You are on page 1of 9

TABLE OF SPECIFICATION

SECOND PERIODICAL TEST IN FILIPINO 6

UNDERSTANDING
REMEMBERING

EVALUATING
ANALYZING
LEARNING

CREATING
APPLYING
COMPETENCIES Total
Item
(Include Codes if No. of
Placement
Available) Items

Nasasagot ang mga


tanong tungkol sa
napakinggang/ nabasang
talaarawan at anekdota 1-5 5 1-5
F6RC-IIdf-3.1.1
F6RC-IId-f-3.1.1

Naibabahagi ang isang


pangyayaring nasaksihan
6-8 3 6 7-8
F6PS-IIh-3.1

Nagagamit ang dating


kaalaman sa pagbibigay
ng wakas ng 9-13 5 9-13
napakinggang teksto

Nababago ang dating


kaalaman batay sa
14-18 5 14-18
natuklasan sa teksto

Naibibigay ang maaaring


mangyari sa teksto gamit
ang dating
19-22 4 19-22
karanasan/kaalaman
F6PB-IIIg-17

Nagagamit nang wasto


ang kayarian at kailanan
ng pang-uri sa 23-
23-26 4
paglalarawan sa iba’t 26
ibang sitwasyon

Nailalarawan ang tauhan 27-29 3 27- 29


batay sa damdamin nito 28
at tagpuan sa binasang
kuwento
F6RC-IIa-4

Nasasabi ang
paksa/mahahalagang
pangyayari sa
binasang/napakinggang 30-32 3 32 30 31
sanaysay at teksto
F6RC-IIb-10

Nagagamit nang wasto


ang aspekto at pokus ng
pandiwa (aktor, layon,
ganapan, tagatanggap,
gamit, sanhi, direksiyon) 33-35 3 33-35
sa pakikipag-usap sa ibat
ibang sitwasyon
F6L-IIf-j-5

Nagagamit ang uri ng pang-


abay (panlunan, pamaraan,
pamanahon) sa pakikipag-usap
sa 36-38 3 36,37,38
ibat ibang sitwasyon
F6L-IIf-j-5

