0% found this document useful (0 votes)
45 views10 pages

Filipino Set A

Ang dokumento ay naglalaman ng iba't ibang kwento at tanong mula sa mga mag-aaral mula sa Grade 1 hanggang Grade 6. Kabilang dito ang mga kwento tungkol sa mga hayop, mga karanasan ng mga bata, at mga isyu sa kapaligiran tulad ng El Niño at ang kahalagahan ng mga kabundukan. Ang bawat kwento ay may kasamang mga tanong na naglalayong suriin ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga aralin.

Uploaded by

jessa.basister
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
45 views10 pages

Filipino Set A

Ang dokumento ay naglalaman ng iba't ibang kwento at tanong mula sa mga mag-aaral mula sa Grade 1 hanggang Grade 6. Kabilang dito ang mga kwento tungkol sa mga hayop, mga karanasan ng mga bata, at mga isyu sa kapaligiran tulad ng El Niño at ang kahalagahan ng mga kabundukan. Ang bawat kwento ay may kasamang mga tanong na naglalayong suriin ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga aralin.

Uploaded by

jessa.basister
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

ANG DAGA

Pumunta sa lawa si Tito. Kasama niya si Lina sa lawa. Malayo ang lawa. Nakita nila
ang palaka sa lawa. Nakita nila ang bibe sa lawa. Nakita rin nila ang buwaya. Naku!
Ang laki ng buwaya!
Grade 1
1. Ano ang nasa mesa?
a. baso
b. daga
c. pusa

2. Anong mayroon ang daga?


a. damit
b. laruan
c. pagkain

3. Ano ang unang nangyari sa kuwento?


a. Nakita ng pusa ang daga.
b. Nakita ng daga ang keso.
c. Tumakas ang daga sa pusa.

4. Ano ang gagawin ng daga sa keso?


a. lulutuin
b. kakainin
c. paglalaruan

5. Bakit kaya nawala ang daga?


a. natakot sa pusa
b. nahuli ng bata
c. ayaw maagawan ng keso
SI MILA
Si Mila ay nakatira sa bukid. Maraming hayop
sa bukid.
Marami ring halaman sa bukid.
Maraming alagang hayop si Mila.
May alagang baboy si Mila.
May alaga din siyang baka at kambing.
Sa mga hayop niya, ang manok niya ang kanyang paborito.
Tiko ang pangalan ng manok niya.
Si Tiko ay kulay pula at puti.
Siya ang gumigising kay Mila tuwing umaga.
Masaya si Mila kapag naririnig ang tilaok ni Tiko.
Grade 2

1. Sino ang may alaga?


a. si Mila b. si Olla c. si Tiko

2. Saan nakatira si Mila?


a. sa zoo b. sa Maynila c. sa probinsya

3. Ano ang alaga ni Mila?


a. isda
b. buwaya
c. tandang

4. Paano ginigising ni Tiko si Mila sa umaga?


a. tumatahol
b. tumitilaok
c. umiiyak

5. Ano ang isa pang magandang pamagat ng kuwento?


a. Ang Tandang ni Mila
b. Ang Kambing ni Mila
c. Hayop sa Gubat
MAGPALIPAD TAYO NG SARANGGOLA
Maganda ang panahon. Gustong maglaro ni Niko. Niyaya ni Niko na maglaro ang kakambal na si Noli.

Pumunta ang kambal sa labas. May dala silang mga saranggola. Makukulay ang mga saranggola ng

kambal.

Pinalipad agad nila ang mga saranggola. Mataas ang lipad ng saranggola ni Niko.

Napansin ni Niko si Noli. Malungkot ang mukha ni Noli habang nakatingin kay Niko.

“Halika, tuturuan kita kung paano paliparin ang saranggola.” sabi ni Niko.

Tumingin si Noli. Ipinakita ni Niko kay Noli kung paano magpalipad. Ilang saglit pa, nakangiti na si Noli.

“Salamat, Niko,” wika niya.

“Maraming salamat mga bata. Natatapos agad ang gawain kung nagtutulungan,” sabi niya.
Grade 3
1. Saan pumunta ang mga bata?
a. sa labas b. sa paaralan c. sa simbahan

2. Ano ang gusto nilang gawin?


a. kumain b. maglaro c. magpahinga

3. Anong panahon kaya magandang magpalipad ng saranggola?


a. maaraw b. mahangin c. maulan

4. Bakit kaya tinuruan ni Niko ng tamang paglipad si Noli?


a. Walang sariling saranggola si Niko.
b. Nasira ang hawak na saranggola ni Niko.
c. Hindi mapalipad ni Niko ang saranggola niya.

