You are on page 1of 10

23

Kabanata 3

Disenyo ng Pag-aaral at Metodolohiya

Ang Ikatlong kabanata ay binubuo ng tatlong bahagi:

(1) Layunin at Disenyo ng Pag-aaral; (2) Metodo; (3)

Pagsusuri ng mga Istadistikang mga Datos.

Ang unang bahagi, Layunin at Disenyo ng pag-aaral, ay

nagsasaad ng layunin ng pag-aaral at paglalarawan ng disenyo

ng ginamit sa pagsusuri ng mga datos.

Ang ikalawang Bahagi, Metodolohiya ay naglalarawan ng

mga tagatugon sa kasapi sa pag-aaral, mga kagamitan na

ginamit at mga hakbang na isinagawa para makuha ang mga

datos na kailangan.

Ang ikatlong Bahagi, Istadistika na Pagsusuri ng mga

datos ay nagpapakita ng mga datos at pamamaraan sa pagsusuri

ng mga ito upang masubok ang mga ipotesis na kinilala.

Layunin at Disenyo ng Pag-aaral

Ang pinakapangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay

ang matukoy ang kahusayan sa pagkilala ng mga pang-ugnay at

ang Kakayahan sa Paggamit nito sa Pagbuo ng Sanaysay ng mga


24

Mag-aaral sa Grado 8 ng Manocmanoc National High School na

nakapagpatala Taong Panuruan 2021-2022.

Ang pag-aaral na ito ay ginamit ang survey

correlational na pamamaraan. Ang survey correlational ay

naglalarawan at nagbibigay kahulugan sa mga pangyayari. Ito

ay may kinalaman sa mga kalagayan at kaugnayan sa tiyak na

nangyayari at may kaugnayan sa kasalukuyang pangyayari.

Ayon kay Best na binanggit ni Sina-on (2020), ang

survey correlational ay dinisenyo upang alamin ang isang

kalagayan sa kasalukuyang pangyayari. Ito ay isang

imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay kahulugan

tungkol sa isang bagay o paksa. Ito’y may kinalaman sa mga

kondisyon na may ugnayang nagaganap. Mga gawaing umiiral,

mga paniniwala at mga prosesong nagaganap, mga epektong

nararamdaman o mga kalakarang nililinang. Ito ay dinisenyo

upang mabatid ang iba’t ibang baryabol na magkakaugnay o may

relasyon sa isa’t isa sa target na populasyon.

Ang pamamaraang ito ay angkop sa ginawang pananaliksik

sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa mga

tagatugon.

Sa pag-aaral na ito, ang malayang baryabol ay Kahusayan

sa Pagkilala ng mga Pang-ugnay samantalang ang di-malayang

baryabol ay ang Kakayahan sa Paggamit ng mga Pang-ugnay sa

Pagbuo ng Sanaysay ng mga Mag-aaral sa Grado 8.


25

Ang mga kagamitang pang-istadistika na ginamit sa

pagsusuri ng palarawang datos ay ang frequency count,

percentage mean, standard deviation, T-test for independent

samples at Pearson’ r.

Metodo

Mga Kalahok

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-

aaral sa Grado 8 ng Manocmanoc National High School na

nakapagpatala Taong Panuruan 2021-2022. Sa kabuuan ay may

dalawandaan at walumpu’t tatlo (285) na mag-aaral sa grado 8

ngunit ang mananaliksik ay kumuha lamang ng animnapong (60)

na kalahok gamit ang quota sampling teknik.

Ipinakita sa Talahanayan A na mula sa kabuuang bilang

ng mga mag-aaral sa seksiyong Sapphire na apatnapu’t tatlo

(43), ay kumuha lamang ng sampu(10) na kalahok. Mula sa Jade

na may kabuuang bilang na limampu (50) ay kumuha lamang ng

sampu(10)na kalahok. Mula sa Ruby na may kabuuang bilang na

limampu (50) ay kumuha lamang ng sampu(10) na kalahok. Sa

Tourmaline naman na may kabuuang bilang na apatnapu’t siyam

(49) ay kumuha lamang ng sampu(10) na kalahok. Samantala

Turquoise na may kabuuang bilang na apatnapu’t isa (41) ay

kumuha lamang ng sampu(10) na kalahok. At mula naman sa


26

seksiyong Beryl na may kabuuang bilang na apatnapu’t siyam

(49) ay kumuha lamang ng sampu(10) na kalahok.

