You are on page 1of 11

AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA


PANANALIKSIK

KABANATA III

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng mga estratehiyang inilapat ng mga

mananaliksik upang mainam na makamtan ang ninanais na resulta at mailahad ito ng may

katumpakan batay sa mga nakalap na datos. Ayon sa Business Dictionary (2011), ang

disenyo at paraan ng pananaliksik ay kinapapalooban ng detalyadong balangkas ng mga

kaparaanan at sistema sa isinagawang imbestigasyon. Layunin ng kabanatang ito na

maisakatuparan ang pananaliksik ng may kaayusan at malinaw na pagpapakahulugan.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay may disenyong deskriptibo o Descriptive Research

Design, isang siyentipikong paraan ng pag-oobserba, paglalarawan at pagbibigay

kahulugan sa kalagayan o sitwasyon ng isang napapanahong paksa. Ginamit ang

disenyong ito upang maisagawa ng mga mananaliksik ang wastong paglalarawan na

nakatuon sa kalagayan ng kaalaman ng mga mamamayan ng Barangay Zabali sa pag-

unawa ng natatanging Baybayin. Ilalahad din nito ang kahalagahan ng paggamit at

paglinang ng nasabing sistema ng pagsulat sa makabagong panahon. Ayon kay de Vaus

(2011), malinaw na malalaman ang pokus at haypotesis ng pag-aaral kung maayos na

maisasagawa ang sistema at disenyo nito. Dagdag pa niya, higit na magiging epektibo
24
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

ang pagtukoy sa mga datos na kailangan at ang ebalwasyon nito sa pamamagitan ng

malinis na pagkakalapat ng disenyo ng pag-aaral.

Konseptwal na Balangkas

Upang maayos na ma-organisa ang pananaliksik, ginamitan ito ng gabay na

tinatawag na Input-Process-Output Model (IPO Model). Dito makikita ang mga

isinagawang panuntunan ng mga mananaliksik nang sa gayon ay maging maayos ang

daloy ng pananaliksik. Ang input ay naglalaman ng mga isinagawang paghahanda gaya

ng pagtukoy sa suliranin at mga katanungang makatutulong sa pag-aaral. Kabilang din

dito ang mga datos mula sa mga respondiyente gaya ng edad, kasarian at baitang.

Samantala, sa process naman ay nakalahad ang mga hakbang upang makalap, ma-

organisa at masiyasat ang mga datos gamit ang sistematikal at estatistikal na pamamaraan.

Mula sa mga mekanismong ginamit matutukoy ang kinalabasan o ang output. Sa output

nakapaloob ang naging resulta ng nangyaring pagsusuri ng mga datos at ang mga

natuklasan ng mga mananaliksik ukol sa pag-aaral. Magiging tugon ito sa mga suliraning

inilahad ng mga mananaliksik sa input at sa kabuuan ay maituturing na batayan upang

mabuo ang konklusyon at rekomendasyon sa pag-aaral.

Sa ibaba ay makikita at mababasa ang paradigma ng pananaliksik na naglalahad ng

naging daloy sa pagsasagawa nito.

25
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

INPUT PROCESS OUTPUT

Paglalahad ng Suliranin Assessment Ouput

1. Antas ng kaalaman Paggamit ng


ng mga kabataang disenyong deskriptibo-
mamamayan ng kuwalitatibo,
Barangay Zabali sa talatanungan at
pag-unawa ng Measures of Central
Baybayin. Tendency partikular na Kaalaman sa
2. Epektibong ang mode. Kaugnay kalagayan ng sining ng
midyum o nito, ginamit din ang Baybayin sa
instrumento sa percentage technique makabagong
pagpapalaganap ng upang mailarawan ang henerasyon at mga
kamulatan sa distribusyon ng mga paraan upang muling
Baybayin. nakalap na datos. malinang at maikintal
3. Salik na hadlang sa ito sa mga mamamayan
paglinang o Sa kabuuan, naging lalong higit sa mga
pagkatuto sa pamamaraan ang mga kabataan.
Baybayin. nasabing estatistikang
4. Rekomendasyon kagamitan upang
upang malinang ang bigyang linaw at
kaalaman tungkol kasiguruhan ang
sa Baybayin. interpretasyon ng mga
5. Kahalagahan ng nakuhang
paglinang ng impormasyon.
kaalaman sa sining
ng Baybayin.

