You are on page 1of 21

“Iba’t Ibang Uri ng Teksto”

I. Tekstong Impormatibo

A. Balita
Duterte, iaatras ang militar sa Marawi kung ipawalang-bisa ang martial law.
Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na iatras ang militar sa Marawi sakaling
ideklara ng Korte Suprema na walang basehan ang idineklara niyang martial
law sa Mindanao. Dagdag pa ni Duterte, susundin niya ang utos ng Korte
Suprema kung ipawalang-bisa nito ang batas militar sa Mindanao. Pero
sakaling sumiklab muli ang gulo, handa siyang magdeklara muli ng martial law
na maaaring kaparehas umano noong rehimeng Marcos. Pero sa ngayon,
iginiit ng Pangulo na hindi aatras ang militar at wala siyang balak na
makipagnegosasyon sa Maute group. Sinabi rin ng Pangulo na may mga local
politician at warlord na nakikipagkutsaba umano sa Maute group at tinulungan
ang mga teroristang mag-imbak ng mga armas.

Source: http://news.abs-cbn.com/news/06/18/17/duterte-iaatras-ang-militar-sa-marawi-
kung-ipawalang-bisa-ang-martial-law

B. Feature Article
PhilAPEX, the Very First Auto Parts Expo in the Country
The very first Auto Parts Expo in the country took place at the Philippine
Trade Trading Center last October 12-13, 2017 under the Philippine Parts
Maker Association (PPMA), with the support of the Department of Trade and
Industry – Board of Investments (DTI-BOI).

This 2-day event was open to the general public and showcase auto parts
that are locally manufactured. Visitors also saw prototypes of the new version
of jeepneys, while businesses who attended the event were given networking
opportunities among local part makers and international vehicle
manufacturers.

Earlier this year, the Department of Trade and Industry announced that the
slot budget for ordinary PUVs will be shifted to eco-PUV vehicles. The
Philippine Auto Parts Expo (PhilAPEX) featured locally-developed eco-PUV
prototypes as a solution to the modernization program introduced by DTI.
Source: http://primer.com.ph/blog/2017/10/16/philapex-the-very-first-auto-parts-expo-in-
the-country/

C. Anunsyo
Walang pasok (July 8, 2016)
MALABON CITY (ALL LEVELS-AFTERNOON CLASSES)
MEYCAUAYAN, BULACAN
(PRESCHOOL-HIGH SCHOOL, PRIVATE AND PUBLIC SCHOOLS)

Source: GMA News TV

II. Tekstong Deskriptibo

A. Food Blog
Ngohiong

Ang pagkaing ito ay ang paboritong pagkain ng isang tipikal na Cebuano. At


ngayon ito ay naging isa sa mga paboritong ng maraming bisita sa Cebu. Tao
sa iba’t ibang social status sa iba’t ibang mga kalagayan sa buhay tulad ng sa
kumain ng Ngohiong, hindi lamang dahil ito ay pampagana ngunit dahil hindi
mo din maaaring tamasahin ang mga sandali kapag ikaw ay nasa Cebu kung
hindi ka kakain ng Ngohiong.

Source: http://tagalog.philippinestravelsite.com/mga-sikat-na-pagkain-sa-cebu/

B. Travel Blog
Ang lugar na Paradise Ranch ang aming pinuntahang magkakaklase, dito
kami nag field trip. Ang Paradise Ranch ay pwede sa field trips, vacations,
retreats, campings, garden weddings, birthday parties, at conferences. Ito
ang lugar na di ko makakalimutan dahil napakaganda nito at malinis ang
kapaligiran. Naglibot kaming magkakaklase sa Paradise Ranch at sa
Zoocobia. Napakaganda talaga ng lugar lalo na ung Butterfly Kingdom, dahil
naramdaman ko na nasa isa akong palasyo. Isa pa rito ang Zoocobia Fun
Zoo, nakakita ako ng giraffe at ostrich. Sa Garden Maze naman ako naging
mas masaya dahil napakasaya naming naglarong magkakaklase, nagkalituan
man at natalo, naging masaya pa rin kami. Sumunod naming pinuntahan ay
ang napakalaking slide, nagslide kami sa halagang 20 pesos, naging masaya
pa rin kami kahit na kami’y pagod na pagod. Ang huli naman naming
pinuntahan ay ang “Horse Riding”, Nagenjoy kami nung makasakay na kami
sa kabayo, Pagkatapos naming sumakay umalis na kami para pumunta sa
Picnic Ground para doon kami kumain. Hinihikayat ko lahat ng mga turista na
pumunta sa Paradise Ranch at sa Zoocobia ng Clark, Pampanga.
Siguradong magiging Masaya ang iyong bakasyon kapag dito ka nagpunta.
Samahan niyo na ang iyong pamilya, punta na sa Paradise Ranch at sa
Zoocobia ng Clark, Pampanga! “Bawas gastos na, nagenjoy ka pa”.

Source: https://group4filipino.weebly.com

C. Paglalarawan sa isang natatanging indibidwal


Si Rodrigo Roa Duterte (ipinanganak Marso 28, 1945 sa Maasin, Leyte) ay
isang Pilipinong abogado at politiko na kasalukuyang nanunungkulan bilang
ika-16 na Presidente ng Pilipinas. Siya'y nanumpa sa bagong katungkulan
noong Hunyo 30, 2016. Ipinanganak siya noong Marso 28, 1945 sa Maasin,
Leyte kina Vicente Duterte, dating Gobernador ng Davao, at Soledad Roa,
guro at civic leader. Nagtapos siya ng elementarya sa Sta. Ana Elementary
School sa Davao noong 1956 at sekundarya sa Holy Cross Academy sa
Digos, Davao del Sur. Nakamit niya ang Bachelo of Arts degree sa Lyceum of
the Philippines University sa Maynila noong 1968 at law degree sa San Beda
College of Law noong 1972. Miyembro siya ng Lex Talionis Fraternitas, isang
kapatirang nakabase sa San Beda College of Law at Ateneo de Davao
University. Nakapasa siya noong 1972 at namasukan bilang Special Counsel
sa City Prosecution Office sa Davao.

