You are on page 1of 4

PINAKAMALAKING BULAKLAK SA MUNDO NA MATATAGPUAN SA PILIPINAS

Alam niyo ba ang pinakamalaking uri ng bulaklak sa mundo na "Rafflesia" ay


matatagpuan

sa

Southeast

Asia,

kabilang

na

ang

Pilipinas.

Ang Rafflesia ang itinuturing pinakamalaking uri ng bulaklak sa mundo, at ang 10 klase nito ay
sa Pilipinas lang makikita. Wala itong dahon, ugat o puno at dumepende lamang sa isang uri ng
baging

na

kung

tawagin

ay

"Tetrastigma."

Kilala rin bilang corpse flower ang Rafflesia dahil sa mabahong amoy na inilalabas nito na tila
nabubulok na laman. Sa halip na bubuyog ang dumapo sa bulaklak, langaw ang naaakit nito
dahil

sa

kakaibang

amoy.

Ayon kay Dr. Jeanmaire Molina, isang botanist at propesor sa University of Brooklyn, panahon
pa ng mga dinosaurs ay may Rafflesia na. Dagdag pa niya, tanging sa rehiyon ng Southeast Asia
lamang

matatagpuan

ang

nasabing

bulaklak.

Itinuturing critically endangered species ang mga uri ng Rafflesia sa Pilipinas, ayon sa Protected
Areas

and

Wildlife

Bureau.

Sa ngayon, kinikilala ang Pilipinas bilang Rafflesia hotspot sa buong mundo dahil sa dami ng
Rafflesia species na matatagpuan sa bansa. Ilan sa mga bulaklak na ito ay matatagpuan sa
lalawigan ng Quezon, Laguna, Antique, Compostela Valley, Bicol, South Cotabato, Panay,
Kalinga,

at

Quirino.

Sa isang panayam kay Mary Ann Cajano, museum technician sa University of the Philippines
Los Baos Herbarium, ang pinakamalalaking bulaklak ng Rafflesia ay matatagpuan sa mga liblib
na

kagubatan

Samantala,

ang

mas

ng
maliliit

na

Visayas
klase

ng

bulaklak

at
ay

matatagpuan

Mindanao.
sa

Luzon.

Ang Rafflesia arnoldii ng Malaysia ang may hawak ng record bilang pinakamalaking bulaklak,
pumapangalawa rito ang Rafflesia schadenbergiana na matatagpuan naman sa Mt. Apo sa Davao.
Ang pinakamaliit na uri ng Rafflesia ay tinatawag na Rafflesia manillana ay matatagpuan sa
Luzon.
Maaaring umabot sa mahigit tatlong talampakan ang laki nito, habang ang pinakamaliit na uri ay
lagpas

sa

anim

na

pulgada.

Sa nakalipas na sampung taon, halos may nakikitang bagong uri ng Rafflesia sa Pilipinas tauntaon. Sa katunayan, ani Dr. Molina, may pinag-aaralan ang mga siyantipiko na bagong uri ng
Rafflesia na nakita sa Luzon.
http://www.gmanetwork.com/news/story/313775/news/ulatfilipino/pinakamalaking-bulaklak-samundo-na-matatagpuan-sa-pilipinas#sthash.cnTFbMR8.dpuf

ANG MGA PANGUNAHING DIYALEKTO O SALITA NA GINAGAMIT SA PILIPINAS


Alam ba ninyo kung ano-ano ang mga pangunahing diyalekto o salita na ginagamit sa
mga

tahanan

sa

buong

bansa

maliban

sa

ating

pambansang

wikang

Filipino?

Batay sa isinagawang pag-aaral ng National Statistics Office (NSO) sa 2000 Census of


Population and Housing (CPH), lumilitaw na tinatayang mayroong 150 diyalekta at lenggwahe
mayroon

tayo

Pangunahing

ginagamit

sa

sa

mga

Cebuano/Bisaya/Binisaya/Boholano,

tahanan

ang

Pilipinas.

Tagalog,

Ilocano,

at

na

sinundan

ng

Hiligaynon/Ilonggo.

Nasa top 10 naman na gamit sa pakikipag-usap ang Bikol/Bicol, Waray, Kapampangan,


Pangasinan/Panggalato,

Maguindanao

at

Tausug.

Taong 1937 nang itatag ang Institute of National Language, ang kauna-unahang ahensiya ng
pamahalaan na ang tungkulin ay pagyamanin ang pambansang wika ng Pilipinas.
Nalikha

ang

INL

sa

bisa

ng

Commonwealth

Act

No.

184.

Napalitan ang NIL ng Institute of Philippine Languages (IPL) noong Enero 1987 sa bisa naman
ng

Executive

Order

No.

117

ni

dating

Pangulong

Corazon

Aquino.

