You are on page 1of 5

CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS (STEM)

KABANATA 3

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Disenyo Ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay trabaho ng Etnograpikong

kwantitatibo at Research and Development Method pamamaraan ng

pananaliksik. Ang etnograpiyang kwantitatibo ang gagamitin ng mga

mananaliksik sa pagkalap ng datos na maging angkop sa gagawing pag-

aaral sapagkat naglalaman ito ng numerical na datos na kakailanganin ng

statistikal na pag-aaral. Ito rin ay pag-iimbestiga sa paniniwala, tradisyon

at kaugalian ng mga mamamayan ng Baranggay Butong.

Mga Taga-sagot/ Mga Respondante

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga

piling residente ng Baranggay Butong sa Lungsod ng Cabuyao. Pinili ng

mga mananaliksik ang mga respondente na may edad labingwalo (18)

pataas na ikinasal sa simbahang katoliko. Sapagkat sila ang mayroong

sapat na kaalaman o impormasyon upang masagot ang mga tanong ng

mananaliksik. Kasama rin sa mga respondente ang mga piling guro sa

Filipino ng Cabuyao Integrated National High at Cabuyao Central

Elementary School na sasagot naman sa ebalwasyon ng nabuong epiko.

Profayl Ng Respondente

Ang katangian ng taong kasali sa saliksik ay ang mga

taong base sa kanilang mga kasarian, gulang, kalagayan sa buhay o

status, natapos na pinagaralan.Dahil dito mas makaklasipika ang


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS (STEM) 34


datos na kakailanganin sa saliksik, nang sa gayon ay totoo o malinaw ang

datos na gagamitin.

Instrumentong Ginamit

Ang pangunahing instrument na ginagamit sa pag-aaral

na ito ay talatanungan o tseklis. Ang talatanungang ito ay naglalaman ng

mga baryabol na binubuo ng mananaliksik batay sa inihandang

talatanungan ay isinagawa upang magkaroon ng matibay na batayan ang

pananaliksik hinggil sa kanilang isinagawang pagsusuri. Sa pag-aaral na

ito gumamit ang mga mananaliksik ng journal o mga artikulong may

malaking kaugnayan sa pag-aaral na ito mayroon ding ilang pag-aaral

mula sa internet at iilang mga libro na na makakatulong sa mga

mananaliksik. Ang mga katanungan hinggil sa sarbey ay ginawa ng mga

mananaliksik. Ang mananaliksik ay nangalap ng mahahalagang datos na

kinakailangan para sa pag-aaral na malinang ang kamalayan ng mga

respondente sa paniniwala, tradisyon at kaugalian.

Baliditi ng Instrumento

Ang instrumentong ginamit ay pinabalitahan sa mga

gurong may sapat na kaalaman sa kultura o yung mga paniniwala,

tradisyon at kaugalian ukol sa okasayong kasal, sapagkat sila lamang ang

may kakayahang makapagbalidita sa ginawang pag-aaral. Sinuri ng

mga guro at inayos ang pananaliksik na kakailanganin ng mga

mananaliksik sa pag-aaral.
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS (STEM) 35


Paraan Ng Pagkalap Ng Datos

Sa paksa ng tesis, ang mga mananaliksik ay nagbigay

ng ideya para sa kanilang pagpipiliang pag-aaral. Para naman sa

nilalaman ng tesis, binigyan ang bawat isa ng mga gawain sa bawat

kabanata. Sa pagsagawa ng pag-aaral, nagsagawa muna ang mga

mananaliksik ng mga katanungan na gagamitin para sa pangangalap ng

datos. Kasabay nito ay sumulat sila ng liham para sa Kapitan ng napiling

baranggay. Ang liham ay humihingi ng pahintulot na magsagawa ng

surbey ang mga mananaliksik sa baranggay. Matapos ang paggawa ng

liham, ipinabasa nila ito at nilagdaan upang maging indikasyon na

pumayag ang kapitan ng baranggay na magsagawa ng sarbey ang mga

mananaliksik. Pagkatapos nito ay nagpabalidita ang mga mananaliksik sa

nagawang talatanungan, sa mga gurong may propesyon sa asignaturang

Araling Panlipunan at Filipino. Mapatos ang pagpapabalidita at pagsasa-

ayos ng talatanungan ay nagtungo na ang mga mananalilksik sa

baranggay upang ibigay ang liham sa kinauukulan ng baranggay kung

saan isasagawa ang pag-aaral. Etnograpikong kwantitatibong

pananaliksik ang ginamit ng mga mananaliksik upang makakalap ng mga

impormasyong masusuri na nagbigay suporta sa datos na nakuha mula

sa sarbey. Sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito, naging malaking tulong

ang paggamit ng internet at mga libro para sa pananaliksik ng mga datos.

Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong pag-aaral

bilang diskriptibong pananaliksik at paglalahad ng opinyon sa bawat isa sa


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS (STEM)


36
mga mananaliksik para sa paksang ito, sapagkat mas mapapadali ang

pangangalap ng mga datos. Ang paraang ito ay detalyadong pag-aaral

tungkol sa isang tao o yunit sa loob ng sapat na panahon. Pagkatapos ng

pangangalap ng mga datos, inilahad ng mga mananaliksik ang lahat ng

mahahalagang impormasyon na nakalap mula sa pag-aaral. Gumawa ng

istatistiks ang mga mananaliksik at sinimulan na pag sama-samahin ang

mga naging sagot ng mga respondente.

Pagsusuring Istatistikal

Gumamit ng dalawang pormula ang pag-aaral na ito upang masuri

ang mga datos na nakalap. Ang una ay pagkuha ng porsyento na nalikom

na datos sa pamamagitan ng pagkuha sa kabuuang bilang ng sumagotsa

tiyak na pangkat at hinati iyon sa kabuuang bilang ng pinagsama-samang

kasagutan mula sa iba pang pangkat. Ang kasagutan ay pinaparamisa

bilang na sandaan tulad ng mga sumusunod:

𝑓𝑟𝑒𝑞𝑢𝑒𝑛𝑐𝑦
𝑝𝑜𝑟𝑠𝑖𝑦𝑒𝑛𝑡𝑜 = 𝑥 100
𝑡𝑜𝑡𝑎𝑙 𝑛𝑜. 𝑟𝑒𝑠𝑝𝑜𝑛𝑑𝑒𝑛𝑡𝑒

Ang sumunod naman ay ang weighted mean, gumamit ng

pormulang:

∑ 𝑓𝑥
×=
𝑛
x: is the mean

∑ 𝑓𝑥: is the sum of the product of the frequency and the raw score

𝑛: is the number of respondents


CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS (STEM) 37

Ang sagot ng mga tagatugon ay binigyang-pakahulugan gamit ang

sumusunod na iskala ng Likertz:

Iskala Pakahulugan

4.21- 5.00 Madalas (M)

3.41- 4.20 Di-Masyadong Madalas (DMM)

2.61- 3.40 Minsan (MI)

1.81- 2.60 Bihira (B)

1.00 – 1.80 Di-Kailanman (DK)

Upang masuri ang baliditi ng nabuong Epiko, ginamit din ang

pormula sa pagkuha ng weighted mean at binigyang pakahulugan gamit ang

sumusunod na iskala ng Likertz.

Iskala Pakahulugan

4.21- 5.00 Lubos na Sumasang-ayon (LS)

3.41- 4.20 Sumasang-ayon (S)

2.61- 3.40 Bahagyang Sumasang-ayon (BS)

1.81- 2.60 Hindi Sumasang-ayon (HS)

1.00 – 1.80 Lubos na Di-Sumasang-ayon (LDS)

You might also like