You are on page 1of 5

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO: BAITANG 8
SY 2019-2020

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin nang mabuti ang bawat tanong at sundin ang panuto.
Isulat ang inyong mga sagot sa isang malinis na sagutang papel.

I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


A. KARUNUNGANG BAYAN: Tukuyin ang nais ipakahulugan ng bawat talinghagang
nakapahiling.
1. Ano ang kahulugan ng nag-aagaw buhay ang bata nang ito ay nahulog sa gusali?
a. Naghihingalo b. Nagsusumikap c. Nagdidiliryo d. Sinapian
2. Ano ang kahulugan ng balitang-kutsero lang ang balitang si Juan ay tatakbo bilang Mayor ng
paaralan?
a. Hindi totoong balita b. Hindi totoong lalaban c. Hindi totoong tao d. Hindi totoong kutsero
3. Ano ang kahulugan ng kidlat sa bilis kung tumakbo ang kababayan kong si Pedro?
a. Di-mahagilap b. napakainap c. napakamalamya d. napakatulin
4. Ano ang kahulugan ng nangingilang pugad si Baste kay Perla at umaasang sasagutin nito?
a. Nagpakilala b. Nagpautang c. Nag-alaga d. Nanliligaw
5. Ano ang kahulugan ng di-mahulugang karayom ang pagtatanghal nila sa plaza?
a. Maraming karayom b. Maraming nagtatanghal c. Maraming tao d. Maraming tanghalan
6. Ano ang kahulugan ng alog na ang baba ni Manong Pedro?
a. Masakitin b. Masayahin c. Matanda d. Matampuhin
7. Ano ang kahulugan ng nagtataingang kawali si Juan kapag inuutusan ng kanyang nanay?
a. Bingi b. Damak c.Tamad d. Tampuhin
8. Ano ang kahulugan ng balat-sibuyas ang katangian ni Lorena kapag siya ay nasaktan?
a. Iyakin b. Mabaho c. Matapang d. Masama
9. Ano ang tawag sa elemento na kung saan ginaganap ang pangyayari ng kuwento?
a. Banghay b. Kakalasan c. Tagpuan d. Tauhan
10. Ano ang tawag sa elemento na kung saan maayos ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari?
a. Banghay b. Kakalasan c. Tagpuan d. Tauhan

