You are on page 1of 5

KABANATA I

Introduksyon

“ It’s more fun in the Philippines ‘’, isa lang to sa ipinagmamalaki ng mga Pilipino sa mga
dumadayo sa Pilipinas. Hindi maipagkakait na masaya talaga sa pilipinas dahil sa mga magagandang
tanawin na makikita natin hindi lng sa isang lugar natin matatagpuan, sa iba’t-ibang lugar o sulok ng
Pilipinas. Isa na rin sa pinagmamalaki ng mga Pilipino ang ating karagatan o mga beach resort na
napakaganda na hindi lang isang beach ang ating mapupuntahan. Mga sikat na beach resort na kilalang
kilala sa pilipinas ay ang Boracay, Palawan at Coron na tinatawag nilang tourist spot. Meron pang
publiko at pribadong beach resort ang ating mapupuntahan.

Ang Pilipinas ay may maraming turismong maibibigay, Kung merong naghahanap ng


natural na kagandahan, mga sinaunang lugar, kultura at tradisyon, mga malikhaing kagamitan, at
paglilibang. Ang mga aktibidad ng turismo sa iba’t iba nating rehiyon ay may sariling
ipagmamalaking destinasyon at produkto. Ang rehiyon ng Visaya na katatapos lang sa kanilang
pinagdaan sa nagdaan matinding bagyong nagngangalang Yolanda. Sa lugar na ito ang
nagbibigay ng pinaka magagandang destinasyon sa ating bansa katulad ng Boracay, Cebu,
Bohol, Ili-ilo at Bacolod, na patuloy parin ang pagbibigay ng kasiyahan at serbisyo ng mga
Pilipino sa mga turista. Ang pagkakaroon ng pinakamahabang Coastline, ang Pilipinas ay
nagbibigay ng mga limidad na atraksyon makikita lang sa 7,107 na isla ng Pilipinas.

Ang “It’s more fun in the Philippines”, ito ay nagpapakita ng magandang simula sa
pagpapataas ng antas ng turismo dito sa Pilipinas. Ayon nga sa sekretarya ng Kagawaran ng
Turismo na si Ramon Jimenez “Ang linyang ito ay hindi manupakturang slogan. Ito’y simpleng
katotohanan lamang sa ating bansa. Kaya wag tayong magpapatibag sa mga taong gustong sumira
nito.” Isa na ang Cebu na kilalang may marami ding beach resort na mapupuntahan kung saan
matatagpuan ang Lapu-Lapu City na may ipagmamalaki ring mga pang publiko at pribadong beach
resort na tinaguriang ‘ Historic Resort City ’.

Bakit tinaguariang 'Historic Resort City' ang Lapu-Lapu City?. Dahil maraming
matatagpuang mga tabing dagat na malinis at pwedeng liguan ng libre ng mga tao at dito nagsimula
ang unang kabayanihan na nagpaalis sa mga mananakop na Espanyol sa bansa. Isang hindi
matatawarang karanasan ang malibot ang makasaysayang lungsod ng Lapu-Lapu na ayon sa
Philippines Outsource Web Developer ay isang primera klase at maunlad na lungsod sa Cebu.
Ang pagiging historic resort ng isla ang nagpapatunay na ito ay karapat dapat sa kanyang
reputasyon. Ang pagalam sa kasaysayan habang nagbabakasyon ang patunay na “mapapalaya mo
ang sarili mo” sa isla ng Lapu-Lapu. Meron ding kultura at kaugalian ng mga Cebuano o
Opongganon na maipagmamalaki. Sa Lapu-Lapu City taon taon na may celebrasyon na tinatawag
nila Kadaugan sa Mactan na sa Mactan Shrine natin matatagpuan.

Sa pag aaral, ang Lapu-Lapu City, Cebu kung saan matatagpuan natin ang Baranggay
Marigondon na mayaman sa kaysaysayan ng Cebu dahil dito nagmula si Datu Lapu-Lapu na
siyang unang Pilipino na tumalo at nagtaboy sa mga mananakop na Espanyol noong ika-15 na
siglo. Ang Lapu-Lapu City ay ipinangalan mula kay Datu Lapu-Lapu, ang unang bayani ng
Pilipinas. Ang Marigondon ay natatanging baranggay ng Lapu-Lapu City na pinaka malapit sa
dagat. Ito ang isinagawang pag aaral dahil gusto pa naming malaman ang impormasyon tungkol
sa magagandang tanawing pandagat ng Baranggay Marigondon.

Ang Baranggay Marigondon ay meron ding maipagmamalaking tanawin kagaya ng Mar


Beach at Vaño Beach. Doon makikita natin ang napakalawak na karagatan na nakapalibot sa
lungsod. Ang napakaganda at preskong kapaligiran. Mapuputi ang buhangin at higit sa lahat
dinarayo ang mga paliguan dahil sa magagandang tanawin. Mar beach resort isa na ito sa kilalang
pang publikong paliguan na may magandang tanawin din at meron din pribadong beach resort na
matatagpuan natin sa Marigondon ito ay Vaño beach resort halos isang kilometro lang ang pagitan
ng dalawang beach resort.