Source: http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Rodrigo_Duterte

III. Tekstong Persweysib

A. Editoryal
Libreng tuition sa state colleges
(Pilipino Star Ngayon) | Updated August 10, 2017 - 12:00am
Sa pagkakalagda ni Pres. Rodrigo Duterte sa Re-public Act 10931 o ang
Universal Access to Quality Tertiary Education Act, maraming mahihirap na
estudyante ang makakapagpatuloy sa pag-aaral sa kolehiyo at magkakaroon
nang magandang kinabukasan. Hindi na mangangamba ang mga estudyante
na maaari silang tumigil sa pag-aaral dahil walang pang-tuition. Ngayong libre
na ang tuition sa state colleges at universities, mga walang pangarap na
lamang sa buhay ang pupulutin sa kangkungan. Dahil libre ang tuition, ang
pang-araw-araw na allo-wance na lamang puproblemahin ng estudyante. Ang
batas ay sa susunod na taon pa magkaka-bisa. Ayon kay Budget secretary
Benjamin Diokno, nagkaroon nang pagtitimbang ang Presidente bago
nalagdaan ang batas. Nagkaroon ng kunsultasyon sapagkat hindi pa
malaman kung saan kukunin ang pondo para sa libreng tuition sa kolehiyo.
Hanggang sa magpasya ang Presidente na maghahanap siya ng pondo para
rito at saka nilagdaan ang batas. Tinatayang may 112 state universities and
colleges sa buong bansa. Sabi ni Sen. Panfilo Lacson, kunin sa pork barrel
ng mambabatas ang pondo para sa libreng tuition fees. Kayang-kaya umano
itong pondohan mula sa pork. Si Lacson ay hindi kailanman ginamit ang
kanyang pork barrel. Maganda ang panukala ni Lacson na kunin sa pork ang
pondo. Kaysa naman kurakutin lang ang pork ng mga mambabatas, sa mga
state colleges and universities ito gamitin. Gawin na ito para naman
makahinga nang maluwag ang mga magulang na kandakuba na sa
pagtatrabaho. Huwag naman sanang kung sinu-sino na lamang ang
makinabang ng free tuition. Baka may mga kaya o yung mayayamang
estudyante ang makinabang ng free tuition. Piliin o salaing mabuti ang mga
estudyanteng mag-aaplay. Dapat wala silang ikakaya sa buhay. Noon pa,
marami nang napupuna sa sistema ng pagpapaaral sa bansa. Sa halip na
ang mga walang ikakaya ang nasa state colleges, parang mayayamang
estudyante na ilan-ilan ang kotse ang nakikitang nag-aaral. Dapat
matuldukan ang ganitong sistema.

Source: http://www.philstar.com/psn-opinyon/2017/08/10/1727253/editoryal-libreng-
tuition-sa-state-colleges

B. Talumpati
Kaibigan
BAKIT NGA BA TAYO MAY TINATAWAG NA KAIBIGAN?
Kaibigan, dito natin lalo nakilala ang ating sarili.
Sa kanila tayo nakakapag labas ng sama ng luob
Sa kanila tayo nagiging komportable.
Sinasabi ang sikreto na hindi natin masabi
sa ating mga
Kapamilya,kapuso kapatid .
Kaibigan, sila ang una nating nilalapitan
Pag may problema lalong lalo na sa
PAG-IBIG.
Kaibigan ay parang NANAY kung mag advise
Tatay magsaway, parang kapatid kung
Magpatawad at higit sa lahat parang
Boyfriend kung mag mahal.
Tunay na kaibigan ay napaka hirap hanapin
Para kang lulusong sa tubig dagat hindi mo
Alam kung gaano kalalim, itataya mo ang buhay
Mo para sa tinatawag na “tiwala sa sarili”
Kaya ang pag mamahal sa kaibigan ay
Parang pinaka importanteng bagay sayo
Kaibigan ay di ka iiwan, ngunit sila
Ay nadagdagan.
IKAW PARA SAYO ANO ANG KAIBIGAN?

Source: http://sunshinegepilano.blogspot.com/2011/09/talumpati-kaibigan.html?m=1

C. Kolum na nagbibigay-payo
Ang Panganib ng Internet
Dahil sa hindi talaga nakikilala ang tunay na katauhan ng isa sa Internet,
ginagamit ito ng mga nambibiktima ng mga kabataan para sa kanilang
seksuwal na kaluguran. Maaaring masilo ang walang kamalay-malay na mga
kabataan kapag nagbigay sila ng personal na impormasyon sa Internet o
pumayag silang makipagkita sa kausap nila sa Internet. Ikinakatuwiran ng
ilang tao na “mas nanganganib ang mga bata na mabiktima ng karahasan o
pang-aabuso sa kanila mismong tahanan o sa mga palaruan,” ang sabi ng
aklat na Parenting 911. “Pero karamihan ng mga magulang ay
nangangambang baka makapasok sa kanilang bahay nang di-namamalayan
sa pamamagitan ng Internet ang mga nambibiktimang ito at sirain ang
pagiging inosente ng kanilang mga anak.”
Inaabuso rin ang paggamit ng Internet sa iba pang paraan. Walang-tigil na
tinutukso, ipinupuwera, nililigalig, o tinatakot ng ilang kabataan ang iba sa
pamamagitan ng Internet. Ang tawag dito ay cyberbullying. Gumagawa sila
ng mga Web site na dinisenyo para lamang hamakin ang isa, at ang e-mail,
mga chat room, at iba pang tulad nito ay ginagamit din para siraan ang iba.
Naniniwala ang direktor ng isang online safety group na umaabot sa
80 porsiyento ng mga batang edad 10 hanggang 14 ang apektado
ng cyberbullying, tuwiran man ito o hindi.
Sabihin pa, noon pa man ay may mga tao nang nanliligalig o nananakot. Pero
sa ngayon napakabilis kumalat at di-hamak na mas malawak ang nararating
ng tsismis at paninirang-puri. At madalas na mas malupit ito. Sa ilang kaso,
ginagamit ang mga cell phone na may kamera para kumuha ng kahiya-hiyang
mga litrato at video, marahil sa mga bihisan o paliguan sa paaralan. Saka
ilalagay ang mga ito sa Internet at ipadadala sa sinumang gustong makakita
nito.

Source: https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102007082

IV. Tekstong Naratibo

A. Anekdota
Isang ahenteng Ruso (KGB agent) ang nakakita sa isang matandang
nababasa ng balarilang Hebreo sa parke ng Moscow. Itinanong ng ahente
kung ano ang kanyang binabasa, at isinagot ng matanda na ito ay aklat ukol
sa wika ng Israel.

Sinabi ng ahente na sa gulang ng matanda ay hindi na ito makararating pa sa


Israel. Sinabi ng matanda na tama ang ahente ngunit sa paraiso ang wika ay
Hebreo.

Tinudyo ng ahente ang matanda na baka sa impiyerno ito mapunta. Sumagot


ang matanda na hindi problema iyon sapagkat marunong na siya ng wikang
Ruso.

Source: https://www.tagaloglang.com/anekdota-halimbawa/

B. Maikling Kwento
Bagong Kaibigan
May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong
isang kaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi
ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel.

Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan.
Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman
at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan.
Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka
upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam
ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at
doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay
doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin.

Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na


maliwanag sa langit. Mayroong isang bituin na ubod ng laki. Ahah!
Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko ito. Pero
walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at
nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay
bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay
nagpalundag-lundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga bulak!
Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong kalaro kaya
gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa kong parachute. Napunta
ako sa kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila
maintindihan kaya bumalik na ako sa amin sakay-sakay ng isang elepante.
Maya-maya ay kinalabit na ako ni inay.

“Gising na anak, may pasok ka ngayon”

“Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!”

“Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na


angschool bus.“

Source: http://halimbawangmaiklingkwento.blogspot.com/2009/12/bagong-
kaibigan.html?m=1

C. Kwentong Kababalaghan
Haunted House sa Iloilo- Pinagmumultuhan na bahay-Dead spirits roaming.
Pinagmumultuhan na bahay sa Iloilo (Haunted house)

Doon sa amin sa Iloilo ako lumaki at nakatira kasama mga magulang at


kapatid ko. Isang gabi napakalakas ng ulan noon at sobrang lamig, habang
nakadungaw ako sa bintana ng kwarto. May nakita akong bata na tumatakbo
at naririnig ko ang malakas niyang tawa. Nagtaka ako kasi ni wala siyang
suot na pang-itaas kahit malamig ang panahon noon at umuulan ng malakas.
Nagalala ako sa bata na ngayon ko lang nakita ang itsura at maputla ang
itsura at baka magkasakit. Kaya lumabas kaagad ako at tinignan siya, pero
wala na siya dun. Sinundan ako ng nanay at tatay ko na may dalang payong,
kasi nagtaka sila bakit ako biglang lumabas ng bahay at umuulan. Kinwento
ko sa kanila ang nakita ko. Pumasok ang tatay ko sa loob ng bahay at
lumabas agad na may dalang flashlight para hanapin ang bata sa may bukid
para pauwiin siya. Pumasok naman kami ng nanay ko sa loob ng bahay.
Nang bumalik ang tatay ko, sinabi niyang walang katao-tao sa labas at wala
naman bakas ng paa na may naglaro sa maputik na bukid. Nang matutulog
na kami, sinabi ng nanay ko na may ikwekwento siyang sekreto. Minana daw
niya ang bahay sa magulang niya na noon pa nakatira dun. Nagkaroon daw
sila ng panganay na anak na lalaki nung 1960, pero namatay ito ng 5 years
old sa sakit na tubercolosis o TB, dahil hindi naagapan. Posible daw na ang
batang nakita ko ay ang multo ng namatay niyang kapatid na madalas
magpakita dati nung bata pa siya pero ngayon lang ulit nagpakita. Kung totoo
na ang batang iyon ang anak ng lola ko, ibig sabihin ay tito ko ang nakita
kong bata.

Source: http://www.buhayofw.com/blogs/blogs-kwentong-kababalaghan-nakakatakot-at-
multo/haunted-house-sa-iloilo--pinagmumultuhan-na-bahay-531d1cd5cc135

V. Tekstong Argumentatibo

Topic 1 – Pera o Pag-ibig, alin ang mahalaga sa pag-aasawa?


Mayroong dalawang matalik na magkaibigan ang gusto nang mag-asawa. Maraming bagay silang
pinagkakasunduan, pero magkaiba ng opinsyon pagdating sa pag-aasawa. Kaya nag-debate kung
ano ang tamang paraan ng pagpili ng minamahal.

Pero dahil parehong mahilig sa musika, nagkasundo silang mas magandang ipaliwanag ito kung
daanin na lang sa title ng kanta. Tignan natin kung sino ang mas tama sa kanila- Pera o Pag-ibig
ba?

Pera : No money, No Love – David Guetta


Sa buhay na ito importante ang pera. Makakain mo ba ang pag-ibig? Sa panahon ngayon babae
man o lalaki parehong naghahanap na rin ng seguridad sa buhay. Kahit di ka maganda o
guwapo nag-iiba ang paningin sayo kung maykaya ka. Pera ang magpapaangat ng iyong mahirap
na kalagayan. Ang pag-ibig napapag-aralan, ang puso madaling turuan pero hindi ang kumakalam
na tiyan. Kaya kung iibig ako, pera ang pangunahing dahilan. Mahirap hanapin ang pera, kaya
kung may manligaw sayong maykaya magdadalawang isip ka ba?Kahit nga maglakad ka
mula Aparri hanggang Jolo di ka basta makakakita ng piso. Subukan mong mageksperimento.
Dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas kahit sino papatol sa piso.

Pag-ibig: Love will find a way – Lionel Ritchie


Dahil sa pag-ibig kahit wala kang pera makakagawa ka ng paraan dahil sa pagmamahal na
magbibigay sayo ng inspirasyon para kumilos, mag-isip at gumawa ng paraan at mga desisyon na
magpapabago ng iyong kalagayan. Mas masipag kang magtrabaho at mas gusto mong
magtagumpay dahil sa mahal mo. Madaling kumita ng pera kung magsisipag ka lang. Aanhin mo
ang isang taong hindi mo naman gusto? Mahirap pilitin ang pusong umibig.
Paano ka magiging masaya sa araw-araw kahit na nakahiga ka pa sa pera kung ang puso naman ay
malungkot at walang gana? Dahil ang puso kapag nagmahal harangan mo man ng itak ay gagawa
pa rin ng daan upang ito ay lumigaya. Walang mahirap gawin. Walang impossible kung tungkol
sa puso ang usapan.

Pera : Money changes everything – Cindi Lauper


May kasabihan tayo, ” When povery knocks at the door, love flies out of the window.” May
pagkakataon na kahit mag-asawa na kayo kapag nakakita ang isa na mas may pera, lahat
nagbabago. Lahat iniiwanan alang-alang sa pera.
Kahit na nagsumpaan pa kayong magsasama habang buhay. Maraming kasong ganyan. Kahit
sobrang in-love kayo sa isa’t isa minsan hindi nyo na iniisip ang kinabukasan at epekto
nito. Nasaan ang dakilang pag-ibig na sinasabi mo? Ayun at sumama na sa iba na may pera.

Kaya kung ganun lang din pala e di sa una pa lang mag-asawa ka na agad ng maykaya at legal
pa. Bakit kamo? Ito ang magiging dahilan ng mabilis na pagbabago ng iyong buhay. Makakabili
ka ng bahay, kotse. maraming pera sa bangko, makakapag aral ang mga anak sa magandang
eskuwelahan, makakapaglakbay sa iba’t ibang lugar. Hindi lang naman para sa sarili mo ang
mahalaga syempre pati pamilya at mga anak mo pa. Minsan, sinasakripisyo mo rin ang sarili alang-
alang sa kapakanan ng iba.

