You are on page 1of 7

TABLE OF SPECIFICATIONS

First Periodical Test in FILIPINO 6

ITEM PLACEMENT
No. of
COMPETENCY CODE EASY AVERAGE DIFFICULT Items
Remember / Understand/ Apply/ Analyze / Evaluate / Create /
Knowledge Comprehension Application Analysis Synthesize Evaluation
1. Nasasagot ang mga tanong, bakit at F6PN-Ia-g3.1, 1-7 8-10 10
paano tungkol sa napakinggang/ F6PN-Ia-g-3.1,
nabasang: pabula; kuwento; tekstong F6PB-Ic-e-3.1.2,
pang-impormasyon (procedure), usapan, F6PN-Ia-g-3.1)
talaarawan; anekdota; ulat
- Nagagamit nang wasto ang mga
pangngalan sa pakikipag-usap sa iba’t
ibang sitwasyon:
- 1. kongreto at di kongreto
2. bagong salitang natutuhan
2. Nabibigyang kahulugan sa pamamagitan 23-27 5
ng gamit sa pangungusap ang salitang
napakinggan: hiram/ pamilyar at di
kilalang salita, pahayag ng tauhan,
sawikain, tambalang salita,
matalinghagang salita, pananalita ng
tauhan sa napakinggang usapan, idyoma,
kilos ng mga tauhan sa napakinggang
kuwento,
3. Napagsunod-sunod o naisasalaysay 28-37 10
muli /kronolohikal ang mga pangyayari sa
napakinggan/nabasang kuwento sa tulong
ng nakalarawang balangkas/
pamamagitan ng pamatnubay na tanong
gamit ang sariling salita: 1. tekstong pang-
impormasyon 2. kasaysayan
4. Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan 11,12 2
ng mga pangyayari sa kuwentong/alamat
napakinggan/nabasa; bago, habang at
matapos ang pagbasa.

- Nagagamit ang magagalang na


pananalita sa iba’t ibang sitwasyon:
120 1. sa pagpapahayag ng
saloobin/damdamin, 2. pagbabahagi
ng obserbasyon sa paligid 3.
pagpapahayag ng ideya 4. pagsali sa
isang usapan 5. pagbibigay ng
reaksiyon
5. Nagagamit nang wasto ang mga panghalip 13-22 10
na panao, paari, pananong, pamatlig,
pamaklaw sa pakikipag-usap sa iba’t ibang
sitwasyon
6. Nasusuri ang mga 38-42 5
kaisipan/tema/layunin/tauhan/tagpuan at
pagpapahalagang nakapaloob sa
napanood na maikling pelikula
7. Nakapagbibigay ng sarili at maaring 43-50 8
solusyon sa isang suliraning naobserbahan
sa paligid
8. Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa
binasang/napakinggang talata
TOTAL NUMBER OF ITEMS 5 18 23 3 50
DEPARTMENT OF EDUCATION
DIVISION OF _________
District of _____________
FIRST PERIODICAL TEST IN FILIPINO 6

Pangalan:____________________________________Baitang: ________________Score:_____
Panuto: Basahin mo ang isang pabula at sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.
Isulat ito sa sagutang papel.

Si Manoka
Sa isang liblib na pook ay may nakatirang pamilya ng mga manok. Simple, masaya at puno ng pagmamahal
ang kanilang maliit na tirahan. Mapagmahal na ama si Tandang Diro at responsableng asawa si Inahing Nika. May
lima silang anak, si Manoka ang panganay na kapag wala ang mga magulang, siya ang napag-iiwanan ng mga
kapatid. Isang araw maagang umalis ang mag-asawa upang dumayo sa anihan ng mais sa karatig bayan.
Pinagbilinan ng ama na bantayan at pakainin ang mga kapatid. Nagluto na si Manoka. Inisa-isa niyang ginising ang
mga kapatid, laking pagtataka niya wala ang bunso niyang kapatid. Iniwan ang iba pang mga kapatid habang
kumakain. Tanong dito, tanong doon ang ginawa niya ngunit ni isa man ay walang makakapagturo dito hanggang
siya’y makarinig ng isang boses na tumatawa at malakas na nagsasalita, “Diyan ka nababagay munting sisiw, sa
kumunoy, hanggang sa ika’y malunod, ha! ha! ha!,” malakas na tawa ni Asong Malupit. Lumapit si Manoka, nakita
niya si Mikmik, ang bunso nilang kapatid umiiyak at parang takot na takot. Naghanap si Manoka ng mahabang
kahoy at inihampas niya ito sa nakabungisngis na aso. “Malupit ka!, buong lakas na hinampas niya ang aso
hanggang kumaripas ito ng takbo. “Yeheey! Ligtas na ako, iniligtas ako ng Ate Manoka ko,” buong kasiyahang
niyakap ni Mikmik ang ateng tagapagligtas niya.
Sariling Katha ni Marijo Panuncio

