You are on page 1of 10

Mahusay na Paglilingkod:

Pagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga ni Sec. Jesse M. Robredo

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Mahusay na Paglingkod: Pagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga ni Sec. Jesse M. Robredo

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Inihanda nina:

Susan S. Collano Celedonio B. Balderas, Jr Corazon Fatima A. Silerio Education Program Supervisors National Educators Academy of the Philippines Bicol DepEd, Region V

Pinatnubayan ni: Orfelina O. Tuy, CESO IV Regional Director

DepEd Region V

Pagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga ni Sec. Jesse M. Robredo

Ang kababaang loob, pagiging matapat sa paglilingkod sa bansa at mahusay na pamumuno ay ilan lang sa mga kapuri-puring katangian ng yumaong Sec. Jesse M. Robredo. Sa pamamagitan ng mga aralin na inihanda, ang mga mag-aaral, guro at mga namumuno sa paaralan ay patuloy na makikilala si Sec. Robredo at matututo mula sa kaniyang mga gawi at gawain. Ang Modyul para sa Araling Panlipunan sa Sekondarya ay naglalayon na matalakay ng mga mag-aaral ang mga mahahalagang halimbawa ng mahusay na paglilingkod. Sa gayun, mapapahalagahan nila ang matapat na pagganap at paglilingkod sa bayan ng mga pinuno o opisyal ng pamahalaan. Sa pagtatapos ng Aralin, ang mga mag-aaral ay gagawa ng sariling resolusyon ayon sa mga aral ng teksto. Hinihikayat ang mga guro na baguhin ang ilang bahagi ayon sa pangangailangan at kakayahan ng mag-aaral upang higit na maunawaan ang tema at mensaheng ipinaabot.

Modyul sa Araling Panlipunan para sa Sekondarya (Base sa inspirasyon ng buhay ni DILG Sec. Jesse M. Robredo) Pangkalahatang Ideya Ang modyul na ito isinagawa upang mailapat sa simpleng teksto at aralin ang makabuluhang prinsipyo sa pamamahala at pagseserbisyo ni dating DILG Secretary Jesse M. Robredo. Inaasahang sa pagtalakay nito sa mga klase ay mabibigyang kahulugan ang inspirasyong dulot ng pagpanaw ng butihing opisyal ng gobyerno. Dahil sa ang tema ay sumesentro sa pamamahala at pulitika, pinagbuting ipasok ito sa Araling Panlipunan sa lahat ng lebel sa hayskul upang ang mga mag-aaral ay makahugot ng mahusay at matalinong perspektibo sa kanyang personal at social na pamumuhay. Hinihikayat ang mga guro na baguhin ang ilang parte ng modyul na ito ayon sa pangangailangan at kakayahan ng mag-aaral upang higit na maunawaan ang tema at mensaheng ipinaabot ng aralin. My Goal (Ang Aking Layunin) 1. Nahihinuha ang maliliit at malalaking ideyang napapaloob sa teksto. 2. Natatalakay ang mahahalagang halimbawa ng matino at mahusay na paglilingkod. 3. Napapahalagahan ang matapat na pagganap at paglilingkod sa bayan bilang pinuno o opisyal ng pamahalaan. 4. Nakagagawa ng sariling resolusyon ayon sa aral ng teksto. 5. Nakabubuo ng sariling paglalahat tungkol sa katuturan ng prinsipyo ni Sec. Robredo kaugnay sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Tema: Kahusayan at Katinuan sa Pamamahala (Teksto/Kagamitan) Anti-Epal Campaign Memorandum Circular

Jesse M. Robredo, former DILG Secretary Source: http://bit.ly/hindisapat

My Initial Task (Ang Aking Paunang Gawain)

