You are on page 1of 22

EPEKTO NG KULTURANG PILIPINO SA MODERNONG

TURISMO:
ISANG PAGSUSURI

Ipinasa kay: Bb. Soliven, Monica B.

Mga mag-aaral na magsusuri:


Antenor, Kaiser Aldrich

De Castro, Micky

Dela Cruz, Jean Wencie

Raquiza, Neil Adrian

Villafuerte, Alyanna

1
2
KABANATA 1

- Suliranin at Kaligiran

1.1 PANIMULA

Ano nga ba ang kulturang Pilipino? Ano ang maaring maging epekto nito

sa modernong turismo ? Ano ang importansya nito sa ating bansa?

Lingit sa kaalaman ng marami, halos 333 taon tayo nasakop ng mga kastila.

Pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng

mga unang mananakop nito noon ang nakaapekto sa ating kultura. Kabilang

na ang ibang mga kaugalian, salita, pananamit ay namana na rin natin sa sa

kanila. Pero ang kanilang pinakamahalagang naambag nila sa kultura natin

ay ang relihiyon na hanggang ngayon ay mahal at pinaniniwalaan ng

nakararami. Ang kultura natin ay napakakulay maraming mga pista,

handaan, at iba pang mga okasyon. Ang kulturang Pilipino sa isang salita ay

masaya.

3
Sa panahon ngayon ay maraming turista ang naghahanap ng kakaiba at bago

sa paningin at panlasa nila, bagay na bagay ang Pilipinas sa mga hinahanap

nila, malamang sila ay mamamangha sa respeto at bait ng mga Pilipino,

diyan tayo kilala, bilang maalaga at maunawain sa mga panauhin natin.

Napakalaki ng epekto ng Kulturang Pinoy sa Modernong Turismo dahil tayo

ay isang tropical na bansa, at yan ang mismong mercado ng modernong

turismo, mga dagat na may puting buhangin at ang init ng panahon.

Napakaimportante ng mga bagay na ito sa ating bansa dahil

makakapagdagdag ng malaking kita ito sa ating ekonomiya at mas gaganda

ang tingin sa ating bansa dahil mas maraming tao na ang makakakilala sa

Pilipinas, hindi lamang sa magagandang lugar, pati na rin sa mga kaugalian

at paniniwala naten.

4
1.2 SULIRANIN

 Paano makaapekto ang kulturang Pilipino sa modernong turismo?


 Bakit makakaapekto ang kulturang Pilipino sa modernong turismo?
 Ano-ano ang epekto ng kulturang Pilipino sa modernong turismo?

1.3 LAYUNIN NG PAG AARAL

a. Pangkalahatan

Magkaroon ng dagdag at bagong impormasyon ang mga lokal sa mga


madalas puntahan ng mga turista. Nais din ng mga mananaliksik na magamit
ito ng mga nag-aaral at interesado sa turismo ng Pilipinas o di kaya’y
magamit ng mga nagtatrabaho sa industriya ng turismo.

b. Tiyak

Isa pang layunin ng mga mananaliksik ay ang matalakay ang pinaka


nakakaapektong aspeto ng kulturang pinoy sa modernong turismo.

1.4 KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Mahalaga ang pananaliksik na ito dahil ito ay maaring makapagbukas ng


mas marami pang oportunidad sa ating bansa, mga trabaho, dagdag na kita
ng ekonomiya, at mas pag ganda ng turismo sa bansa.

Maaaring magbigay importansya din ang pananaliksik na ito sa mga


pilipinong wala gaanong alam sa kasaysayan ng ating bansa, makakatulong
ito sa mag-aaral, at sa mga mismong taong nagtatrabaho sa industriya ng
Turismo.

5
1.5 BALANGKAS TEORETIKAL

“Ang kultura ay nagpapakita ng pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupo


ng mga tao. Dito rin naipapakita ang pagkakaiba-iba ng bawat pangkat. May
kani-kanila silang orihinal na talento sa iba’t ibang larangan.”