B. Pag-unawa sa Binasa

Alamat ng Baguio: Mina ng Ginto

Noong unang panahon, may isang lugar sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk.
Naninirahan dito ang mga igorot at isa na dito si Kunto. Bata pa lamang si Kunto ay nakitaan na
ng kakaibang lakas at tapang. Kaya't ito ay napiling tagapamuno ng Suyuk. Ang mga naninirahan
sa Suyuk ay namumuhay ng tahimik at taon-taon ay nagdaraos ng cañao bilang pasasalamat sa
mga anito. Kung magdaos sila ng cañao ay nagpapatay sila ng baboy at iniaalay sa bathala. Ang
ilan sa mga suliranin ay ang pagkawala ng pagmamahalan ng mga tao sa bawat isa, gayundin
ang kabutihan sa kanilang mga puso. Binalot sila ng inggit at pag-iimbot. Naging isa itong
suliranin sapagkat ang pagmamahal na tao sa kanyang kapwa ay daan tungo sa tahimik at
masayang buhay. At ang isa pa sa naging suliranin dito ay ang pagkawala ng takot ng mga taga
Suyok sa tagubilin ng misteryosong matanda. Ang takot ang pumipigil sa tao sa pag-gawa ng
masama. Nagkakaroon ng kapayapaan ang isang Nayon kung ang mga tao dito ay may takot sa
kanilang mga puso. Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio. Makakakuha ka
lamang nito sa paghukay ng lupa.
11. Mula sa sinuring alamat, saan ang tagpuan sa alamat ng Baguio (Mina ng Ginto)?
a. Nayon sa Baguio b. Nayon sa Benguet c. Nayon sa Calyao d. Nayon sa Dasma
12. Mula sa sinuring alamat, ano ang suliranin nito?
a. Ang pagkawala ng pagmamahalan ng mga tao sa bawat isa.
b. Ang pagkawala ng ginto ng pagmamahal sa ginto.
c. Ang pagkawala ng trabahante sa minahan.
d.Ang pagkawala ng mga tao sa Baguio.
13. Mula sa sinuring alamat, ano ang naging wakas ng alamat?
a. Nagkaroon na ng anito sa Baguio.
b. Nagkaroon na ng pilak Baguio.
c. Nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio.
d. Nagkaroon na ng maraming prutas sa Baguio.
14. Sa iyong palagay, Ano ang magiging implikasyon sa kalikasan kung palagian ang pagmimina?
a. Makatutulong ito sa paglago ng mga puno sa kalikasan.
b. Makatutulong ito sa pagtaba ng lupa sa kalikasan.
c. Guguho ang lupain sa palagiang pagmimina.
d. Yayaman ang kalikasan.
15. Paano tayo makapagmimina nang hindi nakasasama sa kalikasan?
a. Magmina araw-araw upang lumago ang lupa.
b. Magbigay edukasyon sa mga taong nagmimina.
c. Magpatulong sa dalubhasa sa lupain bago magmina.
d. Maglipat-lipat ng pagmiminahan upang di lumambot ang lupain.
16. Ano kailangan gawin kapag tapos na ang pagmimina sa isang lugar?
a. Magmina pa rin upang lumago ang lupa.
b. Magbigay edukasyon sa mga taong nagmimina.
c. Magtayo ng establisemento sa apaketadong lupain.
d. Magtanim na puno sa apaketadon lupang napagminahan.

Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali daling kinagat
ito.Dinala niya ang buto upang iuwi sa kanilang tirahan, ngunit nang siya ay malapit na, nakakita
siya ng ilog. Pinagmasdan niya ang ilog at doo’y nakita ang sariling anino. Sa pag-aakalang may
iba pang aso na may hawak-hawak ring buto, tinahulan niya iyon nang tinahulan.
Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong kagat-kagat at ito ay nahulog.
Hindi namuling nakuha ng sakim na aso ang buto.

