You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Region I
Schools Division of Ilocos Norte
Vintar District II
ALEJO MALASIG ELEMENTARY SCHOOL
Unang Lagumang Pagsusulit sa
FILIPINO 6
Quarter 2

Table of Specification
EASY AVERAGE DIFFICULT

LAYUNIN No. of

Understanding
Remembering
Items

Evaluating
Analyzing
Applying

Creating
1. Nasasagot ang mga tanong
1,2,3,4,
tungkol sa napakinggang/ 10 5,7
6,8,9,10
nabasang talaarawan at
anekdota. (F6RC-IId-f-3.1.1)
2. Naibabahagi ang isang 11,12,
pangyayaring nasaksihan. 5 13,14,
(F6PS-IIh-3.1) 15

3. Nagagamit ang dating 16,17,

kaalaman sa pagbibigay ng 5 18,19,
wakas ng napakinggang teksto 20

KABUUAN 20 8 7 5 0 0 0

Inihanda ni:

JEFFREY D. MENOR
Teacher III
BINIGYANG-PANSIN:

FLORDELIZA C. DOMINGO
School Principal II
Name: ____________________________________________ Score: __________

Republic of the Philippines

Region I
Schools Division of Ilocos Norte
Vintar District II
ALEJO MALASIG ELEMENTARY SCHOOL
Unang Lagumang Pagsusulit sa
FILIPINO 6
Quarter 2
I. Panuto: Basahin ang anekdota at talaarawan na nasa loob ng mga kahon sa ibaba at sagutin ang mga
sumusunod na tanong. Isulat lamang ang titik ng iyong sagot.
ANG TSINELAS NI PEPE
(Anekdota ni Jose Rizal)
Isang araw, sumama si Pepe sa kaniyang ama sa pamamangka sa ilog. Gustong-gusto ni Pepe
ang pamamangka dahil bukod sa nalilibang siya ay nagugustuhan niyang pagmasdan ang mga
nagtataasang mga puno at naggagandahang mga halaman at bulaklak. Nagugustuhan din niyang
pagmasdan ang napakalinis at napakalinaw na ilog. Kaya’t habang nagsasagwan ang kaniyang ama ay
abala naman siya sa katitingin sa ilog. Ginagawa niya itong salamin upang makita ang kaniyang
mukha. Iba’t ibang ayos ang ginagawa niya sa kaniyang mukha. Minsa’y idinidilat niya ang kani- yang
mga mata o di kaya naman ay pinalalaki niya ang kaniyang bibig. Gustong-gusto rin niyang nakikita
ang iba’t ibang ibon na nagpapahinga sa kanilang mga pugad. Napapapalakpak siya sa tuwing siya’y
makakakita ng mga ibong sabay-sabay na lumilipad.
Sa bandang likuran ng bangka laging umuupo si Pepe. Nakataas ang kaniyang mga paa sa
malapad na kahoy na inuupan ng kaniyang ama. Ang paghanga ni Pepe sa sama-samang paglipad ng
mga ibon ay kaniyang pinapalakpakan.
“Yehey! Ang ganda! Sabay-sabay sila sa paglipad!” sabi ni Pepe habang siya’y walang tigil
sa pagpalakpak.
“Pepe, huwag kang malikot. Baka lumubog ang bangka,” paalala ng kaniyang ama.
“Dinaramdam ko po, Ama. Labis po kasi akong nagandahan sa nakita ko,” sabi ni Pepe.
Muli na namang nakakita si Pepe ng mga ibong sabay-sabay na lumilipad. Hindi niya napigilan ang
pagpalakpak. Kasabay ng kaniyang pagpalakpak ay napakislot ang kaniyang kanang paa. Hindi niya
inaasahang mahuhulog ang isa niyang tsinelas.
“Ama, nahulog po ang aking isang tsinelas,” sabi ni Pepe.
“Huwag kang mag-alala. Ibabalik ko ang bangka para kunin ang tsinelas mo,” sabi ng kaniyang
ama. Sa halip na sumangayon ay itinapon ni Pepe ang kabiyak ng tsinelas.