Pag-ibig: Nothing’s gonna change my love for you – George Benson


Maaaring piliin ka ng isang tao dahil lang sa pera mo pero darating din ang araw na malalaman
niya na hindi nakakapagpaligaya ang pera. Bakit maraming mayaman ang pumapatol din sa mga
hindi nila kauri? Pero kapag umibig ka ng tunay sa isang tao, kahit mahirap ka pa sa daga ay
tatanggapin mo siya dahil ito ang magiging inspirasyon mo para kayo maging masaya. Kahit
magdildil pa kayo ng asin at bagoong , kung maligaya naman kayong nagsasama kahit sa isang
maliit na kubo lang yun ang mas mahalaga. Hindi naman lahat ng bagay nabibili ng pera
diba? Simpleng buhay. Simpleng saya. Marami ka ngang pera, marami ka ring problema.

Pera : Money, Money, Money – ABBA


Marami rin naman ang problema kahit mahirap ka. Ano ba ang mas gugustuhin mo? Hindi ba mas
madali at magandang ayusin ang problema habang nakahiga ka sa maraming pera? Inlab na inlab
ka nga pero ang sikmura mo naman ay kumakalam. Kung paminsan-minsan okay lang pero kung
araw-araw naman, hindi ba nakakasawa na? Matitiis mo bang nagugutom ang pamilya mo?

Ano ba ang masama sa pera kung marami naman itong idudulot na saya sa buhay mo , marami ka
pang pwedeng paggamitan at magawa kung mas me pondo ang bangko mo kesa wala. At kapag
meron kang mabigat na problema sa buhay, pera lang ang katapat niyan ay solve na solve na. Kung
may sakit ka, gamot at operasyon mo magagawa mo bang bayaran kung wala kang pera? Hindi
mo nga alam kung saan ka uutang minsan eh humahanap ka ng madedelihensiya lalo na kung
mahal mo sa buhay ang nasa panganib. Kaya sa oras ng problema o anumang sakuna hindi na
masama kung marami kang pera.
Pag-ibig: Love, Love , Love – Of Monsters and Men
Dahil sa pag-ibig napuno ng tao ang mundo. Dahil din sa pag-ibig masaya at malusog ang tao dahil
ang pagmamahal ang isang bagay na nagsisilbing gamot sa ating isip at pusong sugatan. Minsan
nga hindi mo na kailangan ang gamot o ano pang remedyo sa katawan o isipan basta pag-ibig lang
sapat na. Lahat ng problema nakakaya mo. Ilang libong tao na mayaman na ba ang nagpakamatay,
naglasing, nag-droga at naloka dahil iniwan ng kanilang mahal? So ngayon bakit mo sasabihin na
hindi ito mahalaga sa buhay kung ito mismo ang nagiging dahilan ng kamatayan? Nasaan ang
perang kayang bumili ng ligaya? Kung ang mayamang may pera nga ay nagagawa ang mga bagay
nato, edi mas lalo naman ang pangkaraniwang tao na wala-wala na nga sa buhay, mawawalan pa
ng minamahal? Ito na ang pinakamasaklap na bahagi ng buhay. Mas kakayanin ko pang mawalan
ng pera dahil pwede namang magtrabaho kesa mawalan ng minamahal.

Pera : Show me the money – Petey Pablo


Kapag nag-asawa ka, pera lang ang kailangang ipakita at magiging iyo na ang binukayong “OO”
niya. Kahit nga di ka na magsalita pa, kapag nagliliwanag na ang mata ng kaniyang pamilya,
siguradong hinihila ka pa ng papasok na sa tahanan nila at sa gara pa lang ng kotseng dala mo, eh
palakpak tenga na sila, lalo pa kung may dala ka pang mamahaling regalo, cool agad ang dating
mo para sa kanila. Minsan pa nga pipikutin ka pa para lang wala ka nang kawala. Meron talagang
ganung mga magulang, Masisisi mo ba sila lalo na kung puro kahirapan ang pinagdaanan
nila. Security ang habol nila para sa anak nila dahil nagsawa na sila. Just show them the money.
Walang kahirap-hirap, diba? Kaya nga tinawag na bulag ang pag-ibig dahil di nakikita ang realidad
ng buhay.

Pag-ibig: Show me love – Sam Feldt


Mas wala namang kahirap hirap kung sa pag-aasawa at pagpili ng isang minamahal, tapat na pag-
ibig lang ang kailangan mong ipakita upang mapatunayan mong karapat-dapat kayo sa isa’t isa.
Maging ang turo ng simbahan nga ay sinasabing , ang tanging dahilan lang ng pagpapapakasal ay
kung kayo ba ay talagang nagmamahalan.Madaling kasing sabihin sa taong mahal kita pero ang
patunayan ito yan ang mahirap gawin. Mahal mo siya, oo. pero sakripisyo, kaya mo?

Maraming halimbawa ng mga kuwento ng pag-ibig na naging inspirasyon natin sa araw-araw na


buhay tulad ng mag-asawang magkasama ng 75 na taon at magkasunod na namatay dahil hindi
nila matanggap ang buhay na wala ang isa. Ang pagiisang dibdib ng isang may kapansanan at
normal na tao. Ang pagpapakasal sa isang taong maysakit at malapit ng mamatay pero buong
pusong sumumpa hanggang kamatayan. Pero tignan mo ang mga bonggang kasalan na gumastos
pa ng milyon at pagkatapos ng ilang taon ay naghiwalay na at minsan pera pa ang dahilan kung
bakit pinapatay ang asawa. Nakakalungkot kung iisipin.

Pera : Moneytalks –
AC/DC i

Saan mang bagay , lugar at sitwasyon, pera lang ang usapan okay na. Sa pag-aasawa, sa mga
kaibigan, sa pulitika,sa lipunang ginagalawan iba ang pagtingin sa taong may pera kesa sa wala.
Oo, sadyang merong mga tao lang talaga na mapanghusga ng kapwa pero di kasalanan ng pera
yun. Kapag wala kang magarang sasakyan, malapalasyong
tahanan o wala kang titulo sa pangalan hindi ka mabibigyan ng tinatawag na special treatment saan
ka man magpunta.

Nabalitaan mo ba ang isang simpleng lalaking naka shorts at sinelas na pumasok sa isang sikat na
tindahan ng kotse at nagtatanong sa halaga ng isang sasakyan? At dahil hindi pinansin ng mga
empleyado dahil sa kanyang kasuotan bumili sya ng kotse sa kalabang tindahan. Oo nga sa
delikado ang panahon ngayon at, nag-iingat sila sa mga ganyang hitsura pero paano bakit ka
nahuhusgahan dahil lang sa iyong kaanyuan.. True enough, money talks a LOT.

