You are on page 1of 10

-Annex 2B.

2 to DepEd
Antas BAITANG 7 Markahan IKATLO
Order No. 42, s. 2016
DAILY LESSON LOG Yugto ng
TUKLASIN AT LINANGIN Aralin 1
(Pang-araw-araw na Tala sa Pagkatuto
Pagtuturo) Petsa Pebrero 20-24, 2023 Araw UNA
I. LAYUNIN
Kasanayan sa Pampagkatuto:
A. Nakapaghahambing ng mga katangian ng tula/awiting panudyo, tugmang de-gulong at
palaisipan.
B. Nakasusulat ng sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan sa
pamamagitan ng paggamit ng ponemang suprasegmental. (F7PU-IIIa-c-13)

II. NILALAMAN

PANITIKAN: Tula/Awiting Panudyo, Tugmang de-Gulong, Bugtong, Palaisipan


WIKA AT GRAMATIKA: Ponemang Suprasegmental

III. KAGAMITANG PANTURO

Sanggunian: Filipino – Baitang 7, Alternative Delivery Mode, Modyul:1-Ikatlong Markahan


Iba pang Kagamitang Panturo: biswal na pantulong, speaker, cellphone at powepoint

IV. PAMAMARAAN

● Paghahanda ng klase.
● Pagtala ng Liban
● Pangungumusta sa klase at loob ng silid-aralan

A. Pagganyak
PAHULAAN: Pangkatang Gawain: BUGTOLAAN: Pagpapahula ng mga katanungan ng mga piling
bugtong at palaisipan

1. Kay liit pa ni Neneng marunong ng Kumendeng.


2. Si Juan ay may dalawang kamay, binigyan ko siya ng 50 mansanas sa kaliwa niyang kamay at
50 naman sa kanyang kanang kamay. Ano ang meron si Juan?
3. May limampung kambing na nababakuran sa bakuran. Lumukso ang limampu. Ilan ang natirang
kambing?
4. Ang ulo ay kabayo, ang leeg ay pare, ang katawan ay uod, ang paa ay lagare.
5. Ang abot ng paa ko’y abot rin ng ilong ko. Anong hayop ako?

Gabay na Tanong:
1. Ano ang kahalagahan ng tula at bugtong sa mga taga-Luzon?
2. Paano nakatutulong sa pagpapayaman ng panitikan ng mga taga-Luzon ang tula at
bugtong?

B. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Bilugan ang hindi kasingkahulugan ng mga salita sa bawat bilang at ibigay ang
kahulugan ng salita sa bawat bilang. (PITAK pahina 2)
1. duwag takot pangamba asar
Kahulugan:_____________________
2. problema suliranin solusyon pagsubok
Kahulugan:_____________________
3. hinto hila antala tagal
Kahulugan:______________________
4. pakiling-kiling paliko-liko patabi-tabingi patagi-tagilid
Kahulugan:______________________
5. gumiling umindak umindayog umikot
Kahulugan:______________________

C. PAGBASA NG TEKSTO
Pagpaparinig ng awitin ng mga awiting panudyo.

Tula/Awiting Panudyo Tugmang De Gulong

Chitchiritchit, Alibangbang Ang di magbayad

Salaginto, salagubang Walang problema


Ang babae sa lansangan Sa karma pa lang
Kung gumiling parang tandang Bayad ka na.

Telebong, Telebong, Telebong Hila mo


Si Tatay nagsabong Hinto ko
Nanalo ng piso
Sumakay pa sa awto

Ang awto’y pakiling-kiling


Tsuper pala’y duling
Nabangga sa pader
Nabasag ang ngipin

D. Gabay na Tanong:
1. Tungkol saan ang binasa?
2. Ano-anong katangian ng mga taga-Luzon ang masasalamin dito?
3. Katanggap-tanggap ba ang mga katangiang ito? Oo o hindi? Patunayan.
4. Bakit mahalagang pag-aralan ng mga kabataang tulad mo ang mga kaalamang – bayan?
5. Sa iyong palagay, paano lumaganap ang ganitong uri ng tula? Buhay pa ba ang mga ito sa
kasalukuyan? Magbigay ng mga patunay.
E. Input ng Guro