1. Ano ang pamagat ng nabasang pabula?


A. Si Manoka B. Ang Tandang C. Ang Asong Malupit D.Ang Magkapatid na Manok

2. Sino ang mapagmahal at masunurin na tagapag-alaga ng kaniyang mga kapatid?


A. Si Daga B. Si Mikmik C. Si Manoka D. Si Asong Malupit

3. Sino-sino ang naghahanap ng pagkain para sa pamilya ni Manoka?


A. Si Asong Malupit B. Sina Manoka at Mikmik
C. Si Manoka at mga kapatid D. Sina Tandang Diro at Inahing Nika

4. Ano ang gawain ni Manoka kapag wala ang mga magulang sa bahay?
A. Naglalaro sa labas ng bahay.
B. Hinahayaan ang mga kapatid sa kalsada.
C. Hindi binibigyan ng pagkain ang mga kapatid.
D. Nagluluto, nagbabantay at nagpapakain sa mga kapatid.

5. Kailan nalaman ni Manoka na nawawala ang kaniyang bunsong kapatid?


A. Nakita niya na lumabas si Mikmik.
B. Pagkatapos na siya ay naglalaro sa labas ng bahay.
C. Gigisingin na niya ang mga kapatid para sa kumain.
D. Pagkagising nakita niya wala na sa higaan ang kapatid.

6. Kaninong malakas na boses ang narinig ni Manoka habang siya’y papalapit kumunoy?
A. Boses ni Pusang Malupit. B. Boses ni Asong Malupit.
C. Tinig ng Maamong Kambing D. Tinig ng Maamong Kalabaw.

7. Ano ang sinabi ni Asong Malupit sa kapatid ni Manoka na nagpasidhi ng galit niya sa aso?
A. “Halika! Kumapit ka ng mabuti iaahon kita sa putikan.”
B. “Tanggalin mo ang tinik sa likod ko, parang awa mo.”
C. “Naku! Nahulog ang Sisiw ,kawawa naman tulungan ninyo.”
D. “Diyan ka nababagay munting sisiw, sa kumunoy, hanggang sa ika’y malunod, ha!ha!ha!.”

3 | Page
8. Bakit umiyak nang sobra at takot na takot si Mikmik ng nadatnan ni Manoka?
A. Pinapalo ng Asong Malupit si Mikmik ng kahoy.
B. Inilublob sa kumunoy ng Asong Malupit si Mikmik.
C. Kinakagatkagat ng Asong Malupit ang paa ni Mikmik.
D. Napilayan ang paa ni Mikmik sa katatakbo nang hinabol ni Asong Malupit.

9. Paano nakaligtas si Mikmik sa ginawa ng Asong Malupit sa kaniya?


A. Mabilis na nakadampot ng mahabang kahoy at hinampas sa Asong Malupit na kumaripas ng takbo.
B. Tinulungan ni Manoka na makaahon sa kumunoy si Mikmik.
C. Niyakap ng mahigpit ni Manoka ang kapatid para mawala na ang takot nito.
D. Lahat na binanggit ay wasto.

10.Ano ang aral na makukuha sa nabasang pabula?


A. Dapat na paniwalaan ang sinasabi ng karamihan.
B. Tanggapin ang katotohanan nang walang alinlangan.
C. Nasa huli ang pagsisisi kaya’t pag-isipang mabuti ang bawat desisyon.
D. Maging masunurin sa habilin ng magulang para maiwasan ang sakunang kahihinatnan.

11. Nais mong hiramin ang aklat ng iyong kaklase. Paano mo ito sasabihin sa kanya?
A. Akin na muna ang iyong aklat.
B.Ipahiram mo sa akin ang aklat mo.
C.Maaari ko bang gamitin ang aklat mo?
D.Ibigay mo sa akin ang aklat mo, bilis!

12. Ang kaibigan ng nanay ni Belen ay dumalaw sa kanilang bahay. Ano ang dapat niyang sabihin?
A. Naku, hindi ko kayo kilala.
B. Nay, nandito ang kaibigan ninyo.
C. Wala po dito si Nanay, umalis na kayo.
D.Pasok po kayo, tatawagin ko lang si Nanay.

Basahin ang ulat tungkol sa Coronavirus. Punan ang puwang ng angkop na pangangalan o panghalip.
Piliin ang tamang sagot na nasa loob ng kahon. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Covid-19 sakit hayop nila natin Wuhan, China


doon eksperto dito bansa

A.