17. Anong uri ng panitkan ang akda?


a. Epiko b. Bugtong c. Pabula d. Parabula
18. Ano ang nakita ng aso habang papauwi sa kanilang tirahan?
a. Buto b. Ilog c. Tao d. Talaba
19. Ano ang katangian ng aso ipanikita sa akda?
a. Mapagmahal b. Mapagbigay c. Sakim d. Suwail
20. Bakit tumahol ang aso?
a. Dahil sa buto c. Dahil sa nakitang sariling anino
b. Dahil sa nakitang tao d. Dahil sa nakitang maraming aso
21. Ano ang aral ng akdang binasa?
a. Maging mapagbigay c. Huwag maging mayabang
b. Matutong makuntento d. Matutong mamaluktot
Ang Unang Paruparo
Tahimik ang mga taong naninirahan sa isang bayan. Kaibigan nila ang matandang may-
ari ng malawak na halamang punong-puno ng mga bulaklak. IIsa ang hiling ng matanda sa
sinumang hihingi ng bulaklak, na siya lamang ang pipitas ng bulaklak.
May mag-asawang mayaman na sumuway sa hiling ng matanda. Hindi nilanapigil na
pumitas ng mga bulaklak. Sa galit sa mag-asawa, ginawa silang paruparo ng matanda. Mula
noon, ang mga paru-paro ay lapit nang lapit sa mga bulaklak. Dapo nang dapo at lipad nang
lipad.
22. Ano ang nag-iisang hiling ng matanda?
a. Magtanim pa ng maraming bulaklak c. Bigyan siya ng bulaklak
b. Siya lamang ang pipitas ng bulaklak d. Bigyan siya ng prutas
23. Sino ang sumuway sa kahilingan ng matanda?
a. Ang mag-asawa b. Mga bata c. Mga tao d. Mga Insekto
24. Ano ang katangiang ipinakita ng mag-asawa?
a. Kabaitan b. Kawalan nang panggalang c. Pagiging Masunurin d. Pagiging Tamad
C. Pang-abay: Tukuyin ang bawat pangungusap kung ito ay PAMANAHON o PANLUNAN. Isulat
ang salitang PAMANAHON kung ito ay pamanahon at isulat ang PANLUNAN kung ito ay
panlunan.
25. Binabasa ni Liza ang mga bagong aralin gabi-gabi.
26. Manonood kami ng sine sa darating na Linggo.
27. Si Jose ay darating mula sa Cavite samakalawa.
28. Araw-araw siyang nakikinig sa radyo.
29. Aalis maya-maya ang bus na papuntang Bicol.
30. Nagkita kami ni Marie noong Kaarawan ni Justine sa Plaza.
31. Namalengke kami ni Marie kanina.
32. Magsisimula bukas ang aming pagsusulit sa paaralan.
33. Hiniram ni Mang Berting ang diyaryo natin kahapon.
D. PAG-UNAWA SA PANITIKAN
Panuto: Basahin ang kwento at punan ng wastong sago tang tsart sa ibaba.
Ang Umiibig na Leon
Sa isang pamayanang kahuyan noong nakalipas na panahon, isang mabangis na leon
ang umibig sa anak ng mangangahoy. Hiningi niya sa ama ang kamay ng dalaga. Ayaw ng ama na
ipakasal ang anak sa Leon. Ngunit takot siyang tanggihan ang hari ng kagubatan.
Nag-isip ang ama. Tiwanag niya ang Leon at sinabihan. “ Tatanggapin kita,
mapapatunayan mo iyong katapatan at pagmamahal sa akng anak”. Payagan mo akong tanggalin
ang iyong mga ngipin at putulin ang iyong mga kuko”.
Tinanggap ng Leon ang mungkahi ng ama. Mabilis na binunot ng ama ang ngipin ng Leon
at pinutol ang kanyang mga kuko. Makalipas ang dalawang araw bumalik ang Leon upang hingin ang
kamay ng dalaga. Ngunit handa ang ama. Hndi na siya takot sa Leon. Hinampas niya ng malaking
piraso ng kahoy ang Leon. Tumakas ang Leon at nagtago sa kagubatan. Magmula noon hindi na
ginambala ng Leon ang mag-ama.

Tauhan Tagpuan Kasukdulan Wakas


34. 36. 38. 40.

35. 37. 39. 41.

