You are on page 1of 13

PANIMULANG PAGTATASA

SA FILIPINO

SET A
Level Pamagat ng mga seleksyon:
Grade 1 Ang Daga
Grade 2 Si Mila
Grade 3 Magpalipad Tayo ng Saranggola
Grade 4 Isang Pangarap
Grade 5 Tagtuyot Hatid ng El Niño
Grade 6 Buhayin ang Kabundukan
Grade 7 Pagpapala sa Pangingisda
Mga Tanong:

1. Ano ang nasa mesa?

a. baso
b. daga
c. pusa

2. Anong mayroon ang daga?


a. damit
b. laruan
c. pagkain

3. Ano ang unang nangyari sa kuwento?


a. Nakita ng pusa ang daga.
b. Nakita ng daga ang keso.
c. Tumakas ang daga sa pusa.

4. Ano ang gagawin ng daga sa keso?


a. lulutuin
b. kakainin
c. paglalaruan

5. Bakit kaya nawala ang daga?


a. natakot sa pusa
b. nahuli ng bata
c. ayaw maagawan ng keso

2
SI MILA
Si Mila ay nakatira sa bukid.
Maraming hayop sa bukid.
Marami ring halaman sa bukid.
Maraming alagang hayop si Mila.
May alagang baboy si Mila.
May alaga din siyang baka at kambing.
Sa mga hayop niya, ang manok niya ang kanyang paborito.
Tiko ang pangalan ng manok niya.
Si Tiko ay kulay pula at puti.
Siya ang gumigising kay Mila tuwing umaga.
Masaya si Mila kapag naririnig ang tilaok ni Tiko.

Mga Tanong:

1. Sino ang may alaga?


a. si Mila
b. si Olla
c. si Tiko

2. Saan nakatira si Mila?


a. sa zoo
b. sa Maynila
c. sa probinsya

3. Ano ang alaga ni Mila?


a. isda
b. buwaya
c. tandang

4. Paano ginigising ni Tiko si Mila sa umaga?


a. tumatahol
b. tumitilaok
c. umiiyak

5. Ano ang isa pang magandang pamagat ng kuwento?


a. Ang Tandang ni Mila
b. Ang Kambing ni Mila
c. Hayop sa Gubat

3
MAGPALIPAD TAYO NG
SARANGGOLA
Maganda ang panahon. Gustong maglaro ni Niko. Niyaya ni Niko na maglaro
ang kakambal na si Noli. Pumunta ang kambal sa labas. May dala silang mga
saranggola. Makukulay ang mga saranggola ng kambal.

Pinalipad agad nila ang mga saranggola. Mataas ang lipad ng saranggola
ni Niko.

Napansin ni Niko si Noli. Malungkot ang mukha ni Noli habang nakatingin


kay Niko.

“Halika, tuturuan kita kung paano paliparin ang saranggola.” sabi ni Niko.

Tumingin si Noli. Ipinakita ni Niko kay Noli kung paano magpalipad. Ilang
saglit pa, nakangiti na si Noli.

“Salamat, Niko,” wika niya.

“Maraming salamat mga bata. Natatapos agad ang gawain kung


nagtutulungan,” sabi niya.

Mga Tanong:

1. Saan pumunta ang mga bata?


a. sa labas
b. sa paaralan
c. sa simbahan

2. Ano ang gusto nilang gawin?


a. kumain
b. maglaro
c. magpahinga

3. Anong panahon kaya magandang magpalipad ng saranggola?


a. maaraw
b. mahangin
c. maulan
4. Bakit kaya tinuruan ni Niko ng tamang paglipad si Noli?
a. Walang sariling saranggola si Niko.
b. Nasira ang hawak na saranggola ni Niko.
c. Hindi mapalipad ni Niko ang saranggola niya.

4
5. Anong uri ng kapatid si Niko?
a. maasikaso
b. magalang
c. matulungin

6. Bakit napangiti na si Noli sa katapusan ng kuwento?


a. Napalipad na niya ang saranggola.
b. Binigyan siya ng premyo.
c. Nanalo siya sa paglalaro.

5
ISANG PANGARAP
Kasama si Jamil, isang batang Muslim, sa sumalubong sa pagdating ng kanyang
tiyuhin.

“Tito Abdul, saan po ba kayo galing?” tanong ni Jamil.