5. Anong uri ng kapatid si Niko?


a. Maasikaso b. magalang c. matulungin

6. Bakit napangiti na si Noli sa katapusan ng kuwento?


a. Napalipad na niya ang saranggola.
b. Binigyan siya ng premyo.
c. Nanalo siya sa paglalaro.
ISANG PANGARAP
Kasama si Jamil, isang batang Muslim, sa sumalubong sa pagdating ng kanyang tiyuhin. “Tito
Abdul, saan po ba kayo galing?” tanong ni Jamil.

“Galing ako sa Mecca, ang banal na sambahan nating mga Muslim. Bawat isa sa atin ay
nangangarap na makapunta roon. Mapalad ako dahil narating ko iyon.” “Bakit ngayon po kayo
nagpunta roon?”

“Kasi, isinasagawa natin ngayon ang Ramadan, ang pinakabanal na gawain ng mga Muslim. Pag-
alala ito sa ating banal na aklat na tinatawag na Koran. Doon ipinahayag na sugo ni Allah si
Mohammed.”

“Alam ko po ang Ramadan. Nag-aayuno tayo at hindi kumakain mula sa pagsikat ng araw
hanggang hapon.”

“Oo. Isang paraan kasi natin ito upang ipakita ang pagsisisi sa nagawa nating
kasalanan.”
“Pangarap ko rin pong makapunta sa Mecca,” sabi ni Jamil.
Grade 4

1. Saang banal na sambahan nanggaling si Tito Abdul?


a. sa Mecca b. sa Israel c. sa Jerusalem d. sa Bethlehem

2. Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim?


a. Bibliya b. Koran c. Misal d. Vedas

3. Ano ang pakiramdam ni Tito Abdul nang makarating siya sa Mecca?


a. nagsisi b. napagod c. nasiyahan d.
nanghinayang

4. Ano ang natupad sa pagpunta ni Tito Abdul sa Mecca?


a. ang pangako kay Allah
b. ang plano na makapangibang-bansa
c. ang tungkulin na makapagsisi sa mga kasalanan
d. ang pangarap na makapunta sa banal na sambahan

5. Anong katangian ang pinapakita nina Tito Abdul at Jamil?


a. magalang b. masunurin c. maalalahanin c.
mapagbigay
6. Ano ang tingin ni Jamil sa kanyang Tito Abdul?
a. Mahusay siyang maglakbay. C. Isa siyang masipag na mamamayan.
b. Siya ay isang mapagmahal na ama. D. Siya ay isang magandang halimbawa.

7. Ano ang tinutukoy sa kuwento?


a. ang mga tungkulin ng mga Muslim b. ang pamamasyal ni Tito Abdul
b. ang pagmamahalan sa pamilya d. ang kagandahan ng Mecca
TAGTUYOT HATID NG EL NIÑO
Tagtuyot ang hatid ng El Niño. Dahil dito, bumababa ang water level at
nagkukulang sa suplay ng tubig sa mga anyong tubig, gaya ng mga ilog at batis.
Nagkukulang din sa suplay ng tubig sa mga imbakan gaya ng La Mesa Dam na
matatagpuan sa Lungsod Quezon at Angat Dam sa Bulacan. Ang mga ito ang
pinagkukunan ng tubig sa Kamaynilaan at sa mga karatig probinsya nito.

Malaki ang epektong dulot ng El Niño sa buhay ng tao. Kukulangin ang suplay ng
tubig na inumin, pati na rin ang gagamiting tubig para sa iba pang pangangailangan.

Hindi lamang tao ang mahihirapan sa epekto ng tagtuyot. Kung kulang ang tubig,
magkakasakit ang mga hayop at maaari rin silang mamatay.

Ang tubig ay kailangan din ng mga halaman at kagubatan. Maraming apektadong


taniman kung kulang ang patubig. Dahil sa sobrang init, maaaring mag-apoy ang mga
puno na nagdudulot ng sunog.

Isang malaking tulong sa panahon ng El Niño ay ang pagtitipid ng tubig.