(Bernadette Aguilar, 2013)

“Ang turismo ay maaaring ipakahulugan bilang isang akto


ng paglalakbay para sa layunin ng rekreasyon, at ang paghahanda ng
serbisyo para dito. Tinatawag na turista ang sinumang naglalakbay ng 50
milya na layo mula sa kanyang tirahan.”

(World Tourism Organization)

“Ang industriya ng Turismo ay makakapagpataas ng kita ng empleyado at


magsisilbing tulay o daan sa pagbubukas ng marami pang mga trabaho.”

(Barnett, 2010)

6
1.6 BALANGKAS KONSEPTWAL

pananaw
(mag-aaral)

SULIRANIN
(modernong turismo at
kulturang pilipino)

BENEPISYO MGA NAIDUDULOT SA BANSA MASAMA/MABUTI

Pinapakita sa modelong ito ang pananaw ng mga mag-aaral ukol sa nasabing

Suliranin at kung ano ang mga maaring maging epekto nito.

1.7 SAKLAW AT MGA LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay tungkol lamang sa kulturang Pilipino at sa


modernong turismo. Epekto, Kahalagahan, at Importansya Lamang.

Ang pananaliksik na ito ay para sa mga estudyante ng nasa kahit anong antas

o taon ng kolehiyo sa Lyceum of the Philippines University .

Ang pananaliksik ay kasulukuyang nagaganap sa loob ng Lyceum of the

Philippines University.

Ang pananaliksik ay nag-uumpisa ng ikaunang semestre sa pangalawang

taon sa kolehiyo taong dalawang libo’t labing lima. (2015)

7
KABANATA 2
Mga kaugnay na pag-aaral at literatura

2.1 LITERATURANG PANDAYUHAN

Ang turista ay nakatatakas sa kaniyang normal na rutin at naaasikasong


mabuti,

nalilibang, o natututo. Ngunit paano naman nakikinabang ang mga


tagapaglaan ng

serbisyo? Ang internasyonal na turismo ay isang mabisang paraan upang

makakuha ng salaping banyaga. Karamihan ng mga bansa ay


nangangailangan ng

salaping banyaga upang mabayaran ang mga kalakal at serbisyo na dapat


nilang

angkatin.

Sa katunayan, sinabi ng isang ulat ng WTO: “Ang internasyonal na turismo


ang

pinakamalakas na kumita ng salaping banyaga sa buong daigdig at isang

mahalagang salik sa balanse ng kabayaran sa maraming bansa. Ang mga


natanggap

na salaping banyaga mula sa internasyonal na turismo ay umabot sa US$423

bilyon noong 1996, na nakahihigit sa perang tinanggap mula sa pagluluwas


ng mga

produktong petrolyo, sasakyang de-makina, mga kagamitan sa


telekomunikasyon,

8
tela o iba pang produkto o serbisyo.” Sinabi ng ulat ding iyon: “Ang turismo
ang

pinakamabilis na lumalagong industriya sa daigdig,” at kumatawan ito sa

“hanggang 10 porsiyento ng Gross Domestic Product sa daigdig (kabuuang


halaga

ng lahat ng produkto at serbisyo sa isang taon).” Hindi kataka-taka na


karamihan

sa mga bansa, kabilang na ngayon maging ang ilang bansa mula sa dating
Unyong

Sobyet, ang nasa o nagmamadaling pumasok sa internasyonal na industriya


ng

turismo.

Ang kinikita ng pamahalaan mula sa turismo ay ginagamit upang pagbutihin


ang

imprastraktura, maglaan ng mas mataas na antas ng edukasyon, at sapatan


ang iba

pang kagyat na mga pangangailangan ng bansa. Halos lahat ng pamahalaan


ay

nababahala na ang kanilang mga mamamayan ay may hanapbuhay. Ang mga

trabahong naidudulot ng turismo ay tumutulong na masapatan ang

pangangailangang ito.

Upang ilarawan ang maaaring maging epekto ng turismo sa ekonomiya ng


isang

9
bansa, isaalang-alang ang halimbawa ng Bahamas, isang maliit na bansa ng
mga

isla na umaabot sa bukana ng Gulf of Mexico sa pagitan ng Florida, sa


Estados

Unidos, at ng isla ng Cuba. Ang Bahamas ay walang pangmalakihang


negosyo sa

agrikultura at halos walang likas na materyales na ginagamit sa industriya.