Gawain 1: (Pinoy Henyo) 1. Magsagawa ng paunang gawain na magpapakilala sa mga maliliit at malalaking ideya ng pamamahala. Gawin itong laro, Pinoy Henyo style. (Mga halimbawa: Ipapakita sa partner ang salitang lider, pamamahala, katangian, etc. Magbibigay ng mga salitang pakahulugan o may kaugnayan sa ideya. Sasagutin ng partner kung puwede, oo, o hindi. Ang may pinakamaraming maibigay na salita ang siyang panalo). 2. Kailangang itala ang mga sagot sa pisara upang makita ang mga kaugnay na ideya at ang pangkalahatang score. 3. Pagkatapos makakalap ng mga ideya, ipagawa sa mag-aaral (bilang grupo) ang pagbibigay ng kahulugan ng ideyang pamamahala at lider base sa kanilang mga salitang naibigay. 4. Linawin ang mga kahulugan at hayaang ikalugod ng mga mag-aaral ang kanilang nabuong pakahulugan. 5. Anu-ano ang mga katangian ng isang taong matino at mahusay ang inyong naitala? Gawin itong basehan at layunin sa pag unawa ng buhay ni Jesse Robredo sa susunod na gawain.

My Discovery Tasks (Ang Aking Tutuklasin)

Gawain 2: Pagtalakay sa buhay serbisyo ni Sec. Jesse Robredo. Hatiin ang klase sa tatlo. Ipamahagi ang sumusunod na vignettes o maiikling komposisyon. Basahin at pag-usapan sa grupo. Group 1 Sa Gitna ng Unos at Pagsubok Umaga noon pagkatapos ng paghagupit ng bagyong napakalakas sa buong Kabikolan. Karamihan ng mga tao ay abala kung hindi man sa paglilinis ng kanilang mga bakuran ay sa paghahanap ng mailalagay sa kalam na tiyan. Kami, na noon ay may pasyente sa ospital at naghahanap ng mabibilhan ng gamot, ay isa sa mga nakaapak sa putikang daan sa kahabaan ng Elias Angeles St. sa Naga. Nagsisimula na rin ang paglilinis kabilang ang mangilan ngilang volunteer. Nagulat kami sa aming nabungaran, ang butihing Mayor, kagyat na kumuha ng pala at dalidaling tumulong sa pagsasako ng mga putik na nakalatag sa buong kalsada. Sabay sa aming pagbati ay ang kanyang magalang na tanong: Ano po ang hinahanap ninyo? Sa tinuran naming pangangailangan na makabili ng

gamot ay agad niyang kinatok ang nooy magbubukas pa lamang na botika. Pagkatapos ay hinarap niya uli ang nakaumang na gawain sabay bigay instruksyon sa mga volunteer na hatiin na ang trabaho at ikarga sa trak ang nasako nang putik. Sa anumang anggulo tingnan, si Mayor ay para nang munting batang hindi magkamayaw sa pagkain ng tsokolate at nagkalat sa puting punit at basang t-shirt ang natapon na putik na kanyang kinakalkal. Sa aming paglingon at pagsambit ng pasasalamat, pawisang Mayor ang sumagot uli at nakuha pang magsabing: Sana ho gumaling na si nanay!

Group 2 QUEEN at QUEEN Plus Sino ba ang alam nyong pinuno na nagtitsek ng attendance ng magulang sa tuwing may PTA meeting sa paaralan? Sino ba ang alam nyong Mayor ang boluntaryong nagpapatala ng kanyang oras at pangalan sa binabalak pa lamang na pag-uusap sa paaralan? Si Secretary Robredo, noong Mayor pa siya ng Naga, ginagawang maging katulad ng lahat ng ordinaryong magulang na present sa PTA meeting ng mga pampublikong paaralan. Seryoso at malaki ang taya niya sa edukasyon ng kabataan. Sa pamamagitan ng Quality Universal Elementary Education for Naga (QUEEN) Project ni Mayor Robredo, ang lahat ng Nagueo ay may direktang benepisyo sa mga buwis ng siyudad. Sa ilalim ng proyektong ito, ang lahat ng pampublikong eskwelahan ay bibigyan ng katapat na pondo ng kanilang Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE upang maipatupad ang mga programa sa paaralan at maitaas ang antas ng kaalaman, pagkatutuo at higit na serbisyo sa edukasyon sa lahat ng mamamayan. Lahat ng may kabuluhang programa suportado niya hindi lang sa prinsipyo kundi sa pinansyal at moral na aspeto. Ang QUEEN plus ay sudlong ng QUEEN para sa hayskul. Sa paggunita ng isang principal: Kailangang ang anumang proposal sa pondong paglalaanan ay may malinaw na detalye at nagbibigay ng maraming pagpipilian upang higit na makita ang tamang paggastos at patutunguhan ng pera ng bayan. Kadikit ng ganitong responsibilidad ay ang pangangailangang maipaalam ang tamang paggamit at pagrereport ng pondo. Hindi makakakuha ng sunod na pondo ang eskwelahan kung hindi tama at kumpletong nairereport ang naunang
3

