You are on page 1of 11

Mga Akdang Pampanitikan:

Salamin ng Mindanao

Aralin 6 : Pangwakas na Gawain


Proyektong Panturismo

Layunin

✓ Naiisa-isa ang mga hakbang na ginawa sa pananaliksik mula sa napakinggang

mga pahayag (F7PN-Ij-6)

✓ Nasusuri ang ginamit na datos sa pananaliksik sa isang proyektong panturismo

(halimbawa: pagsusuri sa isang promo coupon o brochure) (F7PB-Ij-6)

✓ Naipaliliwanag ang mga salitang ginamit sa paggawa ng proyektong

panturismo (halimbawa ang paggamit ng acronym sa promosyon) (F7PT-Ij-6)

✓ Naibabahagi ang isang halimbawa ng napanood na video clip mula sa

youtube o ibang website na maaaring magamit (F7PD-Ij-6)

✓ Nagagamit nang wasto at angkop ang wikang Filipino sa pagsasagawa ng

isang makatotohanan at mapanghikayat na proyektong panturismo (F7WG-Ij-6)

✓ Tuklasin

Ang Mindanao ay hindi lamang mayaman sa panitikan o mga kwento bagkus

ito’y sagana sa magagandang tanawin at turismo. Iyong tuklasin at panoorin ang isang

episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho: Wow, Mindanao! Mula sa

https://www.youtube.com/watch?v=bwtuluB25n8&t=583s, upang mamangha sa

tanawin ng Mindanao!

Pahina 1 ng 11
1. Ano-ano ang mga lugar na itinampok sa video na iyong pinanood? Ano-ano ang

mga gawain na maaaring gawin sa Mindanao ayon sa video?

2. May mga impormasyon ba tungkol sa Mindanao na ngayon mo lamang

natuklasan matapos panoorin ang video?

3. Paano kaya mas maipakikilala sa buong mundo ang mga magagandang

tanawin sa Mindanao?

Ngayon naman, bilang pangwakas na gawain, ikaw ay gagawa ng isang

proyektong panturismo bilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapaligiran at

turismo ng bansa.

Basahin

Paggawa ng Isang Travel Brochure

Isang uri ng print advertisement ang brochure na madalas gamitin ng mga turista

upang maging gabay sa paghahanap ng lugar na nais nilang puntahan. Tulad ng ibang

uri ng advertisement, kailangan itong paglaanan ng panahon, sapat na detalye, at

masusing paglalagay ng iba’t ibang larawan at disensyo na angkop sa tema at layunin

gagawing brochure.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Travel Brochure:

1. Nakapupukaw-pansin na pabalat – ang pagkakaroon ng malikhain at

magandang pabalat ay nakatutulong upang higit na makuha ang interest ng

mga turista.

2. Alamin ang target audience – mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na

brochure sa pagsasaalang-alang ng pagpili ng mga lugar na maaaring ayon sa

badyet ng mga turista.


Pahina 2 ng 11
3. Payak at malinaw na nilalaman – mahalaga ang travel brochure na may mga

kongkretong detalye. Gayunpaman kailangan itong maging simple upang

madali nila itong maunawaan at hindi magkaroon ng kalituhan sa

pagkakaunawa nila sa nilalaman nito.

Sanggunian: http://www.wikihow.com/Make-aTravel-Brochure

Mga Nilalaman ng Isang Travel Brochure

1. Introduksiyon o panimula na maglalarawan sa lugar ukol sa kasaysayan.

Maaaring gumamit ng iba't ibang tagline o dayalekto na makapupukaw sa

interes ng turista.

2. Lokasyon ng mga prominente o kilalang pasyalan. Higit na magiging madali sa

mga turista ang paghahanap ng mga landmark o tourist spots kung may kasama

itong mapa o paraan kung paano ito pupuntahan. Di dapat makaligtaan ang

paglalagay ng mga lugar na may makatawagpansin na outdoor activities tulad

ng paglangoy, pag-akyat ng bundok, pagsakay sa zipline, at iba pa.

3. Lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga. Ito ang isa sa

pinakamahalagang nilalaman ng brochure na madalas makaligtaan. Marapat

isama sa brochure ang mga lugar na maaaring kainan at naghahanda ng mga

delicacies ng nasabing lugar.

4. Mga larawan ng mga lugar na maaaring pasyalan, kainan, at

mapagpapahingahan. Mas madalas na inuuna ng mga turista ang pagtingin sa

larawan kaysa sa mga detalye, kaya mahalagang sa unang tingin pa lang ay

nakapupukaw na ito ng atensiyon. Higit na makapagbibigay ng ideya sa turista

ang mga larawan na ilalagay sa brochure.

Pahina 3 ng 11
5. Halaga ng transportasyon at iba pang bilihin. Makatutulong ito nang malaki sa

mga turista upang mapaghandaan ang mga maaaring gastusin upang

makapagtabi ng sapat na halaga.

Sanggunian: read.write.think international reading association

Suriin

Basahin at unawain ang sanaysay sa ibaba.

Ako ang Davao: Paraiso at kultura sa gitna ng umaangat na ekonomiya


Zach Nonaillada
Region IX

“Life is here.”

Ako ang lugar na puno ng buhay. Ang lugar na kumakatawan sa parehong

sinauna at makabagong panahon. Ang pook na puno ng kulay, artipisyal man o natural.

Iba’t ibang tao na nagkakaisa para sa ika-uunlad ng siyudad. Higit sa lahat, ako ang

pook na magpapakita sa iyo kung ano ang tunay na kahulugan ng ganda at saya.

Halina’t mamangha sa itinatagong kayamanan ng siyudad ng pag-asa at buhay.

Ako si Davao City, tanyag sa

katagang King City of the South. Oo,

sa akin nagmula ang kauna-

unahang Presidente ng Pilipinas na

mula sa Mindanao. Ako’y itinatag

noong 1903 hanggang 1914 ng

mga Moro, kung kaya’t hindi

nakakapagtakang binubuo ako ng Isang nakatagong paraiso na kilala bilang Island Garden of Samal ay
tanyag sa mala-pulbos nitong buhangin at mala-kristal na dagat. Kuha ni Princess
Gwen Elmidulan

Pahina 4 ng 11
11 tribong namumuhay nang mapayapa at na nabibilang 1,600,000 populasyong

nananahan sa akin. Ako’y itinuturing bilang isang highly urbanized na siyudad at isa rin

sa mga sentro ng komersyo at kaunlaran sa Mindanao. Kaya’t di nakapagtatakang

nagtataasan at nagtatayugan ang mga gusaling nakatayo sa iba’t ibang parte ng

aking kalupaan at maraming sasakyang dumaraan sa aking mga kalye. Nabibilang ako

sa probinsya ng Davao del Sur at nahahati sa tatlong distrito.

Simulan natin sa usapang

pagkain, una na diyan ang mga

pagkaing isdang tiyak na

magdadala sayo sa kaibuturan ng

dagat sa sarap. Kabilang na diyan

ang tuna, pusit, at sari-sari pang

isdang matatagpuan sa lahat ng

sulok ko. Mayroon ding mga kainan, komersyal man o karinderiang sulit sa bulsa at swak

sa iyong panlasa. Prutas ba ang hanap niyo, marami rin ako niyan. Kabilang na riyan

ang saging, langka, durian at iba pa, kung kaya’t hindi maipagkakailang tinawag akong

Fruit Basket of the Philippines.

