You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION 11- CAGAYAN VALLEY
SCHOOLS DIVISION OF ISABELA
SAN MARIANO SUR ELEMENTARY SCHOOL
SAN MARIANO SUR, SAN GUILLERMO, ISABELA

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 6
TALAAN NG ESPISIPIKASYON
TEST ITEM PLACEMENT

UNDERSTANDING
REMEMBERING

EVALUATING
Total

ANALYZING
LEARNING Actual

CREATING
APPLYING
No.
COMPETENCIES Instru Weigh
of
(Include Codes if ction t (%)
Item
Available) (Days)
s

Nasasagot ang mga


tanong tunF6RC-IIdf-
3.1.1 gkol sa
napakinggang/ 6 13.33 4 1,2 3 4
nabasang talaarawan
at anekdota
F6RC-IId-f-3.1.1
Naibabahagi ang isang
pangyayaring
5 10 3 5,6 7
nasaksihan F6PS-
IIh-3.1
Nagagamit ang dating
kaalaman sa
pagbibigay ng wakas 6 13.33 4 8,9 10 11
ng napakinggang
teksto
Nababago ang dating
kaalaman batay sa 6 13.33 4 12,13 14 15
natuklasan sa teksto
Naibibigay ang
maaaring mangyari sa
teksto gamit ang dating 3 7 2 16 17
karanasan/kaalaman
F6PB-IIIg-17
Nagagamit nang wasto
ang kayarian at
kailanan ng pang-uri 3 7 2 18 19
sa paglalarawan sa
iba’t ibang sitwasyon
Nailalarawan ang 3 7 2 20 21
tauhan batay sa
damdamin nito at
tagpuan sa binasang
kuwento
F6RC-IIa-4
Nasasabi ang
paksa/mahahalagang
pangyayari sa
3 7 2 22 23
binasang/napakinggan
g sanaysay at teksto
F6RC-IIb-10
Nagagamit nang wasto
ang aspekto at pokus
ng pandiwa (aktor,
layon, ganapan,
tagatanggap, gamit, 3 7 2 24 25
sanhi, direksiyon) sa
pakikipag-usap sa ibat
ibang sitwasyon
F6L-IIf-j-5
Nagagamit ang uri ng
pang-abay (panlunan,
pamaraan,
pamanahon) sa 1 3 1 26
pakikipag-usap sa
ibat ibang sitwasyon
F6L-IIf-j-5
Napag-uugnay ang
sanhi at bunga ng mga
1 3 1 27
pangyayari
F6PB-IIIb-6.2
Nagagamit ang iba’t
ibang salita bilang
pang-uri at pang-abay 1 3 1 28
sa pagpapahayag ng
sariling ideya
Nakapagtatala ng datos
mula sa binasang
1 3 1 29
teksto
F6SS -IIb-10
Nakasusulat ng
sulating di pormal,
pormal, liham
pangangalakal at
panuto 1 3 1 30
F6WC-IIf-2.9
F6WC-IIg-2.10
F6WC-IIh-2.3
F6WC-IIi-2.11
TOTAL 43 100% 30 10 8 6 3 3 0

Inihanda ni:
CYRUS ANDREA M. AGCONOL
Master Teacher 1
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION 11- CAGAYAN VALLEY
SCHOOLS DIVISION OF ISABELA
SAN MARIANO SUR ELEMENTARY SCHOOL
SAN MARIANO SUR, SAN GUILLERMO, ISABELA

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 6

Pangalan: ________________________________________________________ Marka: _________________


Baitang/Pangkat: ____________________LRN:__________________ Lagda ng Magulang: _________

I. PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang anekdota. Sagutin ang sumusunod na mga
tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Minsan, ang kaibigan kong si Jane ay bumili ng sapatos na mas mahaba ng tatlong pulgada ang haba
sa paa niya. Nag-aalala kasi siya na baka sa susunod na araw ito ay sisikip. Kung sakali, masasayang lang ang
pera niya at hindi ito maisusuot. Isang araw umulan nang malakas, habang tumatakbo kami papasok sa
umaandar na dyip, nahulog ang kapares ng kaniyang sapatos. Mabilis na umandar ang dyip at tuluyan na
itong naiwan sa kalsada. Itinapon niya rin ang isa dahil hindi niya na ito magagamit pa. Nasayang lamang ang
kaniyang pera.

