You are on page 1of 19

AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA


PANANALIKSIK

KAALAMAN NG MGA KABATAANG MAMAMAYAN NG BARANGAY


SA ZABALI SA PAG-UNAWA NG BAYBAYIN

Isang Pananaliksik na iniharap sa Lupon ng Tagasuri,


Aurora National Science High School bilang bahagi
ng pagtupad sa pangangailangan para sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Julian Jay Cordial


Mary Kirstine Camacho
Kirsti Anne Vedad
Jose Geroldo Custodio
Pitz Jerome Binarao

Marso, 2020

i
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Pagbasa at Pagsuri ng

Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik na ito ay pinamagatang KAALAMAN NG MGA

KABATAANG MAMAMAYAN NG BARANGAY ZABALI SA PAG-UNAWA NG

BAYBAYIN ay iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa Baitang 11 Galileo na

binubuo nina:

Cordial, Julian Jay C. Custodio, Jose Geroldo R.

Camacho, Mary Kirstine Binarao, Pitz Jerome V.

Vedad, Kirsti Anne

Tinatanggap bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Pagbasa at Pagsuri ng

Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

ALBERTINE R. DE JUAN JR.


Tagapayo

_________________
Petsa

ii
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

PASASALAMAT

Lubos na pasasalamat ang aming ipinaaabot sa mga sumusunod na indibidwal at

tanggapan na naging instrumento sa pamamagitan ng kanilang inilaang suporta, gabay at

kontribusyon upang matagumapay na maisakatuparan ang pananaliksik na ito:

Kay G. Albertine R. De Juan Jr. na nagbigay ng tulong para sa pagsasaayos ng mga datos

sa pag-aaral, sa walang sawang pagsasaayos ng papel pananalksik na ito, at pagbibigay ng moral

na suporta bilang gurong tagapayo.

Kay G. Jose Amatorio at sa mga opisyales ng Barangay Zabali na nagpaunlak at

gumabay sa amin upang maging dalisay at organisado ang pag-aaral na isinagawa sa Barangay

Zabali, Baler, Aurora.

Sa aming mga magulang na sina G. Jeoffrey A. Camacho, G. Gideon Q. Cordial, G.

Geroldo R. Custodio, G. Noel Vedad, at G. Pepito P. Binarao na nagpamalas ng kanilang suporta

at malawak na konsiderasyon upang maisakatuparan ang pagsasagawa ng pananaliksik.

Sa mga respondiyenteng mamamayan, sa kanilang buong-pusong pagtugon sa mga tanong na

inihanda ng mga mananaliksik para sa ikakatagumpay ng pananaliksik.

iii
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Sa aming kapwa mananaliksik, na aming nakasama sa hirap at ginhawa na aming

naranasan sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito. Sa pagkakaisa-isa at pagtutulong tulong upang

matapos ito.

Higit sa lahat, sa Poong Maykapal na pumatnubay at nagbigay ng wastong kaisipan sa

amin upang maisagawa ang pag-aaral ng may katiyagaan, kasikhayan, pasensya at pagmamahal.

MGA MANANALIKSIK

iv
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

TALAMBUHAY

Ang unang mananaliksik ay isinilang sa Baler, Aurora noong ika-siyam ng Nobyembre

2002. Ang kanyang mga magulang ay kapwa tubong Baler, Aurora na sina Gng. Cecilia A.

Camacho at G. Jeoffrey A. Camacho. Siya ang bunso sa dalawang magkapatid.

Sinimulan niya ang pormal na pag-aaral sa Paaralang Elementarya Adbentista ng Baler

at nagtapos noong 2015 na may karangalan. Inilaan niya ang kanyang sekundarya sa Mataas na

Paraalang Agham ng Aurora bilang Junior School Completer 2018 na may mataas na karangalan.

Sa kasalukuyan ay nag-aaral sa Mataas na Pambansang Pang-Agham ng Aurora bilang

isang Senior High School. Siya din ay naniniwala na, “Ang taong walang tiyaga, walang yamang

mapapala”.

