You are on page 1of 2

Pangalan____________________________ Petsa: __________________

Pangkat:____________________________ Marka:_________

Araling Panlipunan 4
Q1- Week -7
Ang Pilipinas ay binubuo ng 7,109 mga pulo na napalilibutan ng iba't ibang bahagi ng anyong
tubig. Matatagpuan ito sa bahagi ng Pacific Ring of Fire sa gitna ng ekwador. Dahil sa pagiging isang
bansang arkipelago maraming likas na yaman na tinataglay ang bansang Pilipinas. Lubos itong mahalaga
dahil dito kinukuha ang lahat ng pangangailangan ng mga tao.
Ang katangiang pisikal na ito ng Pilipinas ang dahilan ng pagiging sagana nito sa likas na yaman.
Ang mga kapakinabangan sa pisikal na katangiang ito ay mahalaga sa pag-unlad ng bansa. Isa ang
Pilipinas sa mga bansang biniyayaan ng Maykapal ng likas na yaman na sadyang maipagmamalaki sa
buong mundo. Ang magagandang
tanawing likas sa Pilipinas ang nagpapalakas at nagpapaunlad sa turismo ng bansa. Ang turismo ay isang
paraan ng panghihikayat sa mga dayuhan na bisitahin at tingnan ang ganda ng bansang Pilipinas. Ang
turismo ay isang bahagi ng ekonomiya ng bansa na may malaking ambag sa pag-unlad nito.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gawin ito sa loob ng 5
minuto.
1. Ano ang pangunahing pakinabang ng pagkakaroon ng Pilipinas ng
iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig?
A. Naging tanyag ang Pilipinas sa ibang bansa.
B. Naging maunlad ang bansa sa larangan ng turismo at ekonomiya
C. Naging matao sa Pilipinas dahil maganda ang mga anyong tubig at lupa
D. Naging mayaman ang Pilipinas dahil sa mga magagandang tanawin
2. Ang mga ilog, dagat, lawa at iba pang anyong tubig ay nagsisilbing
_____________ ng mga Pilipino at mga turista lalo na kung taginit.
A. pasyalan, piknikan
B. dausan ng miting
C. tapunan ng basura
D. dausan ng konsyerto

3. Piliin ang mga pangunahing dahilan kung bakit naaakit ang mga turista na pumunta at manirahan sa
ating bansa?
I. Dahil sa mga likas na yaman ng Pilipinas
II. Dahil sa mga katangiang pisikal ng Pilipinas
III. Dahil sa natural na kagandahan ng Pilipinas
IV. Dahil sa mayamang kultura at tradisyon ng Pilipinas

A. I at II
B. I, II at III
C. II at III
D. I, II, III at IV

4. Sa paanong paraan nakatutulong ang mahahabang bulubundukin


sa mga taong nakatira malapit dito?
A. Nagsisilbing taguan kapag may dumarating na mga kalaban
B. Nagsisilbing tirahan ng mga taong walang matirikan ng bahay
C. Nagsisilbing taguan ng mga tao laban sa mga mababangis na hayop.
D. Nagsisilbing panangga sa mga bagyo ang mahahabang bulubundukin

5. Kung bubuo ka ng konklusiyon tungkol sa kaugnayan ng kaunlaran ng bansa at ng katangiang pisikal


ng Pilipinas bilang isang kapuluan, ano ang maaari mong mabuo?
A. Ang kaunlaran ay nakasalalay sa likas na kapaligiran.
B. Likas na kagandahan ng Pilipinas ang pagiging kapuluan.
C. Ang pagiging kapuluan ng Pilipinas ay nagdudulot ng kaunlaran.
D. Ang pagiging kapuluan ng Pilipinas dulot ay magandang kalakalan.

6. Ang ________ ay isang anyong lupa na binubuo ng malalaki at maliliit na mga


pulo.
A. Kakamidad B. Turismo C. Arkipelago D. Pandemic

7. Nahihikayat natin ang mga __________ upang bumisita sa ating bansa dahil sa
magagandang tanawing dulot ng katangiang pisikal ng ating bansa na
nagiging dahilan sa pag-unlad nito.
A. Turista B. Mangingisda C. Magsasaka D. Karpintero

8. Ito ang gawaing maitutulong ng mga Pilipino upang mapangalagaan ang


katangiang pisikal ng bansa.
A. Paggamit ng plastic at styro na lagayan ng pagkain
B. Pagpapadaloy sa ilog ng mga kemikal mula sa pabrika.
C. Sunugin ang mga basurang plastic at papel sa bakuran.
D. Makilahok sa mga Programang Clean up Drive at Tree Planting ng paaralan o sa barangay.

9. Sa panahon ng Community Quarantine natigil ang pagpasok ng mga mag-aaral. Maraming pananim sa
kanilang bakuran na kay gandang pagmasdan. Ano ang maitutulong ni Jake sa kanyang tatay?
A. Magpalipad ng saranggola
B. Maglaro kasama ang mga kaibigan
C. Maglinis at magdilig sa mga pananim.
D. Alisin ang mga pananim sa bakuran.

10. Ang Banawe Rice Terraces, Mayon Volcano, Chocolate Hills, Hundred Islands ay ilan lamang sa mga
_____________ ng bansa na nakatutulong sa pag-unlad nito dahil sa maraming dumarayong turista rito.
A. Palayan
B. Katangiang pisikal
C. Taniman ng mais
D. Bundok na pumuputok

You might also like