Pagsapit ng Aug. 14, 1991, ipinasa ang Republic Act No. 7104 upang lusawin ang IPL at
pinalitan ng Commission on the Filipino Language (CFL), na mas kilala rin sa tawag na
Komisyon

ng

Wikang

Filipino

(KWF).

http://www.gmanetwork.com/news/story/531203/news/ulatfilipino/trivia-ang-mga-pangunahingdiyalekto-o-salita-na-ginagamit-sa-pilipinas#sthash.mR0sodMh.dpuf

ANG LALAKING NAGSALBA AT UNANG NAKABASA NG 'NOLI ME TANGERE'


Alam niyo ba na kung hindi dahil sa tulong ng isang kaibigang duktor ni Gat. Jose Rizal
ay baka hindi natin nabasa ang isa sa mga mahalagang obrang nobela na nilikha ng ating
pambansang

bayani

na

may

pamagat

na

"Noli

Me

Tangere."

Taong 1887 nang unang malathala ang 2,000 kopya ng Noli Me Tangere sa Berlin, Germany sa
tulong ng kaibigan ni Rizal na si Dr. Maximo S. Viola, na nakasama nila sa paglilibot sa ibang
bansa.
Nang panahon iyon, problemado si Rizal sa pangtustos para malimbag ang kanyang nobela kaya
pumasok sa isip niya na sirain na lamang ang nagawa na niyang manuskripto o naisulat sa
kamay.
Subalit dahil sumusuporta sa iba pang makabayang personalidad, pumayag si Viola -- isinilang
noong Oktubre 17, 1857 sa San Miguel, Bulacan -- na gastusan ang pagpapalimbag ni Rizal ng
Noli

Me

Tangere.

Bilang pasasalamat ni Rizal, ibinigay niya kay Viola ang galley proofs at ang unang kopya ng

nalimbag na libro, at kumpirmasyon na ito ang unang tao na nakabasa at tumangkilik ng kanyang
nobela.
Pumanaw si Viola sa edad 76 noong Setyembre 1933 sa kanyang bayan sa Bulacan.
http://www.gmanetwork.com/news/story/298537/news/ulatfilipino/ang-lalakingnagsalba-at-unang-nakabasa-ng-noli-me-tangere
UNANG PAROL SA PINAS
Simbulo ng masayang Pasko sa mga Pilipino ang parol. Pero alam niyo ba kung sino ang
pinapaniwalaang

unang

Pinoy

na

gumawa

ng

parol

na

hugis

tala

star?

Sinasabing karaniwang bilog at may maliit na apoy na parang gasera ang mga unang parol na
ginawa

noong

panahon

ng

pananakop

ng

mga

Kastila

sa

Pilipinas.

Dahil wala pang elektrisidad noon, ang liwanag na nagmumula sa mga itinuturing na parol ang
nagsisilbing giya ng mga tao partikular ang mga magsasaka na dadalo sa misa na tinatawag
na

ngayon

na

Simbang

Gabi.

Ang unang parol na hugis tala ay ginawa umano ng isang artisan mula sa San Fernando,
Pampanga

na

si

Francisco

Estanislao

noong

1908.

Hindi katulad ngayon na may mga alambre, ilaw at iba pang matitigas na bagay, ang parol na
ginawa ni Estanislao ay gawa lamang sa patpat ng kawayan at malampot na papel-de-hapon.
http://www.gmanetwork.com/news/story/242270/news/ulatfilipino/unang-parol-sapinas#sthash.YcUcSNkx.dpuf
PINAKAMATAAS NA BUROL SA CHOCOLATE HILLS
Ang Chocolate hills ang isa sa pangunahing atrasyon sa lalawigan ng Bohol. Pero alam
niyo ba kung ilan talaga ang pulutong ng mga burol na ito at saan makikita ang pinakamataas na
burol

upang

matanaw

ang

ganda

ng

tanawin.

Tinatayang 1,268 ang pulutong mga burol na mas kilala sa tawag na Chocolate hills. Nakakalat
pinakamaraming burol sa bayan ng Carmen, Butuan at Sagbayan. Ilan din ang makikita sa bayan
ng

Bilar,

Sierra

Bollones

at

Valencia.

Ang pinakamataas na burol ay tinatayang may taas na 120 meters sa bayan ng Carmen kung saan
nakatayo ang Chocolate Hills Complex. Sa taas ng burol na ito, makikita at pwedeng bilangin
mula

sa

tuktok

ang

iba

pang

burol.

Ang mga burol ng Chocolate hills ay gawa sa limestone taliwas sa alamat na may dalawang
higante na nagbatuhan ng putik kaya nabuo ang pulutong ng mga burol
-http://www.gmanetwork.com/news/story/66208/news/ulatfilipino/pinakamataas-naburol-sa-chocolate-hills#sthash.0tyNoGQ4.dpuf

You might also like