Professional Documents
Culture Documents
Kung noon ay radyo, dyaryo, telebisyon at magasin lang ang ating media para malaman kung anong uso,
anong sikat at ano ang popular, sa panahon ngayon, napakamoderno na ng teknolohiya at napakadali na
para sa mga tao na makiuso at magpauso sa pamamagitan ng lahat ng uri ng media --lahat ng nabanggit
kanina at idinagdag pa ang internet. Bakit ba napakaimportante sa mga tao makasabay sa uso? Ano nga
ba talaga ang kulturang popular? Ating alamin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng uso o mas pormal
na kilala bilang kulturang popular.
Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para maramdaman ang pagtanggap
sakanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa mga tao na tanggap
sila sa modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto
ng mga kumpanya at modernong mga bansa. Ang kulturang popular ang kadalasang nagbibigay ng
depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap. Ang kulturang popular ay
maaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga pinagsasama-samang kultura
na itinatakda ng makakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao
para maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang sarili.
May sinasabing anim na dahilan at pinagmumulan ng kulturang popular at ito ang mga:
Ang mga negosyante ay nagbibigay o nagpapakita sa mga tao ng isang pangangailangan. Maaaring ito ay
pangangailangan maging maputi, maging diretso ang buhok, magkaroon ng kolorete sa mukha at iba pa
para matawag na maganda. Maaari rin namang gamitin ito ng mga negosyante sa mga teknolohiya;
natatanim sa utak ng tao na hindi na sila mabubuhay ng wala silang magagandang cellphone, camera, at
iba pa. Dahil dito, napipilitan bumili ang mga tao ng mga produktong ginagawa ng mga negosyante para
lang matugunan ang pangangailangan na ito. Ang produktong ito ay siya namang nagiging sikat at
napapasama sa kulturang popular kinalaunan.
2. Latak
Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang latak. Panghalili sa mahal at sa orihinal. Sinasabing
nangyayari ito dahil ang masa ay hindi makabili ng mga kustal at kasuotan na mamahalin kaya sila ay
nagkakasya na lamang sa pagbili ng mga damit at bag na mura hanggang sa ito na ang maging uso at
gamit na ng lahat.
4. Ginagawa ng tao
Ito naman ang nagsasabing ang kulturang popular ay ginagawa ng tao --maaaring ng isang sikat na
personalidad na nais tularan ng marami. Sa pag-gaya dito ng mga tao, unti-unti itong napupunta sa
mainstream. Ito ang tinatawag na pagpapauso. Ito ay maaaring ginagawang pang hanapbuhay,
pampasikat o tikis na pang-libangan lamang.
5. Larangan ng gahum
Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang ebidensya ng mataas na tingin natin sa isang
gahum na bansa. Kung ano ang mga gamit, damit, bag o kung ano man na ginagamit sa kanilang bansa
ay ating tinatangkilik dahil ito ang maganda, nakahihigit at nakatataas para sa ating paningin. Sinasabing
nakakasama ito para sa ating sariling bansa dahil unti-unti nitong nakikitil ang ating sariling industriya
dahil walang tumatangkilik sa ating sariling mga produkto. Dahil dito, sinasabing mas napapahalagahan
natin ang kalinangan at kabihasnan ng iba kaysa sa sarili nating kultura.
Ang kulturang popular ay isang kulturang maaaring sabayan at sakyan ng tao. Sa kabilang banda, maaari
rin namang tayo rin ang magpa-uso at gumawa ng kulturang ito. Ngunit dapat natin isaisip na ang
kulturang popular ay hindi maiiwasang magbago kaya marapat lang na panatilihin pa rin natin at wag
kalimutan ang kulturang "unique" at sariling atin. Hindi dapat natin ito hayaang matabunan ng kulturang
popular --kulturang nagbibigay depenisyon sa kasalukuyang panahon.
Kulturang popular
1. aktibidad ng sangkatauhan ang "kaparaanan ng mga tao sa buhay sumasalamin sa iba't ibang
mga teoriya sa kaunawaan, o sukatan sa pagpapahalaga, sa aktibidad ng sangkatauhan.
2. ang kuro o opinyon ng buong lipunan, na maaaring makita sa kanilang mga salita, aklat at mga
sinulat, relihiyon, musika, panan amit, pagluluto, at iba pa.