_____1. Kaninong anekdota ang iyong nabasa?


A. Jane B. Jona C. Mariz D. Roan
_____2. Ano ang kaniyang dahilan kaya bumili siya ng sapatos na mas malaki sa kaniyang paa?
A. Ibibigay niya sa kaniyang ate.
B. Ipahihiram niya sa kaniyang kapatid
C. Gusto niya ng medyo maluwag na sapatos.
D. Iniisip niyang sisikip ito at baka hindi na magamit.
_____3. Bakit naiwan ang kapares ng kaniyang sapatos?
A. Sumasayaw siya papasok ng sasakyan.
B. Naglalakad siya at bigla itong naiwan.
C. Naglalaro sila ng kaibigan niya nang habulan.
D. Tumakbo siya papasok ng dyip at nahulog ito.
_____4. Anong aral ang makukuha mo sa nabasang anekdota?
A. Huwag maging matatakutin.
B. Sundin ang sariling desisyon.
C. Maging maalahanin sa ano mang bagay
D. Pag-isipan nang mabuti ang pagdedesisyon.

II. Basahin ang balita sa ibaba at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
Paghahanda, Mahalaga sa Kaligtasan
Pinaigting ng lokal na pamahalaan ng Maayon, Capiz ang paghahanda para sa
inaasahang pananalasa ng Bagyong Rolly sa bansa noong ika-31 ng
Oktubre 2020. Pinangunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP)–Maayon ang paghahanda at
pagpapalaganap ng impormasyon sa mga dapat gawin sa pananalasa ng bagyo sa pamamagitan ng
pag-iikot sa munisipalidad.
Ayon kay Dennis Pabilico, SFO1, mainam na ihanda ang mga kakailanganing gamit sa
inaasahang pananalasa ng bagyo tulad ng mga pagkain, tubig, damit, baterya, flashlight mga
gamot at pinapayuhan ang mga nakatira malapit sa mga ilog na maghanda sa maaaring
paglikas.

Sinuri ng BFP-Maayon ang mga lugar na maaaring maging apektado ng pagbaha kung
sakali mang maapektuhan ng bagyo ang Maayon.
Ipinahayag din ni Pabilico na para sa karagdagang impormasyong kakailanganin ng
mga mamamayan ay maaaring bisitahin ang kanilang facebook page na BFP-Maayon.

_____5. Ano-ano ang mga gamit na dapat ihanda sa paparating na bagyo?


A. Dapat ihanda ang pagkain, tubig, damit, baterya, flashlight, at mga gamut
B. Matulog habang may bagyo
C. Magwalang bahala
D. Hintayi sina nanay at tatay.
_____6. Bakit mahalaga ang maging handa sa mga pangyayaring gaya ng bagyo?
A. Upang walang masaktan at may nakahandang gagamitin ang pamilya
B. Hindi ko alam kay nanay
C. Wala akong pakialam
D. Mabuti ito para sa mga kapitbahay
_____7. Bakit kailangang alam natin ang mga nangyayari o mahahalagang balita sa ating
paligid?
A. Upang mabigyan tayo ng impormasyon para makapaghanda sa isang sakuna.
B. Para may maitsismis sa kaibigan
C. Hindi Mabuti ito sa atin
D. Upang malito sa mga gagawin

