You are on page 1of 4

FILIPINO 7

Modyul ng Pagkatuto Blg. 6

Proyektong Panturismo
Tungkol saan ang modyul na ito?
Alam mo bang ang ating bansa ay mayaman sa iba’t ibang kultura, tradisyon, at wika? Ang
araling ito ay magpapakilala sa iyo ng iba’t ibang kultura at tradisyon na mayroon ang ating
bansang Pilipinas. Halina’t magsimulang maglakbay sa araling ito!

Aralin 1: Proyektong Panturismo

Anong inaasahan mong matutuhan?


 Naipaliliwanag ang mga salitang ginamit sa paggawa ng proyektong panturismo (halimbawa:
ang paggamit ng acronym sa promosyon) F7PT-Ij-6 (DepEd-MELC, DICES)
 Naibabahagi ang isang halimbawa ng napanood na video clip mula sa Youtube o ibang
website na maaaring magamit F7PD-Ij-6 (DepEd-MELC, DICES)
 Nagagamit nang wasto at angkop ang wikang Filipino sa pagsasagawa ng isang
makatotohanan at mapanghikayat na proyektong panturismo F7WG-Ij-6 (DepEd-MELC,
DICES, nF2F)
 Naipapamalas ang “21st Century Skills” sa pamamagitan ng pagiging aktibong kalahok sa
mga gawaing pambansa at pandaigdigan. (DICES)

Aralin 1: Proyektong Panturismo


Ang Pilipinas ay mayaman sa likas na yaman at mga natatanging pasyalan kaya’t masigla ang
ating turismo. Tunay na napakaraming bagay ang maipagmamalaki ng ating bansa. Sa araling ito, sisikapin
nating higit pang hikayatin ang ibang tao na pahalagahan at ipagmalaki ang ating turismo. Simulan na natin
ang pagkatuto!

Pagganyak
PANUTO: Suriin ang larawan. Tungkol saan ang mga ito? Isulat ang iyong kasagutan sa isang
malinis na papel.

Source: https://www.google.com/search?q=kagandahan+sa+mindanao&tbm=isch&chips=q:kagandahan+ng+mindanao,g_1:

1
Anong Gagawin Mo?
Ipagpatuloy na natin ang pagkatuto! Ngayon ay ipaliliwanag mo ang mga salitang ginagamit sa
promosyon. Basahin at unawain ang mga gawain upang masagutan mo ito nang mabuti. Isulat
ang gawain sa isang malinis na papel.
Gawaing Pampagkatuto Blg. 6.1
Pamagat: Promosyon, ipaliliwanag ko!
Kasanayang Pampagkatuto: Naipaliliwanag ang mga salitang ginamit sa paggawa ng proyektong
panturismo (halimbawa ang paggamit ng acronym sa promosyon)
Pagpapahalagang Pagkatuto: Mapanuri at malikhain sa pagbuo ng isang proyektong panturismo
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7

Konsepto ng Aralin:
Malaki ang gampanin ng advertisement sa pagpapalaganap ng turismo sa bansa. Nahahati ito sa
dalawang kategorya: print at electronic media.
Print media- magazine, brochure, at flyers
Electronic media- advertisement sa telebisyon, radio, at Internet

GAWAIN. PANUTO: Tukuyin kung anong produkto o kompanya ang nagtataglay ng mga sumusunod na
“tagline.”
__________1. “We Like to Move it!”
__________2. “May liwanag ang buhay.”
__________3. “Bida ang sarap, langhap sarap.”
__________4. “Hindi lang pampamilya, pang-isports pa.”
__________5. “Nakasisiguro, gamot ay laging bago.”

PAG-UUGNAY. PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Naging madali ba para sa iyo ang pagtukoy kung kaninong produkto o kompanya ang gumagamit
ng mga tagline? Bakit oo? Bakit hindi?
2. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tagline sa promosyon ng isang produkto?
3. Ano ang kaugnayan ng turismo sa advertisement?

Anong Gagawin Mo?


Higit pa nating linangin ang iyong kaalaman sa pagbuo ng proyektong panturismo. Patuloy kitang
ihahanda sa pagbuo ng iyong inaasahang pagganap. Ating ipagpatuloy ang iyong pagtuklas sa iba pang
aralin. Isagawa ang gawain sa isang malinis na papel.
Gawaing Pampagkatuto Blg. 6.2
Pamagat: Magbabahagi ako!
Kasanayang Pampagkatuto: Naibabahagi ang isang halimbawa ng napanood na video clip mula sa
Youtube o ibang website na maaaring magamit
Pagpapahalagang Pagkatuto: Mapanuri at kritikal sa pag-iisip
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7

GAWAIN. PANUTO: Panoorin ang video file na “Biyahe ni Drew- Davao Food Tour” mula sa iyong
flash drive o LMS. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Tungkol saan ang bidyo?
2. Ano ang ginawa ni Drew upang ipakilala ang pinuntahan niyang lugar?
3. Paano hinikayat ng “Biyahe ni Drew” ang mga manonood na puntahan ang lungsod ng Davao?
Magbigay ng halimbawa.