Napag-uugnay ang sanhi at


bunga ng mga pangyayari
39-41 3 39,40,41
F6PB-IIIb-6.2

Nagagamit ang iba’t ibang


salita bilang pang-uri at pang-
abay sa pagpapahayag ng 42-44 3 42,43,44
sariling
ideya
Nakapagtatala ng datos mula
sa binasang teksto 45-47 3 45,46,47
F6SS -IIb-10
Nakasusulat ng sulating di
pormal, pormal, liham
pangangalakal at panuto
F6WC-IIf-2.9 48-50 3 48,49,50
F6WC-IIg-2.10
F6WC-IIh-2.3
F6WC-IIi-2.11
SECOND PERIODIC TEST IN IN FILIPINO 6
PANGALAN: _________________________________________________________________ Iskor: ________
I. PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang anekdota. Sagutin ang sumusunod na mga
tanong at itiman ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Minsan, ang kaibigan kong si Jane ay bumili ng sapatos na mas mahaba ng tatlong pulgada ang haba
sa paa niya. Nag-aalala kasi siya na baka sa susunod na araw ito ay sisikip. Kung sakali, masasayang lang ang
pera niya at hindi ito maisusuot. Isang araw umulan nang malakas, habang tumatakbo kami papasok sa umaandar
na dyip, nahulog ang kapares ng kaniyang sapatos. Mabilis na umandar ang dyip at tuluyan na itong naiwan sa
kalsada. Itinapon niya rin ang isa dahil hindi niya na ito magagamit pa. Nasayang lamang ang kaniyang pera.
1. Kaninong anekdota ang iyong nabasa?
A. Jane B. Jona C. Mariz D. Roan
2. Ano ang kaniyang dahilan kaya bumili siya ng sapatos na mas malaki sa kaniyang paa?
A. Ibibigay niya sa kaniyang ate.
B. Ipahihiram niya sa kaniyang kapatid
C. Gusto niya ng medyo maluwag na sapatos.
D. Iniisip niyang sisikip ito at baka hindi na magamit.
3. Ano ang ginawa niya sa natirang pares ng sapatos?
A. Itinago niya ito. C. Ibinenta niya nalang ito.
B. Ibinigay sa pulubi D. Itinapon dahil hindi na niya ito magagamit.
4. Bakit naiwan ang kapares ng kaniyang sapatos?
A. Sumasayaw siya papasok ng sasakyan.
B. Naglalakad siya at bigla itong naiwan.
C. Naglalaro sila ng kaibigan niya nang habulan.
D. Tumakbo siya papasok ng dyip at nahulog ito.
5. Anong aral ang makukuha mo sa nabasang anekdota?
A. Huwag maging matatakutin.
B. Sundin ang sariling desisyon.
C. Maging maalahanin sa ano mang bagay
D. Pag-isipan nang mabuti ang pagdedesisyon.
II. Basahin ang balita sa ibaba at sagutin ang mga tanong. Piliin at itiman ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.
Paghahanda, Mahalaga sa Kaligtasan
Pinaigting ng lokal na pamahalaan ng Maayon, Capiz ang paghahanda para sa
inaasahang pananalasa ng Bagyong Rolly sa bansa noong ika-31 ng
Oktubre 2020. Pinangunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP)–Maayon ang
paghahanda at pagpapalaganap ng impormasyon sa mga dapat gawin sa pananalasa ng bagyo
sa pamamagitan ng pag-iikot sa munisipalidad.
Ayon kay Dennis Pabilico, SFO1, mainam na ihanda ang mga kakailanganing gamit sa
inaasahang pananalasa ng bagyo tulad ng mga pagkain, tubig, damit, baterya, flashlight mga
gamot at pinapayuhan ang mga nakatira malapit sa mga ilog na maghanda sa maaaring
paglikas.
Sinuri ng BFP-Maayon ang mga lugar na maaaring maging apektado ng pagbaha
kung sakali mang maapektuhan ng bagyo ang Maayon.
Ipinahayag din ni Pabilico na para sa karagdagang impormasyong kakailanganin ng
mga mamamayan ay maaaring bisitahin ang kanilang facebook page na BFP-Maayon.
6. Ano-ano ang mga gamit na dapat ihanda sa paparating na bagyo?
A. Dapat ihanda ang pagkain, tubig, damit, baterya, flashlight, at mga gamut
B. Matulog habang may bagyo
C. Magwalang bahala
D. Hintayi sina nanay at tatay.
7. Bakit mahalaga ang maging handa sa mga pangyayaring gaya ng bagyo?
A. Upang walang masaktan at may nakahandang gagamitin ang pamilya
B. Hindi ko alam kay nanay
C. Wala akong pakialam
D. Mabuti ito para sa mga kapitbahay
8. Bakit kailangang alam natin ang mga nangyayari o mahahalagang balita sa ating paligid?
A. Upang mabigyan tayo ng impormasyon para makapaghanda sa isang sakuna.
B. Para may maitsismis sa kaibigan
C. Hindi Mabuti ito sa atin
