You are on page 1of 24

7

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Karunungang-Bayan
Filipino – Ikapitong Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Karunungang-Bayan
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ellen L. Generalao
Editor: Cristy S. Agudera
Tagasuri: Iret R. Flores
Tagaguhit:
Tagalapat: Ellen L. Generalao
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Cristy S. Agudera – Education Program Supervisor – Filipino
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor
Learning Resources Management

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph
7

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Karunungang-Bayan
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda


para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

ii
Aralin
Karunungang-Bayan
1

Alamin Natin

Isa na namang panibagong araw ng pagtuturo at pagkatuto kaibigan.


Binabati kita dahil matagumpay mong natapos ang naunang modyul at
sigurado akong nasasabik ka nang simulan ang sumusunod na gawain.

Sa modyul na ito, tutulungan kayong kilalanin ang mga karunungang-


bayan na pasalindilang naipamana sa atin ng ating mga ninuno. Isang
katotohanan na ang karunungang-bayan ay bahagi ng panitikang Pilipino.
Sa tulong ng panitikan lalo nating napahahalagahan ang ating lahi at
pinagmulan. Ito ang nagpapatibay ng ating pagkakikilanlan dahil
nasasalamin dito ang ating kultura, paniniwala at pakikipamuhay. Bilang
kabataan, tungkulin ninyong pahalagahan at pagyamanin ang karunungang-
bayan dahil kayo na naman ang magpapakilala nito sa susunod na
henerasyon, kayo ang magsisilbing tulay upang mahalin nila ang totoong
hiyas ng pagka-Pilipino.

Sa pamamagitan din ng modyul na ito, matutuhan mo kung ano ang


katangian ng tula/awiting panudyo, tugmang de-gulong at palaisipan. May
mga gawaing inihanda para sa inyo upang lubos mong mailapat ang iyong
naunawaan batay sa talakayan. Kaya, sa katapusan ng modyul inaasahang:

• naihahambing ang mga katangian ng tula/awiting panudyo, tugmang


de-gulong at palaisipan (F7PB-IIIa-c-14);

• naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de-gulong at


palaisipan batay sa itinakdang mga pamantayan (F7PU-IIIa-c-13).

O, ano handa ka na ba kaibigan? Tara na at matuto!

1
Subukin Natin

Gawain 1. Mahilig ka bang maglaro ng mga salita upang makabuo ng


panibagong salita? Sa pagkakataong ito kaibigan, kayo ay bubuo ng salita o
pariralang Filipino gamit ang mga salitang Ingles sa ibaba. Pagmasdan ang
halimbawang ginawa upang ikaw ay makasunod. Isulat ang iyong sagot sa
nakalaang patlang.

Halimbawa:

1. 2.
MONEY CASH BUT ASH
WHO TRAP
CASH
ZERO ECHO
Sagot:

__________ __________
MANEHO
__________
__________
_

3. 4. 5.
_________
BAR __
PALM PASS
A HE WRONG
GO LONG YEAH
SUCK SUCK
LUNG YOUNG
________ POO ______________
______ ______ ______________
_______

Kumusta ang iyong karanasan habang tumutuklas ng mga bagong salita?


Saan kaya makikita ang mga pahayag na ito? Huwag mag-alala kaibigan,
maya-maya lang aalamin natin ang kaugnayan ng mga salitang ito sa ating
talakayan. Samantala, ipagpatuloy mo muna ang pagsagot sa mga susunod
na gawain.

2
Gawain 2. Sa bahaging ito, susubukin natin ang iyong kakayahan
upang masuring mabuti ang mga pahayag. Ano ang gagawin? Kailangan mo
lang unawaing mabuti ang sitwasyon o pahayag upang makuha mo ang
tamang sagot. Tandaan, piliin lang ang letra ng tamang sagot.

____ 1. Ako ay makikita sa gitna ng dagat, dulo ng daigdig, at unahan ng


globo.

A. G B. D C. I D. O

____ 2. Bakit binubuksan ang bintana tuwing umaga?

A. mainit B. madilim C. nakasara D. umaga na

____ 3. Mayroong tandang sa ibabaw ng bubong na piramido ang hugis.


Nagtatalo-talo ang mga kapitbahay kung saan babagsak ang itlog ng
tandang. Saang bahagi babagsak ang itlog ng tandang?