MARY KIRSTINE AVENILLA CAMACHO

v
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Ang ikalawang mananaliksik ay isinilang sa Casiguran

Aurora noong ika-31 ng Hulyo 2002. Ang kanyang mga magulang ay kapwa tubong Casiguran ,

Aurora na sina G. Gideon Q. Cordial at Gng. Juliet C. Cordial. Siya ang pangalawa sa limang

magkakapatid.

Sinimulan niya ang pormal na pag-aaral sa Paaralang Elementarya Adbentista ng

Casiguran at nagtapos noong 2015 na may karangalan. Inilaan niya ang kanyang sekundarya sa

Mount Carmel College of Casiguran bilang Junior High School Completer na may pinakamataas

na karangalan.

Sa kasalukuyan, siya ay nag-aaral sa Mataas na Pambansang Paaralang Pang-Agham ng

Aurora bilang isang Senior High School. Siya din ay naniniwala na, “Ang tao ay tunay

maibilidad kung siya ay kumikilos tungo sa pag-unlad”.

JULIAN JAY CUSTODIO CORDIAL

vi
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Ang ikatlong mananaliksik ay isinilang sa Baler, Aurora noong ika-5 ng Agosto 2003.

Ang kanyang mga magulang ay tubong Casiguran at Novaliches na sina G. Geroldo R. Custodio

at Gng. Pureza Custodio. Siya ay bunso sa dalawang magkakapatid.

Sinimulan niya ang pag-aaral sa Paaralang Elementarya ng Centro ng Baler at nagtapos

noong 2015 na may karangalan. Inilaan niya ang kanyang sekundarya sa Mataas na Paaralang

Agham ng Aurora bilang Junior High School Completer 2019 na may karangalan.

Sa kasalukuyan siya ay nag-aaral sa Mataas na Pambansang Pang-Agham ng Aurora

bilang isang Senior High school. Siya ay naniniwala na, “ Ang buhay ay isang pananaliksik,

palaging may layunin, suliranin at solusyon .”

JOSE GEROLDO GALVEZ CUSTODIO

vii
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Ang ika-apat na mananaliksik ay isinilang sa Baler, Aurora noong ika-12 ng Oktubre

2001. Ang kanyang mga nagulang ay sina G. Noel Vedad at Gng. Anna Lee Vedad.Siya ay

bunso sa dalawang magkapatid.

Sinimulan niya ang kanyang pormal na pag-aaral sa Viyosh School at nagtapos noong 2015

na may karangalan. Inilaan naman niya ang kanyang sekundarya sa Mataas na Paaralang Pang-

agham ng Aurora na may karangalan.

Sa kasalukuyan ay nag-aaaral siya sa Mataas na Paaralang Pang-agham ng Aurora na nasa

Baitang 11, seksyon ng Galileo. Siya ay naniniwala na, “Ang pagmamahal ng Diyos ay parang

rosaryo, punong-puno ng misteryo”.

KIRSTI ANNE GLEMAO. VEDAD

viii
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Ang ikalimang mananaliksik ay isinilang sa Baler, Aurora noong ika-17 ng Hulyo 2002.

Ang kanyang mga magulang ay kapwa tubong Baler, Aurora na sina G. Pepito P. Binarao at Gng.

Maria Clavel V. Binarao. Siya ay bunso sa dalawang magkapatid.

Sinumulan niya kanyang pag-aaral sa Paaralang Sentral ng Baler at nagtapos noong 2015

at nakakuha ng karangalan bilang isang mapagkakatiwalaan na mag-aaral . Inilaan niya ang

kanyang sekondarya sa Mataas na Paaralang Agham ng Aurora bilang Junior High School

Completer 2019.

Sa kasalukuyan siya ay nag-aaral sa Mataas na Pambansang Pang-Agham ng Aurora bilang

isang estudyante ng Senior High School. Kabilang siya sa organisasyon ng Positron bilang isang

miyembro. Siya ay naniniwala sa kasabihang “Magsalita lamang kung kinakailangan”.

PITZ JEROME VELUZ BINARAO

ix
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

ABSTRAK

CORDIAL, JULIAN JAY C., et. Al, Aurora National Science High Science High

School, Baler, Aurora, Marso 2020, “KAALAMAN NG MGA KABATAANG

MAMAMAYAN NG BARANGAY ZABALI SA PAG-UNAWA NG BAYBAYIN.”