“Galing ako sa Mecca, ang banal na sambahan nating mga Muslim. Bawat isa sa
atin ay nangangarap na makapunta roon. Mapalad ako dahil narating ko iyon.”

“Bakit ngayon po kayo nagpunta roon?”

“Kasi, isinasagawa natin ngayon ang Ramadan, ang pinakabanal na gawain ng


mga Muslim. Pag-alala ito sa ating banal na aklat na tinatawag na Koran. Doon
ipinahayag na sugo ni Allah si Mohammed.”

“Alam ko po ang Ramadan. Nag-aayuno tayo at hindi kumakain mula sa pagsikat


ng araw hanggang hapon.”

“Oo. Isang paraan kasi natin ito upang ipakita ang pagsisisi sa nagawa nating
kasalanan.”

“Pangarap ko rin pong makapunta sa Mecca,” sabi ni Jamil.

6
Mga Tanong:

1. Saang banal na sambahan nanggaling si Tito Abdul?


a. sa Mecca
b. sa Israel
c. sa Jerusalem
d. sa Bethlehem

2. Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim?


a. Bibliya
b. Koran
c. Misal
d. Vedas

3. Ano ang pakiramdam ni Tito Abdul nang makarating siya sa Mecca?


a. nagsisi
b. napagod
c. nasiyahan
d. nanghinayang

4. Ano ang natupad sa pagpunta ni Tito Abdul sa Mecca?


a. ang pangako kay Allah
b. ang plano na makapangibang-bansa
c. ang tungkulin na makapagsisi sa mga kasalanan
d. ang pangarap na makapunta sa banal na sambahan

5. Anong katangian ang pinapakita nina Tito Abdul at Jamil?


a. magalang
b. masunurin
c. maalalahanin
d. mapagbigay

6. Ano ang tingin ni Jamil sa kanyang Tito Abdul?


a. Mahusay siyang maglakbay.
b. Siya ay isang mapagmahal na ama.
c. Isa siyang masipag na mamamayan.
d. Siya ay isang magandang halimbawa.

7. Ano ang tinutukoy sa kuwento?


a. ang mga tungkulin ng mga Muslim
b. ang pagmamahalan sa pamilya
c. ang pamamasyal ni Tito Abdul
d. pang kagandahan ng Mecca

7
TAGTUYOT HATID NG EL NIÑO
Tagtuyot ang hatid ng El Niño. Dahil dito, bumababa ang water level at
nagkukulang sa suplay ng tubig sa mga anyong tubig, gaya ng mga ilog at batis.
Nagkukulang din sa suplay ng tubig sa mga imbakan gaya ng La Mesa Dam na
matatagpuan sa Lungsod Quezon at Angat Dam sa Bulacan. Ang mga ito ang
pinagkukunan ng tubig sa Kamaynilaan at sa mga karatig probinsya nito.
Malaki ang epektong dulot ng El Niño sa buhay ng tao. Kukulangin ang
suplay ng tubig na inumin, pati na rin ang gagamiting tubig para sa iba pang
pangangailangan.
Hindi lamang tao ang mahihirapan sa epekto ng tagtuyot. Kung kulang
ang tubig, magkakasakit ang mga hayop at maaari rin silang mamatay.
Ang tubig ay kailangan din ng mga halaman at kagubatan. Maraming
apektadong taniman kung kulang ang patubig. Dahil sa sobrang init, maaaring
mag-apoy ang mga puno na nagdudulot ng sunog.
Isang malaking tulong sa panahon ng El Niño ay ang pagtitipid ng tubig.
Iwasang aksayahin at gamitin ang tubig sa hindi mahahalagang bagay.
Mga Tanong:

1. Ano ang nangyayari kapag may El Niño?


a. tagtuyo
b. red tide
c. ipu-ipo
d. bagyo

2. Maliban sa tao, ano-ano pa ang maaapektuhan sa El Niño?


a. hayop, halaman at gubat
b. hangin, lupa at buhangin
c. bato, semento at tubig
d. ulap, araw at bituin

3. Ano ang HINDI nagaganap kapag tagtuyot?


a. pag-ihip ng hangin
b. pag-ulan
c. pagdilim

8
d. pag-araw

4. Ano kaya ang nararamdaman ng mga tao kapag El Nino?


a. giniginaw
b. masigla
c. naiinitan
d. nanlalamig

5. Bakit kaya maaaring maraming magutom kapag tagtuyot?


a. Magkakasakit ang mga tao.
b. Tatamarin magluto ang mga tao.
c. Kukulangin ang tubig sa pagluluto.
d. Hindi makapagtatanim ang magsasaka.

