You are on page 1of 5

Kabanata 3

METODOLOHIYA AT PANGANGALAP NG DATOS

Sa kabanatang ito ay naglalaman ng mga paraang gagawin ng mga

mananaliksik. Nakapaloob dito ang paraan ng pagsasaliksik, tagatugon sa pag-aaral,

instrument ng pag-aaral, Balidasyon ng instrumento, paraan ng paglalaad at paglalapat

ng Istadistika.

Paraan ng Pananaliksik

Kulang pag papaliwanag Ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay gumamit ng


pamamaraang

paglalarawan o deskriptibong pananaliksik at dokumentasyong analisis upang matukoy

ang epekto ng paggamit ng salitang balbal sa kakayahang pangakademiko ng mga

tagatugon kaya naman ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng talatanungan o sarbey

kwestyuner para makalikom ng mga impormasyon at datos ukol sa paksa. Naniniwala

ang mga mananaliksik na angkop ang mga disenyong gagamitin sa pag-aaral upang

ang magiging resulta ay maging batayan sa pag-aaral na isinagawa.

Tagatugon sa Pag-aaral

Kota smapling Ang mga tumugon sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral sa

Senior High School ng Dalubhasaan ng Tomas Claudio taong panuruan 2021-2022.

Ang mga tagatugon ay inilarawan ayon sa kanilang kurso, edad, kasarian, posisyon sa
36

magkakapatid, antas ng pinag-aralan ng magulang, buwanang kita ng magulang at

hanapbuhay ng mga magulang. Sa 812 kabuang bilang ng mga tutugon sa pag-aaral ay

may 200 kabuuang sumagot dahil sa problemang teknikal ng mga tagatugon.

Talahanayan 1
Pangkat Kabuuan ng mga Bilang ng mga tumugon
tutugon
TVL 80 50
HUMMS 158 50
ABM 184 50
STEM 390 50
KABUAN 812 200

Instrumento sa Pag-aaral

Ang talatanungan na gawa ng mananaliksik ay ginamit bilang instrumento para sa

pananaliksik, upang matukoy ang epekto ng paggamit ng mga salitang balbal sa

kakayahang pang akademiko ng mga mag-aaral ng Senior High School sa

Dalubhasaan ng Tomas Claudio. Ang talatanungan na nilikha ng mga mananaliksik ay

kinapapalooban ng tatlong bahagi.

Ang unang bahagi ay naglalaman ng propayl ng mga tagatugon ayon sa kanilang

kasarian, edad, buwang kita ng pamilya, linya ng kursong kinukuha, at hanap buhay ng

mga magulang.

Ang ikalawang bahagi ay ang mga aspeto, ang lawak ng epekto ng paggamit ng

salitang balbal tulad ng personal na pag-uugali, akademikong pagganap at panlipunang

pag-uugali. Ang lahat ng nabanggit na aspeto ay may nakapaloob na tag limang (5)
37

pahayag, ang magiging kabuuan itong labin limang (15). Ang magiging iskor ng bawat

tagatugon ay may kalakip na berbal na interpretasyon.

Iskala Saklaw Berbal na interpretasyon

5 4.5-5.00 (LSA) Lubusang sumasan-ayun


4 3.50-4.49 (SNS) Sang-ayon na sang-ayon

3 2.50-3.49 (SN) Sang-ayon

2 1.50-2.49 (HSA) Hindi sang-ayon

1 1.00-1.49 (LHS) Lubusang hindi sang-ayon

Ang ikatlong bahagi naman ay ang mga suliraning nakaharap ng mga tagatugon
kaugnay sa paggamit ng salitang balbal. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng sampu
(10) maaaring nakaharap na suliranin ng mga mananaliksik sa paggamit ng salitang
balbal.

Ang talatanungang nabuo ay sinagutan ng mga tagatugon sa pamamagitan ng


pag “tsek” nito ng sagot sa bawat aytem.

Balidasyon ng Instrumento

Ang talatanungang binuo ng mga mananaliksik ay binuo sa pamamagitan ng Google

Form at dumaan sa proseso ng balidasyon ng mga nilalaman sa tulong ng Shs

Program, Academic coordinator, Guro sa pananaliksik, Gurong tagapayo at Statistician

kaya’t napagtibay ang talatangunan na binuo dahil sa kanilang mga suhestiyon at

kumento.
38

Pamaraan ng Pag-aaralan

Inilahad dito ang sunod-sunod na hakbang sa pagsasagawa ng

pananaliksik na ito. Ang unang hakbang ay bumuo ng paksa ang mga mananaliksik at

ipinasuri sa mga dalubhasang propesor sa pananaliksik kaya naman ang titulong ito

ang isinagawa ng mga mananaliksik. Ang ikalawang hakbang ay pagsasagawa ng

kabanata 1, kabanata 2 at kabanata 3 na siyang dumaan din sa balidasyon ng mga

dalubhasang propesor. Sa ikatlong hakbang ay pagsasagawa ng talatanungan at

muling ipinasuri sa mga propesor. Matapos ipasuri ito sinimulan na ang pamamahagi ng

mga talatanungan. Ika-apat na hakbang ay matapos makuha ang mga tugon ng mga

tagatugon ay pinasa ang Data Matrix sa statistician. Nang makuha na ang resulta ng

mga datos at impormasyon ay sinimulang gawin ang interpretasyon ng resulta ng pag-

aaral at ito ay nasa loob ng kabanata 4 at sinundan naman ng pagsasagawa ng

kabanata 5. At ang huling hakbang ay pagdepensa at pagsusuri ng kabuang pag-aaral

na isinagaw.

Paglalapat ng Estatistika

Labels of academic performance

Para sa pagsusuri at pagpapakahulugan ng mga datos isinasaalang-alang ang

mga sumusunod na istatiktika na ginamit:


39

Upang matukoy ang propayl ng mga tagatugon batay sa kanilang kurso,

kasarian, edad, posisyon sa magkakapatid, buwanang kita ng pamilya, antas ng pinag-

aralan ng magulang ay ilalapat ang paggamit ng bilang, porsyento at ranggo.

Upang matukoy ang lawak ng epekto ng paggamit ng salitang balbal sa

akademikong pagganap ng mga tagatugon sa Senior High School ay inilapat ang

paggamit ng “weighted mean”.

Upang matukoy kung mayroon bang pagkakaiba sa paggamit ng salitang balbal

sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa Senior High School sa mga aspetong

nabanggit ayon sa kanilang propayl, inilapat ang paggamit ng “One-way Analysis of

Variance” o ANOVA.

Upang matukoy kung mayroon bang pagkakaiba sa paggamit ng salitang balbal

ng mga mag-aaral sa Senior High School sa nabanggit ayon sa akademikong

pagganap, inilapat ang paggamit ang mean at standard deviation.

Upang matukoy ang mga suliraning nakaharap ng mga tagatugon sa pag-aaral

kaugnay sa paggamit ng matatalinhagang mga salita, inilapat ang “weighted mean”.

You might also like