A. wala B. gitna C. kanan D. kaliwa

____ 4. Mayroong limang magkakapatid sa silid. Si Ria ay nagbabasa. Si


Mara ay nagluluto. Si KC ay naglalaro ng chess. Habang si Maria
naman ay nagsusulat. Ano ang ginagawa ng ikalimang anak?

A. Kasabay ni Ria sa pagbabasa


B. Katabi ni Maria na nagsusulat
C. Naglalaro ng chess kasama ni KC
D. Tumutulong kay Mara sa pagluluto

____ 5. May mga buwan na mayroong 31 araw habang mayroon namang may
30 araw. Ilan naman ang mayroong 28 araw?

A. 5 B. 7 C. 9 D. 12

3
Aralin Natin

Nakuha mo ba ang lahat ng tamang sagot sa itaas na gawain? Magaling!


Sa pagkakataong ito, basahin at unawain ang usapan nina Lolo Encio at
apong si Ethan. Pagkatapos nito ay sagutin ang mahahalagang tanong
kaugnay sa binasa.

Magaling ang Lolo Ko


Katha ni: Ellen L. Generalao

Isang umaga, seryosong nanonood ng balita si Lolo Encio


habang nagkakape nang nilapitan ito ni Ethan.

Ethan: Lolo, puwede ka bang madistorbo nang sandali? Meron


po kasi akong assignment. Hindi ko po kasi
maintindihan.

Lolo Encio: Anong assignment ba iyan apo? Sa boses mo pa lang


mukhang may kahirapan iyan ah!

Ethan: May mga tanong po kasi na hindi pamilyar sa akin. Eh,


baka po may alam kayo.

Lolo Encio: Gaya ng ano?

Ethan: Gaya po nito, Lolo. May isang bola sa mesa. Tinakpan


ito ng sombrero. Paano makukuha ang bola ng 'di
nagagalaw ang sombrero?

At saka ito pa, Lolo. Kung ang gumagapang sa aso ay


pulgas, sa damo ay ahas, sa ulo ng tao ay kuto. Ano
naman ang gumagapang sa kabayo?

Ano po ba ang mga sagot nito?

Lolo Encio: Ah sus ’yan lang ba apo? Madaling-madali lang ‘yan!

Ethan: Bakit n’yo po nasabing madali lang Lolo?

Lolo Encio: Alam mo bang noong kabataan namin kinahiligan


naming maglaro ng mga ganyang klaseng tanong?

Ethan: Totoo, Lolo?

Lolo Encio: Oo, apo. Tuwing maliwanag ang buwan kinaugalian


naming magtambay sa labas ng aming bahay at
naglalaro ng palaisipan.
4
Ethan: Palaisipan?

Lolo Encio: Oo. Palaisipan ang tawag sa mga tanong na


Lolo Encio: Oo, apo. Tuwing maliwanag ang buwan kinaugalian
naming magtambay sa labas ng aming bahay at naglalaro
ng palaisipan.

Ethan: Palaisipan?

Lolo Encio: Oo. Palaisipan ang tawag sa mga tanong na hinahanapan


ng sagot o kalutasan. Gusto mo bang malaman kung
paano ito ginagawa?

Ethan: Aba, siyempre po!

Lolo Encio: Ganito lang ‘yan kasimple, apo. Bibigyan ka ng isang


tanong o isang sitwasyon tapos siyempre, hahanapan mo
ito ng solusyon.

Dapat maging mapagmatyag ka sa ibibigay na tanong kasi


kadalasan ito’y naglalaman ng nakalilitong tanong.

Talasan mo rin ang iyong pandinig at pag-iisip kasi


nangangailangan ito ng lohikal na pagbuo ng konklusyon o
sagot.

Kailangang maging wais at matalino ka sa pagsagot dahil


ang sagot ay kadalasang nasa loob lang din ng tanong.
Nakuha mo ba?

Ethan: Ah, gano’n po ba ‘yon, Lolo. Sige po tatandaan ko po ang


lahat ng sinabi n’yo po. Pero ang tanong ko po Lolo, ano po
ang mga sagot sa assignment ko?

Lolo Encio: Hahahaha… ikaw talaga apo akala ko nakalimutan mo na!

Ang sagot sa unang tanong ay butas ang tuktok ng


sombrero. Kaya puwedeng kunin ang bola na hindi
nagagalaw ang sombrero

Sa ikalawang tanong naman ang sagot ay plantsa.

