You are on page 1of 3

BUHAYIN ANG KABUNDUKAN

Ang mga kabundukan ay isa sa magagandang tanawin sa ating kapaligiran. Taglay nito ang mga
punungkahoy na nagbibigay ng ating mga pangangailangan. Makikita rito ang sari-saring mga halaman
na nakalulunas ng ibang karamdaman, mga orkidyas, mga ligaw na bulaklak at mga hayop.

Ang mga punungkahoy at iba pang halaman ay tumutulong sa pagpigil ng erosyon o pagguho ng
lupa dulot ng ulan o baha. Nagsisilbi rin itong watershed para sa sapat na pagdaloy ng tubig

Subalit marami sa mga kabundukan natin ang nanganganib. Ang dating lugar na pinamumugaran
ng mga ibon at mga ligaw na bulaklak ay unti-unti nang nasisira. Dahil sa patuloy na pagputol ng mga
punungkahoy, marami na ang nagaganap na mga kalamidad tulad ng biglaang pagbaha sa iba’t ibang
pook

Sa pangunguna at pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR),


ang ahensya ng bansa na tumutugon sa pag-aalaga ng kapaligiran at kalikasan, ang pagkasira ng
kabundukan ay nabigyan ng solusyon. Ang reforestation o muling pagtatanim ng puno kapalit ng mga
pinutol o namatay na mga puno ay isa sa mga programa ng DENR. Maraming tao ang natuwa dito at
inaasahan nila na darating ang panahon na manunumbalik ang kagandahan at kasaganaan ng mga
kabundukan

1. Ano ang nakukuha sa kabundukan na tumutugon sa pangangailangan ng tao?


a. bato b. ginto c. lupa d. punungkahoy
2. Ano ang ginagawa sa punungkahoy na nagiging sanhi ng mga kalamidad?
a. pagsunog ng puno b. pagtanim ng puno c. pagputol ng puno d. pagparami ng puno
3. Bakit nawawalan ng hayop sa kabundukan kapag nagpuputol ng mga puno?
a. Naliligaw sila sa gubat. b. Wala silang matitirahan. c. Nakakain sila ng ibang hayop. d. Madali
silang nahuhuli ng tao
4. Ano ang salitang kasingkahuluganng pagguho ng lupa? (Literal)
a. erosyon b. kalamidad c. reforestation d. watershed
5. Ano kayang ugali ang ipinapakita ng mga taong patuloy na nagpuputol ng mga puno ng
kagubatan? a. mapagbigay b. masipag c. sakim d. tamad
6. Ano ang magandang maidudulot ng reforestation?
a. maiiwasan ang tagtuyot b. maiiwasan ang pagbaha c. maiiwasan ang pag-ulan d. maiiwasan
ang pagbagyo
7. Piliin ang angkop na kadugtong ng slogan na “Buhayin ang Kabundukan:
______________________________________”
a. Magtanim ng Mga Puno
b. Ilagay sa Hawla Ang Mga Ibon
c. Ilipat sa Kapatagan Ang Mga Halaman
d. Iwasan ang Pagkuha ng Mga Bulaklak
8. Ano ang koneksyon ng pagputol ng mga puno sa kagubatan sa pagbaha sa kapatagan?
a. Sa kabatagan na babagsak ang ulan.
b. Kapag wala ng puno, madalas na ang pag-ulan.
c. Wala ng mga hayop na magbabantay sa daloy ng tubig.
d. Wala nang pipigil sa pagdaloy ng tubig mula sa kabundukan.
PAROL SA MAY BINTANA
Disyembre na naman

Tumulo ang luha sa mga mata ni Julia. Nakita niya ang nakasabit na parol sa sulok ng kanilang
bahay. Gawa iyon ng kanilang ama. Nilagyan niya ng ilaw ang parol at isinabit ito sa may bintana

Kay ganda ng parol! Tumayo si Julia at hinawakan ang parol.Tandang-tanda niya pa ang
kasiyahan nilang mag-anak noong nakaraang Pasko.

“Huwag kayong malulungkot,” sabi ng kanyang ama. “Aalis ako upang mabigyan kayo ng
magandang kinabukasan.”

“Ingatan ninyo ang parol. Magsisilbi itong gabay sa inyong mga gagawin,” paliwanag ng ama
noong bago umalis sa kanilang bahay

“Tama si Itay. Kahit nasa malayo siya, ang parol na ito ang magpapaalala sa amin sa kanya at sa
kanyang mga pangaral.”