Pangalawa sa listahan ang mga magagandang pasyalang magbibigay sa iyo

ng kasiyahan at kaalaman tungkol sa akin. Unang-una ang Philippine Eagle Center na

matatagpuan sa Calinan. Sa pasilidad na ito matatagpuan ang 32 na agila kabilang na

ang Pithecophaga jefferyi o mas kilala ng lahat bilang Philippine eagle na klasipikado

na bilang critically endangered o nanganganib nang maubos. Matatagpuan din sa

parke ang ibang hayop kagaya ng mga unggoy at rabbit. Sunod naman ang Davao

Crocodile Park na tahanan ng naglalakihang buwaya. Matatagpuan ang parke sa

Pahina 5 ng 11
Talomo sa sentro pa rin ng Davao. Ilan pa sa mga pwedeng pasyalan ang People’s Park

at mga tanyag na mall.

Higit sa lahat, ‘wag niyong palampasing makapunta sa tanyag na Island Garden

of Samal. Maputi at malapulbos na buhangin. Mala-kristal na dagat na animo’y mang-

aakit sa iyo na maligo. Mga punong nagbibigay silong at mas nagpapaganda sa

kabuuang kapaligiran ng isla. Ang Samal Island ang magbibigay sa iyo ng tunay na

kahulugan ng paraiso. Sabayan pa ng mga atraksiyon kagaya ng kayak riding, island

hopping at iba pa na tuluyang magpapa-in love sa iyo sa isla at tiyak na babalik-balikan

mo.

Kung paalis ka na, marami

akong pabaon sa iyo. Mga

produkto ng durian, mga bag,

damit, at ibang souvenirs na

pwedeng pasalubong sa mga

mahal sa buhay. Pwede ring mag-

uwi ng mga prutas. Maiuuwi rin ninyo

ang mga produkting gawa ng mga grupong etniko, kagaya ng jars, vases at mga

hinabing produkto. Ngunit ang pinakamagandang pabaon ko sa inyo ang mga

alaalang tiyak na magbibigay sa inyo ng mga magagandang impresyon sa akin.

Higit sa lahat, ang pinaka-iingatan kong yaman ay ang mga taong nanahan sa

akin. Mapag-alaga, kalmado at nagpapahalaga sa mga batas at kultura, iyan ay iilan

lamang sa mga katangian ng mga Dabawenyo. Kung kaya’t hindi kataka-takang

napananatili ng mga tao ang aking sinaunang pamamaraan at kultura sa kabila ng

modernong pamumuhay at ekonomiya. Kahit patuloy ang pagdami ng mga

Pahina 6 ng 11
banyagang dumarating at nananahan na sa aking kalupaan, napapanatili pa rin ang

dating kultura ng Davao.

Ako nga ang lugar na puno ng buhay, ang lugar na siyang magbibigay sa iyo ng

mga magagandang alaalang tiyak na hindi maalis sa inyong mga puso. Kulturang

umiiral sa makabagong pamumuhay, mga destinasyon mala-paraiso, mga pagkaing

gumigising sa natutulog na diwa, at mga taong mapag-alaga at may respeto, mga

katangiang kailanma’y ipagmamalaki ko sa inyo at sa mga susunod pang henerasyon.

Kaya’t halina sa kaibuturan ng aking lungsod at lasapin ang bawat sandali. Ako ang

Davao at maipagmamalaki kong ako ang King City of the South.

Gawain

Batay sa sanaysay na iyong binasa, ibigay ang mga impormasyong hinihingi sa

talahanayan.

Davao City

Tagline: 1. ___________________________________________________________

Tribo/Populasyon: 2. ___________________________________________________________

Pagkain: 3. ___________________________________________________________

Pook-pasyalan: 4. ___________________________________________________________

Produkto: 5. ___________________________________________________________

Pahina 7 ng 11
Pagyamanin

1. Pumili ng isang lugar sa Mindanao na nais imong itampok sa iyong travel

brochure.