Balangkas I. Paradigma ng Pananaliksik

26
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Lokal at Populasyon ng Pag-aaral

Ang mga napiling respondiyente ng pananaliksik na ito ay ang mga residente ng

Barangay Zabali, Baler Aurora. Ginamit ng mga mananaliksik ang Slovin’s Formula

upang matukoy ang sample size o dami ng respondiyente. Kinabibilangan ito ng 270 na

respondiyente upang matuklasan kung ilang respondiyente ang sasagot sa mga

katanungan at upang makakuha ng sapat na datos. Gumamit ang mga mananaliksik ng

Stratified Random Sampling upang maging pantay ang pagkakahati at pangangalap ng

mga datos. Sa pamamagitan ng sampling method na ito, madaling masusuri ang

pagkakaiba-iba ng mga impormasyon batay sa mga katangian ng respondiyente. Ayon

kina Fraenkel, Wallen at Hyun (2012), ang sampling method na ito ay isang proseso kung

saan nahahati sa iba’t ibang kategorya o grupo na nakabatay sa proporsyon ng gagamiting

populasyon. Nagiging kaparaanan ito ng pagpili ng mga respondiyente upang maging

patas ang distribusyon ng mga nakuhang datos. Ang


Slovin’s Formula: �=
1+ � �2
Kung saan:
� = sample size
� = population size
� = margin of error

27
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Instrumentong Ginamit sa Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan bilang instrumento sa pag-

aaral na ito. Ang mga respondiyente mula sa Barangay Zabali, Baler, Aurora ay ang

target na pamamahagian ng nasabing talatanungan. Napili ito ng mga mananaliksik dahil

ang impormasyong kailangang makalap ay maibibigay lamang ng sariling pananaw ng

bawat respondiyente upang malaman ang kanilang kaalam tungkol sa Baybayin. Ang

talatanungan o kwestyoneyr ay isang uri ng instrumento na naglalaman ng hanay ng mga

katanungan na may layunin na makapangolekta ng mga impormasyon mula sa mga

respondiyente (McLeod, 2018). Ang paggamit ng uri ng instrumentong ito ay mas

madaling paraan ng pangongolekta ng sapat na impormasyon para sa pananaliksik dahil

sa hindi ito gumagamit ng maraming oras at naaangkop sa pagkuha ng datos mula sa

maramihang populasyon. Ang ilan sa mga bahagi ng talatanungan ay nasa anyong Likert

Scale, isang instrumento na nagbibigay gabay upang masukat ang mga pananaw,ideya ,

pagpapahaga ng mga respondiyente. Pinili ng mga mananaliksik na gumamit ng

talatanungan na nakasulat sa papel upang mas madaling maipamahagi ito sa mga

respondiyente. Ang mga talatanungan ay maaaring nakasulat sa papel o sa pamamagitan

ng e-mail, depende sa kakayahan o kagustuhan ng mga napiling respondiyente (Ponto et

al.,2010).

28
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Pamamaraan ng Pagtitipon ng mga Datos

Nagsagawa ang mga mananaliksik ng sarbey sa mga kabataang mamamayan na

nakatira sa Barangay Zabali bilang panimula upang malaman ang antas ng kanilang

pagpapahalaga, kamalayan at kaalaman sa pag-unawa ng Baybayin. Ang sarbey ay

naging metodo upang sistematikong makalap ang mga kinakailangang imporamasyon

mula sa isang tiyak na populasyon. Sa pamamagitan ng sarbey madaling makakakuha ng

mga personal na impormasyon ang mga mananaliksik mula sa mga indibidwal na

respondiyente (Check at Schutt, 2012 p.160).

