You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
Division of Roxas City
CONGRESSMAN RAMON A. ARNALDO HIGH SCHOOL
(Technical – Vocational High School)
Banica, Roxas City

PAGSUSULIT SA FILIPINO 8
UNANG MARKAHAN
S.Y. 2018-2019
Para sa bilang 1-5
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng karunungang bayan ang nakasaad sa mga sumusunod. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. “Pag ang tubig ay magalaw, ang ilog ay mababaw.”
a. Salawikain b. Sawikain c. Kasabihan d. Bugtong
2. “Malayo sa bituka.”
a. Salawikain b. Sawikain c. Kasabihan d. Bugtong
3. “Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.”
a. Salawikain b. Sawikain c. Kasabihan d. Bugtong
4. “Kung kalian mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.”
a. Salawikain b. Sawikain c. Kasabihan d. Bugtong
5. “Ang hindi lumingon sa pinangalingan, ay hindi makakarating sa paroroonan.”
a. Salawikain b. Sawikain c. Kasabihan d. Bugtong
Para sa bilang 6-10
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na talinhaga. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.
6. “Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit”
a. may dalang patalim b. masamang tao c. gumagawa ng marahas d. walang pera
7. “Kahit saang gubat, ay mayroong ahas.”
a. may ahas sa gubat c. maraming masasaman tao sa gubat.
b. Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor. d. mag-ingat sa mga ahas.
8. “Kung may isinuksok, may dudukutin”
a.magnanakaw b. masinop c.waldas d. mayaman
9. “May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.”
a. nakakarinig din ang lupa at nakakalipad ang balita
b. hinaan ang boses upang walang may makarinig ng sinasabi.
c. mag-ingat sa mga sinasabi upang makaiwas sa chismis.
d. Lahat ng nabanggit
10. “Butas ang bulsa”
a. walang makain b. kawalan ng damit c. walang pera d. madamot
Para sa bilang 11-15
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Tukuyin ang KASALUNGAT ng salitang may salungguhit.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
11. Dumating bigla ang binata ng Pangumanon, balot ng apoy, at pinapatay ang mga tao sa kaharian.
a. bumalik b. umalis c. nahuli d. pumunta
12. Tumakas ang dalaga ng buhong na langit at nagtago mula sa binata ng Pangumanon, isang higante na may
palamuti sa ulo.
a. malaki b. engkanto c. pandak d. dambuhala
13. May dalagang dumating sa kaharian, nangangamba at hindi nakikipag-usap sa mga kalalakihan.
a. kinakabahan b. kinukutuban c. nasisiyahan d. naaaliw
14. Dahil sa haba ng digmaan, natutuhang irespeto ng dalawang bayani ang husay ng isa’t-isa.
a. Pakikipagsapalaran b. Pakikipag-away c. Pagkakasundo d. Pakikipagtalastasan
15. Naging matapat at makatwirang pinuno ng tribu sina Aliguyon at Bugan, at minahal sila ng kanilang mga
katribu.
a. masugid b. sinungaling c. masama d. mapagkakatiwalaan
Para sa bilang 16-20
Panuto: Tukuyin kung Sanhi o Bunga ang may salungguhit. Isulat ang S kung Sanhi at B naman kung Bunga.
16. Dahil naging magkaibigan sina Aliguyon at Pumbakhayon, dumalaw siya upang saksihan ang kasalan sa
pagitan ni Aliguyon at ng nakababatang kapatid ni Pumbakhayon.
17. Natatakot ang dalaga sa higante kaya’t nagtago siya kung saan saan.
18. Nagalit ang higante kaya’t walang awang pinatay nito ang mga tao sa lugar kung saan maaaring
nagtatago ang dalaga.
19. Nagkita at nagkausap ang dalaga at si Tuwaang, dahil doon, nalaman ni Tuwaang na pinaghahanap siya
ng higante at tinulungan niya ito sa pamamagitan ng pakikipaglaban.
20. Nasaktan nang napakatindi ang higante na humantong sa kaniyang kamatayan, simula noon ay naging
malaya na ang dalaga.
Para sa bilang 21-25

Ang Hudhud ni Aliguyon


Epiko ng mga Ifugao
Ipinanganak si Aliguyon sa bayan ng Hannanga. Nang maliit pa lamang siya ay madalas siyang
kuwentohan ngkaniyang tatay tungkol sa mga pakikipagsapalaran nito. Tinuruan din siya ng kaniyang tatay
na gumamit ng sibat at kalasag. Mabilis na natuto si Aliguyon.