Ngunit

ang mga islang ito ay may mainit-init na klima, malilinis na tropikong


baybayin,

maliit na populasyon na may bilang na halos 25,000 palakaibigang tao, at


malapit

sa Estados Unidos—mga katangiang pinagsama-sama upang magkaroon ng


isang

maunlad na industriya ng turismo.

2.2 LITERATURANG LOKAL

Dahilan sa ang ilan sa pinakamalalaking kapakinabangan ng makabagong


turismo

ay nagdudulot ng mga epekto na nagbabanta sa mismong pagpapatuloy nito,


ang

pananalitang madalas na mapakinggan ay ang “turismong napananatili.”

Ipinakikita nito na natatanto ng ilan na ang panandaliang mga


kapakinabangan

mula sa ilang gawain sa turismo na mapagkakakitaan ay nagbabantang


pumatay sa
10
mismong turismo. Ang ilang mahihirap na isyu ay kailangang lutasin upang

patuloy na mapanatili ang industriya.

Ang epekto ng turismo sa kapaligiran, sa katutubong mga kultura, ang


pagiging

magkatugma ng mga tunguhin ng mga resort na nagnanais kumita at ng

napakalalaking resort na ang mga tunguhin ay yaong sa bansa na


sumusuporta

rito—ito ang ilan sa madalas na nagkakasalungatang mga bagay na


kailangang

balansihin sa hinaharap. Nitong kamakailang mga buwan, ang mga


pagkabahala

hinggil sa kaligtasan at katiwasayan ay nagdulot ng malaking kalugihan sa

industriya ng paglalakbay, at ang mga ito ay dapat na lutasin sa kalaunan.


Kung

paano makaaapekto ang mga ito sa pagsulong ng makabagong turismo sa

hinaharap ay malalaman pa.

Sa susunod na magpasiya kang takasan ang iyong regular na rutin at


magrelaks sa

isang resort na malayo sa iyong tinitirhan, marahil ay pahahalagahan mo ang

pangglobong industriyang ito—ang pambansa at pang-internasyonal na


turismo.

11
2.3 PAG-AARAL NA PANDAYUHAN

Tourism is a powerful force in the socio-economic development of many


countries, both

mature industrial economies and developing economies. For more than half
of the 178 nations

represented in the United Nations, tourism is either the first or the second
largest business. With

760 million tourists spending US$800 billion annually, tourism contributes


approximately 15%

to total global GDP and has created 250 million jobs worldwide.

France has the world’s largest tourist market, followed by the United States.
In the US,

tourism is the largest service industry, employing more than six million
people and constituting

slightly more than 6% of GNP. Among European countries, Spain, Italy,


Austria, Hungary,

Britain, Germany, and Switzerland are considered significant tourist


markets. For Caribbean

nations, tourism accounts for more than 70% of jobs and income.

Even in countries that have security problems, tourist arrivals continue to


increase. In

Egypt, gunmen opened fire on tourists in November 1997. After a slight dip
in 1998, tourism

recovered quickly. Tourism accounts for 11% of Egypt’s GDP. Basque


separatists in Spain have

12
killed more than 8,000 people in the last 40 years but tourist arrivals
continue to

increase. Tourism accounts for 19% of its GDP.

In the ASEAN region, visitor arrivals grew at an annual average of 7.6%


from

1991 to 1999. The Asia Pacific region has become the fastest growing region
in the

world

for international tourism. The World Tourism Organization projected


substantial

growth in the region until 2010.

The opportunities that tourism presents encourage entrepreneurship and


stimulate

business. Tourism-related industries spawn or give impetus to other


industries. Hotels,

restaurants, and shops spur the construction industry; restaurants create


demand for farm

products and agricultural produce; and souvenir shops and retail


establishments in the area

promote the handicraft industry. The resultant expansion or improvement in


infrastructure such

as roads, airports, seaports, transportation systems, and in a cleaner


environment bring in foreign

investments in the form of more and better resorts and support amenities like
hotels, restaurants,

and entertainment establishments.