Ang ___________13. o CORONA VIRUS Disease 2019 ay malaking grupo ng mga virus na nagdudulot ng
respiratory disease. Tulad ng SARS Cov na nadiskubre noong 2003, at MERS Cov noong 2012.
Pinaniniwalaan, na ang mga sakit na ito ay galing sa________________ 14. Ngunit ang Covid 19 ay hindi
pa _____________________15. matukoy. Nagmula ang__________________ 16. na ito sa
____________17. wet market kung saan ang mga mabibili ____________________18. ay mga exotic
foods. Tinatawag na rin itong pandemic dahil ito ay naging pangunahing suliranin ng mga
____________________19 . Saanman ngayon problema talaga ang lahat ng ito.
______________________20. sa ating___________________21. , paano kaya______________________
22. malulunasan ang suliraning napapanahon?

Halaw sa ulat ng DOH

Tukuyin ang sawikain sa loob ng pangungusap. Isulat sa sagutang papel.


23. Ang napangasawa ng aking pinsan ay alog na ang baba sa kaniya.
24. Iniiwasan kong makasama ang mga balat-sibuyas na kaibigan.
25. Magkabungguang balikat sina Pedro at Jose mula noong bata pa sila.
26. Bagamat anak pawis si Lyka, siya’y nagsusumikap sa kaniyang pag-aaral.
27. Ang nanay ay parang sirang-plaka sa aming magkakapatid, upang kami ay maturuan .

4 | Page
Panuto: Lagyan ng bilang 1 hanggang 10 ang linya upang mapagsunod-sunod ang mga pangyayari sa
kuwento. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
________A. May mag-asawang nagngangalang Mang Nilo at Aling Mildred.
________B. Nagbubungkal at nagtatanim sila ng mga gulay.
________C. Nagdadamo rin sila ng kanilang mga tanim
________D. Ibinebenta nila ang mga gulay upang kumita ng pera.
_______ E. Nakapagtrabaho ang anak ng mag-asawa sa bangko sa kanilang bayan.
________F. Ipinababaon nila sa anak ang kinitang pera
________G. Nakapagtapos din ng pag-aaral ang kanilang anak.
________H. Nagkakape muna ang mag-asawa bago umalis ng bahay.
________I. Naghahanda rin sila ng almusal na babaunin sa bukid.
________ J. Pinipitas nila ang mga tanim na gulay.

Panuto: Basahin ang mga lipon ng mga salita sa Hanay A at hanapin sa Hanay B ang maaaring kalalabasan ng mga
pangyayari. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
38. nakipagsuntukan si Aldrin A. sumakit ang kaniyang ngipin
39. kumain ng maraming tsokolate si Pam B. nasugatan siya sa noo
40. nahuli sa klase si Anthony C. bumaha sa kalsada
41. nakakuha ng mababang marka D. wala siyang masakyan
42. umulan nang malakas E. hindi siya nag-aral nang mabuti

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag.


Isulat ang salitang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung hindi.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_______43. Hindi mabisa ang isang pelikula kung iba’t ibang mensahe ang nakuha
ng manonood sa kanilang napanood.
_______44. Ang wastong pagkasusunod-sunod ng mga pangyayari sa pelikula ay
nagpapatunay lamang na maayos ang pagkakabuo nito.
_______45. Mahalagang maging detalyado mula sa kaliit-liitang bagay ang lahat ng
mga pangyayari upang maunawaan ng mga manonood ang takbo ng
pelikula.
_______46. Sa pamagat pa lamang ay nagkakaroon ka na ng ideya kung ano ang
paksa ng pelikula na siyang humihikayat sa manonood.
_______47. Maituturing na pinakapundasyon sa pagsusuri ng isang pelikula ang
tema. Ito ang nagsasaad ng pinakapaksa ng pelikula.

_______48. Ang mga gumaganap ng iba’t ibang katauhan o karakter sa pelikula ay


dapat tao lamang.
_______49. Masasabing maganda ang takbo ng pelikula kung angkop ang
pagkasusunod-sunod ng mga eksena.
______50. Ang pelikulang kailanma’y hindi maaaring lapatan ng musika upang
ito ay higit na makabuluhan.

5 | Page
ANSWER KEY FOR FILIPINO 6

No. Answer No. Answer

1 A 20 DITO

2 C 21 BANSA

3 D 22 NATIN
ALOG
4 D NA ANG
23 BABA
BALT
5 C
24 SIBUYAS
MAGKAB
UNGGUA
6 B
NG
25 BALIKAT
ANAK
7 D
26 PAWIS
SIRANG
8 B
27 PLAKA
9 D 28 1

10 D 29 4

11 C 30 5

12 B 31 7
COVID-
13 10
19 32
14 HAYOP 33 8

15 NILA 34 9

16 SAKIT 35 2
WUHAN,
17 3
CHINA 36
18 DOON 37 6
EKSPER
19 B
TO 38
39 A

40 D

41 E

42 C

43 MALI

6 | Page
44 TAMA

45 TAMA

46 TAMA

47 TAMA

48 MALI

49 TAMA

50 MALI

7 | Page

You might also like