naibigay. At higit sa lahat, dapat may malinaw na sukat sa performance ng pinaglalaanan ng isip, pondo at panahon. Ang lahat ng ito ay nakaangkla sa prinsipyong ang mahusay ay daig ng mas mahusay, at ang mas mahusay ay pwede pang maging pinakamahusay. Group 3 Siya Mismo Sa isang ordinaryong pagkakataon at sa maraming okasyon, si Jesse ay nakasuot lamang ng shorts, puruntong at tsinelas. Ipinakikita niya ang kababaan ng kanyang mataas na katungkulan upang maipaabot sa masa ang mensahe ng paglilingkod. Pangunahing paraan ng transportasyon sa Naga ang tricycle. Ang regulasyon sa pagpapatupad ng tamang pamasahe ay isang pamana ni Secretary Jesse Robredo noong siya ay Mayor pa ng syudad ng Naga. Hindi pwede ang double pay o ang higit pang bayad para sa isang pasahero katumbas ng lima. Wika nga ng isang baguhang pasahero: Dito pala sa Naga, ang haba na ng biniyahe mo, 8.00 lang ang ibibigay mo. Mahirap man sa umpisa, ang mga drivers ay sumusunod na may pang unawa at disiplina. Itoy hindi lamang dahil batas ng syudad kundi dahil sa lahat ng pagkakataon, matamang kinakausap ng personal ni mayor ang asosasyon at ang lahat ng drayber sa Naga. Kumbaga, may laang panahon si Mayor sa lahat ng kanyang nasasakupan at pananagutan. Sa isang paggunita sa kanya ng isang superbisor ng DepEd Naga, ito ang mga pagpapatunay: Kapag may sunog at kahit alanganin ang oras, pupunta siya at magbibigay ng aliw sa pamilyang apektado, magpapadala ng goodies sa pamilya. Kapag may baha, siya mismo ang lumulusong sa tubig upang libutin ang apektadong lugar, nagbibisekleta upang kumustahin ang mga nasalanta. Kapag may fiesta, naglilibot, kapag may patay, mahirap man o mayaman hindi pwedeng hindi siya pupunta sa lamay. Hindi mo siya makikita kahit saan na hindi ka niya kukumustahin. Kapag nagpromise ng isang bagay, hinding hindi nya kakalimutan. Sisitahin ka pa kapag hindi ka na bumalik. At higit sa lahat, naglalaan ng sabadot linggo para kausapin ang mga pamilya sa mga nasasakupang lugar. Sa mismong wika ng isang Nagueo sa facebook sa pamamaalam ng butihing Secretary, ito ang kanyang nasambit: SIR JESS, your memories are truly treasured. Thanks for greeting us on our birthdays, for lighting candles with us in remembering our departed loved ones, for the roses you
4

give the ladies during valentines day, for cleaning up with us after a bad weather, for calling in the dead of night just to make sure everyone is OK and for simply teaching us to be true heroes for each other. Pagtalakay: 1. Basahin sa klase ang naka-assign na istorya sa inyong grupo. 2. Anong mga katangian ang ipinamalas ni Jesse Robredo sa istoryang binasa at tinalakay nyo? 3. Ano ang mensaheng natutunan mo sa istorya ng buhay pamamahala ni Sec. Jesse Robredo? 4. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng katangiang pagkamatino at pagkamahusay ? (Uri-uriin ito.) Katangian Matino Matamang pagpaplano Mahusay