III. Piliin ang pinaka-angkop na wakas ng sumusunod na sitwasyon. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

_____8. Tanghali na nang magising si Janela. Nagmamadali siya sa pagpasok sa


paaralan, napansin niyang maraming nakatingin sa kaniyang paa. Tumingin siya sa ibaba
at napansing _____________________.
A. mabilis ang kaniyang paglalakad
B. madulas ang kaniyang dinadaanan
C. suot niya ang bagong biling pantalon
D. magkaiba ang kulay ng kaniyang suot na sapatos
_____9. Makulit na bata si Rino. Maaga pa ay pumunta na siya sa bahay ng kaniyang kaibigan.
Tuwang-tuwa niyang pinaglalaruan ang mga tuta sa silong ng bahay nang bigla siyang
umiyak kasi ____________________.
A. kinagat siya ng aso
B. nahuli siya ng may ari
C. inaway siya ng kaniyang kaibigan
D. naalala niya ang kaniyang magulang
_____10. Masayang umuwi ng bahay si Fred galing sa paaralan. Tuwang-tuwa siya sa nakahain
sa mesa at agad siyang napaupo at sarap na sarap siya sa kanilang ulam, ang paborito niyang
adobong manok. Pagkatapos kumain lumapit siya sa bintana at himas-himas ang busog na
tiyan. Tumingin siya sa labas nang bigla siyang natigilan nang ____________________________.
A. may panauhing dumating
B. umalis ang kaniyang mga magulang
C. tahol ng tahol ang kaniyang alagang aso
D. nawawala sa kulungan ang alagang manok
_____11. Kinakabahan si Tomy. Hindi siya mapakali. Ngayon ibibigay ang resulta ng pagsusulit.
Tinawag ang kaniyang pangalan. Nakangiti siya nang bumalik sa upuan.
A. Siya ay nakapasa sa pagsusulit.
B. Hindi nakapasa ang kaniyang kaibigan.
C. Wala sa talaan ang kaniyang pangalan.
D. Mababa ang kaniyang nakuhang iskor.

IV. Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Ibigay ang pinakaangkop na posibleng
magiging pagbabago sa iyong dating kaalaman kaugnay sa sumusunod na sitwasyon.

_____12. May inilunsad na proyektong Pera sa Basura ang paaralan upang maging
malinis ang kapaligiran at makalikom ng pondo.
A. Dapat laging may proyekto ang paaralan.
B. Mawawala na ang basura sa paaralan.
C. Nalutas na ang suliranin sa basura maaari pang kumita.
D. Hindi problema ng paaralan ang basura.
_____13. Unang araw ng pasukan. Masayang gumising si Seth at nasasabik na pumasok.
Tinawag sila isa-isa ng guro upang magpakilala. Hindi nakapagsalita si Seth.
A. Masaya ang unang araw ng pasukan.
B. Maraming bagong makikilala sa unang araw ng pasukan.
C. Hindi maiwasan ang kabahan at mahiya sa pagpapakilala sa unang araw ng klase.
Kaya dapat handa.
D. Laging nagpapakilala sa unang araw ng pasukan.
_____14. Isang gabi hindi nakatulog si Joey, ayaw humiwalay sa kaniyang isipan ang nabanggit
ng ina na patitigilin sila sa pag-aaral dahil wala na talaga silang pera.
A. Mahirap mag-aral.
B. Kailangan mapera para makapag-aral.
C. Ang mahirap ay hindi nakapagtatapos ng pag-aaral.
D. Mahirap maging mahirap pero sa masikap mawawala ang hirap.
_____15. Gutom na gutom sina Omar at Calib galing sa paaralan. Tamang-tama ring naluto na
ni Nanay ang pagkain. Kaya agad na inihain ito ng kanilang kapatid.
A. Dapat laging masarap ang pagkain.
B. Mahalaga ang pagtutulungan sa pamilya.
C. Si Nanay lang ang magluluto.
D. Nakagugutom ang pag-aaral.