D. Upang malito sa mga gagawin
III. Piliin ang pinaka-angkop na wakas ng sumusunod na sitwasyon. Piliin at itiman ang
titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
9. Tanghali na nang magising si Janela. Nagmamadali siya sa pagpasok sa paaralan,
napansin niyang maraming nakatingin sa kaniyang paa. Tumingin siya sa ibaba at
napansing ______.
A. mabilis ang kaniyang paglalakad c.madulas ang kaniyang dinadaanan
B. suot niya ang bagong biling pantalon d.magkaiba ang kulay ng kaniyang suot na
sapatos
10. Makulit na bata si Rino. Maaga pa ay pumunta na siya sa bahay ng kaniyang kaibigan.
Tuwang-tuwa niyang pinaglalaruan ang mga tuta sa silong ng bahay nang bigla siyang
umiyak kasi ____________________.
A. kinagat siya ng aso c. inaway siya ng kaniyang kaibigan
B. nahuli siya ng may ari d. naalala niya ang kaniyang magulang
11. Masayang umuwi ng bahay si Fred galing sa paaralan. Tuwang-tuwa siya sa nakahain sa
mesa at agad siyang napaupo at sarap na sarap siya sa kanilang ulam, ang paborito niyang
adobong manok. Pagkatapos kumain lumapit siya sa bintana at himas-himas ang busog na
tiyan. Tumingin siya sa labas nang bigla siyang natigilan nang ____________________________.
A. may panauhing dumating C. tahol ng tahol ang kaniyang alagang aso
B. umalis ang kaniyang mga magulang D. nawawala sa kulungan ang alagang
manok
12. Mahilig sa matamis si Ayesha. Madalas siyang kumain ng tsokolate, kendi, cake at ice
cream. Isang araw, nakita ng nanay na umiiyak si Ayesha hawak niya ang kaniyang pisngi.
A. Siya ay nilagnat. C. Namamaga ang kaniyang mata.
B. Sumakit ang kaniyang ulo. D. Masakit ang ngipin ni Ayesha.
13. Kinakabahan si Tomy. Hindi siya mapakali. Ngayon ibibigay ang resulta ng pagsusulit.
Tinawag ang kaniyang pangalan. Nakangiti siya nang bumalik sa upuan.
A. Siya ay nakapasa sa pagsusulit. C. Wala sa talaan ang kaniyang pangalan.
B. Hindi nakapasa ang kaniyang kaibigan. D. Mababa ang kaniyang nakuhang iskor.
IV. Panuto: Ibigay ang pinakaangkop na posibleng magiging pagbabago sa iyong dating
kaalaman kaugnay sa sumusunod na sitwasyon. Piliin at itiman ang titik ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.
14. May inilunsad na proyektong Pera sa Basura ang paaralan upang maging malinis ang
kapaligiran at makalikom ng pondo.
A. Dapat laging may proyekto ang paaralan.
B. Mawawala na ang basura sa paaralan.
C. Nalutas na ang suliranin sa basura maaari pang kumita.
D. Hindi problema ng paaralan ang basura.
15. Unang araw ng pasukan. Masayang gumising si Seth at nasasabik na pumasok. Tinawag
sila isa-isa ng guro upang magpakilala. Hindi nakapagsalita si Seth.
A. Masaya ang unang araw ng pasukan.
B. Maraming bagong makikilala sa unang araw ng pasukan.
C. Hindi maiwasan ang kabahan at mahiya sa pagpapakilala sa unang araw ng klase. Kaya dapat
handa.
D. Laging nagpapakilala sa unang araw ng pasukan.
16. Mula sa ibang bansa si Joana. Bagong lipat siya sa paaralan. Sabi ng kaniyang
kaklase, huwag siyang kausapin ng Ingles upang mapilitang magsalita sa Filipino. Hindi
nila alam na parehong mahusay sa Filipino at Ingles ang kanilang bagong kamag-aral.
A. Matutong makipagkaibigan.
B. Iwasan na mapalapit sa baguhan.
C. Hayaang maunang pumansin at makipagkaibigan ang bago.
D. Kilalanin muna ang tao bago magsalita tungkol dito.
17. Isang gabi hindi nakatulog si Joey, ayaw humiwalay sa kaniyang isipan ang nabanggit ng
ina na patitigilin sila sa pag-aaral dahil wala na talaga silang pera.
A. Mahirap mag-aral.
B. Kailangan mapera para makapag-aral.
C. Ang mahirap ay hindi nakapagtatapos ng pag-aaral.
D. Mahirap maging mahirap pero sa masikap mawawala ang hirap.
18. Gutom na gutom sina Omar at Calib galing sa paaralan. Tamang-tama ring naluto na ni
Nanay ang pagkain. Kaya agad na inihain ito ng kanilang kapatid.
A. Dapat laging masarap ang pagkain. C. Si Nanay lang ang magluluto.
B. Mahalaga ang pagtutulungan sa pamilya. D. Nakagugutom ang pag-aaral.