2. Magsaliksik ng tamang impormasyon tungkol sa lugar na napili.

3. Gawing gabay ang kasunod na rubric sa pagbuo ng iyong travel brochure.

Rubric sa Paggawa ng Travel Brochure

Pamantayan sa Pagbuo ng Travel brochure 5 4 3 2 1

1. Panghikayat ng pamagat/tagline at takip ng brochure

2. Kasiningan ng presentasyon

a. Pang-akit ng lay-out (disensyo, kulay at anyo) at

kaangkupan ng mga larawan

b. Materyales na ginamit

c. Lenggwaheng ginamit

d. Orihinalidad

3. Kahusayan ng pananaliksik

a. Pagtatampok ng mga pook-pasylalan at tourist

destinations (mga anyong lupa at tubig)

b. Pagtatampok ng mga native delicacies

a. Maikling introduksyon/paglalarawan, mapa, paraan at

halaga ng transportasyon, atbp.

4. Kalinawan ng konsepto at tema

b. Pagsusulong ng kulturang Pilipino

a. Panghihikayat sa turismo

5. Kaayusan ng mga pahayag at kawastuan ng gamit ng mga

salita at bantas sa kabuuan

Pahina 8 ng 11
6. Kalinisan

7. Panghikayat ng pamagat/tagline at takip ng brochure

Kabuuang
Mga Puna: _____________________________________________
Puntos: ___________

Interpretasyon:
49 – 60 Napakahusay 13 – 24 Papahusay
37 – 48 Mahusay 1 – 12 Paghusayin pa
25 – 36 Katamtaman
4. Maghanda sa presentasyon ng nabuong travel brochure. Gawing gabay ang

sumusunod na pamanatayan at nilalaman ng paglalahad.

Paglalahad ng Ginawang Travel Brochure

Upang maging sistematiko ang presentasyon, ang sumusunod ang magiging

gabay sa paglalahad:

1. Paglalahad ng introduksyon ng brochure

2. Pagbibigay-kahulugan sa mga terminolohiyang ginamit sa brochure

3. Paglalahad ng pagkuha ng datos at iba pang impormasyon sa brochure

4. Pagpapakita ng ginamit na estratehiya upang maging kaakit-akit ang

ginawang brochure sa mga turista

a. tagline ng brochure

b. mga larawan at disenyo ng brochure

Pahina 9 ng 11
Rubric sa Presentasyon ng Travel Brochure

Pamantayan 7 puntos 6-5 puntos 4-3 puntos Marka


Paglalahad Mahusay ang Maayos ang Hindi maayos ang
pagkakasunod- organisasyon ng paglalahad ng
ng sunod ng mga ideya ngunit may nilalaman, datos at
Nilalaman at ideya, mga bahaging mga terminolohiyang
pagbibigay ng hindi maayos ang ginamit sa brochure.
mga kahulugan sa paglalahad ng
Datos mga datos at ilang mga
terminolohiya, at terminolohiyang
paglalahad ng ginamit. Mabisa
mga datos. ang
Mabisa ang pagkakalahad.
pagkakalahad.
Paraan ng Malikhain at May kakulangan Hindi
mahusay ang sa nakapanghihikayat
Panghihikayat paraan ng pagkamalikhain at hindi kakikitaan ng
panghihikayat at paraan ng pagkamalikhain ang
na ginamit ng panghihikayat nag-uulat.
naguulat. ang nag-uulat.
Anyo at Kilos Maayos ang May kahinaan Mahina ang boses,
tindig, malinaw ang boses, hindi angkop ang
ng Nag-uulat ang boses, maayos ang kasuotan, at kulang sa
angkop ang kasuotan, at paghahanda sa sarili
kasuotan at kakikitaan ng ang naguulat.
kakikitaan ng kakulangan sa
kahandaan ang paghahanda sa
nag-uulat. sarili ang
naguulat.
Paggamit ng Epektibo, Hindi gaanong Hindi nagamit
malinaw, epektibo at nang wasto ang
Biswal angkop, at angkop ang mga biswal. May mga
nakapupukaw ng ginamit na biswal bahagi sa biswal
atensiyon ang ng naguulat. na hindi rin
kagamitang angkop.
ginamit ng
naguulat.
Mga Puna: ____________________________________________________________ Puntos:

_________________________________________________________________________ ________

Pahina 10 ng 11
Pahina 11 ng 11

You might also like