E. Panuto: Basahin ang sumusunod at ibigay ang maaaring mangyari gamit ang iyong
dating karanasan/kalaman. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____16. Masayang naglalaro sa parke ang magkaibigang Marvin at Jhimar nang biglang
napansin ni Marvin na walang suot na face mask si Jhimar.________.
A. Tumakbo pauwi si Jhimar dahil hinabol sila ng aso.
B. Inaya na lang ni Marvin si Jhimar na pumunta sa simbahan.
C. Nagtago si Jhimar sa likod ng mga puno para hindi siya makita ni Marvin.
D. Pinagsabihan ni Marvin si Jhimar na huwag kakalimutang magsuot ng face mask.
_____17. Napasigaw nang malakas si Fatima nang makita niyang nabundol ng kotse ang alaga
niyang aso. ___________________.
A. Mangiyak-ngiyak siya sa sobrang galak.
B. Hinimatay siya sa sobrang pagkagutom.
C. Bumili siya ng laruang aso upang hindi malungkot.
D. Tumakbo siya patungo sa kaniyang aso at tiningnan ang kalagayan nito.

VI. Panuto: Punan ng angkop na pang-uri ang patlang upang mabuo ang diwa ng bawat
pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
_____18. Naging _____________ si Lisa nang nagsumikap sa kaniyang trabaho at
nakapagtayo ng sariling negosyo.
A. mayaman B. maganda C. matiyaga D. malinis
_____19. Upang walang masayang na pagkain, nagluluto lamang sila nang __________ para sa
kanila.
A. sapat B. kaunti C. kulang D. sobra-sobra

VII. Panuto: Basahin at unawain ang teksto at saguti ang mga kasunod na tanong.
Isang araw maagang gumising si Inay. Nagluto ng agahan para sa mag -anak. Nagsangag ng
kanin. Nagluto ng itlog at isda. Pagkatapos magluto ay mabilis siyang umalis papuntang
palengke.
Nagising si Itay. “Gising na kayo mga anak, kaarawan ngayon ni Inay. Bigyan natin siya ng
sorpresa.” Pinag-usapan nila ang sorpresa para sa kaarawan nito. Maya-maya ay dumating na si
Inay. Laking gulat niya nang buksan ang pinto. Wow! Ang linis ng bahay! Ang gaganda ng
bulaklak na rosas! Nakita rin niya ang nakahandang pagkain sa mesa. May cake at pansit.
Mayroon ding pritong manok at adobong karne.
Tuwang-tuwa si Inay. Naluha siya sa kagalakan. “Maligayang kaarawan Inay!” sabay
halik ni Itay, Lea at Ed. “Maraming salamat sa inyo. Pinaligaya ninyo ako sa aking kaarawan.”
_____20. Bakit sinorpresa nina Itay, Lea at Ed si Inay?
A. Sinorpresa nila si Inay dahil kaarawan niya ito
B. Sinorpresa nila si Inay dahil marami silang pera
C. Sinorpresa nila si Inay dahil gusto nila
D. Sinorpresa nila si Inay dahil malungkot ito
_____21. Anong damdamin ang ipinakita ng mag-anak?
A. Mapagmahal B. Masipag C. Matulungin D. Masinop
Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang kwento. Pagkatapos ay sasagutin mo ang
mga tanong kaugnay dito.
Ang paghahalaman ay isang sining ng pag-aayos at pagtatanim ng mga halaman tulad
ng ornamental, gulay at punongkahoy. Isa itong kawili-wiling gawain. Nagbibigay din ito ng
bitamina at mineral sa katawan. Gayundin, maaari itong mapagkakitaan para sa pang araw-araw na
pangangailangan ng pamilya.
Ang pagtatanim ng halaman at gulay ay nakatutulong din sa pagpapaganda sa kapaligiran at
pagsugpo ng polusyon. Ang punongkahoy ay nagbibigay ng lilim. Nakalilibang ito at nakaaalis ng
stress at suliranin. Nakatutulong ang paghahalaman hindi lamang sa kabuhayan ng mag-anak
kundi pati na rin sa programa ng pamahalaan tungo sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng
bansa
_____22. Ano ang paksa sa binasang sanaysay?
A. Ang paksa sa binasang sanaysay ay ang paghahalaman bilang isang sining ng
pag-aayos at pagtatanim ng halaman.
B. Ang paksa sa binasang sanaysay ay ang pagbebenta ng halaman.
C. Ang paksa sa binasang sanaysay ay ang pagkakaroon ng gulayan.
D. Ang paksa sa binasang sanaysay ay ang paggawa ng paso.
_____23. Ano ba ang paksa?
A. Ang paksa ay ang pangunahing pinag-uusapan sa isang akda
B. Ang paksa ay ang naglalarawan sa kwento
C. Ang paksa ay ang gumagawa sa kwento
D. Ang paksa ay hindi pinag-uusapan sa akda
Panuto: Tukuyin ang pokus ng pandiwa batay sa paksa at pandiwang may salungguhit.
Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