Malakipas ng ilang taon, binata na si Aliguyon ay pinili siyang maging pinuno ng mga kabataan sa
kanilang tribu. Isang araw, naglaban sina Aliguyon at Pangaiwan, ang kalaban ng kaniyang tatay. Tumagal
ang labanan ng tatlong taon at dahil sa magkasinggaling ang dalawang pinuno, nagkasundo silang itigil na
ang digmaan at irespeto ang isa’t isa upang mapanatili ang kapayapaan sa pagitan ng kanilang pamilya.

21. Ano ang mahihinuhang paniniwala ng mga Ifugao tungkol sa digmaan batay sa binasang epiko?
a. Binabalewala ng mga Ifugao ang digmaan.
b. Pinapahalagahan ng mga Ifugao ang digmaan sapagkat dito nasusukat ang galing ng isang pinuno.
c. Walang respeto ang mga Ifugao dahil nakikipaglaban sila sa isa’t-isa.
d. Lahat ng nabanggit
23. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan kay Aliguyon bilang isang bayani?
a. Si Aliguyon ang bayani na humihingi ng kapalit sa bawat pagligtas nito sa isang tao.
b. Si Aliguyon ang bayani na kinakatakutan dahil siya ay mapang-api.
c. Si aliguyon ang bayani na walang kinatatakutan dahil tungkulin niyang iligtas ang mga tao.
d. Lahat ng nabanggit.
24. Anong ugali ng mga taga Ifugao ang nangingibabaw sa binasang epiko?
a. mapang-api b. matapang c. pabaya c. masunurin
25. Anu-ano ang masasalamin sa mga epiko katulad ng “Hudhud ni Aliguyon?”
a. kagawian at paniniwala
b. kultura at pamumuhay
c. tradisyon at pakikipagsapalaran
d. Lahat ng nabanggit
26. Tumutukoy sa pinakaunang hakbang ng pananaliksik.
a. Pumili ng Paksa c. Bumuo ng konsepto
b. Magsagawa ng balangkas d. Isulat ang pinal na kopya ng pananaliksik
27. Paggawa ng outline upang magsunod-sunod ang mga detalyeng ilalapat.
a. Pumili ng Paksa c. Bumuo ng konsepto
b. Magsagawa ng balangkas d. Isulat ang pinal na kopya ng pananaliksik
28. Tumutukoy sa pagresearch at maghanap ng kakapanayamin
a. Pumili ng Paksa c. Bumuo ng konsepto
b. Magsagawa ng balangkas d. Mangalap ng datos
29. Magsagawa ng review upang masiguradong tama ang mga impormasyon.
a. Bumuo ng dokumentasyon c. Bumuo ng konsepto
b. Magsagawa ng balangkas d. Mangalap ng datos
30. Maaari nang gumawa ng pinal na kopya ng pananaliksik.
a. Bumuo ng dokumentasyon c. Isulat ang pinal na datos.
b. Magsagawa ng balangkas d. Mangalap ng datos
Para sa bilang 31-35
Panuto: Tukuyin ang ipinahihiwatig ng mga kasabihan, sawikain at salawikain. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong sagutang papel.
31. “Ang hindi mag mahal sa sariling wika, ay daig pa ang malansang isda.” Alin sa mga sumusunod ang
nagpapakita ng pagmamahal sa wika?
a. Isang taong may colonial mentality.
b. Isang taong nagsusulat ng mga tula tungkol sa wikang Filipino.
c. Isang taong hindi ginagamit ang sariling wika.
d. Lahat ng nabanggit
32. “Ang maglakad ng matulin, kung matinik ay malalim.” Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng hindi
padalos-dalos na desisyon?
a. Isang labinglimang taong gulang na bata na nais nang mag-asawa.
b. Mga magulang na maagang pinagtatrabaho ang mga anak.
c. Isang taong nag-aaral nang mabuti upang makapagtapos at makapaghanap ng trabaho.
d. Lahat ng nabanggit
33. “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.” Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsisikap?
a. Isang taong pabaya at nakatunganga buong araw.
b. Isang bata na nag-aral nang mabuti para sa makapasa sa pagsusulit.
c. Isang taong nanghihingi ng limos kahit na malakas ang katawan.
d. Lahat ng nabanggit
34. “Mababaw ang luha ni Abby lalo na kapag nanonood kami ng drama.” Ano ang ibig sabihin ng may
sallungguhit?
a. masiyahin b. iyakin c. napuwing d. Lahat ng nabanggit