Tritment ng mga Datos

Ang talatanungan ay binubuo ng maikling pagsusulit at mga pagbabalangkas

gamit ang disenyong Likert Scale. Sa unang bahagi, matutukoy ang antas sa pamamagitan

ng pagkompyut sa iskor na may katumbas na interpretasyon. Sa pamamagitan naman ng

Likert Scale, ang mga respondiyente ay pipili depende sa tindi ng kanilang pagsang-ayon

at hindi pagsang –ayon. Ito ay naglalarawan sa lakas o intensidad ng kanilang saloobin na

nakatutulong din upang masukat ang palagay o pananaw ng isang respondiyente

(McLeod, 2018). Ang bawat halaga na matatamo ay may katumbas na interpretasyon at

matitiyak sa pamamagitan ng pagkuha ng weighted mean. Pagkatapos, binatay ito sa

29
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

pamantayan na deskripsyon na tutungo sa malinaw na interpretasyon ng mga datos. Ang

mga ginamit na sukatan ay nakabatay sa napagkasunduan ng mga mananaliksik sa tulong

at gabay ng kanilang gurong tagapayo.

Para sa pagpapakahulugan sa mga natayang puntos sa unang bahagi ng

talatanungan na antas ng kaalaman sa pag-unawa ng Baybayin, ang kasunod na sukatan

ang naging batayan.

Talahanayan 1. Sukatan sa Antas ng Kaalaman sa Pag-unawa ng Baybayin

PUNTOS INTERPRETASYON

0 Hindi alam

1–8 Hindi masyadong alam

9 – 18 Bahagyang alam

19 – 27 Alam

28 – 35 Alam na alam

30
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Para sa pagpapakahulugan sa mga kasagutan sa ikatlong bahagi ng talatanungan na

midyum ng pagkatuto sa Baybayin , ang kasunod na sukatan ang naging batayan.

Talahanayan 2. Sukatan sa Midyum ng Pagkatuto sa Baybayin

HALAGA ISKALA INTERPRETASYON

4 3.25-4.0 Lubos na sumasang-ayon

3 2.50-3.24 Katamtamang sumasang-ayon

2 1.75-2.49 Bahagyang sumasang-ayon

1 1.00-1.74 Hindi sumasang-ayon

31
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Para sa pagpapakahulugan sa kasagutan sa Hadlang sa Paglinang ng Kaalaman sa

Baybayin, ang kasunod na sukatan ang naging batayan.

Talahanayan 3. Sukatan sa Hadlang sa Paglinang ng Kaalaman sa Baybayin

HALAGA ISKALA INTERPRETASYON

4 3.25-4.0 Lubos na sumasang-ayon

3 2.50-3.24 Katamtamang sumasang-ayon

2 1.75-2.49 Bahagyang sumasang-ayon

1 1.00-1.74 Hindi sumasang-ayon

32
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Para sa pagpapakahulugan sa kasagutan sa Rekomendasyon sa Paglinang ng

Kaalaman sa Baybayin, ang kasunod na sukatan ang naging batayan.

Talahanayan 4. Sukatan sa Rekomendasyon sa Paglinang ng Kaalaman sa Baybayin

HALAGA ISKALA INTERPRETASYON

4 3.25-4.0 Lubos na sumasang-ayon

3 2.50-3.24 Katamtamang sumasang-ayon

2 1.75-2.49 Bahagyang sumasang-ayon

1 1.00-1.74 Hindi sumasang-ayon

33
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Estatistikang Ginamit sa Pag-aaral

Gumamit ang mga mananaliksik ng weighted mean upang maging maayos at

madaling makapag-interpret ng datos. Ginamit ito ng mga mananliksik upang mabilis na

mabigyan ng pagsusuri ang mga datos at pagpapakahulugan sa ginamit na instrumento sa

pag-alam antas ng kaalaman ng kabataang mamamayan ng Barangay Zabali patungkol sa

Baybayin. Ang ginamit na pormularyo para sa weighted mean ay:

Weighted Mean

∑��
WM = ∑�

Kung saan:

WM = weighted mean

∑ = kabuuang bilang

w= katumbas na halaga ng bawat sagot

x= bilang ng mga sagot

34

You might also like