Parang napawi ang lungkot ni Julia, napangiti siya sabay kuha sa parol.

1. Anong mahalagang araw ang malapit nang sumapit?


b. Mahal na Araw c. Araw ng mga Puso

2. Ano ang unang naramdaman ni Julia nang makita niya ang parol?
a. nagalit b. nalungkot c. nasasabik

3. Sino ang naalala ni Julia tuwing makikita ang parol?


a. Ina b. Itay c. kapatid

4. Ano ang ibig sabihin ng ama ni Julia nang sinabi niya ang “Ingatan ninyo ang parol, magsisilbi
itong gabay sa inyong mga gagawin” ?
a. Huwag pabayaang masira ang parol.
b. Ang parol ang magpapaalala sa mga habilin ng ama.
c. Ang ilaw nito ang magpapaliwanag sa mga gawain nila

5. Ano kaya ang ginagawa ng tatay ni Julia sa malayong lugar?


a. nag-aaral
b. nagtatrabaho
c. namamasya

6. Bakit napangiti si Julia sa katapusan ng kuwento?


a. dahil may ilaw ang parol
b. dahil naintindihan nya ang ama niya
c. dahil malapit nang umuwi ang ama niya
PISTA NG BULAKLAK
Tuwing Pebrero, ipinagdiriwang ang pista ng mga bulaklak sa Lungsod ng Baguio. Kilala rin ito sa tawag
na Pista ng Panagbenga. Ang Panagbenga ay salitang galing sa Cordillera na ang kahulugan ay panahon
ng pagbukadkad ng bulaklak. Binibigyang halaga sa pistang ito ang naggagandahang bulaklak kung saan
kilala ang lungsod na ito

Nagsimula ang pagdiriwang ng Panagbenga noong 1995. Isinagawa ng pistang ito para maiangat muli
ang Lungsod ng Baguio mula sa malagim na lindol noong 1990

Maraming gawain ang makikita sa pagdiriwang ng Panagbenga. Ang pinakasikat at inaabangang gawain
tuwing pista ng bulaklak ay ang parada. Kasama sa paradang ito ay sayawan sa kalsada at pagtugtog ng
mga banda. Pinakabida sa paradang ito ang mga higanteng karosa na puno ng mga magaganda at
mababangong bulaklak. Sa paggawa ng karosang ito, ipinakikita ng mga Pilipino ang kanilang pagiging
malikhain at pagiging matulungin. Ipinaparada ang mga ito sa malalaking kalsada ng lungsod. Maraming
mga taong galing pa sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ang dumadayo sa Baguio upang mapanood ito

1. Anong buwan nagaganap ang Pista ng Panagbenga?


a. unang buwan ng taon
b. ikalawang buwan ng taon
c. ikatlong buwan ng taon
d. huling buwan ng taon
2. Kailan nagsimula ang pagdiriwang na ito?
a. 1908 b. 1990 c. 1995 d. 2012
3. Ano ang inaabangang gawain sa pistang ito?
a. tugtog ng banda
b. palaro sa mga bata
c. parada ng bulaklak
d. sayawan sa kalsada
4. Ano-anong katangian ng mga Pilipino ang ipinakikita sa seleksyon? (Pagsusuri)
a. pagiging matalino at palaisip
b. pagiging masipag at matulungin
c. pagiging malikhain at masayahin
d. pagiging maalalahanin at palakaibigan
5. 5. Bakit sinimulan ang Pista ng Panagbenga?
a. para maging sikat ang lalawigan
b. para hindi masayang ang mga bulaklak
c. para maiwasan ang pag-ulit ng lindol noong 1990
d. para mapaunlad muli ang lugar matapos ang lindol noong 1990
6. 6. Bakit kaya maraming tao ang dumadayo sa pagdiriwang na ito?
a. ayaw nilang pumasok sa paaralan
b. gusto nilang makakita ng mga turista
c. maraming gustong makarating sa Baguio
d. Nais nilang makita ang mga karosa ng bulaklak
7. 7. Ano ang tinutukoy sa seleksyon?
a. ang kagandahan ng Lungsod ng Baguio b. ang kasaysayan ng Lungsod ng Baguio c. ang isang
kilalang pista sa Baguio d. ang ugali ng mga tao sa Baguio

You might also like