You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI- Kanlurang Visayas
Dibisyon ng Aklan
Distrito ng Balete
MATAAS NA PAARALANG NASYONAL SA ALAALA NI JOSE BORROMEO LEGASPI
Aranas, Balete, Aklan

Sabjek: FILIPINO 10- Baitang 10- Opal (7:30-8:30)


Unang Markahan
Petsa: Sesyon: 1.6

Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga


akdang Pampanitikan ng Mediterranean.
Pamantayang Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagsasalaysay ng isinulat na iskrip ng isang
programang pantelebisyon sa pamamagitan ng story board.
Kompetensi: Naisusulat ang paglalahad na nagpapahayag ng pananaw tungkol sa
pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng mga tulang pandaigdig.
(F10PU-Ie-f-67)
LAYUNIN:
Kaalaman: Natutukoy ang damdaming nangingibabaw sa isang pahayag o teksto.
Saykomotor: Nakakabuo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng emosyon o
saloobin.
Apektiv:
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Gramatika: Mga Salitang Nagpapahayag ng Emosyon at Saloobin
Lunsarang Tula: Republikang Basahan
B. SANGGUNIAN Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral, pp. 96-98
C. KAGAMITANG PAMPAGTUTURO: Aklat, laptap/projector at power point presentation
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA 1.Panalangin/Pagbati/Pagtala ng Liban
2.Pagganyak
*Pagpapakita ng larawan at pagpapakilala ng mga nagdaang pangulo
ng Pilipinas. ( dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Fidel V. Ramos
at Manuel L. Quezon)
* Pagbabahagi ng kanilang nalalaman tungkol sa mga nakapaskil na
larawan.
Hatiin ang klase sa 3 pangkat.Bawat pangkat ay bibigyan ng tig isang
pahayag mula sa talumpati ng mga nagdaang pangulo ng Pilipinas ,
ipabasa sa bawat pangkat na may angkop na tono at damdamin.
Tanong:
1. Anong damdamin ang nangingibabaw sa bawat pahayag?
2. Paano naipakita ng bawat pangulo ang mga damdaming ito?
B. PAGLALAHAD *Paghahabi sa layunin ng aralin:
Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Matutukoy ang mga damdaming nangingibabaw sa binasang teksto o
pahayag.
2. Makakabuo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng emosyon at
saloobin.
*Pagpapakita ng mga larawan ng mukha na nagpapakita ng ibat-ibang
damdamin.
*Power point presentation tungkol sa mga “Paraan ng Pagpapahayag
ng Emosyon o Damdamin .”
* Mayroon pa ba kayong mga katanungan o gustong linawin sa
tinalakay na paksa?
C. PAGSASANAY Pagsasanay 1
Pangkatang Gawain
Pagpabasa sa bawat pangkat ng saknong ng tula.
Ipatukoy ang damdaming nangingibabaw at paraang ginamit sa
pagpapahayag.
D. PAGLALAPAT Pangkatang Gawain
Bumuo ng pangungusap na nagpapahayag ng damdamin sa mga
sumusunod na sitwasyon..
Pangkat 1- Isang batang niregaluhan ng bagong damit at laruan.
Pangkat 2- Isang inang namatayan ng anak.
Pangkat 3- Mag-aaral na may bagsak na grado sa Filipino.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA 3 2 1
KASININGAN( orihinalidad at estilo ng
pagkakabuo)
KAANGKUPAN (wastong tono at ekspresyon
ng mukha)
KAWASTUHAN (wasto at angkop na gamit ng
gramatika at bantas)
INTERPRETASYON
7-9 Napakahusay
6-4 Katamtamang husay
1-3 Kailangan pa ng pagsasanay
*Pagbabahagi ng bawat pangkat ng kanilang output.
*Pagbibigay papuri at positibong puna sa katatapos na gawain.
E. PAGLALAHAT Ngayon ay balikan natin ang tanong mula sa ating panimulang gawain,
1. Paano naipakita ng bawat pangulo ang nangingibabaw na
damdamin sa kanilang mga pahayag? paano natin matutukoy ang mga
damdaming ito?
IV. PAGTATAYA A.Tukuyin kung anong damdamin at paraan ng pagpapahayag ang
ginamit sa bawat pangungusap.
Pangungusap Damdamin Paraan ng
Pagpapahayag
1 Yehey! Pasado na ako!.
2. Sobrang sipag ng mga magsasaka sa
ating bansa.
3. “Ang tigas naman ng ulo ng batang
ito”.
4.”Bukas, luluhod ang mga tala”.
5. Pasensya na, wala na akong
magagawa.”
B. Bumuo ng pangungusap na nagpapahayag ng damdamin sa
sitwasyong ito.
Magulang na nahuli ang anak na naninigarilyo at nag –cutting classes.
V. TAKDANG ARALIN Sumulat ng isang saknong ng tula na binubuo ng apat na taludtod na
naglalaman ng iyong damdamin tungkol sa taong lihim na
hinahangaan.
PAMANTAYAN
A. Malinaw na Mensahe -5 puntos
B. May Kariktan – 5 puntos
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80%
sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan
ng iba pang gawain para sa remediation
C. Nakatutulong ba ng remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking nararanasan
na solusyon sa tulong ng aking punong-guro at
superbisor
H. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kung ibahagi sa mga kapwa ko
guro.
Inihanda ni: Pinansin at sinuri ni:

Gng.MA. CECILIA U. CUATRIZ Gng. MIRASOL C. PERALTA


Guro sa Filipino Prinsipal II

You might also like