Iwasang aksayahin at gamitin ang tubig sa hindi mahahalagang bagay.
Grade 5

1. Ano ang nangyayari kapag may El Niño?


a. tagtuyo
b. red tide
c. ipu-ipo
d. bagyo

2. Maliban sa tao, ano-ano pa ang maaapektuhan sa El Niño?


a. hayop, halaman at gubat
b. hangin, lupa at buhangin
c. bato, semento at tubig
d. ulap, araw at bituin

3. Ano ang HINDI nagaganap kapag tagtuyot?


a. pag-ihip ng hangin
b. pag-ulan
c. pagdilim
d. pag-araw

4. Ano kaya ang nararamdaman ng mga tao kapag El Nino?


a. giniginaw
b. masigla
c. naiinitan
d. nanlalamig

5. Bakit kaya maaaring maraming magutom kapag tagtuyot?


a. Magkakasakit ang mga tao.
b. Tatamarin magluto ang mga tao.
c. Kukulangin ang tubig sa pagluluto.
d. Hindi makapagtatanim ang magsasaka.
6. Bakit kayang mahalaga na mabasa at maintindihan ang talatang ito?
a. para maiwasan ang pagkakaroon ng El Niño
b. para magtulungan sa pagtitipid ng tubig
c. para magkaroon ng lakas ng loob
d. para hindi maging handa sa tag-ulan

7. Ano ang HINDI nakasaad sa seleksyon?


a. ang dahilan ng El Nino
b. ang mga epekto ng El Nino
c. ang maaaring gawin kapag may El Nino
d. kung sino at ano ang apektado sa El Nino
BUHAYIN ANG KABUNDUKAN
Ang mga kabundukan ay isa sa magagandang tanawin sa ating kapaligiran. Taglay
nito ang mga punungkahoy na nagbibigay ng ating mga pangangailangan. Makikita rito
ang sari-saring mga halaman na nakalulunas ng ibang karamdaman, mga orkidyas,
mga ligaw na bulaklak at mga hayop.

Ang mga punungkahoy at iba pang halaman ay tumutulong sa pagpigil ng erosyon o


pagguho ng lupa dulot ng ulan o baha. Nagsisilbi rin itong watershed para sa sapat na
pagdaloy ng tubig.

Subalit marami sa mga kabundukan natin ang nanganganib. Ang dating lugar na
pinamumugaran ng mga ibon at mga ligaw na bulaklak ay unti-unti nang nasisira. Dahil
sa patuloy na pagputol ng mga punungkahoy, marami na ang nagaganap na mga
kalamidad tulad ng biglaang pagbaha sa iba’t ibang pook.

Sa pangunguna at pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural


Resources (DENR), ang ahensya ng bansa na tumutugon sa pag-aalaga ng kapaligiran
at kalikasan, ang pagkasira ng kabundukan ay nabigyan ng solusyon. Ang reforestation
o muling pagtatanim ng puno kapalit ng mga pinutol o namatay na mga puno ay isa sa
mga programa ng DENR. Maraming tao ang natuwa dito at inaasahan nila na darating
ang panahon na manunumbalik ang kagandahan at kasaganaan ng mga kabundukan.
Grade 6

1. Ano ang nakukuha sa kabundukan na tumutugon sa pangangailangan ng


tao?
a. bato
b. ginto
c. lupa
d. punungkahoy

2. Ano ang ginagawa sa punungkahoy na nagiging sanhi ng mga kalamidad?


a. pagsunog ng puno
b. pagtanim ng puno
c. pagputol ng puno
d. pagparami ng puno
3. Bakit nawawalan ng hayop sa kabundukan kapag nagpuputol ng mga
puno?
a. Naliligaw sila sa gubat.
b. Wala silang matitirahan.
c. Nakakain sila ng ibang hayop.
d. Madali silang nahuhuli ng tao.

4. Ano ang salitang kasingkahuluganng pagguho ng lupa? (Literal) a. erosyon


b. kalamidad
c. reforestation
d. watershed

5. Ano kayang ugali ang ipinapakita ng mga taong patuloy na nagpuputol


ng mga puno ng kagubatan?
a. mapagbigay
b. masipag
c. sakim
d. tamad
6. Ano ang magandang maidudulot ng reforestation?
a. maiiwasan ang tagtuyot
b. maiiwasan ang pagbaha
c. maiiwasan ang pag-ulan
d. maiiwasan ang pagbagyo

7. Piliin ang angkop na kadugtong ng slogan na “Buhayin ang


Kabundukan: ______________________________________”
a. Magtanim ng Mga Puno
b. Ilagay sa Hawla Ang Mga Ibon
c. Ilipat sa Kapatagan Ang Mga Halaman
d. Iwasan ang Pagkuha ng Mga Bulaklak

8. Ano ang koneksyon ng pagputol ng mga puno sa kagubatan sa pagbaha


sa kapatagan?
a. Sa kabatagan na babagsak ang ulan.
b. Kapag wala ng puno, madalas na ang pag-ulan.
c. Wala ng mga hayop na magbabantay sa daloy ng tubig.
d. Wala nang pipigil sa pagdaloy ng tubig mula sa kabundukan.

You might also like