Ethan: Ang galing naman ng Lolo ko! Salamat po ng marami sa


tulong n’yo po. Matatapos ko na rin ang aking assignment.

Lolo Encio: O siya! Para maipagpatuloy ko na rin ang panonood ko ng


balita.

Ethan: Sige po Lolo. Salamat po talaga.

5
Mga Tanong sa Pag-unawa:

1. Ano ang inilapit ni Ethan sa kanyang Lolo Encio nang umagang iyon?

A. mag-interview
B. manghingi ng payo
C. magpagawa ng assignment
D. magpatulong sa assignment

2. Ano ang natuklasan ni Ethan batay sa pagkukuwento ng kanyang Lolo


tungkol sa kaniyang assignment?

A. Mahirap sagutin ang palaisipan.


B. Madaling gawin ang assignment.
C. Maraming alam si Lolo Encio tungkol sa palaisipan.
D. Libangang maituturing ang palaisipan noong kapanahunan ni Lolo.

3. Paano nakatutulong ang palaisipan sa pag-iisip ng isang tao?

A. pagiging alerto
B. nagiging mapanuri
C. pinapatalas ang pag-iisip
D. pinapatalim ang pandinig

4. Batay sa kuwento ni Lolo Encio, naging libangan ang pagsasagawa ng


palaisipan noong unang panahon dahil walang __________?

A. TV B. gadget C. kuryente D. internet

5. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit patuloy na tinatangkilik ng


mga Pilipino ang pamanang larong palaisipan na ito?

A. Ito ay tatak at hiyas ng pagka-Pilipino.


B. Hindi ito basta-basta makalimutan ng matatanda.
C. Nalilinang ang mapanuring pag-iisip ng sinumang indibiduwal.
D. Pasalindilang naipamana ito hanggang sa kasalukuyang panahon.

6
Gawin Natin

Nagustuhan mo ba kaibigan ang nabasang diyalogo? Sana ay


napahalagahan mo ang nilalaman nito.
Sa puntong ito, ating pag-aralan ang talahanayan sa ibaba. Ito ay
tumatalakay sa kahulugan at mga uri ng karunungang-bayan. Tara na’t
samahan mo akong unawain ang hinihimay-himay na paksa.

Ano ang karunungang-bayan?

Nagsimula
pa noong
unang
panahon.

7
Ano-ano ang uri at katangian ng mga karunungang-bayan?

1. Awit/Tulang Panudyo

Katangian
Kahulugan
sinasabi ito ng
mga kapwa
isang akdang
bata kapag
pampanitikan na
nagkaka-
ginagamit ng mga bata
pikunan
para panukso na hindi
nakakasakit sa
damdamin
Anyo
Layunin

manukso, mang-inis at
➢ Patula
manudyo

➢ Tuluyan

Halimbawa
:
Bata batuta
Samperang muta
Tutubi, tutubi
Wag kang pahuli
Sa batang mapanghi
Putak, putak,
Batang duwag
Matapang ka’t nasa pugad.

8
2. Tugmang de-Gulong

Katangian
Kahulugan
kahawig ng mga
mga paalalang kawikaan at
kadalasang makikita sa kasabihan ng
mga pampasaherong matandang
sasakyan panitikan

Anyo
Layunin

magbigay ng babala,
➢ Patula
paalala o aral

Halimbawa
:

Ang ‘di magbayad mula


sa kanyang pinang-
galingan ay ‘di makababa
sa paroonan.

9
3. Palaisipan

Katangian
Kahulugan
inaasahang
isang suliranin na lutasin ang
sinusubok ang palaisipan sa
katalinuhan ng pamamagitan ng
isang tao upang pagsusuri ng mga
lutasin ang mga ito detalye doon
mismo sa tanong
Anyo
Layunin

maglibang
➢ Tuluyan

Halimbawa
:
Anong meron sa aso na meron din sa pusa,
na wala sa ibon ngunit meron sa manok na
dalawa sa buwaya at kabayo na tatlo sa
palaka?
Sagot: Letrang "A"

10
Sanayin Natin

Ngayon naman, ating tukuyin kung anong uri ng karunungang-bayan


ang sumusunod na pahayag. Iguhit ang bilog ( ) kung ito ay tula/awiting
panudyo, parisukat ( ) kung tugmang de-gulong at tatsulok ( ) naman
kung ito ay palaisipan.