Pang publiko at pribadong beach resort na may iba’t-ibang magagandang tanawing taglay
na babalik balikan ng mga tao o turista. Hindi lang dagat ang matatanaw kundi ang iba’t ibang
magagandang tanawin sa paligiran at iba’t ibang tao na makakasalamuhak o makikilala dito na
masasabi talagang ‘ It’s more fun in the Philippines ’
Balangkas Teoritikal / Konseptuwal

Teoryang Sosyolohikal
Ang pananaw na ito ay nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao, dahil dito ang tao ang sentro ng
daiigdig, ang sukatang bagay at panginoon ng kanyang kapalaran.

 Pananaw Sosyolohikal

1. Ang indibidwal na pagsusuri ng akda ay nagkakaroon ng higit na matibay na kapit sa


ugnayang namamagitan sa buhay ng mga tauhan at ng mga puwersa ng lipunan o uniiral
na suliraning panlipunan.

2. Ang tao at ang kanyang mga saloobin at damdamin ang naging pangunahing pakra
rito.

3. Pinahahalagahan ang kalayaan at isipan, ang ganap na kagalingan ng henyo, at mga


natatanging talino at kakayahan ng tao at kalikasan.

Ang konseptuwal na pag aaral ay isinagawa ng mag aaral tungkol sa nalalaman o inaalam
tungo sa mga mag aaral para magkaroon ng ideo o kaalaman at magkaroon ng impormasyon
ukol sa mga magagandang tanawin dagat o beach resort.

Layunin ng Pag aaral

Kaya’t sa pag aaral na ito, narito ang ilang mga datos na dapat malaman upang
magkaroon ng sapat na kaalamanan ang mga mamamayan ukol sa pang publiko at pribadong
beach resort ng Marigondon. Narito ang ilang gabay at layunin sa pag aaral na ito. Layunin ng
pag aaral na ito na magkaroon ng ideya ang mamayan ukol sa mga magandang tanawin ng
Marigondon. Malaman kung ano ang pinagkaiba ng pang publiko at pribadong dagat o paliguan.
Nais ng mga mananaliksik na malaman ang mga kasagutan sa mga sumusunod na katanungan:

1. Anong pinagkaiba ng pang publiko at pribadong beach resort o paliguan?


Kahalagahan ng Pag aaral

Sa pag aaral na ito malalaman kung sino – sino ang makakikinabang nito.

SA MGA MAG-AARAL: Ang datos na makukuha sa pag-aaral na ito ay makatutulong sa


paglinang ng kaalaman ng mga kabataan at upang mabigyan nila ng halaga ang ating mga kultura
at tradisyon.

SA MGA GURO: Magamit ng isang propesor sa pagpapaibayo ng mga kaalaman ng mga mag-
aaral. Makatulong rin ito sa pagbibigay kasagutan sa mga katanungang naglalaro sa isipan ng mga
estudyante.

SA MGA TURISTA: Ang turismo ay napakahalaga sa ekonomiya ng isang bansa. Bukod sa


salaping ipinapasok ng mga turista, ito ay nagbibigay ng hanapbuhay sa mga lokal na
mamamayan ng isang bansa sa industriyang serbisyo.

Saklaw at Limitasyon

Sinasaklaw nito ang pagkakaiba ng pang publiko at pribadong beach resort o paliguan ng
Marigondon. At kung ano ano ang kalamangan nito at pag aaral sa magagandang tanawin.
Pananaliksik at pag aaral ng mga mag aaral na pwede makuha o malaman na impormasyon.
Depinisyon ng Terminolohiya

Upang mabigyang linaw at mas mapaigi pa ang kaalaman sa pag aaral na Ito, ang mga
sumusunod na salita ay binigyang kahulugan;

KULTURA- Ito ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng mga tao .kabilang na Dito


Sining ,wika ,musika at kasama na rin ang paninirahan ,pananamit kaugalian ,tradisyon at mga
mahahalagang moral ng mga tao. Ang kultura ay Sining ,literatura ,paniniwala at kaugalian ng
isang pangkat ng mga tao .

TURISTA- Ito ay ang mga taong dumarayo sa hindi nila ka lugar , kagaya na lamang ng
amerikano turista sila na dumayo sa Pilipinas na kung saan sila ay mamamasyal sa lugar na may
magagandang tanawin.

TRADISYON - Ito ay ang mga koleksyon ng mga paniniwala , opinion , kustoms mga
kwento, alamat , kultura at pamantayang panlipunan na karaniwang isinasalin mula sa isang
henerasyon papunta sa panibagong henerasyon.

PAGSUSURI - Ay ang pag aaral o pag oobserba upang mapag aralan at mabigyang
kasagutan ang prblema . Ito ay isang pangkap na ginagamit sa pananaliksik.

You might also like