Tagapayo: Albertine R. De Juan Jr.

Ang bansang Pilipinas ay hindi lamang pinagpala sa mga likas na yaman kundi pati na rin sa

kultura, kaugalian at tradisyon na naka-ugat sa mayabong na kasaysayan ng bansa. Isa sa mga ito

ay ang Baybayin, ang lumang sistema ng pagsulat ng mga Tagalog. Ang Baybayin ay naging

instrumento sa pagtatatag ng komunidad ng mga sinaunang Pilipino at pag-usbong ng iba’t ibang

sektor sa pamayanan. Sa unti-unting pag-unlad ng globalisasyon kasabay ng mabilis na pagkalat

ng mga ideyolohiya at samu’t saring impormasyon, madaling natakpan ng anino ng kasalukuyan

ang mga natatanging kultura ng kinalakihang bayan gaya ng nasabing sining. Bagama’t hindi

maiiwasan ang ganitong suliranin lalo na sa modernong panahon, isang malaking tungkulin pa

rin ng mga mamamayan ng isang bansa na panatilihin, palaganapin, at pausbungin ang anumang

x
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

bagay na may mahalagang ginampanan sa pagpapakilala at pagtataguyod ng soberanya at

identidad ng kanilang bansa.

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang sitwasyon ng sistema ng pagsulat na

Baybayin sa pang-unawa ng mga kabataang mamamayan ng Barangay Zabali. Nais nito na

masiyasat ang kamalayan, antas ng kaalaman, at mga suliraning kinakaharap ng nasabing sining

sa perspektibo ng mga murang kaisipan kaalinsabay ng nagbabagong panahon. Sa kabila nito,

ang pokus ng pag-aaral ay mapagtagni-tagni ang kabuuang kahalagahan ng Baybayin bilang

luma ngunit mahalagang aspeto sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan ng Pilipinas. Sa karagdagan,

pakay din ng pananaliksik na muling ipakilala, buhayin at pag-ugnayin ang Baybayin sa isipan

ng mga kabataan na maaring maging tulay sa mabisang pagtataguyod ng maka-Pilipinong

ideyolohiya gaya ng pagmamahal sa sariling kultura ng bansa. Bilang kabuuan, nais ng pag-aaral

na lutasin ang mga suliraning kinakaharap hindi lamang ng mga kabataan kundi pati ng bawat

mamamayang Pilipino-ang unti-unting pagkalimot sa mayamang kasaysayan ng bansa.

Ang mga tiyak na respondiyente ay mga kabataang mamamayan ng Barangay Zabali, Baler,

Aurora na nasa pagitan ng edad na 13 hanggang 19. Batay sa likas ng pag-aaral, sumailalim ito

sa disenyong kuwalitatibo at ginamitan ng stratified random sampling, kung saan nakuha ang

270 na mga respondiyente. Gumamit ng isang talatanungan ang mga mananaliksik bilang uri ng

intrumento sa pagkalap ng mga datos at impormasyon para sa pag-aaral . Ang talatanungan ay

xi
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

naglalaman ng maikling pagsusulit kasama ang iba pang sukatan para sa ebalwasyon. Matapos

ang pangangalap ng mga datos, mabusisi itong inanalisa at binigyan ng interpretasyon.

Mula sa mga nakalap na datos at impormasyon, natuklasan na 123 o 45.56% ng mga

respondiyente ay babae at 147 o 54.44% ay lalaki. Kaugnay nito, 69 o 25.56% ng mga nasabing

respondiyente ay nasa edad na 17 at 72 o 26.67% naman ang nasa Baitang 11. Sa maikling

pagsusulit na kalakip ng talatanungan, 172 o 63.7% ang nakakuha ng puntos na mula isa

hanggang walo na nangangahulugang hindi nila masyadong alam ang topiko. Para naman sa

midyum ng pagkatuto sa Baybayin, natukoy na ang pahayag 5 o “pagkatuto mula sa guro,

kaibigan at kamag-aaral” ang nakakuha ng pinakamataas na weighted mean na

nangangahulugang

Sa pamamagitan ng mga interpretasyon, analisis, at kalkulasyon ng mga nakuhang datos