Maraming kaso rin ng mga bangkong nahoholdap dahil sa gwapo at nakaporma pa ang mga
kriminal. Syempre seryosong business din ang panghoholdap kaya kina-career nila yan. Ayon daw
sa mga pag-aaral na ginagawa, ang mga gwapo at magaganda ang unang natatanggap sa trabaho,
yung mga nagtapos sa mga sikat na eskuwelahan o yung may backer na sikat. It’s who you know,
diba?Dahilan: PERA.

At sa U.S maraming mga babaeng Amerikano ang yumayaman sa pamamagitan ng divorce at


alimony. Mas maraming asawa, mas bongga. At ang mga divorce lawyers din kumikita. Maging
ang mga suspek sa isang krimen ay nahahatulan minsan base sa kanilang panglabas ng anyo,
hitsura at kasuotan. Mas masama daw ang tao kapag pangit ang hitsura o kaya maitim. Racist ang
dating pero tama ba naman yun? At higit sa lahat, kahit na guilty ka pa, milyones mo lang ang
katapat ay abswelto ka na sa isang krimen. Ang mga walang pambayad madaling itapon sa
kulungan. Kaya kung tatanungin mo nasaan ang hustisya? Walang duda, nasa PERA.

Pag-ibig: Love says it all – Corey Smith


Makata at mahiwaga ang pag-ibig. Maraming bagay ang di kayang ipaliwanag ng mga simpleng
salita. Dahil puso lang daw ang makakapagsabi ng tunay na nararamdaman. Kapag mayaman ka
sa pag-ibig daig mo pa nga ang tumama sa lotto. Lahat ng bagay maganda. Lahat ng bagay sayo
may meaning. Nakakaya mo lahat ng problema. Maraming halimbawa ng mga tao noon at ngayon
na namuhay ng maligaya kahit walang pera. Pag-ibig lang ang isang bagay sa mundo na hindi
matutumbasan ng pera.

Pera : I Wanna Be Rich – Calloway


Mas gusto kong yumaman kesa manatiling mahirap. Mas gusto kong umangat ang aking pagkatao
sa pamamagitan ng pera. Mas gusto kong mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang aking
pamilya. Hindi naman masama ang pagiging mayaman kung gagawin mo sa tamang paraan. Hindi
mo gagamitin ang pera para abusuhin ang kapwa o bumili ng isang tao, posisyon o bagay sa hindi
magandang rason. Huwag nyong kamuhian ang salapi dahil hindi naman ito ang nagdudulot ng
kasamaan sa mundo kundi ang kaisipan ng taong mapang-abuso at mapangsamantala.

Pag-ibig: I Want To Know What Love Is – Foreigner


Sa pagtatayo ng isang pamilya, sa pagpapaunlad ng kinabukasan mas gusto ko pang magsimula sa
tamang paraan. Yung mahal mo ang taong iyong pinakasalan, yun umangat ang buhay dahil sa
pagsisikap at malinis na paraan. Yang pag-ibig na yan kung gagamitin ng tama ang magbibigay
ng inspirasyon at magdadala sa tao para umangat ang kanyang kalagayan. Kahit gaano tayo katagal
na naglalakbay sa buhay ng kasaganaan at kayamanan, dumarating yung punto na kailangan natin
ng isang bagay na totoo – pag-ibig.

Masaya nga ang iyong isip at katawan pero malungkot naman ang iyong puso at kalooban. At
kapag dumating na ang oras ng ating kamatayan, hindi pagpanaw ang mahalaga kundi yung
katotohanang may mga tao bang tunay na nagmamahal sa iyo o wala. Kadalasan kapag ang isang
taong mayaman ang mamamatay lahat ng kamag-anak ay dumadating dahil sa iisang bagay – pera.
Pero kapag ang isang taong mahirap ang mamatay at nandoon lahat sila, isa lang ibig sabihin nun-
totoong mahal ka nila.

Pera : She works hard for the money- Donna Summer


Kapag nagasawa ka ng mahirap at kulang ang perang binibigay ng asawa, napipilitan tuloy ang
mga babaeng magtrabaho dito sa atin o sa labas man ng bansa para lang makatulong sa mga
gastusin sa bahay lalo na kapag may mga anak na. Pagdating pa sa bahay trabaho pa rin at alaga
pa ng mga anak. Kadalasan pa, kahit pagsusuklay lang ng buhok ay hindi na magawa at pagdatiing
ng asawa galing ng trabaho , ayun at amoy kusina pa siya. Pero kung may pera ang napangasawa
ng isang babae, kahit na sitting pretty na lang siya maghapon dahil may katulong na gagawa ng
mga trabaho sa bahay at may yaya na mag-aalaga ng mga bata, pagdating ng katapusan susuweldo
pa siya sa asawa ng walang kahirap-hirap.

At syempre, ang ganda niya mas lalong bobongga dahil hindi siya stress sa paghanap ng pera.
Pagdating ng weekends, lalabas lang kasama ng mga amiga para magshopping sa allowance na
bigay ng asawa. At kung gusto niyang magtrabaho, ang perang kikitain niya syempre nae-enjoy
pa nya. But she doesn’t have to work hard for the money talaga.

Pag-ibig: That’s the way love works – Toni Braxton


Hindi mo makikita ang tunay na kahulugan ng salitang pag-ibig kung lagi kayong masaya at
walang problema. Kapag dumating sa buhay na kailangan nyong mag-away dahil sa
maraming dahilan tulad ng pagsubok, tukso, problema, yung pinaka-lowest point ng buhay na wala
na kayong pera diyan lang napapatunayan ang lalim ng pagsasama. Yung kailangan nyo pang
dumaan sa maraming stages ng paghihiwalay, pagbabalikan at muling paghihiwalay at
pagbabalikan, doon lang nyo malalaman na ganito pala talaga kahalaga ang pag-ibig. Kayo lang
dalawa ang makakaalam niyan dahil sabay nyong pagdadaanan. Yung mga mabibigat na
problema, wala yan sa mga taong tunay na nagmamahalan.