3. POPULAR
6. KULTURANG PILIPINO ?
8. Highbrow - mga bagay na tinatawag na klasik (classic) mga klasikong akda mula sa panitikang
Griyego,Latin, Ingles at Europeo
10. kanta patalastas iba pang bagay na kasama sa isang maunlad na lipunan
Be Careful With
nagkakaintindihan, pero ngayon, ang mga malalapit sa kanila ay nasasa
Walang Himala!
Pangatlong beses ko nang napanood ang pelikulang “Himala”. Mula sa pamagat, ang
pelikulang ito ay tungkol sa mga himala o milagro. Tungkol ito sa bulag na pananampalataya
ng mga tao, at kung papaano nakaapekto sa mabuti at masamang paraan ang himala sa bayan
ng Cupang. Sa unang dalawang beses, mas nakatutok ang atensyon ko sa istorya at pag-arte ng
mga aktor. Pero noong huling nood ko, mas nabigyang pansin ko ang paggamit sa iba’t ibang
elemento ng kamera, at ung paano ito naiuugnay at nakatutulong sa kuwento ng “Himala”.
Ang mga himala ay pangkaraniwang nauugnay sa Panginoon, kaya nakakagulat na lamang
ang kawalan ng representasyon ng diyos sa pelikulang ito. Ang mga representasyon na aking
tinutukoy ay ang labis na matingkad na ilaw, ang mga himig ng anghel, at “bird’s eye view” o
punto de bista na nagmumula sa malayong itaas. Ang ilang mga bagay bagay na konektado sa
Panginoon na makikita sa pelikula ay ang pari, simbahan, misa, ang pagpapakita ng mahal na
Birhen, at ang stigmata ni Elsa; ngunit hindi nabigyan ng mga ito ang diyos ng tama o
inaasahang pagpapahalaga sa pelikula. Isa itong stratehiya upang ipaalam sa mga manonood
na ang himala na tinutukoy sa pelikula ay ihihiwalay sa Diyos at mga banal na bagay; sa halip,
ikakabit ito sa tao at ang kaniyang personal na pananaw at paniniwala rito.
Sa mga huling eksena na naganap sa burol, ginamitan ng malayong kuha ang mga taong
dumayo para marinig ang anunsyo ni Elda. Ginamit ito upang masakop ang kalawakan ng
mga tagasuporta ng bida. Isa pa, ang kamera ay nakaharap sa entablado imbis na magmula
roon. Ginawa ito para ipadama sa mga manonood na parte sila sa mga dumayo sa tipong iyon.
Noong nagsimula na ang talumpati ni Elsa, nagkaroon ng pagpuputol mula sa kanya at sa mga
mamamayan ng Cupang na nakikinig sa kaniya. Ginawa ito upang mula doon ay may
mabuong paghahambing sa dalawa: si Elsa, na tumatayo bilang simbolo ng himalang
inaasahan ng lahat, ay ihahambing sa mga tao, na representasyon ng Cupang bilang isang
malungkot, walang buhay at walang kuwelang bayan. Sa pagpuputol na ito, ipinapakita na
habang binabawi ni Elsa ang kaniyang proklamasyon tungkol sa himala, ay may matinding
lungkot at pangamba ang mga mamamayan ng Cupang dahil bilang mga mahihirap at
sawimpalad na tao, wala na silang iba pang aasahan o kakapitan kung hindi ang kanilang
pananampalataya sa himala. Hindi mayayaman o pinagpala ang mga tao sa Cupang kaya
talagang pinahahalagahan nila ang ano mang bagay na pupwede nilang panghugutan ng lakas,
dahilan o inspirasyon.
Kapag hininto ang pelikula sa eksena kung saan babarilin na si Elsa, makikita natin na tila
tayo, ang mga nanonood, ang pumatay sa kaniya. Ang kamay na may hawak ng nakatutok na
baril ay nanggagaling mula sa kamera, at iminumungkahi nito na tayo ang may kagagawan ng
pagpatay sa bida. Marahil ginawa ito ng direktor upang sabihin na minsan ay wala tayong
binibigay na pagpapahalaga sa mga tao kapag nagwakas na ang mag kailangan natin mula sa
kanila. Nang tapusin ni Elsa ang paglaganap ng himala, nawalan na rin ng pangunahing source
ng paniniwala ang mga tao, at dahil dito ay nagawa siyang barilin.