“O, bakit mo itinapon ang kabiyak ng tsinelas?” tanong ng kaniyang ama. “Para po
pakinabangan ng makakakuha. Hindi po kasi niya magagamit ang isang tsinelas lamang,” sagot ni
Pepe.
Natawa ang ama ni Pepe. Ipinagpatuloy niya ang pagsagwan habang tuwang-tuwang
pinapanood ni Pepe ang nagliliparang mga ibon.
Sanggunian: PIVOT 4A CALABARZON Filipino G6
1. Sinong Pepe ang tinutukoy sa anekdota?
A. Jose Rizal B. Jose Corazon de Jesus C. Jose Burgos D. Jose Dela Cruz
2. Kanino sumama si Pepe?
A. sa kanyang ama B. sa kanyang guro C. sa kanyang kaibigan D. sa kanyang kapatid
3. Saan naganap ang kuwento?
A. sa bakuran B. sa ilog C. sa pamilihan D. sa parke

4. Ano ang suliranin sa kuwento?

A. Ang paglipad ng mga ibon B. Ang pagsakay sa bangka
C. Ang nahulog na tsinelas sa ilog D. Ang pagsagwan sa ilog
5. Ano ang kapana-panabik na bahagi ng kuwento?
A. Lumipad nang sabay-sabay ang mga ibon.
B. Nahulog ang isang tsinelas ni Pepe sa ilog.
C. Itinapon ni Pepe ang kabiyak ng tsinelas sa ilog.
D. Kukunin ng ama ni Pepe ang nahulog na tsinelas sa ilog.
Mahal kong Talaarawan,
1 Enero 2021
Biyernes
Isang masayang araw ang sa aming pamilya ay naghihintay. Maagang nagluto sila nanay,
lola at Ate Mary ng aming baon para sa aming picnic sa La Virgen Milagrosa de Badoc. Maaga ring
gumising sila tatay, lolo at Kuya Marcus upang ayusin ang mga dadalhin pati na rin ang
paghahanda ng aming sasakyan. Naghanda naman ako ng aking mga dadalhing gamit gaya ng
salbabida pati na rin ang aking swimming trunks. Kanina pa namin hinahanap ang aming bunsong si
Mark pero kanina pa pala siya nasa loob ng sasakyan. Tawanan ang lahat ng aming malaman.
Ika-siyam ng umaga nang kami ay makarating doon. Bago kami magtungo sa beach ay
nagdasal muna kami sa La Virgen Milagrosa Chapel upang magpasalamat sa Poong Maykapal sa
lahat ng biyayang aming natanggap sa nagdaang taon.
Ang saya-saya ng bawat isa sa paglangoy sa malamig at malinis na tubig dagat. Idagdag pa
ang masasarap na pagkaing inihanda nila nanay na aming kinain sa floating cottage. Sumakay kami
nila ate, kuya at bunso sa banana boat. Sa sobrang tuwa ay nahulog ako. Ang saya-saya ng araw na
iyon. Tunay ngang dapat kong ipagpasalamat sa Diyos ang ibinigay niyang pamilya sa akin.

Nagmamahal,
Matthew

6. Sino ang nagsulat ng talaarawan?

A. Marcus B. Mark C. Mary D. Matthew
7. Ano ang ipinagdiriwang ng pamilya ng nagsulat ng talaarawan?
A. Araw ng mga Puso B. Araw ng Pasko C. kanyang Kaarawan D. Bagong Taon
8. Saan nagtungo ang mag-anak?
A. Saud Beach, Pagudpud B. La Virgen Milagrosa de Badoc
C. Umok ni Siwawer D. Sexy Beach, Pasuquin
9. Ano ang unang ginawa ng mag-anak nang makarating sa kanilang pupuntahan?
A. Nagdasal at nagpasalamat sa Diyos. B. Sumakay sa banana boat.
C. Kumain sa floating cottage. D. Lumangoy sa malinis na tubig dagat.
10. Ano ang ipinagpasalamat ng nagsulat ng talaarawan?
A. ang kanyang pamilya B. ang kanilang picnic
C. ang kanyang pagkahulog D. ang kanilang pamamasyal

II. Panuto: Pag-aralan ang bawat larawan. Tukuyin kung anong pangyayaring nasaksihan na nasa loob
ng kahon ang angkop sa bawat larawan. Isulat lamang ang titik ng iyong sagot.
A. Pagsusuot ng face mask at pagpapatupad ng social distancing sa mga pampublikong lugar tulad
ng pamilihang-bayan.
B. Pagkakaroon ng online class ng mga bata upang maipagpatuloy ang edukasyon sa gitna ng banta
ng COVID-19.
C. Aksidente sa kalsada dahil sa mabilis na pagpapatakbo.
D. Pagpapanatili ng kalinisan sa mga pampublikong lugar upang maiwasan ang pagkalat ng
COVID-19.
E. Pag-iisang dibdib ng magkasintahan upang bumuo ng sariling pamilya.

11. 12.
13. 14.

15.

III. Panuto: Bigyan ng wakas ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin sa loob ng kahon ang titik ng
wastong sagot sa bawat bilang. Isulat lamang ang titik ng iyong sagot.