Pera: : Money for nothing – Dire Straits


Kung mag-aasawa ka hindi ka ba matututuwa kung magkakaroon ka ng bonggang kasalan at
honeymoon at ang tanging puhunan mo lang ay iyong gandang taglay. Hindi mo na nga kailangan
ang masyadong maging matalino dahil sa desisyon mong magasawa ng isang mayaman ay isa sa
da best the desisyon na gagawin mo sa buhay para sa iyong magandang kinabukasan. Isang
magandang investment na yan. Bakit mo papahirapan ang sarili mong magkuskos ng sahig buong
maghapon kung pwede ka naman bumili ng vacuum cleaner o mag-hire ng isang maid para
gumawa nito? Hindi mas magandang nandun ka sa parlor na nagpapa-spa at nakiki-chika sa iyong
mga amiga?

Pag-ibig: Nothing but love – Mr.


Big
Gaano man tayo kayaman, kasikat o matagumpay sa ating pamumuhay dito sa lupa, minsan parang
pakiramdam natin parang kulang pa rin dahil walang taong maari nating pagbigyan ng ating
totoong nararamdaman. Yung isang taong tatanggap ng lahat ng ating kahinaan, lahat ng ating mga
nagagawang mali. Yung taong kasama mong tatalon sa tuwa sa oras ng iyong tagumpay at kasama
mo ding iiyak sa iyong pagkatalo. Yung taong susuporta sa lahat ng iyong pagdadaanan, mahirap
man o madali. Yung taong hinding hindi ka huhusgahan at lagi kang maiintindihan. At kung
sakaling hindi ka man niya maintindihan, pero nananatiling nandiyan lang para sa iyo at hindi ka
naman niya iiwanan.

Pera : For the love of money – The O’


Jays

Maraming bagay kang gagawin alang-alang sa pera. Magsikap para umangat sa trabaho.
Magtapos ng pagaaral para makahanap ng disenteng trabaho. Tumaya sa lotto, malay
mo manalo after 20 years. Sumali sa lahat ng klaseng pakontes sa TV, radio at social
media. Singing kontes sa barangay hanggang national TV.. Mag -networking. Direct
Selling. Magworking student. Mag-OFW. Overtime everyday. Home based
business.Buy and Sell. Pasaload. Maraming naman talagang paraan. Yung lang ang isa
sa pinakamabilis lalo na kung may hitsura ka naman – magasawa ng mayaman, walang
kahirap hirap. Dahilan? For the love of money.

Pag-ibig: Love is stronger far than we – Esther Satterfield


Mas malalim ang pag-ibig mas nagiging matibay ang pagsasama. Pagdating sa pag-ibig lahat
nagiging maganda at masaya. Kapag malayo sa isa’t isa pag-ibig lang ang taling nag-uugnay sa
inyong dalawa harangan man kayo ng sibat o guera. Kapag magkasama naman lahat ng bagay
nagiging makulay at walang impossible. At kapag naman nasawi, hindi rin maipaliwanag ang sakit
na nararamdaman. Parang gusto mo na ring mamatay dahil nawawalan ng saysay ang buhay. Yung
iba’t ibang kulay ng bahaghari napapalitan ng maitim na ulap. At sa kapal ng ulap na yan tuluyan
itong babagsak kasama ng lungkot na nararamdaman na para bang umiiyak din kasabay sa malakas
na pagpatak ng ulan.

Pera : What’s the color of money- Hollywood


Beyond
Wala akong nakitang taong mayaman na hindi masaya dahil may pera. Dahil kung may pera ka
lang mas madaling iresolba ang mga problema. Ang nagpapasama lang ay ang kaisipan ng mga
taong nagsasabing ,” money is the root of all evil.” Ang pagtatayo ba ng malaking kumpanya at
pagkakaroon ng tao ng mga trabaho ay isang masamang bagay? Ang pagpapalago ba ng negosyo
upang mapaunlad ang ekonomiya ng isang pamayanan o bansa ay isang bagay na gawa ng
demonyo?

Pag-ibig: Red is the color of my love – Britney Spears


Oo marami ngang paraan para kumita ng pera sa maayos na paraan pero paano naman ang mga
hindi mabubuting bagay na ginagawa ng tao alang-alang sa pera. Ang paghahari-harian ng mga
kapitalista na sumisira sa mga tao at mundo. Ang pagnanakaw. Pumatay ng tao. Lokohin ang
kamag-anak o kaibigan. Pyramid scam. Prostitution. Easy Money Scheme.Drugs at mga kartel.
Sinasamba ng iba. Sinasangla ang kaluluwa para lang dito. Nawawala ang prinsipyo. Kinakain ang
pride. Lahat lahat na. Love yan ang mahalaga. Yan ang nagbibigay pag-asa sa mga problema. Yan
din ang dahilan kung bakit patuloy pagdami ng tao. Pag-ibig ng Diyos o pag-ibig para sa kapwa
tao. Pag-ibig, yan lang ang nag-iisang bagay na pang-habangbuhay. Mamamatay man lahat ng tao,
mananatili pa ring pag-ibig ang patuloy na bubuhay at magpapaikot sa mundo.

VERDICT:
Sino nga ba sa kanila ang tama, Pera O Pag-ibig ba ang mahalaga sa pag-aasawa?

Tama kaya ang binitawang salita ni Lola Nidora tungkol sa pagsubok na pinagdadaanan ng pag-
iibigan ng ALDUB sa ngayon na . . .

“Hindi sapat ang yaman para ibigin ang tao. Ang pag-ibig, nararamdaman, hindi
binibili!

– Lola Nidora
Ang hatol ng inampalan, maaari rin namang pagsamahin ang dalawa dahil pareho naman itong
mahalaga sa pag-aasawa at pagtatayo ng pamilya. Hindi ba mas okay kung mahal mo na, may pera
pa. Actually, bonus na lang ang pera dahil pag-ibig naman talaga ang unang dahilan diyan. Pero
sa isang banda maraming kaso rin ng mag-asawa na nagsimula sa wala at nagtutulungan dahil sa
matinding pagmamahalan sa isa’t isa ay umaangat ang buhay dahil sa pagsisikap na mapaganda
ang buhay nila.

Maaari rin namang mahalin ang isang taong maykaya nang buong puso nang hindi tumitingin sa
pera at walang pagnanasang kamkamin ang kayamanan niya at sa halip ay tulungan ang kapareha
na palaguin at pagyamanin ito para sa mas magandang kinabukasan ng pamilya.

Eniwey, bilang pagtatapos sa mainit na usapang ito, isa lang ang masasabi ko.

Tandaan, ang pag-aasawa ay isang importanteng desisyon ng isang tao, anuman


ang maging dahilan mo dapat na laging ihanda ang sarili, puso at isipan sa
anumang magiging kahihinatnan o resulta ng desisyon sa buhay at kinabukasan
mo.
Source: https://www.google.com.ph/amp/definitelyfilipino.com/blog/debate-pera-o-pag-
ibig-alin-ang-mahalaga-sa-pag-aasawa/amp/

Topic 2 – Ano ang mas mahalaga, edukasyon o kayamanan?

