You are on page 1of 3

Markus Iñigo Yalung Corpuz Araling

Panlipunan PETA Grade 7 Section 6


Gng. Freda Bunag

Ang Siargao ay isang pulo na hugis “patak ng luha” sa Karagatan ng Pilipinas na matatagpuan 800
kilometro sa timog-silangan ng Maynila sa lalawigan ng Surigao del Norte, na matatagpuan sa rehiyon ng
Caraga ng Mindanao, hilagang-silangan ng Mindanao. Ito ay kilala bilang "surfing capital ng Pilipinas" na
may reputasyon sa mga “surfers” sa loob ng Pilipinas at sa eksenang pang-internasyonal.

Mayroon itong malinis na puting tabing dagat at isla, nakamamanghang lagoon, at luntiang puno ng
niyog na nakahanay sa mga kalsada. Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit dapat mong makita ang
kaakit-akit na Siargao.
Sa patuloy na paglaganap ng turismo sa Siargao, marami ang nababahala sa maaring maging epekto nito
sa kalikasan at sa mga mamamayang nakatira rito. Pangunahin dito ay ang polusyon na maaring
magdulot ng pangamba sa mga naninirahan dito at namumuhunan para sa lugar na ito.

1. Paano ninyo mapapanatili ang kagandahan nito?

Katulong ang Lokal na Pamahalaan, volunteers at mga namumuhunan sa Isla ng Siargao,


kinakailangang sama-sama silang magtulungan upang ipagbigay alam sa lahat ng tao rito kasama
ang mga taong naninirahan, turista at kapwa namumuhunan na gawing kaugalian ang sumunod
sa mga patakaran, batas at alituntunin na itinakda ng Lokal na Pamahalaan at ng Department of
Tourism. Ang mga bagay na ito ay nararapat upang mapanatili ang kagandahan ng isang lugar
pati na ang kalinisan. Dahil rito, magiging mas matibay ang isinusulong na turismo sa lugar at di
mapaparis sa ilang mga ‘tourist spots” sa pilipinas na kinakailangan pang dumaan sa
rehabilitasyon. Ipinagtitibay rin ng mga ordinansang lokal at pambarangay ang mga multa sa
sinumang lalabag rito.

Sa mga nabanggit na ito, mapapanatili ang kaayusan lalu na ang kagandahan ng Isla ng Siargao.

2. Paano ma-eenganyo ang mga dayuhan? Anong paraan para mahikayat ang mga taga ibang
bansa na puntahan ang tanawing ito?

Ang Isla ng Siargao ay ang isa sa ipinagmamalaki ng Mindanao, kaya naman marami ang
namuhunan at nagka-interes para palawigin ang turismo rito. Sa tulong ng Lokal na Pamahalaan
at Department of Tourism, lalung nakilala ang Isla ng Siargao. Sa angking kagandahan at
kalinisan ng nasabing isla at magagandang alon, kinilalang “Surfing Capital ng Pilipinas” ang Isla
ng Siargao. Dinarayo ang lugar na ito, hindi lang ng mga pilipino kundi ng mga dayuhan rin. At
dahil dito, malaking tulong ang mga kanilang eksperyensya sa lugar na ito kaya mas lalung
nakilala ang Siargao sa eksenang pang-internasyonal.

Para sa akin, kinakailangan lamang mapanatili ang kaayusan sa lugar na ito upang mas lalu pang
dayuhin ito at mas makahikayat ng mga dayuhan. Sa maayos na patakaran at alituntunin sa
lugar ng isla, malinis at dagdag na pasilidad na pang internasyonal, dagdag pa rito ang mga
konkretong programa ng Lokal na Pamahalaan at Department of Tourism sa Isla ng Siargao para
mas lalu pang makikilala ang Islang Ito ng Siargao.
Ang

You might also like