_____24. Kumakain kami ng almusal araw-araw.


A. Pokus sa aktor C. Pokus sa layon
B. Pokus sa ganapan D. Pokus sa sanhi
_____25. Pinaglutuan ng nanay ang bagong kaldero.
A. Pokus sa aktor C. Pokus sa layon
B. Pokus sa ganapan D. Pokus sa sanhi
Panuto: Ang mga uri ng pang-abay ay ginamit sa pahayag sa ibaba. Kilalanin ang
uri ng pang-abay at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

_____26. “Sanay ang anak ko na nakahiga nang patagilid,” sambit ni Aling Minda. Anong uri ng
pang-abay ang makikita sa pangungusap?
A. Pang-abay na Panlunan
B. Pang-abay na Pamaraan
C. Pang-abay na Pamanahon
D. Pang-abay na Pamilang

Panuto: Basahin ang bawat kalagayan. Piliiin ang maaaring maging bunga o sanhi sa
pangyayari. Isulat ang titik ng wastong sagot sa iyong sagutang papel.
_____27. Nakasakay ka sa dyip na napakalakas ang tugtog ng stereo. Ano ang maaaring
ibubunga nito?
A. Lalakas ang boses ng mga pasahero.
B. Mapapasayaw ang mga pasahero.
C. Hindi makababa ang mga pasahero.
D. Hindi maririnig ng drayber ang pagpara ng pasahero.

Panuto: Punan ng angkop na pang-abay at pang-uri ang patlang sa bawat bilang upang
mabuo ang diwa ng mga pangungusap. Piliin sa kahon ang tamang sagot.
A. madaling-araw B. dahan-dahan C. mapurol D. malagkit

_____28. Binuksan ng lola ang pinto nang _____________.

Panuto: Basahin ang teksto at itala ang datos o impormasyong hinihingi. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
Masaya si Liza nang makita niya ang naging pagbabago ng kaniyang marka sa
matematika noong nakaraang anim na buwan mula Hulyo hanggang
Disyembre ang marka niya sa Hulyo 85, Agosto 87, Setyembre 90, Oktubre 90,
Nobyembre 92 at Disyembre 95.

_____29. Asignaturang binanggit sa talata


A. Matematika B. Filipino C. Sibika D. Sining

Panuto: Piliin ang Titik ng wastong sagot sa bahagi ng liham pangangalakal.

_____30. Ito ay bahagi ng Liham Pangangalakal kung saan binubuo ng pangalan at katungkulan
ng susulatan, tanggapan o opisina.

A. Pamuhatan B. Lagda C. Patunguhan C. Bating Panimula


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION 11- CAGAYAN VALLEY
SCHOOLS DIVISION OF ISABELA
SAN MARIANO SUR ELEMENTARY SCHOOL
SAN MARIANO SUR, SAN GUILLERMO, ISABELA

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 6

SUSI SA PAGWAWASTO

1.A 16.D
2.D 17.D
3.D 18.A
4.D 19.A
5.A 20.A
6.A 21.A
7.A 22.A
8.D 23.A
9.A 24.A
10.D 25.B
11.A 26.B
12.C 27.D
13.C 28.B
14.D 29.A
15.B 30.C

You might also like