Talahanayaan A

Distribusyon ng mga Kalahok

Mga Kalahok Kabuuang Kalahok Sampol na Kalahok

Sapphire 43 10

Jade 50 10

Ruby 50 10

Tourmaline 49 10

Turquoise 41 10

Beryl 49 10

___________________________________________________________
Kabuuan 283 60
___________________________________________________________

Profayl ng mga Kalahok

Ang datos sa Talahanayan B ay nagpapakita na 38 o 63.3%

ng mga kalahok ay lalaki at 22 o 36.7% ay mga babae. Ito ay

nagpapakita na karamihan sa mga kalahok ay lalaki. Ayon

naman sa edad, napag-alaman na 48 o 80% ng mga kalahok ay

nasa edad na 13 taong gulang, 8 o 13.34% ng mga kalahok ay

nasa edad na 14 taong gulang, 2 o 3.33% ay nasa edad na 15

taong gulang, 2 o 3.33 ng mga kalahok ay nasa edad na 16


27

taong gulang. Ito ay nagpapatunay lamang na mas marami ang

kabuuang bilang ng mga kalahok na nasa edad na 13 taong

gulang. Kung pagbabatayan naman ang edukasyong natamo ng

ina, 7 o 11.7% ng mga ina ng mga kalahok ay nagtapos ng

elementarya, 28 o 46.7% ng mga ina ng mga kalahok ay

nagtapos ng sekundarya, 12 o 20% ay nasa antas ng kolehiyo,

at 13 o 21.7% ay nagtapos ng kolehiyo. Ipinapakita nito na

karamihan sa mga ina ng mga kalahok sa grado 8 ay

nakapagtapos lamang ng sekondarya. Mahihinuha rin dito na

mababa lamang ang antas ng edukasyon na natamo ng mga ina ng

karamihan sa mga kalahok. Kung pagbabatayan naman ang

edukasyong natamo ng ama ng mga kalahok, 15 o 25% ng mga ama

ng mga kalahok ay nagtapos ng elementarya, 23 o 38.3% ng mga

ama ay nagtapos ng sekundarya, 9 o 15% ay nasa antas ng

kolehiyo, at 13 o 21.67% ay nagtapos ng kolehiyo.

Ipinapakita naman nito na karamihan sa mga ama ng mga

kalahok na mag-aaral sa Grado 8 ay nakapagtapos lamang ng

sekondarya. Ito ay nagpapakita na mababa lamang ang antas ng

edukasyon na natamo ng ama ng karamihan ng mga kalahok.

Talahanayaan B

Profayl ng mga Kalahok

Baryabol f %
28

Kasarian
Lalaki 22 36.7
Babae 38 63.3
Edad
13 taong gulang 48 80.0
14 taong gulang 8 13.3
15 taong gulang 2 3.33
16 taong gulang pataas 2 3.33
Edukasyon ng Ina
Nagtapos ng elementarya 7 11.7
Nagtapos ng sekundarya 28 46.7
Antas Kolehiyo 12 20.0
Nagtapos ng Kolehiyo 13 21.6
Edukasyon ng Ama
Nagtapos ng elementarya 15 25
Nagtapos ng sekundarya 23 38.3
Antas Kolehiyo 9 15.0
Nagtapos ng Kolehiyo 13 21.7
__________________________________________________________
Kabuuan 60 100
___________________________________________________________

Mga kagamitan ng Pananaliksik

Pagsusulit sa Kahusayan sa Pagkilala ng mga Pang-ugnay.

Ito ay binubuo ng tatlumpung (30) aytem na pagsusulit

sa kahusayan sa pagkilala ng mga pang-ugnay. Binubuo ito ng

iba’t ibang uri ng pang-ugnay na ginamit sa bawat

pangungusap at kinilala ng mga mag-aaral ang mga pang-ugnay

sa pamamagitan ng pagkakahon ng mga ito. Ang pagsusulit ay

personal na ginawa ng mananaliksik sa tulong ng kanyang

tagapayo. Ito ay ginamitan ng iskalang:

Iskala Deskripsyon
24.01- 30.00 Napakahusay
18.01- 24.00 Mahusay
12.01- 18.00 Katamtaman
6.01- 12.00 Kasiya-siya
29

0.00- 6.00 Kailangang Paunlarin

Kakayahan sa Paggamit ng mga Pang-ugnay sa pagbuo ng


Sanaysay.

