a 8. c 13. a 18. c
4. c 9. c 14. c 19. c
5. d 10. d 15. b 20. a

You might also like