a. Sa kabundukan noong unang panahon


b. Sa isang pamayanang kakahuyan noong mga nakalipas na taon
c. Tumakas ang Leon
d. Ama, Leon, Dalaga
e. Matandang babae, binata, Leon
f. Nang sinabi ng ama ang kanyang gusto upang mapatunayan ng Leon ang pag-ibig niya sa
dalaga
g. Binunot at pinutol ng ama ang ngipin at kuko ng Leon
h. Hindi na ginambala ng Leon ang mag-ama
i. Pinakasal ng ama ang kanyang anak sa Leon
D. SANHI AT BUNGA: Piliin ang titik ng tamang sagot
Roel: “Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon ‘yang Freedom of Information Bill na hindi
maipasa-pasa sa senado.”
Macky: “Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI daw ay Freedom of Income eh
malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa ‘yan kahit pa nakapikit!’
Roel: “Sinabi mo pa, partner!”
Macky: “Ano ba talaga ‘yang FOI, partner?’
Roel: “Sang-ayon sa Seksyon 6 ng Panukalang Batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang
publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.”
42. Alin sa sumusunod ang maituturing na positibong pahayag?
a. Sang-ayon sa Seksyon 6 ng Panukalang Batas,bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at
masuri ang mga opisyal na transaksyon ng mga ahensya ng gobyerno!
b. Kung ang FOI ay Freedom of Income, malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa
‘yan kahit na nakapikit.
c. Isyu dito, isyu doon. Demanda rito, demanda roon.
d. Naku! Delikado naman pala iyan!
43. Ano ang ipinahihiwatig na opinyon ng komentarista sa pahayag na may salungguhit?
a. May mga politikong tiwali sa pamahalaan.
b. Marami ang makikinabang sa pagpapasa ng batas.
c. Nakararami ang hindi sang-ayon sa pagpasa ng batas.
d. Hindi nararapat na maipasa ang panukalang batas na ito.
44. Paano makatutulong sa kamalayang panlipunan ang mga komentaryong panradyo gaya ng
halimbawang nabasa?
a. Nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makinig ng mga pahayag ng mga
personalidad
b.. Natatalakay dito ang mahahalagang mga isyung nagaganap sa isang bansa.
c. Nalalaman ng publiko ang mga opinyon ng mga komentarista.
d. Nakapagbibigay ito ng aliw sa mamamayang tagapakinig.
45. Ano ang mga salitang ginamit na pagpapakilala ng konsepto ngpananaw mula sa akda?
a. naman pala b. sabi nga c. sang-ayon sa d. ng mga
46. Alin sa sumusunod ang hakbang na kailangang sundin sa pagbuo ng isang komentaryong
panradyo?
a. Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na pinagkunan ng mga pahayag o detalye
kaugnay ng isyung tinatalakay.
b. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya kaugnay ng isyu.
c. Magsaliksik kaugnay ng paksang tatalakayin.
d. Wala sa nabanggit.

Parami na nang parami ang mga mag-aaral na biktima ng bullying. Ang masaklap pa nito,
nagaganap ang mga pananakit sa loob mismo ng kanilang paaralan. Hindi maitatangging maging sa
mga paaralang pribado o pampubliko man ay talamak ang ganitong uri ng pang-aabuso. Dahil sa takot,
marami sa mga nagiging biktima nito ay hindi nagsusumbong sa kanilang mga guro maging sa kanilang
mga magulang. Marami rin sa mga kaso ng bullying ay nagsisimula sa palagiang pag-aasaran sa loob
ng klase kung saan pinagtatawanan at minamaliit ng mga bata ang kanilang kapwa mag-aaral. Upang
maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang mga magulang na paaalalahanan ang
kanilang mga anak sa mabuting pag-uugali at ang iparamdam sa kanila ang pagmamahal,
pagpapahalaga at pagtanggap sa kanilang mga anak.
47. Ang mga salitang may salungguhit ay mga salitang nagpapakilala ng ___________.
a. sanhi at bunga b. paraan at layunin c. paraan at resulta d. kondisyon at
kinalabasan
48. Ano ang maituturing na sanhi ng pananahimik ng mga biktima ngbullying?
a. Pang-aabuso ng mga kapatid o iba pang miyembro ng pamilya.
b. Takot sa maaaring pagpapangaral ng mga guro sa paaralan.
c. Pananakit ng mga magulang sa kanilang mga anak.
d. Takot sa kapwa kamag-aral na nananakit.
49. Paano maiiwasan ang bullying ayon sa akdang binasa?
a. Paghihigpit ng mga guro sa mga paaralan.
b. Pagpaparamdam ng pagmamahal at pagtanggap sa mga bata.
c. Pagpapangaral sa mga mag-aaral na nag-aasar sa kaniyang kapwa.
d. Pagsusumbong sa magulang o guro ng mga nasasaksihang pananakit.
“Kebaw ko nga wa ka nangopya sa imong katapad, SALAMAT ”

Inihanda ni: NIKKO D. MAMALATEO

You might also like