13
Tourism is a key element of the Philippine economy. According to the
World Tourism

Organization, its contribution to the Gross National Product averages 8.8


percent. It brings in the

much-needed foreign exchange into the country. The Philippine Chamber of


Commerce and

Industry (PCCI) highlights tourism as key industry for the country’s


economic development. As

such, it is coordinating the private sector’s initiative and the government


program to leapfrog the

growth of the tourism industry.

The Philippines has timeless competitive advantages. It is near North Asia,


which is

composed of the rich sources of tourists: China, Taiwan, Japan, South


Korea, and Hong Kong.

The country has world-class natural attractions, like the world-famous


Boracay beaches and Taal

Lake.

2.4 PAG-AARAL NG LOKAL

Ang pagsisimula ng Turismo sa bansang Pilipinas ay noon pang Panahon ng

Kastila sa pagdating ni Ferdinand Magellan. Sa pagdaan ng panahon at pag-


unlad

ng transportasyon ay kasamang umusbong ang Turismo ng Pilipinas.

14
Dahil na din sa kadahilanang matatagpuan ang Pilipinas sa Puso ng Asya ay
naging

patok ito sa mga dayuhan sa ibang bansa. Dati pa man ay naghahanap na ng

oportunidad ang mga lokal na mamamayan upang makapaghanapbuhay,


illegal na

nag-aalok ng mga pribadong pamamasyal ang mga Pilipino,

pinaparentahan nila ang kanilangmga pribadong sasakyan at nagsisilbi


bilang mga

‘tour guides’. Dati ay hinahayaan lamang itong gobyerno kahit labag sa


batas. Dito

din nabuo ang salitang ‘colorum’ na ang ibig sabihin ay

ang ilegal na gawain ukol sa pamamasyal.

Walang isatistik rekords na makukuha ukol sa turismo noong bago pa


magsimula

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa pagtatapos ng gyera ay


nagsimulang

maging mas organisado ang Turismo. Sa pagitan ng mga taong 1960’s


hanggang

1970’s ay nakaranas ang Pilipinas ng eco-social crisis, bumagsak ang


ekonomiya

ng Turismo at muli lamang napaunlad noong pinatupad ang Martial Law.

Sa pamamahala ni Pangulong Ferdinand Marcos ay nabawasan ang


pananakot

mula sa mga terorista at ibang mamamayan, at natawag muling isang ligtas


na

15
lugar ang Pilipinas, lalo na ang Maynila na talagang kinagigiliwan di lamang
ng

mga dayuhan ngunit pati na rin ng mga lokal na mamamayan. Noong 1974,

bumuo ang pamahalaan ng mga ahensyang mamamahala at kokontrol dito


tulad ng

‘Philippine Tourist and Travel Association’ at ‘Board of Travel and Tourist

Industry’. Kahit na ganito ay masasabi ng mga eksperto na normal lamang


ang

naging pag-unlad ng Pilipinas at hindi ito kagila-gilalas. Ang Departamento


ng

Turismo ay nag-organisa sa pamamamgitan ng pagpapatupad ng Presidential

Decree No. 1 noong 1972.

Isa sa mga nagpapatuloy ng positibong pag-unlad ay ang Domestikong


Turismo.

Ang Domestikong Turismo ay lumalaki ng 18% bawat taon (Ace Durano,


Tourism

Secretary, 2009)

dahil na din sa patuloy na pagdating ng mga turista mula sa mga bansang


katulad

ng Amerika,Tsina, Russia, Japan at Pransya.

16
Talahanayan 1.1

– Bilang ng mga turistang dumating sa bansa noong mga taong 2008 at


2009 (sanggunian:www.dot.gov.ph)

Ang Pilipinas ay naranko bilang ika-81 sa mga pinaka-aktibo at kompetitiv


na

bansa sa Turismo noong

taong 2008 ngunit sa pagdating ng 2009 ay naging ika-86 na lamang.

Kinikilaladin ang Pilipinas bilang

pinakapopular na destinasyon ng mga dayuhang nais bumisita sa


AsiaPacific.

