You are on page 1of 3

Guro: Leila Mae R.

Soria Taon at Pangkat: 8 - SORIA


Petsa ng Pagtuturo: Pebrero 6, 2018 Asignatura: FILIPINO 8
Oras ng Pagtuturo: 7:30 – 8:30 Markahan: Ikaapat
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
isang dakilang akdang pampanitikan na
mapagkukunan ng mahahalagang kaisipang
magagamit sa paglutas ng ilang suliranin sa lipunang
Pilipino sa kasalukuyan.
B. Pamanatayan Sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng makatotohanang
radio broadcast na naghahambing sa lipunang
Pilipino sa panahon
ni Balagtas at sa kasalukuyan.
C. Kasanayan Sa Pagkatuto Nabibigyang-kahulugan ang:
-matatalinghagang ekspresyon (tayutay)
-simbolo (F8PT-IVc-d-34)
D. Pang Araw-Araw Na Layunin Nabibigyang-kahulugan ang tayutay at simbolo mula
sa piling saknong ng Florante at Laura.
II. NILALAMAN Florante at Laura (talinghaga - tayutay, simbolo)
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian Baybayin 8, Florante at Laura,
1. Mga Pahina Sa Gabay Ng Guro pahina 42-47
2. Mga Pahina Sa Kagamitang Pang Pahina 42-47
Mag-Aaral
3. Mga Pahina Sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan Mula Sa
Portal Ng Learning Resource -http://www.viloria.net/archives/buod-ng-florante-at-
laura/
B. Iba Pang Kagamitang Panturo laptop, telebisyon, aklat, ginupit na letra
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o Saan nakatali ang binata?
pagsisimula sa bagong aralin Sino ang nagsabog ng kasamaan sa Albanya?
(PAGBABALIK-ARAL) Paano inilarawan ang gubat na mapanglaw?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Laro tayo!
(PAGGANYAK) Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat. Ang bawat
pangkat ay magpapaunahan sa pagbuo ng salitang
tayutay at simbolismo.
Pagpapabasa ng layunin ng aralin
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Pagpapakita ng OPM music video na ang mga liriko
layunin ng aralin (PAG-UUGNAY) ay nagtataglay ng mga tayutay at simbolismo.
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Ano-ano ang inyong napansin sa napanood na music
paglalahad ng bagong kasanayan #1 video?
(PAGLINANG) Isa-isahin ang ang bahagi ng OPM na nagtataglay ng
mga tayutay at simbolismo.
Paano ginamit ang tayutay at simbolismo sa awit?
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Pagtalakay ng guro sa konsepto ng tayutay at
paglalahad ng bagong kasanayan #2 simbolismo at paano ito nagkakaiba sa isa’t isa.
(PAGLINANG)
F. Paglinang sa Kabihasaan Pangkatan: Tahimik na pagbasa
(Tungo sa formative assessment) Pagpapabasa ng piling saknong ng akdang Florante
(PAGPAPALIWANAG) at Laura.
Hahatiin ang klase sa 5 pangkat. Bawat pangkat ay
bibigyang kahulugan ang tayutay at simbolo na
makikita sa piling saknong ng Florante at Laura.
Pangkat 1- saknong 23
Pangkat 2- saknong 36
Pangkat 3- saknong 21
Pangkat 4- saknong 22
Pangkat 5- saknong 29
Presentasyon sa klase ng napiling tayutay o
simbolismo at ang kahulugan nito.
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- Ang pagtitiwala ba sa minamahal ay siyang susi ng
araw na buhay (PAGLALAPAT) matagal na pagsasamahan? Bakit?
H. Paglalahat ng Aralin (PAGLALAHAT) Lalahatin ng mga mag-aaral ang aralin sa
pamamagitan ng pagtukoy sa kahulugan ng piling
mga pahayag:
 “bakit, kalangita’y bingi ka sa akin?” - tayutay
na pagsasatao (hindi nakikinig ang Diyos sa
binata)
 umiyak ang puso- tayutay na pagsasatao
(nasaktan nang labis ang puso)
 maawaing langit- tayutay na pagsasatao
(Diyos na maawain)
 kalis ng poot – paghihiganti, katapangan
 pagkagapos- kawalan ng kalayaan at pag-asa
I. Pagtataya ng Aralin (PAGTATAYA) Pangkatang gawain
Panuto: Ilahad ang kahulugan ng matatalinghagang
ekspresyon, tayutay at simbolo ng piling saknong ng
Florante at Laura sa pamamagitan ng iba’t ibang
gawain.
Pangkat 1 – 4-6 na linya ng tula
Pangkat 2 – 30 segundong awit o rap
Pangkat 3 – pagsulat ng 3 hakbang upang
maiwasang masaktan ang puso
Pangkat 4 –islogan
Pangkat 5 – sabayang bigkas 1 o 2 saknong
J. Karagdagang gawain para sa Walang nakaaalam ng lihim o plano ng Poong
takdang-aralin at remediation Maykpal ayon sa saknong 24. Anong kaisipan ang
(PAGPAPALAWIG) nais ipahiwatig ni Balagtas tungkol sa ating buhay
dito sa mundo? Ilahad ang iyong opinyon sa
kalahating papel.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nagangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?Bilang
ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiya ng pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. .Anong suliranin ang aking naranasan
na nasolusyunan sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
naidibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?
Rubrik para sa iba’t ibang gawain:

Tula
Kraytirya Puntos
Naglalaman ng kahulugan ng tayutay o simbolo 10 puntos
Mabisang naipahayag ang mensahe 5 puntos
4 hanggang 6 ang linya ng tula 5 puntos

Awit o Rap
Kraytirya Puntos
Naglalaman ng kahulugan ng tayutay o simbolo 10 puntos
Mabisang naipahayag ang mensahe 5 puntos
Nilapatan ng himig orihinal man o hindi 5 puntos

Pagsulat ng mga Hakbang


Kraytirya Puntos
Naglalaman ng kahulugan ng tayutay o simbolo 10 puntos
Mabisang naipahayag ang mensahe 5 puntos
Nakapagtatala ng 3 hakbang 5 puntos

Islogan
Kraytirya Puntos
Naglalaman ng kahulugan ng tayutay o simbolo 10 puntos
Mabisang naipahayag ang mensahe 5 puntos
May kaugnayan sa paksa 5 puntos

Sabayang bigkas
Kraytirya Puntos
Naglalaman ng kahulugan ng tayutay o simbolo 10 puntos
Mabisang naipahayag ang mensahe 5 puntos
Kasama ang lahat ng miyembro sa sabayang 5 puntos
bigkas

Inihanda ni:

LEILA MAE R. SORIA

You might also like