You are on page 1of 4

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO: BAITANG 7
SY 2018-2019

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin nang mabuti ang bawat tanong at sundin ang panuto.
Isulat ang inyong mga sagot sa isang malinis na sagutang papel.

A. AKDANG PAMPANITIKAN NG MINDANAO


Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Anong akdang pampanitikan ang may pamagat na “Nakalbo ang Datu”?
a. alamat b. epiko c. karunungang-bayan d. kuwentong-bayan
2. Ano ang naging paraan ni Farida ng pagpapakita ng pagmamahal sa Datu?
a. Binubunot ni Farida ang itim buhok ng Datu.
b. Binubunot ni Farida ang puting buhok ng Datu.
c. Binubunot ni Farida ang pulang buhok ng Datu.
d. Binubunot ni Farida ang dilaw na buhok ng Datu.
3. Bakit hindi kaagad nakapag-asawa ang Datu mula sa akdang Nakalbo ang Datu?
a. Dahil ayaw niya sa mga babae.
b. Dahil sa napamahal na siya sa kanyang ina.
c. Dahil hindi pa siya pinapayagan ng konseho.
d. Dahil sa paglilingkod niya sa kanyang nasasakupan.
4. Ano ang pamagat ng pabula tungkol sa isang masipag na putakti?
a. Kung Bakit Maliit ang Beywang ng Putakti c. Ang Kaibigang Pagong ng Putakti
b. Ang Matsing at Ang Putakti d. Kung Bakit Masipag ang Putakti
5. Ano ang katangiang taglay ni “Lalapindigowa-i”?
a. maalaga b. maalalahanin c. masipag d. matulungin
6. Bakit maliit ang beywang ni Lalapidigowa-i?
a. Dahil nag-eehersisyo siya upang maging maganda ang kanyang katawan.
b. Dahil gutom na gutom na siya kaya hinigpitan niya ang kanyang sinturon.
c. Dahil hindi niya nagustuhan ang mga pagkaing inihanda.
d. Dahil hindi kailanman lumalaki ang kanyang beywang.
7. Sa epikong Indarapatra at Sulayman, saan nakatira ang isang halimaw na may mukhang tao?
a. Bundok Apo b. Bundok Matutum c. Bundok Mayon d. Bundok Tabor
8. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga katangian ni Haring Indarapatra?
a. dakila b. huwaran c. mabait d. marangal
9. Bakit binigyan si Sulayman ng espada at singsing?
a. Upang sandatahin sa pakikibaka. c. Upang gamiting dekorasyon sa katawan.
b. Upang may maipakitang sandata. d. Upang matuwa ito sa regalong ibinigay
10. Sino ang tauhan ng maikling kuwentong “Pagislam” na binigyan ng seremonya sa paggunting?
a. Abdullah b. Aminah c. Ibrah d. Imam
11. Ano ang tawag sa seremonya ng paggupit ng buhok ng mga sanggol na Muslim?
a. bang b. paggunting c. pagislam d. pagkasal
12. Sino ang kapatid ni Ibrah na nagdala ng baro-baruan sa silid ng sanggol?
a. Aminah b. Imam c. Pandita d. Tarhata
13. Kailan ipinagdiriwang ang pagbasa ng bang sa sanggol?
a. sa edad na 7 taon c. paglipas ng 7 araw
b. ilang oras pagkasilang d. ikasampung taon
14. Sino ang nanguna sa seremonya ng bang at paggunting sa sanggol?
a. Aminah b. Imam c. Pandita d. Tarhata
15. Ano ang paksa ng Dulang Orosman at Zafira?
a. kasakiman b. kasarinlan c. katapatan d. katapusan
16. Sinong sultan ang naghanda ng selebrasyon sa dulang Orosman at Zafira?
a. Mahamud b. Orosman c. Zafira d. Zelim
17. Sino ang naging hadlang sa pag-iibigan ni Orosman at Zafira?
a. Abdalap b. Boulasem c. Mahamud d. Zelim
18. Bakit pinatay ni Abdalap ang kanyang amang si Boulasem?
a. Dahil nais niyang ipaghigante ang kanyang ama na si Mahamud.
b. Dahil ito ang kanyang misyon na dapat maisakatuparan.
c. Dahil gusto niyang maangkin ang kaharian at si Zafira.
d. Dahil gusto niyang maranasang pumatay ng tao.
19. Ano ba ang naidudulot ng dula sa buhay ng tao lalo na ng kabataang tulad mo?
a. Nakapagbibigay ito nang bukas na kaalaman tungkol sa mga paksa nito.
b. Nakapagbibigay ito aliw sa mga manonood dahil wala silang magawa.
c. Naglalayon itong bigyan ng magulong paglalahad ng paksa.
d. Nakakatulong ito sa pagbuo ng dula.
20. Paano inilalahad ang pagdiriwang ng Senakulo tuwing semana santa?
a. ginagawa ang serye ng pagsisimula ng lahat c. nagsusuot ng mga maskara at palamuti
b. nagsasagawa ng parada ng mga sagala d. nagkakaroon ng mesa de gallo
21. Ang santakrusan ay isang magarang parada ng mga sagala at konsorte. Masasabi mo bang
isang uri ng dula ang mga ritwal na itinanghal ng mga sinaunang Pilipino? Bakit?
a. Oo, dahil nag-ugat ang dula sa paglalahad ng ritwal at seremonya.
b. Hindi, dahil nagkaroon ng pagsasadula tungkol sa paksa.
c. Oo, dahil walang paglalahad ng ideya ng isang dula.
d. Hindi, dahil ito ay isang halimbawa ng prosisyon.