Gawain Hal. Malinaw na detalye sa proposal

Kailangan ipakita Transparency at ireport ang ginastusan ng pondo May sukatan ng performance may malinaw na sukat sa performance ng pinaglalaanan ng isip, pondo at panahon Note: Kailangang mapalabas ng guro ang lahat na posibleng konsepto ng ideya ng pagkamatino at kahusayan sa pamamahala at serbisyo. Ipakita sa pamamagitan ng powerpoint ang mismong Accountability

sinabi ni Secretary Jesse Robredo: Hindi na sapat na tayo ay matino lamang. Hindi rin sapat na tayo ay mahusay lamang. Hindi lahat ng matino ay mahusay at lalo naming hindi lahat ng mahusay ay matino. Ang dapat ay matino at mahusay upang karapatdapat tayong pagkatiwalaan ng pera ng bayan. Talakayin ito kaugnay ng nahugot na ideya sa itaas. 5. Base sa inyong naunawaan, anong klaseng lider si Secretary Robredo? Akma ba ito sa nauna nyo nang pakahulugan? 6. Anong inspirasyon ang naidulot sainyo ng buhay, Gawain, at serbisyo ni Secretary Jesse Robredo? (Maaaring simulan ang tanong na ito sa pamamagitan ng pagbibigay muna ng guro ng kanyang sariling sagot o halimbawa.) 7. May kilala ka pa bang Jesse Robredo? (May kakilala ka pang may katulad na katangian ni Jesse Robredo?) My Final Tasks (Ang aking Pangwakas na Gawain) Gawain 3: Gumawa ng liham na nagpapahayag ng iyong pagkilala o paghanga sa kanya. Maaari ding gumawa ng liham para sa kanyang asawat mga anak. Gawain 4: Personal na Resolusyon (Paano ba ang maging matino at mahusay?) Sa natuklasan ko sa itaas, ito ang aking gagawin: Sa isang footshaped bond paper, isulat ang mga resolusyon sa sarili upang maging mahusay at matinong mag-aaral, anak, at mamamayan ng bayan. Gawin itong pang-araw araw na Gawain. Humingi ng lagda ng kaklase bilang monitor ng iyong resolusyon. Halimbawa: Ako si..Ako ay matino at mahusay sa aking mga gawain at mga gagawin sa paaralan, sa bahay at sa aking pamayanan. Ito ay aking paninindigan at ipapakita sa pamamagitan ng. Gumawa ng portfolio ng mga gawain at resulta ng iyong resolusyon. Pagyamanin ang iyong portfolio upang magsilbing tseklist at inspirasyon sa patuloy nyong

pagsagawa at pagsasabuhay ng inyong resolusyon. My Next Steps (Susunod Kong Gagawin) Iba pang Pwedeng Gawin Gawain 5: Magsaliksik tungkol sa iba pang mga ginawa (programa o proyekto) pang ekonomiya at pampulitika ni Jesse Robredo sa Naga at sa kanyang panunugkulan sa DILG. 1. Gumawa ng bookmarks na may slogan: Dapat matino at mahusayo kahawig na ideya. Gawin itong tema ng kampanya at panuntunan ng pipiliing mga lider sa tuwing may eleksyon ng SSG. 2. Suriin ang anti-epal campaign Memorandum Circular na nilagdaan ni Sec. Robredo. Anu-anong mga nakagawiang gawin ng mga pulitiko noon at ngayon ang itinutuwid ng kautusan? Gumawa ng reaksyon paper (grupo o indibidwal) sa alinman sa mga gawaing ito. Maaring ilathala sa school paper, sa facebook o twitter upang mabasa ng iba at makapagsimula ng karugtong na diskusyon sa iba pang mag-aaral. (Maaaring pumili ang guro ng magandang reaksyon paper at ibigay sa library upang maging patuloy na sanggunian ng mga susunod pang mag-aaral).

You might also like