Ano nga ba ang higit na mahalaga, edukasyon ba o kayamanan? Kung


tutuusin ay pareho lang naman itong mahalaga dahil ‘di mo puwedeng
paghiwalayin sa isa’t isa. Pero sa ating mga Pinoy, gaano man kahirap ang
isang pamilya, laging nating naririnig na pinapahalagahan natin ang pag-
aaral. Di ba’t sinasabi ng mga magulang sa kanilang mga anak na mag-aral
silang mabuti dahil tanging edukasyon lamang ang kanilang maipapamana?
Ang ilan nga ay iginagapang pa ang pag-aaral sa mga anak dahil ayaw nilang
matulad ang mga ito sa kanila na mangmang o walang pinag-aralan.

Pero tanggapin man natin at hindi at mahalaga ang pagkakaroon ng


kayamanan bagama’t kaya mo naman itong kamtan kung mayroon kang
edukasyon. Siyempre, ang ating utak ang lilikha kung paano natin
mapapaganda ang ating buhay. Madalas nating marinig na kapag mayroon
kang pinag-aralan ay malayo ang iyong mararating. Tama ito pero hindi rin ito
palaging totoo. Depende pa rin ito kung ano ang iyong nagging propesyon
pagkatapos mong mag-aral. Kung ikaw ba ay naging duktor, enhinyero,
aboguda at kung ano ang propesyon na may matataas na sahod. Mas
maganda kung naging isa kang bigtime na negosyante. Talagang masasabi
mo na malayo ang narating mo sa buhay dahil umangat nang husto ang
iyyong buhay. Marami rin namang nakapagtapos ng pag-aaral, ‘yun nga lang
ay naging empleyado at sumasahod lang ng minimum.

Pero paano ka makakapag-aral kung kapos ka naman sa


kayamanan? Kaya nga maraming talino ang nasasayang dahil lamang sa
wala silang pera. Marahil ay may mga kilala tayo na matatalino pero
nasayang lang dahil walang-wala talaga sa buhay. Kaya nga ang iba ay
nagsisikap na makakuha ng scholarship at ang iba naman ay mapapalad
dahil mayroong tumutulong sa kanila sa pag-aaral. Puwedeng mayroon silang
sponsor o ‘di-kaya’y may kaanak na mas nakakaangat sa buhay ang
tumutulong sa kanila. Pero paano kung wala, eh ‘di wala na?
Sa kabilang banda naman, kaawa-awa ang mga taong mayroong
kayamanan pero kapos naman sa talino? Paano nangyari ‘yun? Sila ‘yung
mga taong napamanahan lang ng kanilang mga magulang ng kayamanan.
Pero hindi naman marunong humawak ng pera kaya’t ang nangyayari ay
nauubos din ang mga ito. Maihahalintulad sila sa ilang nanalo sa lotto, nang
manalo ay hindi alam kung paano papalaguin ang kanilang pera. Kaya’t sa
halip na i-invest, ang ginawa ay gastos doon, gastos ditto. Sa huli ay walang
natira sa kanila, maliban sa bahay na kanilang nabili. Ang iba nga ay naibenta
pa ang bahay dahil imbes na pakinabangan ang premyo sa lotto ay namulubi
pa. Ang suma total, balik sa dating buhay.

Topic 3 – Dapat ba o hindi dapat ipatupad ang k-12?


Lakandiwa:

Magandang umaga mga Binibini at Ginoo,


Ako po’y nagaagalak makaharap kayo.
Isang makabuluhang pagtatalo ating matutunghayan.,
Pagtatalong pwedeng magbigay liwanag sa ating bayan.
Noong umupo bilang bagong pinuno,
bilang isang pangulo.
Ang napasikat at napakadilaw na Noynoy Aquino.
Sari-saring batikos binato sa kanya,
Batikos na sadyang minulat ang ating isip at mga mata.
Ang K+12 Policy ating paksa,
Paksang ukol sa edukasyon ng ating bansa.
Ang high school raw ay dagdagan ng dalawang taon,
Ang K naman ay para sa kinder institutionalization.

Ngayon ating dinggin ang babaeng malakas ang dating,


Ang babaeng galing Korea na kinasal sa isang Pilipino,
Ang babaeng nangangalan ay Nesa,
Na tutupad sa repormang edukasyon.
Palakpakan natin siya,
Pakinggan at intindihin si Binibing Vanesa.

Vanesa:

Ako’y kinikilala bilang boss ng DepEd,


Pilipinong buong buo sa dugo, puso’t isipan.
Ang pangalan ko ay Vanesa Lee Roque,
Narito ako para bigyang tamang pag-unawa ang proyekto ng gobyerno.
Isa munang paglilinaw bago po magkagulo ang lahat,
Sana’y makinig kayo.
Ang K+12 project ay platapormang tungo sa pagbabago,
Pagbabago para sa ating bansang nangangailangan.
Upang ang edukasyon ng Pilipinas ay malinang.
The fruit of this change will benefit the next generation,
On behalf of the government, I speak to erase the misconceptions.

Yjuv:

Salamat sa unang pananalita, Binibining Roque.


Ngunit sayo’y may kokontra,
Ang lalaking to,
Ay si Yjuv Toquero.
Ginoong galing probinsya, ginoong akibista.

Ako po si Yjuv Toquero,


Sa usapin ng K+12, tutol ako.
Sapagkat ang programang sadyang ay hindi
“Ang tanging solusyon t’wina sa edukasyon”
Problema ng ating bansa.

Vanesa:

Ang edukasyon ay para sa lahat,


Ito’y aming tutuparin na tapat
Bibigyan pangarap ang bawat Pilipinong bata,
Para sa kinabukasang walang problema
Tulad ng Europe, East Asia, Amerika at iba pa,
Ang total number of years ng primary education ay dapat labindalawa
Oras na ng pagbabago,
Pilipinas nalang ang inaantay ng mundo

Yjuv:

Ako po’y lumaki sa probinsya,


Probinsyang dukha.
Nanay ko, tatay ko, magsasaka.
Sapat na kita nila,
Upang kami’y makatuka.
Pagdadagdagan pa ng dalawang taon,
Naku! Tuition fee ko!
Paghihirap nila madagdagan pa.
Isipin mo, ang dalawang taon na iyon,
Pwede nang dalawang tao sa kolehiyo ngayon.
Ang K+12 ay magastos sa parte ng gobyerno,
At lalong mas magastos sa parte ng pamilya ko.
Vanesa:

Ang edukasyon ay isang investment.