35. “Para akon nakalutang sa ulap dahil nanalo kami sa kompetisyon!” Ano ang ibig sabihin ng may
sallungguhit?
a. nananaginip b. malalim ang iniisip c. sobrang saya d. mahimbing na tulog5
Para sa bilang 36-40
Panuto: Punan ng angkop na mga salita o salita na hudyat ng sanhi at bunga. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.
36. _____ siya pinapagalitan ng kaniyang amain _____ umuuwi siyang dis oras nan g gabi.
a. At, dahil b. Dahil, sapagkat c. Kaya, dahil d. Mula, dahil

37. _____nang siya’y magtapos ng pag-aaral ay naging masaya ang kanilang pamumuhay_____ nakahanap siya
ng maayos na trabaho.
a. At, dahil b. Dahil, sapagkat c. Kaya, dahil d. Mula, dahil
38. ______ siya’y musmos pa lamang, hindi siya pinagtatrabaho ____ hindi niya pa makakaya ito.
a. At, dahil b. Sapagkat, dahil c. Kaya, dahil d. Mula dahil
39. Madalas kumakain si Jane ng kendi. _____, laging sumasakit ang kaniyang ngipin.
a. Bunga nito b. Sapagkat c. Dahil d. Mula
40. Nag-aaral nang mabuti si Ely _____ gusto niyang maging doktor.
a. kaya b. mula c. bunga nito d. dahil
Para sa bilang 41-50
Panuto: Tukuyin kung anong pang-abay and gamit ng salitang may salungguhit.
41. Kailangan bang pumasok nang araw-araw?
a. Pang abay na pamanahon ( may pananda) c. Pang abay na panlunan (pangngalang pambalana)
b. Pang abay na pamanahon (walang pananda) d. Pang abay na panlunan (panghalip na panao)
42. Masaya ang mga tao tuwing araw ng pasko.
a. Pang abay na pamanahon ( may pananda) c. Pang abay na panlunan (pangngalang pambalana)
b. Pang abay na pamanahon (walang pananda) d. Pang abay na panlunan (panghalip na panao)
43. Noong Lunes, siya ay nagsimula sa kaniyang bagong trabaho.
a. Pang abay na pamanahon ( may pananda) c. Pang abay na panlunan (pangngalang pambalana)
b. Pang abay na pamanahon (walang pananda) d. Pang abay na panlunan (panghalip na panao)
44. Aalis na si Jona bukas papuntang Korea dahill doon na siya magtatrabaho.
a. Pang abay na pamanahon ( may pananda) c. Pang abay na panlunan (pangngalang pambalana)
b. Pang abay na pamanahon (walang pananda) d. Pang abay na panlunan (panghalip na panao)
45. Bukas ay pupunta kami sa mall kasama ang aking mga kapatid.
a. Pang abay na pamanahon ( may pananda) c. Pang abay na panlunan (pangngalang pambalana)
b. Pang abay na pamanahon (walang pananda) d. Pang abay na panlunan (panghalip na panao)
46. Si Dr. Jose Rizal ay ipinanganak sa Calamba, Laguna.
a. Pang abay na pamanahon ( may pananda)
b. Pang abay na pamanahon (walang pananda)
c. Pang abay na panlunan (panghalip na panao)
d. Pang abay na panlunan (pangngalang pantangi – di ngalan ng tao)
47. Marami ang nananaliksik tungkol sa wika sa Ateneo at La Salle.
a. Pang abay na pamanahon ( may pananda)
b. Pang abay na pamanahon (walang pananda)
c. Pang abay na panlunan (panghalip na panao)
d. Pang abay na panlunan (pangngalang pantangi – di ngalan ng tao)
48. Maraming masasarap na pagkain sa kantina.
a. Pang abay na pamanahon ( may pananda) c. Pang abay na panlunan (pangngalang pambalana)
b. Pang abay na pamanahon (walang pananda) d. Pang abay na panlunan (panghalip na panao)
49. Nanawagan sa amin ang mga nasalanta ng bagyo.
a. Pang abay na pamanahon ( may pananda) c. Pang abay na panlunan (pangngalang pambalana)
b. Pang abay na pamanahon (walang pananda) d. Pang abay na panlunan (panghalip na panao)
50. Tumawag siya kay Felly upang ipagbigay alam ang nangyari.
a. Pang abay na pamanahon ( may pananda)
c. Pang abay na panlunan (pangalang pantangi – ngalan ng tao)
b. Pang abay na pamanahon (walang pananda)
d. Pang abay na panlunan (panghalip na panao)

Inihanda ni:

KATE A. DENOYA
Guro

Inaprobahan ni:

MR. RODRIGO D. JEREMIAS, JR.


Secondary School Principal IV

You might also like