You are on page 1of 12

Likod ng Salamin

Ni: Roi E. de Jesus


Kung pano mamuhay sa buhay

ng madla
Mula pagkabata aking nakagisnan

Kapag nakisamay ila totoo nga

Ipinapakitay repleksyon lang pala

Walang katapusang mundo ng

kawalan

Buhay ay salamin ng
katotohanan

Pakikisalmuhay plastic kung ituring

Wag ka at sa huliy puro kalokohan

Likod ng salamiy dun daw ko


nanggaling

Pagkat kaplastikan sakin ay Nang magka-isip nay saka nagsimula magaling

Natatak sa kanlang isip at damdamin

Bagamat sanay na, mahirap nga pala

Gusto mang magbago di nila makuha

Kapag koy kasama, salamin talaga

Pagkat utak nilay umaapaw na nga

Pagkat kung ano ka, aking nakukuha Hanggat maaga pa akoy humihiling

Pero wag pipihot kilalanin muna

Akoy tulungan nyong maalis sa salamin

Akoy nagkaganto gawa rin ng iba

Kahit milyong beses aking uulitin

Pagkat pagod na kong mamuhay sa dilim

Hindi mapakita kung sino talaga

Bituing Nagaapoy
Ni: Roi E. de Jesus
Anakiy bituin mata niyang nagniningning Apoy na nagliliwanag sa aking paningin Mabangis na tupa sa unang tingin Sing linaw ng tubig kanyang damdamin

Nagwala ang araw sa ganda niyang taglay


Wag kat lupay ngaluksuhan sa bait niyang alay

Hindi naman bulag, mata lang ay pumupungay Tinig niyang mahalumigmig ang pumawi sa aking malay

O binibini, ikay aking tinatangis Aking sisisrin puso mong nakabigkis

Lahat hahamakin kahit ipis na malinis O magulang mo na tigreng mabangis

Salamat sa iyo, ginawa mo akong tamad


Yan tuloy walang magawa aking mga palad Pero ito, aking ipapasok sa isip mong naglalakbay Habang impiyernoy mainit, ikay akin hanggang akoy nabubuhay

HOLY INFANT ACADEMY, HUMAKOT NG KARANGALAN SA SCIENCE CAMP


Memorial School noong Hulyo 29-31, Kaugnay ng tema ng 6th 2011. Humakot ng karangalan ang mga HIAns na lumahok sa Sci-camp sa ibat-ibang karangalan. Sa larangan ng Quiz Bee ay nagwagi sina John Lester Fabella, I-St. Thomas Aquinas, kampeon; Josep Paner, I-St. Thomas Aquinas, ikalawang

Dibvision Science Quest na Let


Children Shine through Science and Technology: Nasa Syensya ang Pagasa, nagningning ang Holy Infant Academy sa 1st City Division Science

Camp na ginanap sa Adriatico

karangalan; Alfred A. de Jesus, II-St. Benedict, kampeon; Kim Althea Sarmiento, II-St. Benedict, ikalawang karangalan; Alyssa Abario, III-St. Paul, ikatlong karangalan; Selene Laurente, III-St. Paul, ikaapat na karangalan; Camille Ramirez, IV-St. Mark,, kampeon at si Myra Andrea Olalia, IV-St. Mark, ikalawang karangalan. Sa iba pang larangan ng Akademko ay nagwagi rin sa Trivia sina Aaron Hernandez, I-St. Thomas Aquinas, ikalawang karalangan; Aran Velasquez, II-St. Benedict; ikaapat na karangalan; Jose Gaudencio I-David, III-St. Paul, ikalimang karangalan, at para naman sa Oddysey of the Mind ay nagwagi sina Marevick Aguba, I-St. Thomas Aquinas, kampeon; Hero Dominic Catud, I-St. Thomas Aquinas, ikalawang karangalan; Sean Kyle Mabiog, III-St. Paul, ikaapat na karangalan at si Joshua Lorenzo Goco, IV-St. Mark, ikalimang karangalan. Samantala, 13 proyekto sa grupo at indibidwal na kategorya ag nanalo sa Science Investigatory Project ikatlong karangalan sa Jingle Contest at Robotic Dance at ikaapat na karangalan naman para sa Periodikit sa pangunguna nina Florence Anne Escarez, Roi de Jesus at Lean Cardio. Namayagpag din sina Bb. Paulene Arielle P. Ynzon at G. Joshua Lorenzo R. Goco na nag-uwi ng korona bilang bagong tanghal na Ms. And Mr. Science 2011 habang nakamit naman ng mga piling estudyante ang at ilang estudyante naman ang nanalo at nagging kampeon a Sci-Dama at ELesson Making.

Ilang guro naman ang nagwagi sa Teachers Category na kinabibilangan nina G. Nelson P. Endaya, Gng. Analyn B. Alla, G. Dexter Moreno, Bb. Charmagne Samalla, Bb. Grace Asi at Bb. Reva Mendoza.

Ang mga nanalo ay nagkamit ng medalya at sertipiko bilang pagkilala sa kanilang kahusayan. ROI

DE JESUS

Barangay Bucayao, Lungsod ng Calapan Oriental Mindoro, 5200 Agosto 9, 2011

Bb. Krishna Bernadette J. Castillo Punong Patnugot, The Waves Lungsod ng Calapan

Bb. Castillo:

Magandang araw po!