Upang matukoy ang kakayahan sa paggamit ng mga pang-

ugnay sa pagbuo ng sanaysay, ang mga mag-aaral ay inatasang

sumulat ng isang sanaysay na bubuuin ng isandaan at

limampung (150) salita na nagtataglay ng mga pang-ugnay at

tatlumpung (30) pang-ugnay ang kinakailangang gamitin sa

pagbuo nito. Ang mananaliksik ay naghanda ng isang temang

ginamit sa pagsulat ng sanaysay. Ito ay ang “Kaibahan ng

pag-aaral Ko Noon at Ngayong Panahon ng Pandemya”. Ito ay

ginamitan ng mga sumusunod na pamantayan: I. Nilalaman o

paggamit ng pang-ugnay sa pagsulat ng sanaysay 50% II. Tema

20% III. Istilo o paraan ng pagsulat 15% IV. Pagkamalikhain

15%. Para sa pagmamarka, ito ay ginamitan ng sumusunod na

iskala:

Iskala Deskripsyon

80.01 – 100.00 Napakahusay


60.01 – 80.00 Mahusay
40.01 - 60.00 Katamtaman
21.01 - 40.00 Di-gaanong mahusay
1.01 - 20.00 Nangangailangan ng tulong

Ang mananaliksik ay gumamit ng kagamitang pang-istadistika

sa pagsusuri ng palarawang datos tulad ng frequency count,

percentage mean, standard deviation, T-test for independent

samples at Pearson, r.
30

Pamamaraan sa Pangangalap ng mga Datos

Ang mananaliksik sa pag-aaral na ito ay naglaan nang

sapat na oras sa paggawa ng pag-aaral kalakip ang paghahanda

ng pagsusulit upang matukoy ang kahusayan sa pagkilala ng

mga pag-ugnay at kakayahan sa paggamit nito sa pagbuo ng

sanaysay ng mga mag-aaral sa Grado 8.

Ang mananaliksik ay humingi ng pahintulot sa ulong-guro

ng Manocmanoc National High School upang maisagawa ang mga

pag-aaral na ito. Matapos pumayag ang ulong-guro Humingi

rin ang mananaliksik ng pahintulot mula sa mga magulang ng

mga kalahok at maging sa mga kalahok ay humingi rin ng

pahintulot ang mananaliksik sa pamamagitan ng pagbibigay sa

mga ito ng liham pahintulot. Pagkatapos nito ay gumawa ang

mananaliksik ng pagpili ng mga kalahok sa Grado 8. Nagtakda

ng tiyak na araw ang mananaliksik upang matipon ang mga

tagatugon. Ipinaliwanag ng mananaliksik ang panuto bago

magsimulang sumagot upang masigurong maisasagawa nang tama

ang naturang pagsusulit. Binigyan sila nang sapat na oras

upang masagutan ang mga katanungan.


31

Ang naipong datos ay inanalisa sa tulong ng statistician

upang malaman kung tama at mabigyan ito nang tamang

pagpapakahulugan at pagsusuri.

Mga Kagamitang Pang-istadistika sa Pagsusuri ng mga Datos

Frequency Count. Ito ay ginamit upang matiyak ang

interbal ng bawat iskor batay sa iskala sa pagtatala ng

tugon ng mga tagatugon ayon sa kahusayan sa pagkilala at

kakayahan sa paggamit nito sa pagbuo ng sanaysay ng mga mag-

aaral sa Grado 8.

Mean. Ito ay ginamit upang matiyak ang kaisahan ng

kahusayan sa pagkilala ng mga pag-ugnay at kakayahan sa

paggamit nito sa pagbuo ng sanaysay ng mga mag-aaral sa

Grado 8.

Standard Deviation. Ito ay ginamit upang matiyak ang

kaisahan at katumpakan ng tugon ng mga mag-aaral ayon sa

kahusayan sa pagkilala ng mga pang-ugnay at kakayahan sa

paggamit nito sa pagbuo ng sanaysay ng mga mag-aaral sa

Grado 8.

Pearson’r. Ang pagsubok na ito ay itinakda sa 0.05

alpha na ginamit upang matukoy ang kahusayan sa pagkilala ng


32

mga pang- ugnay at kakayahan sa paggamit nito sa pagbuo ng

sanaysay ng mga mag-aaral sa Grado 8.

You might also like