V. Panuto: Basahin ang sumusunod at ibigay ang maaaring mangyari gamit ang iyong
dating karanasan/kalaman. Piliin at itiman ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang
papel.
19. Masayang naglalaro sa parke ang magkaibigang Marvin at Jhimar nang biglang
napansin ni Marvin na walang suot na face mask si Jhimar.________.
A. Tumakbo pauwi si Jhimar dahil hinabol sila ng aso.
B. Inaya na lang ni Marvin si Jhimar na pumunta sa simbahan.
C. Nagtago si Jhimar sa likod ng mga puno para hindi siya makita ni Marvin.
D. Pinagsabihan ni Marvin si Jhimar na huwag kakalimutang magsuot ng face mask.
20. Sa sobrang pagmamadali ni Marta sa paglilinis ng tukador, nakabig niya ang mamahaling
plorera ng kaniyang lola. __________.
A. Nahulog ito at nabasag.
B. Nagluto ng pagkain si Marta.
C. Tumakbo papuntang palikuran si Marta.
D. Nagbihis at namasyal sa parke si Marta kasama ang kaniyang lola.
21. Napasigaw nang malakas si Fatima nang makita niyang nabundol ng kotse ang alaga
niyang aso. ___________________.
A. Mangiyak-ngiyak siya sa sobrang galak.
B. Hinimatay siya sa sobrang pagkagutom.
C. Bumili siya ng laruang aso upang hindi malungkot.
D. Tumakbo siya patungo sa kaniyang aso at tiningnan ang kalagayan nito.
22. Umuwi ang ina ni Rhegan mula sa ibang bansa gustong-gusto niyang lapitan at
yakapin ang ina ngunit sinabihan siya na hindi pa maaaring gawin ito kailangang
maghintay muna sila ng dalawang linggo. ________________.
A. Nagpumilit si Rhegan na maglaro sa kabilang bahay.
B. Naglupasay sa pag-iyak si Rhegan sa sobrang sakit ng ngipin.
C. Tumakbo papasok ng kuwarto si Rhegan at natulog dahil inaantok.
D. Walang magawa si Rhegan kundi sundin ang sinabi sa kaniya.
VI. Panuto: Punan ng angkop na pang-uri ang patlang upang mabuo ang diwa ng bawat
pangungusap. Piliin at itiman ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
23. Naging _____________ si Lisa dahil nagsumikap siya sa kaniyang trabaho at
nakapagtayo ng sariling negosyo.
A. mayaman B. maganda C. matiyaga D. malinis
24. _________ na ang mga alagang manok ni Mang Tonyo, kaya maaari na itong ipagbili
sa palengke.
A. Maliit-liit B. Malaki-laki C. Mapapayat D. Mapupula
25. Upang walang masayang na pagkain, nagluluto lamang sila nang __________ para sa kanila.
A. sapat B. kaunti C. kulang D. sobra-sobra
26. ___________ na ang alaga naming tuta kaya lalo itong nakaaaliw.
A. Makulit B. Mataba C. Mabilis D. Maamo
VII. Panuto: Basahin at unawain ang teksto at sagutin ang mga kasunod na tanong. Piliin
at itiman ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
Isang araw maagang gumising si Inay. Nagluto ng agahan para sa mag -anak. Nagsangag
ng kanin. Nagluto ng itlog at isda. Pagkatapos magluto ay mabilis siyang umalis
papuntang palengke.
Nagising si Itay. “Gising na kayo mga anak, kaarawan ngayon ni Inay. Bigyan natin siya
ng sorpresa.” Pinag-usapan nila ang sorpresa para sa kaarawan nito. Maya-maya ay dumating
na si Inay. Laking gulat niya nang buksan ang pinto. Wow! Ang linis ng bahay! Ang
gaganda ng bulaklak na rosas! Nakita rin niya ang nakahandang pagkain sa mesa. May cake
at pansit. Mayroon ding pritong manok at adobong karne.
Tuwang-tuwa si Inay. Naluha siya sa kagalakan. “Maligayang kaarawan Inay!” sabay
halik ni Itay, Lea at Ed. “Maraming salamat sa inyo. Pinaligaya ninyo ako sa aking kaarawan.”
27. Bakit sinorpresa nina Itay, Lea at Ed si Inay?
A. Sinorpresa nila si Inay dahil kaarawan niya ito
B. Sinorpresa nila si Inay dahil marami silang pera
C. Sinorpresa nila si Inay dahil gusto nila
D. Sinorpresa nila si Inay dahil malungkot ito
28. Ano ang naramdaman ni Inay ng araw na iyon?
A. Tuwang-tuwa si Inay. C. Naiyak si inay at nagtampo
B. Nalungkot si inay. D. Hindi kumibo si Inay
29. Anong damdamin ang ipinakita ng mag-anak?
A. Mapagmahal B. Masipag C. Matulungin D. Masinop
Ang paghahalaman ay isang sining ng pag-aayos at pagtatanim ng mga halaman
tulad ng ornamental, gulay at punongkahoy. Isa itong kawili-wiling gawain. Nagbibigay din
ito ng bitamina at mineral sa katawan. Gayundin, maaari itong mapagkakitaan para sa pang