Pahayag Sagot
1. Mga dumi sa ulo
Ikakasal sa Linggo
Inalis, inalis
Ikakasal sa Lunes
2. Anong meron sa jeep, traysikel, bus na
wala sa eroplano?
3. Aanhin pa ang gasolina kung jeep ko ay
sira na.
4. Ang ‘di magbayad walang problema, sa
karma pa lang, bayad ka na.
5. May anim na ibon ang nakadapo sa
sanga ng puno. Tatlo ang maya, dalawa
ang pipit, at ang isa ay uwak. Binato ni
Mart ang sanga. Tinamaan at nalaglag
ang uwak. Ilang maya ang naiwan sa
sanga?
6. Bata, bata
Pantay-lupa
Asawa ng palaka
7. Kapwa mo’y isipin umusod-usod nang
kapiraso.
8. Huwag dume-kuwatro sapagkat dyip
ko’y di mo kuwarto.
9. Si Ann ay isa sa limang magkakapatid.
Ang mga pangalan nila, umpisa sa
panganay ay si Nana, Nene, Nini, Nono,
at ___ ? Ano ang pangalan ng bunso sa
magkakapatid?
10. Tatay mong bulutong.
Puwede mong igatong

11
Tandaan Natin

Natandaan mo pa ba kaibigan ang mahahalagang kaisipan sa ating


talakayan? Gamit ang pahayag sa ibaba, magbigay ng isang (1) salita na
iyong maiuugnay kapag naririnig o nababasa mo ang karunungang-bayang
ito. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.

1.

Awit/
Tulang
Panudyo
= _______________________________

2.

Tugmang
De-
Gulong

= _______________________________

3.

Palaisipan

= _______________________________

12
Alam mo ba? Upang matamo ang kariktan at kagandahan ng
karunungang-bayan na bubuuin nararapat isaisip ang sumusunod na
bagay sa pagsulat ng tula/awiting panudyo, tugmang de-gulong at
palaisipan:

a. tamang baybay ng mga salita;

b. paggamit ng wastong bantas;

c. kalinawan ng mensahe, at;

d. paggamit ng tugmaan

Suriin Natin

Gawain 1. Ngayong alam mo na ang mga uri ng karunungang-bayan,


susukatin natin ang iyong kakayahan at kasanayan sa pagtukoy ng
katangian at anyo nito.
Sa pagkakataong ito, balikan natin ang mga pahayag na nasa bahaging
Sanayin Natin (pahina 11). Suriin natin ito ayon sa katangian at anyo ng
karunungang-bayan. Pansinin ang gabay na halimbawa upang ikaw ay
makasagot. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.

Pahayag Katangian Anyo


Halimbawa: Sagot:

Buto’t balat pabiro patula


Hindi makalipad
Bali bali ang pakpak.

Ang amoy mo ay parang isda


Kasing amoy ng patay na daga
1. Mga dumi sa ulo
Ikakasal sa Linggo
Inalis, inalis
Ikakasal sa Lunes
2. Anong meron sa jeep, traysikel,
bus na wala sa eroplano?

13
3. Aanhin pa ang gasolina kung jeep
ko ay sira na.
4. Ang ‘di magbayad walang
problema, sa karma pa lang,
bayad ka na.
5. May anim na ibon ang nakadapo
sa sanga ng puno. Tatlo ang
maya, dalawa ang pipit, at ang
isa ay uwak. Binato ni Mart ang
sanga. Tinamaan at nalaglag ang
uwak. Ilang maya ang naiwan sa
sanga?

Gawain 2. Suriin kung ano ang layunin ng sumusunod na tugmang de-


gulong. Isulat ang letrang A kung ito ay nagbabala, B kung nagpapaalala at
C kung ito ay nangangaral.

_____ 1. Pasaherong masaya, tiyak na may pera.

_____ 2.
Salamat: salitang dapat sabihin kapag
inaabot ang inyong bayad.

_____ 3. Payat man o mataba, magbayad muna


bago bumaba.