Nabasa ko po sa inyong pahayagang The Waves na nangangailagan po kayo ng isang news writer para sa inyong pahayagan.

Nais ko pong maging isang news writer ng inyong pahayagan at alam ko pong tinataglay ko ang lahat ng inyong katangiang hinahanap. Ako po ay nagtapos ng AB

Mass Communication sa PUP bilang isang Cumlaude.

Kalakip po ng sulat na ito ang aking resume at ang halimbawa ng aking ginawang balita.

Umaasa po ako na akoy inyong matatanggap at ipinapangako ko pong hindi ko kayo bibiguin.

Maraming salamat po at naway pagapalain po kayo ng Poong Maykapal!

Lubos na gumagalang,

G. Roi E. de Jesus

PILIPINO, IKAW ANG MAGSIMULA

Editorial
Sa patuloy na paglipas ng panahon, ay nanatili pa rin tayong tikom sa mga pangyayaring nagaganap sa ating bayan. Ngunit sa mga sandaling nalalabi, nararanasan pa ba natin ang pagbabago sa antas ng ekonomiya ng atig bansa? Dapat pa ba tayong umasa sa bukang-bibig ng n gating mga opisyales? Gumising ka Pilipino! Ayon sa huling SONA ni Pangulong Aquino, unti-unti nang tumataas ang antas ng ba? Kung yung pondo sana nila para sa pag-aangkat at paggastos sa walang kakwentakwentang bagay ay inilalaan nila sa ating agrikultura na pangunahing kabuhayan nating mga Pilipino, eh di sana mas uunlad pa an gating bansa. Kung pinagtutuunan lang sana nila ng pansin an gating agrikulturang pangkabuhayan, malaki ang iaangat n gating ekonomiya. Naniniwala kami na ang ating agrikultura ang susi sa ating ikauunlad. Napakarami nating likas na yaman at marami tayong pagkukunan nito kaya ang hiling naming ay pagtuunan sana ito ng pamahalaan . Hindi lang yan, tayo ring mga Pilipino ang magiging daan upang umunad an gating bansa. Kung tinatangkilik sana natin ang sariling atin, mas uunlad pa ang Pilipinas. Tuluyan nating mararanasan ang pagbabago kung tayo mismo sa sarili natin ang magsisimula. Tayo dapat ang magpaunlad at magpaangat sa

Gross National Product (GNP) ng


ekonomiya nang ating bansa. Naniniwala ba kayo? Sinabi niya na kung dati ay nag-aangkat tayo ng bilyong bigas para lang may makain, ngayon ay umuunti na ang halaga ng bigas na inaangkat natin mula sa ibang bansa. Oo, umunti nga ang bigas na inaangkat natin sa ibang bansa pero ano, gumagastos pa rin nman ang pamahalaan, hindi

ating bayan. Hindi ang ibang bansa, hindi lang ang pamahalaan, kundi tayong mga Pilipino. Mag-isip ka. Unti-unti nating gisingin ang ating mga sarili, ang ating mga puso, isip at damdamin dahil sa atin nakasalalay ang buhay natin at

mga pangarap. Kaya mmo bang maging daan upang mapaunlad an gating bayan?

Tamis, Alat, Asim : Alin?


Ang pagmamahal ng isang tao ay maihahalintuad sa isang kusinero na napapalibutan ng ibat ibang kasangkapan sa pagluluto.

Ako si Ian. Isang simple ngunit praktikal na estudyante sa isang sikat at pribadong paaralan. Sa aking pamamasyal ay nauliningan ko ang isang lalaki na pumipili ng kanyang mga bibilhin at sa aking pagwawari ay isa siyang mahusay na kusinero at natitiyak ko na akin na siyang nakita.

Isang lingo ang lumipas, at sa aking paglilibot-libot ay napadpad ako sa isang restaurant. Sa pag tapat ko sa lugar nang pinaglulutuan ay muli kong nakita ang lalaki na aking napansin kamakailan lang. Hindi nga ako nagkamali! Isa siyang mahusay at sikat na kusinero. Hindi ko siya inalisan ng mata. Bawat galaw at kilos niyay aking pinagmamasdan. Paraan ng pagluluto, pagpili ng kasangkapan at kung paano niya ginagawa ang kanyang niluluto. Sa aking pagmamasid ay napansin kong hindi basta-basta ang ginagawa niyang pagpili sa kanyang mga gagamiting kasangkapan. Dinagdagan kapag kulang at kung labis, paano na?

Akin ring nawari na sa kanyang pagluluto ay ibat ibang kasangkapan ang pumapalibot sa kanya. May nagpapatamis, nagpapaasim, nagpapaalat at kung anu-ano pa. Isa man o kahit katiting man lang ang lumabis o kumulang ay napakalaki na nang epekto sa kalalabasang produkto.

Kung ating titingnan sa kabilang banda, ang pagluluto ng isang kusinero na napapalibutan ng sari-saring kasangkapan ay mistulang pag-ibig lang. Ang kusinero ang magtitimpla nang lasa ng kanyang pagkaing niluluto kakambal ang ibat-ibang kasangkapang magpapabago at magpapasarap pa sa lasa nito. Ang pagmamahal ng isang tao ay depende sa kung paanong paraan niya ito pasasarapin, maaring lumabis, maaari ring kumulang pero sa huliy magagawan pa rin ng paraan. Itoy magbabago sa kung paano ito ipapakita at kung paano pa ito pasasarapin ng bawat isa.

You might also like