6. Bakit kayang mahalaga na mabasa at maintindihan ang talatang ito?


a. para maiwasan ang pagkakaroon ng El Niño
b. para magtulungan sa pagtitipid ng tubig
c. para magkaroon ng lakas ng loob
d. para hindi maging handa sa tag-ulan

7. Ano ang HINDI nakasaad sa seleksyon?


a. ang dahilan ng El Nino
b. ang mga epekto ng El Nino
c. ang maaaring gawin kapag may El Nino
d. kung sino at ano ang apektado sa El Nino

9
BUHAYIN ANG KABUNDUKAN
Ang mga kabundukan ay isa sa magagandang tanawin sa ating kapaligiran.
Taglay nito ang mga punungkahoy na nagbibigay ng ating mga pangangailangan.
Makikita rito ang sari-saring mga halaman na nakalulunas ng ibang
karamdaman, mga orkidyas, mga ligaw na bulaklak at mga hayop.

Ang mga punungkahoy at iba pang halaman ay tumutulong sa pagpigil ng


erosyon o pagguho ng lupa dulot ng ulan o baha. Nagsisilbi rin itong watershed
para sa sapat na pagdaloy ng tubig.

Subalit marami sa mga kabundukan natin ang nanganganib. Ang dating lugar
na pinamumugaran ng mga ibon at mga ligaw na bulaklak ay unti-unti nang
nasisira. Dahil sa patuloy na pagputol ng mga punungkahoy, marami na ang
nagaganap na mga kalamidad tulad ng biglaang pagbaha sa iba’t ibang pook.

Sa pangunguna at pakikipagtulungan ng Department of Environment and


Natural Resources (DENR), ang ahensya ng bansa na tumutugon sa pag-aalaga
ng kapaligiran at kalikasan, ang pagkasira ng kabundukan ay nabigyan ng
solusyon. Ang reforestation o muling pagtatanim ng puno kapalit ng mga
pinutol o namatay na mga puno ay isa sa mga programa ng DENR. Maraming tao
ang natuwa dito at inaasahan nila na darating ang panahon na manunumbalik
ang kagandahan at kasaganaan ng mga kabundukan.

Mga Tanong:

1. Ano ang nakukuha sa kabundukan na tumutugon sa pangangailangan ng


tao?
a. bato
b. ginto
c. lupa
d. punungkahoy

2. Ano ang ginagawa sa punungkahoy na nagiging sanhi ng mga kalamidad?


a. pagsunog ng puno
b. pagtanim ng puno
c. pagputol ng puno
d. pagparami ng puno

10
3. Bakit nawawalan ng hayop sa kabundukan kapag nagpuputol ng mga puno?
a. Naliligaw sila sa gubat.
b. Wala silang matitirahan.
c. Nakakain sila ng ibang hayop.
d. Madali silang nahuhuli ng tao.

4. Ano ang salitang kasingkahuluganng pagguho ng lupa? (Literal)


a. erosyon
b. kalamidad
c. reforestation
d. watershed

5. Ano kayang ugali ang ipinapakita ng mga taong patuloy na nagpuputol ng


mga puno ng kagubatan?
a. mapagbigay
b. masipag
c. sakim
d. tamad

6. Ano ang magandang maidudulot ng reforestation?


a. maiiwasan ang tagtuyot
b. maiiwasan ang pagbaha
c. maiiwasan ang pag-ulan
d. maiiwasan ang pagbagyo

7. Piliin ang angkop na kadugtong ng slogan na “Buhayin ang Kabundukan:


______________________________________”
a. Magtanim ng Mga Puno
b. Ilagay sa Hawla Ang Mga Ibon
c. Ilipat sa Kapatagan Ang Mga Halaman
d. Iwasan ang Pagkuha ng Mga Bulaklak

8. Ano ang koneksyon ng pagputol ng mga puno sa kagubatan sa pagbaha sa


kapatagan?
a. Sa kabatagan na babagsak ang ulan.
b. Kapag wala ng puno, madalas na ang pag-ulan.
c. Wala ng mga hayop na magbabantay sa daloy ng tubig.
d. Wala nang pipigil sa pagdaloy ng tubig mula sa kabundukan.