KAALAMANG –BAYAN
Maituturing na isa sa pinakamatandang sining ang tula sa kulturang Pilipino. Batay sa
kasaysayan, ang mga unang Pilipino ay may likas na kakayahang magpahayag ng kanilang
kaisipan sa pamamagitan ng mga salitang naiayos sa isang maanyong paraan. Katunayan, ang
mga salawikain at kawikaan ay kaakibat sa tuwina ng mga pahayag ng mga Pilipino noong unang
panahon.
Ang pagkakaroon ng diwang makata ay likas sa ating mga ninuno. Ayon kay Alejandro
Abadilla, “bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin at katuturan.” Ito ang ipinalalagay na
pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang iba pang mga akdang patula tulad ng tulang panudyo,
tugmang de gulong, bugtong, palaisipan at iba pang kaalamang – bayan.
Laganap ito sa buong kapuluan bago pa dumating ang mga Kastila at nagpapahayag ng
mga hilig ng damdamin at kaisipan ng ating mga ninuno na dapat nating pahalagahan sa
kasalukuyan.
1. Tulang/Awiting Panudyo
Isang uri ng akdang patula na kadalasang may layuning manlibak,manukso o mang-uyam. Kilala
rin sa tawag na Pagbibirong patula.
Halimbawa:
Ako ay isang lalaking matapang
Huni ng tuko ay kinatatakutan.
2. Tugmang de-gulong
Ito ay paalala o babala na kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan.
Halimbawa:
Bayad muna, bago baba.
Kahit ano pa ang ganda mo, drayber lang ang katawan
3. Bugtong
Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binibigkas ito nang paula at kalimitang
maikli lamang.
Halimbawa:
Isang balong mamalim, punong-puno ng patalim.
Sagot: bibig
Wala na ang tiyan, malakas pa ang sigaw.
Sagot: kampana
4. Palaisipan
Ito naman ay nasa anyong tuluyan. Layunin nitong pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga
taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar.
Halimbawa:
Si Mario ay isa sa limang magkakapatid. Ang mga pangalan nila magsimula sa panganay
ay Enero, Pebrero, Marso Abril at__________. Ano ang pangalan ng bunso sa magkakapatid?

Sagot: Mario
E. PANGKATANG GAWAIN
1. Pagbibigay ng panuto sa bawat pangkat.

Pangkat 1: Magtala ng 1 awitin/tulang panudyo na kadalasang ginagamit sa panunukso


sa kapwa bata. Suriin ang nilalaman ng mga ito at ibigay ang kahulugan
Pangkat 2 at 3: Pagbuo ng Venn Diagram ukol sa katangian ng awit/tulang panudyo at
tugmang de gulong

Awitin/Tulang Panudyo Tugmang de Gulong

Pagkakaiba Pagkakaiba
Pagka-
katulad

Pangkat 4 at 5: Pagbuo ng Venn Diagram ukol sa katangian ng bugtong at palaisipan.

Bugtong

Pagkakaiba
Palaisipan

Pagkakatulad

Pagkakaiba
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
NILALAMAN 5 4 3 2 1
Sumunod sa panutong isinasaad sa pangkatang gawain
Nakiisa ang lahat ng miyembro ng bawat pangkat
Tahimik na isinagawa ang pangkatang gawain
Naiulat ng wasto ang gawain
KABUUANG PUNTOS

2. Pagsasagawa ng pangkatan
3. Pag-uulat
4. Pagbibigay ng feedback mula sa guro/mag-aaral.
5. Pagmamarka.

V. TALA
________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

-Annex 2B.2 to DepEd


Antas BAITANG 7 Markahan IKATLO
Order No. 42, s. 2016
DAILY LESSON LOG Yugto ng
LINANGIN Aralin 1
(Pang-araw-araw na Tala sa Pagkatuto
Pagtuturo) Petsa Pebrero 20-24, 2023 Araw IKALAWA
I. LAYUNIN
Kasanayan sa Pampagkatuto:

A. Nakapaghahambing ng mga katangian ng tula/awiting panudyo, tugmang de-gulong at


palaisipan.

B. Nakasusulat ng sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan sa


pamamagitan ng paggamit ng ponemang suprasegmental. (F7PU-IIIa-c-13)

II. NILALAMAN

PANITIKAN: Tula/Awiting Panudyo, Tugmang de-Gulong, Bugtong, Palaisipan


WIKA AT GRAMATIKA: Ponemang Suprasegmental

III. KAGAMITANG PANTURO

Sanggunian: Filipino – Baitang 7, Alternative Delivery Mode, Modyul:1-Ikatlong Markahan


Iba pang Kagamitang Panturo: biswal na pantulong at powepoint

IV. PAMAMARAAN

 Paghahanda ng klase.
 Pagtala ng Liban
 Pangungumusta sa klase at loob ng silid-aralan

A. Balik-aral: TIC-TAC-TOE: Pagtukoy sa mga Kaalamang –Bayan gamit ang power-point na


huhulaan ng bawat pangkat.. Paunahang makapuno ng 3 puntos ang bawat pangkat ang
siyang mananalo.

TANONG SAGOT URI NG KAALAMANG BAYAN


1. Dahon ng pinda-pinda, magsinglapad ang
dalawa
2.  Mayroong tandang sa ibabaw ng bubong
na piramido ang hugis. Nagtatalo-talo ang mga
kapitbahay kung saan babagsak ang itlog ng
tandang. Saan babagsak ang itlog ng
tandang?
3. Bayad muna, bago mag-cellphone.
4. Dalawang tindahan, sabay na binubuksan
5. Mayroong limang magkakapatid sa silid. Si
Ria ay nagbabasa. Si Mara ay nagluluto. Si
KC ay naglalaro ng chess. Habang si Maria
naman ay nagsusulat. Ano ang ginagawa ng
ikalimang anak?