_____ 4. Wag pumito, ‘di ako aso.


‘Wag kumatok, ‘di yan pinto.
Magsabi ng para at
ako’y hihinto.
_____ 5.
‘Yan ang gusto kong pasahero,
alisto’t nagbabayad
nang husto.
Magsabi ng para at
14
ako’y hihinto.
Payabungin Natin

Handa ka na bang gumawa ngayon ng sarili mong karunungang-


bayan? Tara na’t isa-isahin natin ang pagbuo ng mga ito.

Gawain 1. Bumuo ng tugmang de-gulong na maaaring ilagay sa mga


pampasaherong sasakyan dito sa Siyudad ng Tagum. Ang nilalaman ng iyong
tugmang de-gulong ay maaaring nagpapaalala sa mga pasahero tungkol sa
tamang pag-uugali, paggalang, o di kaya’y pagbabayad. (9pts)

Halimbawa:

Barya mo’y kabuhayan ko,


Kaya’t magbayad nang wasto,
Ikatutuwa ko ito,
Kasama ng buong pamilya ko.

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos

3 2 1
Mensahe Malinaw na Malinaw na Hindi nailahad
malinaw na nailahad ang ang mensahe
nailahad ang mensahe
mensahe
Tugmaan Bawat linya ay Mayroong dalawang Walang tugmaan
may tugmaan (2) tugmaan
Gramatika, Wasto lahat ang May (1) isang Maraming
Bantas at baybay, bantas, kamalian sa baybay, kamalian sa
Baybay at gramatika bantas, at gramatika baybay, bantas, at
gramatika

15
Gawain 2. Kumpletuhin ang tula/awit panudyo tungkol sa isang
batang ayaw mag-aral ng kanyang leksyon. (3pts)

Paalala sa iyo batang tamad,


Modyul ay aralin upang ika’y mamayagpag.
Online games dulot ay (1) _____________.
Kung ayaw mo, sige ka ika’y lalagpak,
Sa kangkungan ang iyong (2) _____________,
Kasama ang gradong palakol, sa magulang ‘di (3) __________________.

Gawain 3. Pag-aralan ang halimbawang palaisipan sa ibaba.


Pagkatapos nito ay bumuo ng sariling palaisipan na ang magiging sagot ay
bakuna. (4pts)

Halimbawa:

Masakit na lunas para sa isang sakit.

Sagot: bakuna

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Sagot: bakuna

16
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos

2 1
Mensahe Malinaw na malinaw Hindi nailahad ang
na nailahad ang mensahe
mensahe
Wastong gamit ng Wasto lahat ang Maraming kamalian sa
salita, bantas, baybay baybay, bantas, at baybay, bantas, at
gramatika gramatika

Pagnilayan Natin

Pagbati kaibigan dahil nasa huling bahagi na tayo ng ating gawain.


Abot-kamay mo na ang minimithing kasanayan na nais linangin sa modyul
na ito.
Bilang kabataang Pilipino, paano mo kukumbinsihin ang iyong kapwa
mag-aaral na tangkilikin ang paggamit ng mga karunungang-bayan na ito sa
halip na pagkahuhumaling sa iba’t ibang online na gawain? Ipaliwanag ang
iyong sagot sa isa (1) o dalawang (2) pangungusap lamang.

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

17
18
Suriin Natin
Gawain 1
Katangian Anyo
1. pabiro patula
2. libangan tuluyan
3. nagpapaalala patula
4. nagpapaalala patula
5. libangan tuluyan
Gawain 2
1. B
2. B Subukin Natin
3. A
Gawain 1
4. A
5. B 1. Kaskasero
2. Batas Trapiko
3. Gulong
4. Barya lang po
5. Pampasaherong
sasakyan
Gawain 2
1. A (lahat ng mga salita
Sanayin Natin ay may letrang G)
1. 2. C
2. 3. A (hindi nangingitlog
3. ang tandang)
4. Aralin Natin 4. C (lahat ay
5. 1. D nagagawang mag-isa
6. 2. D maliban sa chess na
7. 3. B nangangailangan ng
8. 4. C
kasama)
9. 5. C
5. D (lahat ng buwan ay
10. mayroong petsa na
28)
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Dep.Ed.Learning Portal
https://lrmds.deped.gov.ph/search?filter=&search_param=all
&query=karunungang-bayan

DepEd Images

K to 12 Filipino Gabay sa Pangkurikulum sa


Filipino.Department of Education 2016.

K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino Grade


7. Department of Education Curriculum and Instruction
Strand 2020.

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph

20

You might also like