B. WIKA AT GRAMATIKA
I. Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na pang-ugnay sa pangungusap.
a. upang c. kung
b. ngunit d. dahil
22. Siya ay pinayuhan ng matatandang tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa
_________ magkaroon ng anak na magiging tagapagmana niya.
23. Naging pihikan ang datu _________ sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang
pamayanan.
24. ________ hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang
magaganda na ay mababait pa.
25. Ang isang lalaki ay maaaring mag-asawa ng dalawa o higit pa _______ makakaya niyang
sustentuhan ang pakakasalang babae.
26. May isang datu na tumandang binate ________ sa paglilingkod sa kanyang mga
nasasakupan.

II. Panuto: Punan ang patlang ng angkop na ekspresyong naghahayag ng posibilidad.


Piliin ang sagot sa kahon.
a. baka c. pwede
b. maaari d. maituturing

27. Joan, _____________ bang mahiram ang iyong libro sandali?


28. _____________ mo bang kaibigan ang isang taong nagtaksil sa iyo?
29. Ako ba ang inyong pinag-uusapan? ________________ ko bang malaman kung ano ang
tingin ninyo sa akin?
III. Panuto: Punan ang patlang ng angkop na pangatnig na panubali. Piliin ang sagot sa
patlang.
a. kapag c. sakali
b. kung d. baka

30. Hindi tayo matutuloy sa sine _______ hindi umuwi nang maaga ang tatay.
31. Pinamihasa mo ang iyong anak sa karangyaan, ______ magsisi ka pagdating ng araw.
32. Hindi tayo makakahuli ng maraming isda ______ lumitaw ang buwan.

IV. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kaugnay na pangyayaring inilalahad sa Hanay A.


HANAY A HANAY B
33. Namatay si prinsipe Sulayman a. kasi ibinuhos ni Haring Indarapatra ang
tubig na lunas sa bangkay.
34. Biglang dumating ang lagim sa kanilang b. dahil nabagsakan siya ng malaking
kabundukan pakpak ng dambuhalang ibon.
35. Himalang nabuhay si Prinsipe Sulayman c. upang humingi ng tulong na patayin nito
ang mga halimaw.
d. sapagkat may apat na halimaw na doo’y
nagdulot ng salot.

V. Panuto: Tukuyin sa mga sumusunod na pangungusap ang ginamit na salitang hiram.


Isulat ang salita sa sagutang papel.
36. Nagbigay ng impormasyon si Zelim tungkol sa naganap na kaguluhan.
37. Nagsimula ang kaguluhan sa isang selebrasyon.
38. Umangat ang ekonomiya ng kaharian.

VI. Panuto: Piliin sa kahon ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit ayon sa
gamit nito sa parirala.
39. kumurap ang mga mata a. malalim na pag-iisip
40. pautal-utal na boses b. sinabi
41. pagmumuni-muni ng bata c. bumukas-sara
d. hirap magsalita

VII. Panuto: Piliin sa kanang panig ang posibleng bunga ng mga sanhi.
42. kulang sa tulog a. malusog na katawan
43. hindi nakikinig sa guro b. pagiging antukin
44. kumakain nang tama at sapat d. hindi naintindihan ang leksyon

VIII. Tukuyin kung anong uri ng pangungusap na walang paksa ang mga halimbawa.
Piliin ang sagot mula sa kahon.

45. Kagigising ko lang. Eksistensyal Ka-pandiwa


46. Naku po! Temporal Panawag
47. Pssst! Padamdam Penomenal
48. Paumanhin po! Modal Maikling Sambitla
49. May nanalo na. Pakiusap Pambating Panlipunan
IX.Panuto: Basahin ang mga pahayag at tukuyin ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwentong Pagislam. Isulat ang bilang na isa (1) kung ito ang unang
pangyayari hanggang lima (5) kung ito ang katapusan.
_____50. Ilang oras pa ay binasahan ng Imam ang sanggol ng bang.
_____51. Ilang panahon pa ay gaganapin ang huling yugto ng pagislam ni Abdullah.
_____52. Natuwa nang lubos si Ibrah at si Aminah at napag-usapan nilang Abdullah ang
Magiging pangalan ng sanggol.
_____53. Ipinanganak ang napakalusog na lalaking sanggol.
_____54. Sumapit ang araw ng paggunting, ginupit ng Imam ang buhok ng sanggol at
inilagay sa mangkok na may tubig.

C. PROYEKTONG PANTURISMO: TRAVEL BROCHURE


I. Panuto: Sagutan ang tanong.
55. Paano nakakatulong ang mga hakbang at panuntunan sa pagbuo ng isang
makatotohanang travel brochure? Ipaliwanag ang sagot.

II. Panuto: 56-60. Iguhit ang pangmukhang takip ng travel brochure ng General Santos City na
may sumusunod na bahagi, ang pamagat ng brochure, larawan o simbolo ng lugar, tagline ng
lugar, logo at by-line ng bansa at ang pinagmulan ng brochure. Isaalang-alang ang mga
hakbang at panuntunan na dapat masakatuparan sa pagbuo nito. Ilagay sa kahon ang sagot.
(5 puntos)

-------------TAPOS NA!---------------
----------------PAKIREBYU NG INYONG MGA SAGOT------------------

Inihanda ni:
Bb. BONNIE JEAN M. CATITER

You might also like