B. . PANGKATANG GAWAIN (Pagpapatuloy sa Gawain)


1. Pagbibigay ng panuto sa bawat pangkat.

Pangkat 1: Magtala ng 1 awitin/tulang panudyo na kadalasang ginagamit sa panunukso


sa kapwa bata. Suriin ang nilalaman ng mga ito at ibigay ang kahulugan
Pangkat 2 at 3: Pagbuo ng Venn Diagram ukol sa katangian ng awit/tulang panudyo at
tugmang de gulong

Awitin/Tulang Panudyo Tugmang de Gulong

Pagkakaiba Pagkakaiba
Pagka-
katulad
Pangkat 4 at 5: Pagbuo ng Venn Diagram ukol sa katangian ng bugtong at palaisipan.

Bugtong

Pagkakaiba
Palaisipan

Pagkakatulad

Pagkakaiba

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
NILALAMAN 5 4 3 2 1
Sumunod sa panutong isinasaad sa pangkatang gawain
Nakiisa ang lahat ng miyembro ng bawat pangkat
Tahimik na isinagawa ang pangkatang gawain
Naiulat ng wasto ang gawain
KABUUANG PUNTOS

2. Pagsasagawa ng pangkatan
3. Pag-uulat
4. Pagbibigay ng feedback mula sa guro/mag-aaral.
5. Pagmamarka.

C. PAGPAPAHALAGA
1. Ano ang kahalagahan ng awit/tula at bugtong/palaisipan sa mga taga-Luzon?
2. Paano nakatutulong sa pagpapayaman ng panitikan ng mga taga-Luzon ang awit/tula panudyo
at bugtong/palaisipan

D. PAGLALAHAT

Mapapanatili ko ang kultura ng kaalamang


bayan sa pamamagitan ng…
V. TALA

________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

-Annex 2B.2 to DepEd


Antas BAITANG 7 Markahan IKATLO
Order No. 42, s. 2016
DAILY LESSON LOG Yugto ng
ASYNCHRONOUS CLASS Aralin 1
(Pang-araw-araw na Tala sa Pagkatuto
Pagtuturo) Petsa Pebrero 20-21, 2023 Araw IKATLO
I. LAYUNIN
Kasanayan sa Pampagkatuto:
1. Nasasagutan ang mga katanungan at gawain sa Modyul na PITAK

II. NILALAMAN

PANITIKAN: Tula/Awiting Panudyo, Tugmang de-Gulong, Bugtong, Palaisipan


WIKA AT GRAMATIKA: Ponemang Suprasegmental

III. KAGAMITANG PANTURO

Sanggunian: Filipino – Baitang 7, Alternative Delivery Mode, Modyul:1-Ikatlong Markahan

IV. PAMAMARAAN

 Paghahanda ng klase.
 Pagtala ng liban

A. BALIK-ARAL:
Panuto: Pagtukoy sa kaalamang natutunan ng mga mag-aaral gamit ang concept map.
B. Pagpapasagot sa mga gawain sa PITAK

Pag-unawa sa Binasa pahina 2-3


Pagsasanay 1-2 pahina 4
Pagsagot sa Pokus na Tanong pahina 4

V. TAKDANG ARALIN
Magdala ng mga kagamitan para sa gagawing output:
- Lumang karton/kardbord/folder (kasinlaki ng short bond paper)
-gunting
-pandikit
-kagamitang pangkulay
-kagamitang pandisenyo
-yarn (1 metro lamang)

-Annex 2B.2 to DepEd


Antas BAITANG 7 Markahan IKATLO
Order No. 42, s. 2016
DAILY LESSON LOG Yugto ng
ILIPAT Aralin 1
(Pang-araw-araw na Tala sa Pagkatuto
Pagtuturo) Petsa Pebrero 20-24, 2023 Araw IKAAPAT
II. LAYUNIN
Kasanayan sa Pampagkatuto:

A. Nakasusulat ng sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan sa


pamamagitan ng paggamit ng ponemang suprasegmental. (F7PU-IIIa-c-13)

II. NILALAMAN

PANITIKAN: Tula/Awiting Panudyo, Tugmang de-Gulong, Bugtong, Palaisipan


WIKA AT GRAMATIKA: Ponemang Suprasegmental

III. KAGAMITANG PANTURO

Sanggunian: Filipino – Baitang 7, Alternative Delivery Mode, Modyul:1-Ikatlong Markahan


Iba pang Kagamitang Panturo: biswal na pantulong at powerpoint

IV. PAMAMARAAN

 Paghahanda ng klase.
 Pagtala ng Liban
 Pangungumusta sa klase at loob ng silid-aralan

A. PAGGANYAK
Panuto: Pagpapanood ng video clip ukol sa paggawa ng bookmark

Tula mo, Sulat mo

1. Sumulat ng sariling tula/awiting panudyo, tugmang de-gulong, bugtong at palaisipan. Gamitin


ang mga kaalaman at tandaan ang mga impormasyong natalakay sa
modyul na ito.

2. Paglalahad ng pamantayan ukol sa paggawa ng Output.3.

3. Pagsasagawa ng Output
4. Pagbasa sa klase ng naisagawang output
5. Pagbibigay ng feedback at pagmamarka

V. TALA

________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Inihanda ni:

GNG. M.O.E.
Guro sa Baitang 7

You might also like