You are on page 1of 6

SUMMATIVE TEST IN FILIPINO 2

3rd SUMMATIVE TEST IN FILIPINO 2


QUARTER 3

Pangalan: ____________________________________ Iskor: __________

Panuto: Basahin at unawain ang kuwento.

Ang Alkansya Ni Boyet

Mahirap lamang ang pamilya ni Boyet. Ang ama niyang si Mang Delfin ay isang
magsasaka subalit walang sariling lupa. Inuupahan lamang nito ang tinatamnan ng palay.
Ang ina naman niyang si Aling Pacing ay simpleng maybahay lamang. Sampung taon na si
Boyet. Siya ang panganay sa kanilang apat na magkakapatid. Sa pasukan ay nasa ika-apat na
baitang na siya ng mababang paaralan.

Kapag ganitong bakasyon ay sinasamantala ni Boyet ang pagkakataon. Gumagawa


siya ng alkansiyang kawayan. Panahon ng pamumunga ng bungangkahoy sa kanilang
bakuran, dahil maluwang ang kanilang bakuran ay maraming punong namumunga. Pinipitas
nila ng kanyang inay ang ay mga bunga at itinitinda iyon sa palengke.

Mabili ang kanilang mga tindang prutas. Kapag nakaubos sila ng paninda ay agad
siyang binibigyan ng pera sa kanyang inay.

“Salamat po, inay. Mayroon na naman akong panghulog sa aking alkansiya.”


masayang sabi ni Boyet.

“Hayaan mo anak, bago siguro maubos ang mga bunga ng ating mga puno ay
mapupuno na ang alkansiya mo,” sabi ng kanyang inay.

Napuno nga ang alkansiya ni Boyet. Masipag kasi siyang mag-ipon.

Nang malapit na ang pasukan ay nagkaroon ng malakas na bagyo at nasira ang mga
tanim na palay ng tatay ni Boyet. Kakaunti lang ang kanilang inani. Nagkautang ang
kanyang itay. Nag-alala naman ang inay ni Boyet. Malapit na ang pasukan at nawala ang
inaasahan nilang panggagalingan ng pera.

“Baka hindi ka makapag-aral ngayong taong ito, anak,” malungkot na sabi ng kanyang
inay.

“Nasira ang mga pananim natin dahil sa bagyo at may utang pa tayo.”

“Makakapagaral po ako, inay. Puno na po ang alkansiya ko. Ito ang gagamitin ko sa
aking pag-aaral,” nakangiting sabi ni Boyet.
SUMMATIVE TEST IN FILIPINO 2

Nakapag-aral si Boyet ng pasukang iyon. Salamat at naisipan niyang mag-impok para


sa darating na pangangailangan.

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Para sa iyo, dapat bang tularan si Boyet? _________________________

2. Bakit dapat mo siyang tularan? ______________________________________

3. Ano ang dapat gawin kapag may natitira kang baon?


_____________________________________________________________

4. Kung ikaw si Boyet, ganon rin ba ang iyong gagawin?


_____________________________________________________________________

5. Anong aral ang napulot mo sa kuwento?


_____________________________________________________________________
____________________________

Panuto: Basahin ang talataan. Punan ang mga patlang ng angkop na salita sa loob ng
parihaba.

A. aralin D. karanasan
B. bagong E. kaugnayan
C. buhay

Araw-araw ay nakabubuo tayo ng mga 6.______________ karanasan kung saan


tayo ay natututo ukol sa7. _____________. Ang mga karanasang ito ay maiuugnay sa
mga8. _______________ sa paaralan. Maaaring may maituro sa klase na hawig sa
ating mga naging 9._______________. Mas magiging madali ang pagkatuto kapag
nalaman natin ang 10._______________ ng mga aralin sa ating mga karanasan.

Panuto: Suriin ang bawat larawan. Piliin sa loob ng kahon na nasa ibaba ang angkop na pag-
uulat sa bawat larawan.
SUMMATIVE TEST IN FILIPINO 2

_____11. _____12. ______13.

_____14. _____15.

a. Hindi dapat pinipitas ang mga bulaklak sa parke.


b. Masayang naglalaro ng basketbol ang mga bata.
c. Tumawid sa tamang tawiran upang hindi maaksidente.
d. Maglinis ng paligid ng makaiwas sa COVID.
e. Dapat paghiwa-hiwalayin ang mga basurang nabubulok at di-nabubulok.

Panuto: Isulat ang letra ng pangungusap na nagpapahayag ng tamang pag-uulat sa bawat


larawan.

_____16. _____17.

_____18. _____19.
SUMMATIVE TEST IN FILIPINO 2

_____20.

A. Kawawa naman ang bundok, nauubos na ang mga puno.

B. Masayang naglalaro ang mga bata sa palaruan.

C. Nakapila nang maayos ang mga mag-aaral habang umaawit ng Lupang


Hinirang.

D. Nagdadasal ang buong mag-anak.

E. Nakikinig ang mga tao sa nagsasalita.

TABLE OF SPECIFICATION IN FILIPINO 2


3rd SUMMATIVE TEST

Content Terminal Learning Inst'l # of % of Level of Behavior,


Outcome Time Items Items
Format, No.,& Placement
(hrs)
of Items and the
Dimension of Knowledge
R U AP An E C

nasasabi ng mga Naipahahayag ang 5 10 50 1- 6-


magaaral sariling 5 10
SUMMATIVE TEST IN FILIPINO 2

ang pangunahing ideya/damdamin o


diwa ng tekstong reaksyon tungkol sa
binasa o napakinggang kuwento
napakinggan, batay sa tunay na
nagagamit ang pangyayari/pabula
mga kaalaman sa Naiuulat nang pasalita 5 10 50 11- 16-
wika, ang mga 15 20
nakababasa nang naobserbahang
may wastong pangyayari sa paligid
paglilipon ng (bahay, komunidad,
mga salita at paaralan) at sa mga
maayos na napanood
nakasusulat (telebisyon, cellphone,
upang kompyuter)*
maipahayag at
maiugnay ang
sariling ideya,
damdamin at
karanasan sa
mga narinig at
nabasang mga
teksto ayon sa
kanilang antas o
nibel at kaugnay
ng
kanilang kultura.
Kabuuan 10 20 100 0 5 5 5 5 0
SUMMATIVE TEST IN FILIPINO 2

KEY TO CORRECTION

1. Opo
2-4. Iba’t iba ang sagot
5.Matutong mag-impok upang sa oras ng pangangailangan ay may madudukot
6.bagong
7. buhay
8. aralin
9. karanasan
10. kaugnayan

11. D
12. B
13. C
14. E
15. A
16. B
17. D
18. A
19. E
20. C

You might also like