You are on page 1of 5

KABANATA 2

PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang nilalaman ng kabanatang ito ay ang mga datos na kinakailangan upang

malaman ang antas ng kahusayan ng mga mag-aaral sa pagtukoy sa mga uri ng

tayutay gamit ang mga talahanayan at talakayan.

Talahanayan 1
Profayl ng mga Mag-aaral ayon sa Taon
N=125

Taon Bilang Bahagdan


Una 20 16
Ikalawa 44 35.2
Ikatlo 33 26.4
Ikaapat 28 22.4
Kabuuan 125 100%

Ang ikalawang taon ang may pinakamataas na bilang ng mag-aaral na may

bilang na apatnapu’t apat (44) o 35.2%; sa ikatlong taon naman ay mayroong bilang na

tatlumpo’t tatlo (33) o 26.4%; sa ikaapat na taon naman ay mayroong bilang na

dalawampu’t walo (28) o 22.4% at ang may pinakamababang bilang ng mag-aaral ay

ang unang taon na mayroong bilang na dalawampu (20) o 16% lamang. Ibig sabihin

mas maraming nag-enroll noong nakaraang taong panuruan (2021) kaysa ngayong

taon (2022). Ayon sa Childhope Organization, marami ang hindi nakapag-enrol dahil sa

blended learning na dulot ng pandemya sa kadahilanang ang mga magulang ay walang

sapat na pera pambili ng gadyets, walang signal ang lugar, at hirap na makapag-focus

at matuto online.
Talahanayan 2

Antas ng Kahusayan ng mga Mag-aaral sa Pagtukoy sa mga Uri ng Tayutay

N=125

Marka Interpretasyon Bilang Bahagdan

33-40 Mataas ang Kasanayan sa 67 53.6

Pagkilala (MKP)

25-32 Sapat ang Kasanayan sa 20 16

Pagkilala (SKP)

17-24 Katamtaman ang Kasanayan sa 29 23.2

Pagkilala (KKP)

9-16 Mababa ang Kasanayan sa 8 6.4

Pagkilala (MBKP)

0-8 Hindi Sapat ang Kasanayan sa 1 0.8

Pagkilala (HSKP)

Kabuuan 125 100%

Inilahad sa talahanayan 2, na sa 125 na mag-aaral, animnapu’t anim (66) ang

kadalasang nakakuha ng 33-40 o mataas ang kasanayan sa antas ng kahusayan.

Sumunod naman ang katamtaman ang kasanayan sa pagkilala na mayroong

dalawampu’t siyam (29) na mag-aaral na nakakuha ng iskor na 17-24. Sumunod naman

ang sapat ang kasanayan sa pagkilala na may dalawampu’t isa (21) na mag-aaral na

nakakuha ng iskor na 25-32. Sumunod naman ang mababa ang kasanayan sa pagkilala
na may walong (8) mag-aaral na nakakuha ng iskor na 9-16. Samantalang isa (1) lang

ang nagtamo ng hindi sapat ang kasanayan sa pagkilala.

Talahanayan 3

Kaibahan ng Antas ng Kahusayan sa Pagkilala ng mga Uri ng Tayutay at ng Profayl

ayon sa Taon

N=125

Mean

Unang Ikalawang Ikatlong Ikaapat na Decision Interpretation


Taon Taon Taon Taon
23.0 29.3 30.5 35.8 Reject Ho May kaibahan

Inilahad sa talahanayan 3 na hindi tinanggap ang haypotesis sapagkat may

kaibahan ang antas ng kahusayan ng mga mag-aaral sa pagtukoy sa mga uri tayutay

ayon sa taon. Kapansin-pansin na habang tumataas ang taon, ay tumataas rin ang

kanilang kasanayan sa pagkilala sa mga uri ng tayutay. Dagdag pa rito,


KABANATA 3
BUOD NG PAG-AARAL, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Buod ng Kinalabasan ng Pag-aaral

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang matuklasan ang antas ng

kahusayan sa pagtukoy ng mga uri ng tayutay ng mga mag-aaral sa kolehiyo na

kumuha ng kursong Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon Medyor sa Filipino ng

College of Teacher Education sa Bohol Island State University, Candijay Campus sa

unang semestre ng taong panuruan 2022-2023. Hinahangad din ng pag-aaral na ito na

bigyang kasagutan ang mga sumusunod na mga katanungan: 1) Ano ang profayl ng

mga mag-aaral ayon sa taon?; 2) Ano ang antas ng kahusayan ng mga mag-aaral sa

pagtukoy ng mga uri ng tayutay?; at 3) May kaibahan ba ang ang antas ng kahusayan

ng mga mag-aaral sa pagtukoy sa mga uri ng tayutay ayon sa taon?

Ang haypotesis sa pag-aaral na ito ay may kaibahan ang antas ng kahusayan ng

mga mag-aaral sa pagtukoy ng uri ng tayutay ayon sa taon.

Ang ginamit na pamamaraan sa pag-aaral na ito ay ang descriptive-correlational

method. Gumamit ng isang instrumento bilang kasangkapan sa paglikom ng mga datos.

Ang naging respondente ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay ang mga

mag-aaral sa kolehiyo na kumuha ng kursong Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon


Medyor sa Filipino sa na mayroong kabuuang bilang na isangdaan at dalawampu’t lima

(125). Ito ay ang nagmula sa Bohol Island State University-Candijay Campus.

You might also like