11
PAGPAPALA SA PANGINGISDA
Ang ating bansa ay napaliligiran ng malawak na karagatan. Sagana ito sa
iba’t ibang uri ng isda. Kaya marami sa mga Pilipino ay pangingisda ang
ikinabubuhay.

Sa pakikipagtulungan ng mga pribadong kumpanya ng pangingisda, ang ating


pamahalaan ay nag-eeksport sa Hongkong at Taiwan. Iba’t ibang uri ng isda
ang dinadala natin sa mga bansang ito tulad ng tuna at lapu-lapu. Malaki ang
naitutulong nito sa hanapbuhay ng ating mga mangingisda. Subalit ang
kasaganahang ito ay malimit na inaabuso. May mga mangingisdang gumagamit
ng mga pampasabog at lasong kemikal para makahuli ng maraming isda.
Namamatay ang maliliit na isda na dapat sana ay lumaki at dumami pa. Ang iba
naman ay sinisira ang mga coral reefs na tirahan ng mga isda.

Ang Kagawaran ng Agrikultura sa pangunguna ng Bureau of Fisheries and


Aquatic Resources (BFAR) ay patuloy na gumagawa ng mga hakbang para
masugpo ang mga mangingisdang lumalabag sa batas pagdating sa paraan ng
pangingisda. Ang BFAR ay nagsasagawa ng mga proyekto na magpapaunlad sa
produksyon ng isda. Kasama rito ang pagbabawal ng pangingisda na nakasisira
sa coral reefs, ang pagbubuo ng mga artificial reefs, at pagmomonitor ng red
tide sa iba’t ibang karagatan sa buong bansa.

Malaking bahagi ng ekonomiya ang nagbubuhat sa sektor ng mga


mangingisda. Maraming tao rin ang nakikinabang sa pagtatrabaho sa
industriya ng pangingisda tulad ng fish marketing, fish processing, net
making, boat-building at fish trading. Ito ang mga dahilan kung bakit
kailangang alagaan ang industriyang ito.

Mga Tanong:

1. Ano-anong isda ang ipinapadala sa ibang bansa?


a. dilis at tawilis
b. tilapia at bangus
c. tuna at lapu-lapu
d. galunggong at bisugo

2. Alin sa sumusunod ang paraan ng pangingisda na ipinagbabawal?


(Paghinuha)
a. pamimingwit
b. paggamit ng lambat
c. ang paraang pagbubuslo
d. paggamit ng pampasabog

12
3. Anong tanggapan ang nangunguna sa pagsugpo sa labag na batas na
paraan ng pangingisda?
a. Bureau of Food and Drug
b. Metro Manila Development Authority
c. Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
d. Department of Energy and Natural Resources

4. Bakit maraming Pilipinong may hanapbuhay na pangingisda?


a. Magaling lumangoy ang mga Pilipino.
b. Maraming hindi nais magtrabaho sa taniman.
c. Walang ibang makuhang trabaho ang mga Pilipino.
d. Napaliligiran ng malawak na karagatan ang Pilipinas.

5. Ano kaya ang masamang epekto ng paggamit ng pampasabog at lason


sa pangingisda sa tao?
a. Natatakot ang mga isda.
b. Hindi na lumalaki ang mga isda.
c. Wala nang makakaing isda ang mga tao.
d. Namamatay ang maliliit at batang isda.

6. Ano ang maaaring mangyari kung hindi ipagbawal ang maling paraan ng
pangingisda?
a. Mauubos ang mga isda sa dagat.
b. Mawawalan ng hanapbuhay ang mga mangingisda.
c. Matatakot na gumamit ng pampasabog ang mga tao.
d. Maraming gagamit ng tamang paraan ng pangingisda.

7. Anong ugali ang ipinakikita ng mga mangingisdang patuloy na gumagamit


ng maling paraan ng pangingisda?
a. mahilig sa gulo
b. matigas ang ulo
c. malikhain sa trabaho
d. masipag maghanapbuhay

8. Ano ang layunin ng manunulat ng seleksyon? (Pagsusuri)


Nais ng manunulat na ______________________________________.
a. ipagmalaki ang Pilipinas bilang isang mayamang bansa
b. makilala ang Pilipinas bilang magandang pinagkukunan ng isda
c. ipaubaya sa pamahalaan ang pag-aalaga sa mga katubigan ng bansa
d. malaman ng tao na sa bawat gawain ay may kaakibat na
responsibilidad
9.

13

You might also like