Sa pinakahuling eksena, paluhod na gumagapang ang mga tao papunta sa burol habang
nagdarasal. Pinapatunayan nito na bagamat wala na ang nagpasimuno ng “pagpapauso” sa
himala, patuloy pa rin nilang itataguyod ang kanilang bulag na pananampalataya dahil wala
na silang ibang kakapitan pa kung hindi ito. Ang anggulong ginamit ay iyong kapantay ng mga
tauhan. Ulit, nakaharap ang kamera sa patutunguhan nila imbis na magmula roon. Ginagamit
ito upang ipakita na kasama tayo sa pagpapatuloy ng bulag na pananampalataya kung saan
lahat ng nakikilahok ay tila mga zombie (patay na muling nabuhay).
Sa katotohanan, hindi ko ikinasaya nang malamang panunuorin ko ulit sa ikatlong
pagkakataon ang “Himala” dahilan sa hindi ko talaga ito nagustuhan noong mga unang beses
kong napanood. Ngunit ngayon ay nagpapasalamat naman ako. Marahil “third time’s the
charm”, kung kaya’t ngayon lang ako nagkaroon ng masmalalim na pagpapahalaga at pag-
intindi sa tema at mensahe ng pelikula. Higit pa rito, nakakuha ako ng panibagong persektibo
tungkol sa mga iba’t ibang paraan ng paggamit sa kamera para makalikha ng isang obra
maestra.
Leave a comment
May6
Ito ang pangalawang blog entry para sa ikalawang linggo ng panonood namin ng
teleseryeng “Be Careful With My Heart”, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako boto sa
tambalan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap dahil hindi talaga sila nababagay para sa akin.
Gayon pa man, natutuwa pa rin ako sa hinahandog na pantasiya ng teleseyeng ito para sa
masa, partikular sa ating mga kasambahay o mga pangkaraniwang taong lumuluwas sa
Maynila upang magtamo ng higit na magandang kinabukasan.
Ang mga palabas mula ika-29 ng Abril hanggang sa ika-3 ng Mayo ay nagpapakita ng
mas malalim na pagtitinginan nina ‘Ser Chief’ at ‘Maya’. Sa palabas noong Lunes, ipinakita
na tinanggihan ni Maya ang panunuyo sa kaniya ni ‘Captain James’, isang piloto na madalas
niyang makasama sa trabaho. Noong nakaraang episodyo, sinabi ni Maya kay James na wala
siyang nobyo, at dahil dito, inisip ni James na maaari niya nang ligawan si Maya. Ngunit
nilinaw ni Maya na wala nga siyang nobyo sa kasalukuyan, ngunit may pag tingin siya para sa
isang tao. Tinanggap naman ni James ang pagpapaliwanag at pagpapaumanhin ni Maya. Sa
huling bahagi ng episodyong iyon, biglang nag-aminan sina Ser Chef at Maya na mahal nila
ang isa’t isa sa telepono; isang bagay na ikinagulat ng dalawa.
Noong Martes, nag-usap sina Maya at ang kaniyang mga kaibigan tungkol sa kanilang
kalagayan bilang mga istuwardes, at kung paano ito nakakaapekto sa mga personal sa aspekto
ng kanilang buhay (love vs. career). Marami pa raw madaraanang karanasan si Maya bilang
baguhang istuwardes, at kasama nito ay higit na maraming responsibilidad na tiyak na kakain
sa kaniyang oras.
Noong Miyerkules, dinala ni Ser Chief si Maya sa kaniyang kolehiyo (dahil gusto niya
raw ipakita kay Maya kung saan niya dinala ang kaniyang anak na si Luke noong isang na
araw) matapos siya sunduin sa paliparan. Doon ay nagkaroon sila ng munting ‘date’ sa ilalim
ng mga bituin habang kumakaing nakaupo sa banig. Dito nila masinsinang pinag-usapan ang
tungkol sa mga binitawan nilang salita noong isang araw. Sinabi ni Ser Chief na bagamat
‘casual’ ang pagpapahayag niya ng kaniyang pag-ibig, talagang tunay ang kaniyang mga
nararamdaman para kay Maya. Sinabi rin niya na naiintindiihan niya kung uunahin ni Maya
asikasuhin ang kaniyang karera bago ang ganoong klaseng relsyon.