Investment sa mga anak nating magiging doctor, abogado, teacher, nars, pati seargent,
Kung ikaw nasasayangan para sa magiging produkto na ang mga magulang din ang
makikinabangan,
H’wag ka nalang mag-aral!
Ang proyektong to’y para sa kabubuti ng bansa.
Batay sa pag-aaral, lagpak ang Pinas sa Math at Science
Dahil kulang sa pagsasanay at aplikasyon mga guro
Kailangan i-angat ang Pilipinas! Oo, i-angat natin to!

Yjuv:

Mga kaibigan, h’wag kayong magpabulag sa kaibigan kong duwag!


Ako’y paniwalaan, na K+12 ay hindi lamang ang solusyon sa edukasyon ng ating bayan.
Gobyerno’y sana’y mas paigtingin,
Ang problema sa kaledad ng mga guro natin.
Isipin mo to Madame Koreana,
Sige mag-aral ka nga mahabang panahon.
Ngunit guro mo ay hindi trained at incompetitive,
Haha…ang K+12 ay di napapanahon!

Vanesa:

Ano ba silbi ng high school diploma?


Bumabata ang ating workforce, nakakahiya naman.
Ang bansa ay nangangailangan ng skilled workers! Hindi mga batang nagtratrabaho.
They belong to the classrooms studying and exploring the world,
At hindi sinasayang ang talino.
Maawa naman po tayo sakanila.
Ganap na propesyonal, sila’y hindi pa.

Yjuv:

Papabulaanan ko ‘yang mga binaggit mo.


Ako’y babalik sa konsepto ng “kalidad” ng edukasyon rito.
Di mo ba alam na tataas ang drop out rates kapag tinupad ang K+12?
Tignan mo, gumawa pa ng mas malaking problema ang policy!
Isa pa, alam mo bang kulang ang mga silid, upuan, at eskwelahan?
Ang K+12 mo rin ba ay kayang resolbahin ang problema sa kakulangan ng libro
O K+12 lang ba ang talaga ay kabaliwan ng gobyerno?
At alam mo binibini, h’wag mo na ipagpilitan,
K+12, walang silbi yan.
Isipin mo, ano nga ba ang problema,
Kung bakit sistema ng edukasyon natin sabog sabog na,
Korupsyon ang dahilan, wala ng iba!
Korupsyon dahil sa kasakiman,
At katakawan sa kapangyarihan!

Vanesa:

Bakit kaya’y lumalayo ang aking kausap sa pinag-uusapan?


Edukasyon ang pinag-uusapan natin dito
Hindi ang korupsyon na pinagsasabi mo
Ang dami mong alam
Maghugas ka na lang ng pinggan!
Heto na lang, ipapakita ko sa’yo kung bakit natin kailangan itupad ang K+12.
Di na tumatanggap ng mga Pilipino ang European nation,
Dahil sa kababahan ng sistema ng ating edukasyon.
Nahihirapan ang mga nanay at tatay kumayod sa ibang bansa.
Ang mga Pinoy na matatalino,
Nagpapakababa’t minsay binobobo.
Ang mga doktor dito ay nagiging nars lamang,
Maging midwife kulang nalang
Ang mga guro ay nawawalan ng dignidad
At buhay nila’y may pait,
Sapagkat silay nagpupunas lamang ng mga p’wet ng mga batang singkit!
Ang mundo ay nagbabago na,
Globalisasyon nasa harap na ng lahat,
Makibagay, makiuso, sumunod iyon ang dapat

Mahirap ang daan tungo sa pagbabago


Ngunit magiging maganda din ang bunga nito.
H’wag nating isara ang ating kaisipan at tayo’y magpakatino,
Gumawa tayo ng paraan upang making din sa sinasabi ng gobyerno.
Ang edukasyon ay dapat para sa lahat.
Baguhin ang sistema, maging internationally competitive,
Ito ang dapat.

Yjuv:

Mga kaibigan ko inyong natunghayan,


Ang debate namin ni binibining Koreana.
Ang sa’kin lang po,
Huwag magpapabulag sa mga programang ‘di naman totoong kailangan.
K+12 andaming loopholes, andaming problema.
Sa K+12 uunlad ba talaga edukasyon sa ating bansa?
Pag-isipan natin ng mabuti, kabayan.

Lakandiwa:

Mga kaibigan, K+12 nga ba ay solusyon


Sa problema ng edukasyon?
Mga kaibigan, ating isasara ang balagtasan na makabuluhan,
Ang balagtasang kailangan.

Source: https://www.google.com.ph/amp/s/balaysugidanun.com/2011/03/19/balagtasan-
dapat-ba-o-hindi-dapat-ipatupad-ang-k12/amp/

VI. Tekstong Prosidyural

A. Proseso
Pagsama-samahin ang mga dry ingredients like flour,salt etc.
sa isang bowl tapos sa isang bowl naman yung wet ingredients
like egg, milk, etc. Tapos pagsasamahin na at hahaluhin
hanggang sa maging malagkit na dough. Lagyan ng harina ang
paglalagyan ng dough para hindi ito dumikit tapos masahin
hanggang sa maging okay. Ilagay sa oven at pagkatapos ng
ilang minuto ay okay na ang tinapay mo.

Source: https://brainly.ph/question/407068
B. Resipi
Menudo

Sangkap:
1/2 kilo laman ng baboy, hiniwang pakudrado
1 tasang atay, hiniwang pakudrado
2 kutsarang mantika
1 kutsarang bawang, dinikdik
1 pirasong sibuyas, hiniwang manipis
2 pirasong dahon ng laurel
1 tasang patatas, hiniwang pakudrado
1 tasang carrots, hiniwang pakudrado
1 tasa tubig
Asin at paminta
Tomato sauce

Paraan ng pagluto:
1. Igisa ang bawang, sibuyas, paminta at karme ng baboy hanggang
lumambot.
2. Idagdag ang dahon ng laurel at tomato sauce, pasingawan ng 5 minuto.
3. Idagdag ang patatas, carrots, atay at 1 tasa ng tubig.
4. Pakuluan hanggang maluto ang mga patatas, carrots, lagyan ng asin ayon
sa panlasa.

C. Gabay o patnubay sa isang gawain


Naririto ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng tula. Ang mga ito ay mahalaga
sapagkat ito ang bumubuo sa istraktura ng isang tula.

1. Sukat- Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa


isang saknong.
2. Saknong- Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o
maraming linya (taludtod).
3. Tugma- Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
4. Kariktan- Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang
masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
5. Talinhaga- Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
6. Anyo- Porma ng tula.
7. Tono/Indayog- Diwa ng tula.
8. Persona- Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong

Source: https://brainly.ph/question/553953

You might also like