Narito ang iba pang naging

kasalukuyang ranko ng Pilipinas na nakaaapekto sa nasabing industriya

(World News, 2009) :

Ika-3

– Pinakakaunting kinakailangang papeles upang makapasok sa bansa.

17
Ika-28

– Pinakabukas sa mga kasunduan sa mga serbisyong pang-ere.

Ika-23

– Pinakamaraming World Heritage Sites

Ika-40

– Pinakamaraming kilalang hayop o specie.

Ika-16

– Pinakamabababa at pinakakompetitibong presyo sa mga


serbisyonginiaalay ng industriya ng Turismo.

Ika-113

– Kaligtasan at Seguridad.

Ika-87

– Kalusugan at Kalinisan/Kaayusan

18
Mga Batayang Ginamit sa pagkuha ng literaturang pandayuhan/ lokal at pag-
aaral

na dayuhan/lokal :

 U.N. World Tourism Organization


 Mga Kontribusyon at Epekto ng Turismo Tungo sa Patuloy na Pag-
unlad ng Ekonomiya ng Bansang Pilipinas at ang mga
Pinagdadaanang Suliranin ng Nasabing Industriya ni Bernadette
Cervantes
 Angelo King Institute for Business, Economics, Research, & Devt’
2008

19
KABANATA 3
Disenyo at Metodo ng Pananaliksik

3.1 DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang disenyo ng pag-aaral o ng pananaliksik ay deskriptiv sarbey dahil

naangkop ito sa mga estudyanteng na kumukuha ng kursong turismo.

Tinangka ng pag-aaral na ito na suriin ang kasalukuyang kaalaman, kaisipan,

at pananaw sa mga maaring maging epekto ng kulturang Pilipino sa

Modernong Turismo. Nais rin ng mga

mananaliksik na masuportahan ang mga naunang pahayag sa mga pag-aaral


at

tungkol sa mga epekto ng nasabing usapin.

3.2 RESPONDENTE

Ang mga kalahok sa pananaliksik ay nagmula sa iba’t ibang taon ng mga

mag-aaral sa LPU-Manila na kumukuha ng kursong turismo. Sa mga

respondenteng maaring sumagot sa bawat talatanungan na ipinamahagi ng

mga mananaliksik ay limitado sa mga mag-aaral ng kursong turismo lamang.

Limitado sa limampu (50) ang maaring sumagot sa talatanungan ng mga

mananaliksik.

3.3 INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay kwestyuner o

20
talatanungan na

binigay sa limampung (50) estudyante na kumukuha ng kursong turismo sa

Lyceum Of The Philippines University Manila Campus. Ang talatanungan


ay

binubuo ng 2 katanungan at pinasagutan sa mga respondente. Sinasagot ng


mga

kalahok ang tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng oo , hindi, at pagsagot sa

tanong na bakit. Sa kabuuan ay ginamit ito na instrumento ng mga

mananaliksik dahil makatutulong ito na makakuha ng mga kaukulang datos

pa na makapagsusuporta sa pag-aaral nila.

3.4 PAMAMARAAN/TRITMENT NG DATOS

Ang pamamaraan ng pananaliksik ay nagsisimula sa paggawa ng


talatanungan at

sinundan ng pag edit sa instrumento para mas maging malinaw at angkop

ang bawat katanungang nakalahad sa kwestyuner.

Ang paghingi ng pahintulot sa bawat kalahok ang sumunod. Personal na

pinamahalaanan ng mga mananaliksik ang pagbibigay ng talatanungan sa

bawat kalahok at ibinigay ang tamang panuto sa pagsagot upang makuha ang

nararapat na tugon. Kinalap ang mga instrumento at inihambing ang mga


sagot

ng bawat kalahok at binigyan ng kabuuan ng mga mananaliksik.

21
TRITMENT NG DATOS

Ang istatistikal na tritment na ginamit sa pag-aaral ay pagkuha ng porsyento


o

Bahagdan upang makuha ang resulta ng pag-aaral na ito .

Bilang ng mga sumagot

------------------------------ X 100

bilang ng respondent

22

You might also like