Noong Huwebes at Biyernes, ipinakita lang ang epekto ng pag-aaminan ng dalawang
bida ng kanilang nararamdaman para sa isa’t isa, at ang pag-ikot ng mga buhay ng mga
pumapaligid sa kanila. Ang lumulutang na pangyayari sa mga araw na ito ay ang naglalapit na
pagtatapos ni Maya sa paaran; isang bagay na ikinasasabik nilang lahat. Ang mga kapamilya
ni Maya ay luluwas sa Maynila upang suportahan siya, ngunit nagkaroon sila ng problema
nang hindi nakaabot ang kapatid ni Maya, si Kute, sa kanilang oras ng pag-alis. Maliban sa
problemang ito, labis na ikinatuwa ni Maya ang muling pagkikita nila ng mga kapamilya niya,
lalong lalo na ang kaniyang nanay. Nang ipalabas ang maikling pagpapakita nga mga dapat
abangan sa susunod na episodyo, ang nanay ni Maya ay katulad kong tila hindi sumasang-ayon
sa relasyon ng dalawa.
Sa mga palabas ng nakaraang linggo, ipinakita ang posibleng problema ni Maya: ang
maging hadlang ang isa sa kaniyang mga pangarap doon sa isa. Nabanggit ni Maya na minsan
ay hindi siya makapaniwala sa mga pangyayari dahil unti-unting natutupad ang kaniyang mga
pangarap; una ay ang pagiging ganap niyang istuwardes at ang isa naman ay ang “fairytale”
nila ni Ser Chief. Ipinakita ang posibleng problema ni Maya sa mga kaibigan niyang
nahihirapang pagsabayin ang buhay pag-ibig at buhay sa trabaho. Ngunit kahit na matapos
umamin sina Maya at Ser Chief ng kanilang mga nararamdaman para sa isa’t isa, nababalanse
pa rin ni Maya ang iba’t ibang aspekto sa buhay niya. Mayroon siyang nakatakdang oras para
sa kaniyang trabaho, at pagkatapos nito ay susunduin siya ni Ser Chief kung saan sa kaniya
naman nakalaan ang kaniyang oras. May oras rin siyang itinatabi para sa sarili niya at pati na
rin sa pamilya niya.
Gaya nga nang nasabi ko sa nakaraan blog entry, ang teleseryeng ito ay isang paraan
para makapaglibang at makatakas ang mga manonood mula sa katotohanan kahit
panandalian lamang. Bukod ditto, isa rin itong larawan ng pag-asa para sa mga manonood.
Kahit na hindi makatotohanan ang mga pangyayari rito, mayroon pa rin namang mga ibang
bagay na repleksyon ng katotohanan. Isa na rito ang pagpursiging makamit ang mga pangarap
ng isang tao at ang pagsisikap upang mapanatili at magawang kasama sa buhay mo ang
nasabing pangarap.
Leave a comment
May5
Para sa akin, may kaunting pakakatulad ang plot ng “Be Careful With My Heart” sa pelikulang
“Sound of Music”, sa kontekstong ang bidang babaeng tagapangalaga ng mga anak ng bidang lalaki
at ang bidang lalaki ay unti-unting nahulog para sa isa’t isa. Nang ipinalabas ang “Sound of Music”
noong 1965, malugod itong tinanggap ng masa. Mainit rin siguro ang pagtanggap ngayon ng mga tao
sa “Be Careful With My Heart” dahil mayroong familiarity o pagkakakakilala sa plot na nagasgas na
sa paulit-ulit nang pagkakagamit, isang bagay na mabilis na pinapatawad at pinapalampas sa
kulturang popular dito sa Pilipinas.
Sa aking pampersonal na pananaw, hindi ko talaga nagustuhan ang “Be Careful With My Heart”
noong una dahil hindi ko masikmura ang tambalan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap. Ngunit nang
bigyan ko ng pangalawang tingin, naiintindihan ko ang kahalagahan ng pagganap ni Richard Yap
bilang si ‘Ser Chief’. Sa totoong buhay, karamihan ng mga amo dito sa Pilipinas ay Instik at
masasabi natin na ginagamit ang artistang si Richard Yap bilang repleksyon sa realidad sa
kontekstong Pilipino sa kasalukuyan. Isa pang puntong puwede nating isaalang-alang ay hindi
kailanman nangyayari ang ganitong klaseng relasyon sa tunay na buhay, kaya’t ikinagagalak ng mga
manunuod na naisasakatuparan ng palabas sa harapan nila ang mga pangarap o pantasiya nila. Kung
tutuusin, wala namang masama sa ganitong klase ng paglilibang. Kadalasan, mabuti pa nga ito dahil
ito ay isang pagkakataon para makatakas tayo sa “real life”, katiyakan, ang ating mga kasambahay.