araw-araw na pangangailangan ng pamilya. Ang pagtatanim ng halaman at gulay ay
nakatutulong din sa pagpapaganda sa kapaligiran at pagsugpo ng polusyon. Ang punongkahoy
ay nagbibigay ng lilim. Nakalilibang ito at nakaaalis ng stress at suliranin. Nakatutulong ang
paghahalaman hindi lamang sa kabuhayan ng mag-anak kundi pati na rin sa programa ng
pamahalaan tungo sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa
30. Ano ang paksa sa binasang sanaysay?
A. Ang paksa sa binasang sanaysay ay ang paghahalaman bilang isang sining ng
pag-aayos at pagtatanim ng halaman.
B. Ang paksa sa binasang sanaysay ay ang pagbebenta ng halaman.
C. Ang paksa sa binasang sanaysay ay ang pagkakaroon ng gulayan.
D. Ang paksa sa binasang sanaysay ay ang paggawa ng paso.
31 Paano mo tinukoy ang paksa sa binasang sanaysay?
A. Basahin muna ang kabuoan ng sanaysay at suriin kung ano ang pinakapinag-
uusapan sa teksto.
B. Pumili ng pangungusap sa kwento
C. Tignan ang salita sa kwento
D. Piliin ang ginamit na salita sa kwento.
32. Ano ba ang paksa?
A. Ang paksa ay ang pangunahing pinag-uusapan sa isang akda
B. Ang paksa ay ang naglalarawan sa kwento
C. Ang paksa ay ang gumagawa sa kwento
D. Ang paksa ay hindi pinag-uusapan sa akda
Panuto: Ang mga uri ng pang-abay ay ginamit sa pahayag sa ibaba. Kilalanin ang
uri ng pang-abay. Piliin at itiman ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
33. Kumakain kami ng almusal araw-araw.
A. Pang-abay na Panlunan C. Pang-abay na Pamanahon
B. Pang-abay na Pamaraan D. Pang-abay na Pamilang
34. Kinuha ni Lucy ang tinapay sa mesa.
A. Pang-abay na Panlunan C. Pang-abay na Pamanahon
B. Pang-abay na Pamaraan D. Pang-abay na Pamilang
35. Masayang pinaglutuan ng nanay ang bagong kaldero.
A. Pang-abay na Panlunan C. Pang-abay na Pamanahon
B. Pang-abay na Pamaraan D. Pang-abay na Pamilang
36. “Sanay ang anak ko na nakahiga nang patagilid,” sambit ni Aling Minda. Anong uri ng pang-abay ang
makikita sa pangungusap?
A. Pang-abay na Panlunan C. Pang-abay na Pamanahon
B. Pang-abay na Pamaraan D. Pang-abay na Pamilang
37. “Halina kayo, maraming masasarap na pagkain sa kantina,” yaya ni Ana sa kaniyang mga kaklase.
Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?
A. Pang-abay na Panlunan C. Pang-abay na Pamanahon
B. Pang-abay na Pamaraan D. Pang-abay na Pang-agam
38. “Inay, bakit gabi-gabi, ikaw ay nakikita kong umiiyak?”, tanong ni Nene sa ina. Anong uri ng pang-
abay ang may salungguhit?
A. Pang-abay na Pamanahon C. Pang-abay na Pamaraan
B. Pang-abay na Panlunan D. Pang-abay na Pamilang
Panuto: Basahin ang bawat kalagayan. Piliiin ang maaaring maging bunga o sanhi sa
pangyayari. Piliin at itiman ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
39. Nakasakay ka sa dyip na napakalakas ang tugtog ng stereo. Ano ang maaaring ibubunga
nito?
A. Lalakas ang boses ng mga pasahero.
B. Mapapasayaw ang mga pasahero.
C. Hindi makababa ang mga pasahero.
D. Hindi maririnig ng drayber ang pagpara ng pasahero.
40 Mahirap ang buhay ng mag-anak Mang Doming. Isa siyang magsasaka at ang kaniyang maybahay ay
nasa bahay at nag-aalaga ng kanilang mga anak. Sa kabila rito, masaya ang kanilang pamilya. Sa lahat
ng oras ay nagtutulungan sila sa anumang gawain kaya hindi nag-aaway ang mga anak nila. Alin ang
sanhi ng talata?
A. Masaya ang kanilang pamilya.
B. Kaya hindi nag-aaway ang mga anak nila.
C. Mahirap ang buhay ng mag-anak ni Mang Doming.
D. Sa lahat ng oras ay nagtutulungan sila sa anumang gawain.
41. Nakatira ka sa may tambakan ng basura. Nakikita mong paroo’t parito ang mga tao sa pagtatapon
ng kanilang mga basura maliban pa sa mga itinatapon ng mga sasakyan. Ano ang pinakamalapit na
epekto sa pamayanan ng patuloy na pagtatapon at pagdami ng basura sa inyong lugar?
A. Yayaman ang mga basurero
B. Lilipat ng tirahan ang mga tao.
C. Mangangamoy basura ang paligid.
D. Maglilinis ang mga mamamayan ng kani-kanilang bakuran.
Panuto: Punan ng angkop na pang-abay at pang-uri ang patlang sa bawat bilang upang
mabuo ang diwa ng mga pangungusap. Piliin at itiman ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