2
Anong Gagawin Mo?
Basahin at unawain ang gawain sa ibaba upang maisagawa mo nang buong husay ang
pagsasanay. Isulat ang gawain sa isang malinis na papel. Simulan na natin ang pagkatuto!
Gawaing Pampagkatuto Blg. 6.3
Pamagat: Ipagmamalaki ko!
Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit nang wasto at angkop ang wikang Filipino sa pagsasagawa
ng isang makatotohanan at mapanghikayat na proyektong panturismo, naipapamalas ang “21st Century
Skills” sa pamamagitan ng pagiging aktibong kalahok sa mga gawaing pambansa at pandaigdigan.
Pagpapahalagang Pagkatuto: Mapanuri at kritikal sa pag-iisip
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7, p. 133-135

GAWAIN A. PANUTO: Basahin at unawain ang “Mga Hakbang at Panuntunan sa Pagsasagawa ng


Makatotohanan at Mapanghiyakat na Proyektong Panturismo” sa pahina 133-135. Pagkatapos, sagutin
ang mga sumusunod na tanong:
1. Bakit mahalagang masunod ang mga hakbang sa pagsasagawa ng proyektong panturismo?
2. Anong kahalagahan ng wikang Filipino sa pagpapalaganap at pagsusulong ng ating turismo?

GAWAIN B. PANUTO: Basahin ang scenario sa ibaba at isagawa ang gawain. (Huwag nang kopyahin
ang scenario at pamantayan.)
Scenario: Bilang isang 21st century learner, ikaw ay lalahok sa isang pandaigdigang kompetisyon kung
saan itatanghal mo ang ating bansa, at ang napili mo ay mayamang kultura, wika, at tradisyon nito.
Ngayon ay guguhit ka ng poster tungkol sa isa sa mga kultura ng bansa. Lagyan ng pamagat ang iyong
bubuuing poster.

Pamantayan Indikasyon Puntos


Nilalaman Naipapakita at nailahad ang kultura at tradisyon 4
ng bansa sa iginuhit.
Kaangkupan ng Maliwanag at angkop ang mensahe sa 4
Konsepto paglalarawan ng konsepto
Orihinalidad Orihinal ang ideya sa paggawa ng poster 4
Pagkamalikhain Gumamit ng tamang kombinasyon ng kulay 4
upang maipahayag ang nilalaman, konsepto, at
mensahe
4- Napakahusay 3- Mahusay 2- Katamtaman 1- Kailangang pagbutihan

JOURNAL:
PANUTO: Basahin at sagutin ang tanong.
Bakit mahalagang tangkilikin ang sariling atin?

Pansariling Pagtataya
Kumusta ang iyong pagtuklas sa kabuuan ng modyul na ito? Ano ang mga nagustuhan mong
gawain? May bagay ka pa bang nais linawin? May tanong pa bang gumugulo sa iyong isipan
tungkol sa ating mga pinag-aralan? Isulat ang iyong mga kasagutan sa isang malinis na papel upang mabasa
ito ng iyong guro. Inaasahan magiging matapat ka upang patuloy kitang magabayan.

3
Pangwakas na Pagtataya
PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Sagutan ang mga ito sa isang
malinis na papel, at sagot na lamang ang iyong ibigay.

I. TAMA O MALI: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI naman kung hindi.
__________1. Ang wikang Filipino ay mahalaga sa pagpapalaganap at pagsusulong ng ating turismo.
__________2. Mahalagang panatilihin ang kagandahan at kultura ng ating bansa upang hindi ito malimutan.
__________3. Ang magazine, brochure, at flyers ay mga uri ng print media.
__________4. Walang papel na ginagampanan ang advertisement sa pagpapakilala ng turismo ng bansa.
__________5. Ang turismo ay ang akto ng paglalakbay sa labas o loob ng bansa para sa layunin ng
paglilibang, pagsasaya, o mga bagay na may kinalaman sa negosyo o komersyo.

II. PAGTUKOY: Tukuyin kung anong produkto o kompanya ang gumagamit ng mga sumusunod na
“tagline.”
__________6. “Pambansang Litsong Manok.”
__________7. “We find ways.”
__________8. “Ang tulay ng Pilipino.”
__________9. “Hindi gawa sa inahing baboy!”
__________10. “Mura, mabilis, walang kuskos-balungos.”

III. PROSESO: Basahin at sagutin ang mga tanong. Gawing gabay ang pamantayan sa iyong pagsasagot.
PAMANTAYAN 4 3 2 1
Nagpapakita ng lubos na Nagpapakita ng pagiging Bahagyang nagpapakita ng Maraming pagkukulang
kahusayan sa pagiging kumpleto sa kumpleto sa mga pagiging sapat sa mga sa nilalaman at
Paglalahad
mga mahahalagang impormasyong mahahalagang tamang impormasyong inaasahang
dapat taglayin, at ang kabuuan ay impormasyong dapat kailangan. impormasyon.
higit pa sa inaasahan. taglayin ng teksto.
Nagpapakita ng kapansin-pansing Nagpapakita ng mahusay Bahagyang nagpapakita ng Mayroon ngunit hindi
kahusayan ang pagkakaisa ng mga na pagkakaisa ang mga pagkakaisa ang mga nagkakaisa ang mga
Pagkakaisa
konseptong inilahad na higit pa sa konsepto at kaisipang konseptong inilahad. konseptong inilahad.
inaasahan. inilahad ng teksto.

1. Bakit mahalagang kilala natin ang bahagi ng turismo ng ating bansa? Patunayan.

2. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipagmamalaki ang pagiging Pilipino mo sa mga dayuhan?
Magbigay ng halimbawa.

Paalaala:
Pagbati sa iyo! Matagumpay mong naisakatuparan ang mga gawain sa kabuuan ng modyul ng
pagkatutong ito! Nawa’y lalo pang umalab ang iyong pagmamahal sa pagkatuto. Sa susunod na modyul,
magbabalik-aral tayo sa mga nagdaang aralin sa unang markahan. Maraming salamat. Paalam!

Walang bahagi ng lathalang ito ang maaaring sipiin, ipamahagi o maipadala sa anumang anyo o sa
anumang paraan nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng may-akda.

You might also like