Isipin pa lang ang pagod na natatamo nila sa pang-araw araw na batayan ay nakakapagod na rin.
Mayroon na silang nakaugaliang pamamaraan kung paano maglinis at magluto na tunay na
nakakasawa at nakakapgod. Karapat-dapat lang sa kanila ang magkaroon ng pahinga paminsan-
minsan, at isang silbi ito ng mga teleserye tulad ng “Be Careful With My Heart” kahit na sa
pinakamababaw na paraan man lamang.
Kung muli kong titignan ang mga natala sa itaas, masasabi ko na higit na mas maraming nadudulot
na mabuti ang teleseryeng ito sa halip na masama. Ikinalulugod ko ang mga pagsisikap ng mga
bumubuo nito.
1 Comment
Apr19
Nagsimula ang lahat sa Hollywood na tumuntong sa kasikatan noong umpisa nang ika-20 siglo. Ang
Hollywood ay nagsilbi bilang figure ng kasikatan, kahalinahan, at prestihiyo, kung kaya’t natural na
lamang ang mabilisan at malugod na pagtanggap ng masa rito. Dahil sa kaaya-ayang imaheng
hinandog nito, maraming “napakagat” sa kanila, at mula doon ay sumapit ang simula ng panibagong
kapanahunan. Ang Hollywood ay ang paraan upang mapalaganap ang midya sa mundo. Sa
kasalukuyan, karamihan, kung hindi lahat, ng mga bansa ay may pangkasalukuyang intinuturing
kanilang lokal na Hollywood, kasama na rin dito ang ating bansa, ang Pilipinas.
Napakalaki ng bilang ng tauhan na tumatangkilik sa ating kulturang popular, dahilan dito ay ang
napakaraming seleksyon na pagpipilian ng madla. Sa larangan ng musika ay may iba’t ibang klase at
genre, sa pag-arte ay maroong mga pelikula, teleserye, dula at iba pa, maging sa mga personalidad ay
samu’t sari ang mga taong nariyan, tulad na lamang nila Vice Ganda at Vic Sotto. Kung ating
babalikan ang nakaraang mga taon at dekada sa mundo ng Philippine showbiz at ikukumpara sa
nakamit na estado nito ngayon, isang mainam na obserbasyon ay ang paglaki ng saklaw nito. Sa
aking palagay, mayroong nabuong relasyong direkta (direct relationship) sa pagitan nang mga
tagapagtangkilik at ng mga tinatangkilik. Habang nakikita ng mga tauhan sa midya ng kulturang
popular na labis na sinusuportahan ng masa ang kanilang nililikhang produkto ay higit silang
naengganyohang palawakin pa ang kanilang negosyo. Sa ganitong paraan sila kumikita, kaya na
lamang nagpupursige silang ipagpatuloy ang pagpapalawak ng kanilang imperyo. Malakas ang
kanilang kumpiyansa sapagkat alam nilang mabenta sa mga tao ang mga inihahandog nilang mga
produkto. Bilang kapalit naman, natatamo ng masa ang kanilang inaasam na mga pang-aliw at
panglibang mula sa iba’t ibang uri at anyo ng kulturang popular.
Sa lahat ng bagay, may mabuti at may masama, sakop rin nito ang kulturang popular. Mahusay at
tama na ginagamit natin ito upang libangin at aliwin ang ating mga sarili, ngunit kinakailangan rin
nating maunawaan ito at matutong magtakda ng ating mga personal na limitasyon ukol dito.
Maraming puwedeng idulot na mabuti ang patok na patok na kulturang popular sa ating pamumuhay,
iyon ay kung tayo ay magiging responsableng mga tagapagtangkilik at bibigyan ng tamang
kahulugan ang mga ibinabahagi sa atin ng kulturang ito.