A. madaling-araw B. dahan-dahan C. mapurol D. malagkit

42. Binuksan ng lola ang pinto nang _____________.


43. Pinahiram niya ako ng ____________na kutsilyo.
44. Siya ay umaalis sa bahay nang ____________.
Panuto: Basahin ang teksto at itala ang datos o impormasyong hinihingi. Piliin at itiman
ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
Masaya si Liza nang makita niya ang naging pagbabago ng kaniyang marka sa matematika
noong nakaraang anim na buwan mula Hulyo hanggang Disyembre ang marka niya sa Hulyo 85, Agosto
87, Setyembre 90, Oktubre 90, Nobyembre 92 at Disyembre 95.
45. Asignaturang binanggit sa talata
A. Matematika B. Filipino C. Sibika D. Sining
46. Batang tinutukoy
A. Ana B. Liza C. Samuel D. Ben
47. Buwang 90 ang marka si Liza
A. Hulyo B. Agosto C. Setyembre D.Disyembre

Panuto: Narito ang mga bahagi ng Liham. Isaayos ang mga ito upang mabuo ang
liham. Piliin at itiman ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

A. Lubos na gumagalang
Susan Palomo

B. Kalye San Roque


Roxas City
10 Enero 2019

C. Nais ko po sanang magkaroon ng lingguhang sipi ng magasin simulasa unang linggo


ng Enero. Kalakip po ng liham ko ang perang padala sa halagang isang libong piso para sa isang
taon.

48.________________________________
________________________________
________________________________

Ginoo:

50.__________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
______________________________

49.________________________________
________________________________

Prepared by:

ALFRED P. MANONGSONG
Teacher I

Noted:

JOVIE C. PALMA
Head Teacher II
SECOND PERIODIC TEST IN IN FILIPINO 6
ANSWER KEY

1. A 27. B
2. D 28. A
3. D 29. A
4. D 30. A
5. D 31. A
6. A 32. A
7. A 33. A
8. A 34. C
9. D 35. B
10. A 36. B
11. D 37. A
12. D 38. A
13. A 39. D
14. C 40. D
15. C 41. A
16. D 42. B
17. D 43. C
18. B 44. A
19. D 45. A
20. A 46. B
21. D 47. C
22. D 48. D
23. D 49. D
24. A 50. A
25. B

26. A

You might also like