A. Hindi nila naging suliranin ang pagkain at ilaw kahit na nag-brown-out pa ng madaling araw.
B. Naglimas ng tubig sa kabahayan sina Aling Nene.
C. Inabot si Rocky sa trabaho ng paglakas ng bagyo at nahirapan siyang nakauwi.
D. Naglunsad ng kampanya ang bawat barangay ng paglilinis ng mga kanal, bakuran at fumigation
o ang pagpapausok.
E. Tumirik ang kanyang ipinapasadang sasakyan dahil sa mataas na tubig-baha.

16. Laganap ang epidemya ng dengue fever sa sa taong ito. Marami na ang bilang ng dinadala sa ospital
at ang ilan ay nasawi na.

17. May babala na ang PAGASA na mananalasa ang Super Typhoon sa Kamaynilaan kinabukasan ng
tanghali. Kinabukasan sa paggising ni Rocky ay maliwanag na ang kalangitan. Para bang walang
binabadyang pagbagyo bagamat may pag-ulan. Pumasok si Rocky sa trabaho ng ika-siyam ng umaga.

18. Malakas na ang buhos ng ulan. Humahagupit na rin ang daluyong ng hangin ng bagyo. Pumasada pa
rin ang masipag na drayber na si Martin.

19. Dahil sa lakas ng bagyo, nagtuklapan ang bubong ng bahay nina Aling Nene. Tumulo na rin ang
ulan sa kanilang kabahayan.

20. Gabi pa lamang ay naghanda na sina Mang Oscar at Aling Lourdes ng mga pangunahing
pangangailangan para sa panahon ng kasagsagan ng bagyo. Nag-ipon sila ng tubig, namili ng bigas,
mga de-lata, noodles at flashlight. Lumakas ang bagyo nang madaling araw.

Inihanda ni:

JEFFREY D. MENOR
Teacher III
Teacher’s Feedback: ________________________________
_______________________________________________ Learner’s Signature over Printed Name
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________
Parent’s Signature over Printed Name
JEFFREY D. MENOR
Teacher III
Name: ____________________________________________ Score: __________

Republic of the Philippines

Region I
Schools Division of Ilocos Norte
Vintar District II
ALEJO MALASIG ELEMENTARY SCHOOL
Performance Task No. 1
FILIPINO 6
Quarter 2

MELCs: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang talaarawan at anekdota.

(F6RC-IId-f-3.1.1)
 
Panuto: Sumulat ng talaarawan (diary) kung ano ang ginawa mo sa loob ng tatlong araw. Gawing
batayan ang ibinigay na rubric.

Pamantayan 5 3 1 Puntos
Nilalaman Nailahad nang maayos Nailahad ang mga Nailahad ang mga
ang mga karanasan sa karanasan subalit may karanasan subalit hindi
talaarawan mga bahaging hindi maayos ang
masyadong nailahad pagkakasunod-sunod
nang maayos. ng mga karanasan.
Anyo at Sangkap Naisulat nang wasto at Naisulat nang wasto at Walang naisulat na
kompleto ang petsa, kompleto ang petsa, petsa araw at taon at
araw at taon. Naisulat araw at taon subalit walang bating
ang bating pangwakas walang bating pangwakas at pangalan
at pangalan ng pangwakas at pangalan ng sumulat..
sumulat. ng sumulat.
Wastong gamit ng Wasto ang baybay ng May 2-3 salita na mali Maraming salita na
wika mga salita. Gumamit ang pagkakabaybay. mali ang
ng angkop na bantas sa May 2-3 mali sa pagkakabaybay. Hindi
loob ng pangungusap paggamit ng bantas sa gumamit ng angkop na
at bantas panapos at loob ng pangungusap bantas sa loob ng
gumamit ng malaking at bantas panapos. pangungusap at bantas
titik sa mga ngalang May 2-3 pagkakamali panapos. Hindi rin
pantangi at sa unahan sa pagsulat ng mga gumamit ng malaking
ng mga pangungusap. ngalang pantangi at titik sa mga ngalang
gayundin sa mga pantangi at sa unahan
salitang nasa unahan ng mga pangungusap.
ng mga pangungusap.
Pagkakasulat Naisulat nang maayos Naisulat ang Hindi isinulat ang
at malinis ang talaarawan sa paraang talaarawan sa paraang
talaarawan sa paraang “cursive” o dikit-dikit “cursive” o di naman
“cursive” o dikit-dikit. subalit may mga kaya’y iba ang sumulat
pagkakamali o bura. ng talaarawan.

Teacher’s Feedback:
_______________________________________________ ________________________________
_______________________________________________ Learner’s Signature over Printed Name
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

JEFFREY D. MENOR
________________________________
Parent’s Signature over Printed Name

Mahal kong Talaarawan

_____________________
_____________________

____________________________________________________________________________________

You might also like