mula sa mga respondiyente, nabuo ang mga sumusunod na konklusyon: karamihan sa mga

respondiyente ay lalaki, nasa edad na 17 at nasa Baitang 11. Kaugnay naman sa antas ng

kanilang kaalaman ukol sa Baybayin, hindi nila ito masyadong alam. Ang sobrang paggamit ng

social, kawalan ng interes at kasanayan sa paggamit ng alpabetong galing sa mga dayuhan ang

higit na nagiging hadlang sa pagkatuto ng Baybayin. Karamihan sa mga respondiyente ay lubos

na sinasang-ayunan na ang pagsasagawa ng mga interaktibong programa ng pamahalaan na may

layuning itaguyod ang Baybayin. Bilang kabuuan, karamihan sa mga respondiyente ay

nagsasabing mahalagang-mahalaga ang paglinang sa sining ng Baybayin.

xii
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

xiii
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

TALAAN NG NILALAMAN

PAHINA

PAHINANG PAMAGAT i

DAHON NG PAGPAPATIBAY ii

PASASALAMAT iii

TALAMBUHAY v

ABSTRAK x

TALAAN NG NILALAMAN xiv

TALAAN NG MGA TALAHANAYAN xvii

TALAAN NG MGA DAHONG-DAGDAG xviii

TALAAN NG MGA BALANGKAS xix

KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula 1

Layunin ng Pag-aaral 5

Paglalahad ng Suliranin 5

xiv
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Kahalagahan ng Pag-aaral 6

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 8

Depinisyon ng mga Terminolohiyang Ginamit 8

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT

LITERATURA

Banyagang Pag-aaral at Literatura 10

Lokal na Pag-aaral at Literatura 14

KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pag-aaral 23

Konseptuwal na Balangkas 24

Lokal at Populasyon ng Pag-aaral 26

Instrumentong Ginamit sa Pag-aaral 27

Pamamaraan ng Pagtitipon ng Datos 28

Tritment ng mga Datos 28

Estatistikang Ginamit sa Pag-aaral 32

xv
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

KABANATA IV: PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT

INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Kasarian ng mga Respondiyente 34

Edad ng mga Respondiyente 35

Baitang ng mga Respondiyente 36

Antas ng Kaalaman sa Pag-unawa ng Baybayin 37

Midyum sa Pagkatuto ng Baybayin 39

Hadlang sa Paglinang ng Kaalaman sa Baybayin 40

Rekomendasyon sa Paglinang ng Kaalaman sa Baybayin 43

KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON AT

REKOMENDASYON

Lagom 48

Konklusyon 50

Rekomendasyon 51

SANGGUNIAN 53
DAHONG DAGDAG 60

xvi
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

TALAAN NG MGA TALAHANAYAN

TALAHANAYAN PAHINA

1 Kasarian ng mga Respondiyente 34

2 Edad ng mga Respondiyente 35

3 Baitang ng mga Respondiyente 36

4 Antas ng Kaalaman sa Pag-unawa ng 38

Baybayin

5 Midyum sa Pagkatuto ng Baybayin 39

6 Hadlang sa Paglinang ng Kaalaman sa 41

Baybayin

7 Rekomendasyon sa Paglinang ng Kaalaman 44

sa Baybayin

8 Kahalagahan sa Paglinang ng Kaalaman 46

Sa Baybayin

xvii
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

TALAAN NG MGA DAHONG-DAGDAG

DAHONG-DAGDAG PAHINA

1 Liham Pahintulot sa Punong Barangay ng 60


Barangay Zabali
2 Liham sa Paghingi ng Pahintulot sa 61
Pagsasarbey
3 Sarbey-Kwestyoneyr 62
4 Rubriks sa Pag-eebalweyt ng Papel 75
Pananaliksik
5 Rubriks sa Pag-eebalweyt ng Pasalitang 74
Presentasyon
6 Pamantayan sa Pag-eebalweyt ng 70
Papel-Pananaliksik
7 Pamantayan sa Pag-eebalweyt ng Pasalitang 67
Presentasyon

xviii
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

TALAAN NG MGA BALANGKAS


BALANGKAS PAHINA
1 Paradigma ng Pananaliksik 25

xix

You might also like